Chereads / HEART VERSUS MIND / Chapter 4 - CHAPTER 3

Chapter 4 - CHAPTER 3

CHAPTER 3

JAMILL

KANINA NUNG mapasubsob ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak sa akin ni Lampa ay sobrang nagulat talaga ako, tapos ngayon ay lalo pa akong nagtaka ng hilahin niya ang upuan ko. Di pa nga nakaka-recover ang katawan ko sa pagtulak niya dinagdagan niya pa.

Baliw ba 'to?

Iniisip ko kung anong ginawa ko sa kaniya para gawin niya ang mga bagay na yun pero wala naman akong maalala, e hindi ko nga siya kilala e. Di ko tuloy alam kung baliw ba siya o naka-droga, o may saltik lang talaga e, tss.

"Really? Alam mo ng may uupo, pero hinila mo ang upuan niya tapos sasabihin mo hindi mo alam?" ani Miss don kay Lampa.

"S-Sorry Miss.." Tanging sinagot niya kay Miss.

"Umupo ka na." utos sa kaniya ni Miss, saka lumapit sa akin, "Are you okay?" Tanong sa akin ni Miss, kaya tumango na lang ako.

Napasapo pa siya sa noo niya, "God! What happen to the students nowadays.." Saka siya pumunta sa harapan, "Anyways, Everyone Listen!"

Lahat sila ay nagsipag-ayusan na ng upo at tumingin kay Miss, "No more introduction of yourselves, ako na lang ang magpapakilala. I will be your class Adviser and Mathematics Teacher for this year, please bear with me."

Ang lahat ay napa-ohhhhh sa sinabi ni Miss. Mukhang iilan lang ang nagustuhan ang sinabi ni Miss, ngunit ang karamihan ay nadismaya.

Ayaw ba nila maging teacher si Miss? Tss.

Muling natuon ang paningin ko kay Miss ng magsimula na siyang magturo, At di ko maiwasang humanga sa galing ng pagtuturo niya na kahit sabihin pang mahirap ang Math ay parang napapadali niya.

Patuloy akong nakikinig ngunit minsang naaagaw ng atensyon ko ang lalaking nasa likuran ko na dinudunggol ng dinudunggol ang upuan ko.

Ano na naman bang problema nito ni Lampa?

Patuloy parin niyang dinudunggol ang upuan ko na talaga namang umaalis sa pwesto dahil sa lakas niya, kaya inis ko siyang nilingon, at dahil kupal siya nagpanggap siyang walang ginagawa. Inurong ko na lang ang upuan paabante, at tinuloy ang pakikinig.

Ngunit maya maya pa ay sinisipa niya naman ang upuan. Tuwang tuwa pa ang isa niyang kaibigan, pareho silang mukhang timang. Muli ko siyang nilingon, ngunit nagpanggap na naman siya.

Isang-isa na lang.

Nang muli kong maramdaman ang paninipa niya sa upuan ko ay agad kong inangat ito saka pabagsak na binalik sa dating pwesto na naging dahilan para maipit ang paa niyang kanina pang sumisipa.

"Aray!" Nilingon ko siya saka nginisian.

Sige, mang-asar ka lang.

"Montero!" Malakas na sigaw ni Miss, na ikinagulat ng lahat. Nakakatakot naman ang boses niya kapag naninigaw.

"Siya Miss e!" Parang bigla naging bata niyang sumbong habang hinihimas pa ang paa ng isang kamay, at ang isang kamay ay sakin nakaturo.

"Anong meron?" Kahit si Miss ay nagtatakang tinignan to si Lampa. Hindi ko kilala 'tong lalaking 'to, pero ang naiisip kong personalidad niya ay tigasin, di katulad ngayon na parang maiiyak na.

"Siya!" Pagsusumbong niya muli, habang nakaturo pa sa 'kin.

"Ako?" Inosenteng tanong ko, kaya nakita ko kung paano siya mas lalong mamula sa galit.

Pikon!

"Anong nangyari?" Pag-uulit ni Miss sa tanong tila nawawalan na ng pasensya.

"Inipit niya ang paa ko!" Pasinghal niyang sabi, kaya di ko maiwasang matawa sa aking isip.

"At paanong mangyayari yun? Napakalayo niya Montero." Nawawalan na ng gana si Miss magsalita. Hindi agad nakasagot si Lampa, dahil alam niya naman na siya talaga ang nauna.

"Hay nako. Daig ko pa ang nagturo sa Grade 1." Napakamot pa si Miss sa sentido, saka muling bumaling sa amin. "Okay Class, review all the lessons that we discussed, and do the advance reading as well, There will be a graded recitation tomorrow. Class Dismiss."

Pagkadating ng lunch break ay agad na akong tumayo pero nagulat pa ako ng biglang may kumalabit sa akin. Katabi ko siya sa upuan, magandang babae. "Hi!"

"Mm." Tinanguan ko lang siya bilang pag-bati, saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Ako nga pala si Sheena!" Tuwang tuwang pagpapakilala niya pa, kaya napahinto rin ako.

"Hi, Sheena." Simpleng ngiti lang din ang sagot ko sa kanya. Pero nawala din ng mataman niya akong tinititigan na para bang may kailangan pa akong sabihin.

"Hindi ka ba magpapakilala?" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya, kaya agad akong nakaramdam ng konsensya. Hindi naman kasi siya nagsabi na kailangan kong magpakilala e.

"Jam." Tipid kong pagpapakilala.

"Hi, Jam. Are you okay na ba?" Nag-aalala niya pang tanong.

"Ayos na ako."

Ngumiti siya ng malapad, "Great! so, Friends?" Saka niya inilahad ang kamay niya sakin.

Inabot ko naman yun saka tumango sa kaniya, "Mm."

"Sabay na tayo mag-lunch?" Paanyaya niya pa kaya di na rin ako tumanggi pa, dahil mukha naman siyang mabait.

Pagkalabas namin ng classroom ay, agad inangkla ni Sheena ang kamay niya sa braso ko saka ngumiti ng malaki. Hinayaan ko na lang siya.

Pagkatapak pa lang namin sa entrance ng Cafeteria sa di malamang dahilan ay tumahimik, hindi ko alam kung anong dahilan bakit ang sasama ng mga tingin nila sa akin, lalo na yung mga babaeng parang gusto na ako sabunutan.

Ano bang problema nila?

Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at saka na lang dumeretso sa counter para umorder, sa kabilang counter naman pumunta si Sheena, dahil di daw niya feel ang magrice ngayon.

"165 lahat." Anang tindera.

165? Ganito pala kamamahal ang pagkain dito? Tss.

"May problema ba? Baka gusto mo ng magbayad marami pang estudyanteng nakapila." Pagtataray pa ng tindera.

Kinuha ko na ang wallet ko dahil wala naman akong choice, saka siya inabutan ng bayad na puro barya lang.

"Ano yan?" Nakataas pa ang kilay niyang tanong.

"Barya." Kaswal kong sagot, saka ipinagpatuloy ang paglalapag ng barya.

"Yuck! She's so cheap, what's that?"

"Eww."

Hindi ko na lang pinansin ang pag-iinarte ng mga nasa likuran ko, at saka ipinagpatuloy ang paglalapag ng barya.

"Waaaaah!"

"Dito ba sila kakain?"

"Sakin ka na laaaaang!"

Dumagundong ang malakas na hiyawan sa buong cafeteria na para bang merong artistang dumating, di na ako nag-aksaya ng panahon na lumingon at tinapos na lang pagbibilang.

"Ayan, natapos rin.." Reklamo pa ni Aleng tindera, isa pa tong maarte e, kala mo anak-mayaman. "Sandale, sigurado ka bang 165 ito?" Tanong niya pa.

"Edi, bilangin mo ule."

Kinuha ko na ang tray na pinaglalagyan ng pagkain ko at luminga linga na sa paligid upang maghanap ng bakanteng upuan.

Habang naglalakad ako patungo sa may bakanteng upuan, ang lahat ng mga mata nila ay sa akin na naman nakatuon.

Bakit ba mga ganito mga tao dito? Tss.

Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na sa upuan, at inilapag ang tray ng pagkain. Nakita ko pang tumatakbo na sa kinaroroonan ko si Sheena.

"Jam!" Sigaw pa ni Sheena, kaya iminuwestra ko ang upuan sa harapan ko.

"Upo---"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko sa kaniya ay tumilapon na sa akin ang mga in-order kong pagkain dahil may humampas sa lamesa.

"How dare you to sit in my chair!"

Napapikit ako ng mariin dahil ramdam ko na tumutulo sa mukha ko ang sabaw ng calderetang binili ko, ganun din ang kanin na sa tingin ko ay nagkandikit-dikit na sa buhok ko.

Inaano ko ba 'to si Lampa? Nakakailan na 'to e.

Bahagya kong pinunasan ang mukha ko saka tumayo sa harapan niya.

"Hindi ba talaga uso sa iyo ang salitang excuse me? Kasi alam mo tarantado ka e, inaano ba talaga kita?"

Ngumisi siya, "At bakit naman ako mag-eexcuse sa panget na katulad mo?" saka siya sumeryoso, "Sa pagkakaalala ko kasi, teritoryo ko yang upuang kinauupuan mo, o baka gusto mo na naman magpapansin?"

"Teritoryo mo? E bakit nandito sa Cafeteria? Dapat lagi mong dinadala para di maupuan ng iba, o di kaya nilalagyan mo ng malaking karatula diyan oh, lagyan mo ng malaking mukha mo tas lagyan mo pa ng it's my property. Please don't sit."

"Anong sinabi mo?!"

"Napakahaba nun di mo narinig?"

"Jam, let's go na.." Narinig kong saad ni Sheena.

Pero tinignan ko lang ng masama si Lampa, kaya tumingin rin siya sa akin ng masama, "Ano?"

"Matanong ko lang, baliw ka ba?" Hindi ko na mapigilang tanong.

"Ano?!" Nanggagalaiting bulyaw niya pa.

"Miss, tama na.." Ani ng kaibigan niyang isa. "Bro,"

"Tara na, Jam." Ani Sheena.

Bumuntong hininga na lang ako at di na sumagot, nakakapikon talaga siya.

"Hoy! Anong sinabi mo?" Sigaw niya pa.

"Tumigil ka na nga sabi, Xander."

Isang sigaw pa.

"Hoy, bumalik ka dito!"

Walang imik akong bumitaw kay Sheena, saka nagdere-deretso sa kinaroroonan ni Lampa, at tinapon sa kaniya ang natitirang pagkain na nasa mangkok.

"What the hell?!" Sigaw niya pa, pero tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad.

"Tumigil ka na kase!" Sigaw sa kaniya ng kaibigan niyang lalaki.

"Look, tinapunan ako ng babaeng yun!" Sigaw niya uli.

"Ikaw ang naman ang nauna Xander."

"Wow, so mas kinakampihan niyo siya ganon?"

Pagkalabas namin ng Cafeteria doon lang ako nakahinga ng maluwag, napabuntong hininga na lang ako sa mga pinag-gagagawa ng Lampang yun.

Immature.