Chereads / HEART VERSUS MIND / Chapter 5 - CHAPTER 4

Chapter 5 - CHAPTER 4

CHAPTER 4

JAMILL

"SIGURADO KA bang ayos ka lang, Jam?" Ani Sheena habang tinutulungan akong tanggalin ang natitirang dumi sa ulo ko.

Kakatapos ko lang mag-palit ng damit, nagsuot na lang ako ng T-shirt dahil baka may maisipan na namang katarantaduhan yun si Lampa.

Atleast, ready.

"Grabe naman talaga kasi yun si Alexander! Pagpasensiyahan mo na ang ugali nun ah?" Sabi niya pa.

Bumuntong hininga muna ako, bago magtanong, "May saltik ba sa utak ang isang 'yon?"

Tumawa naman siya ng malakas, "Grabe naman yung saltik, galit lang talaga yun sa mundo."

"So, bakit dinadamay niya ako sa galit niya?" nagtataka ko ng tanong.

Paulit-ulit kong iniisip ang mga ginawa ko ngayong araw at wala ni isa sa mga ginawa ko ang naiisip kong pwedeng pagbuntungan niya ng galit.

"Ganiyan talaga ang mga yun, ma-iimpluwensiya kasi silang mga tao kaya ganon." Dagdag niya pa pero di na ako umimik, "Anyways, kanina ko pa napapansin..bakit pala naka-civilian ka instead of school uniform?"

Napatingin naman ako sa kaniya, "Mahal naman ang uniform niyo e, kaya siguro maganda kung magpantalon muna ako."

Napaawang ang bibig, "You can't afford it?"

"Kaya naman, kaso naisip ko pareho din namang damit yan. Saka mas komportable ako sa pantalon kesa sa palda."

Umawang ang bibig niya, "Kaso, ang alam ko required ang mag-school uniform e."

Natawa naman ako ng bahagya, "Wag kang mag-alala, bibili rin naman ako."

Nananatili pa ring nakaawang ang bibig niya tila di makapaniwala, bago itinikom muli saka ngumiti, "Sabagay, may advantage din naman 'yan. Naalala ko nung tinulak ka kanina ni Xander buti na lang naka-pants ka. Kundi nakakahiya yon." Napatingin naman ako sa kaniya sa tinuran niya.

Nakita niya pala iyon?

"Tapos kanina, hinila niya pa ang upuan mo. Grabe!" Napasapo pa siya sa noo niya, mukhang problemadong-problemado. "Immature niya no? Palibhasa mga powerful na mga tao."

"Paano?" Tanong ko pa.

"Mga stockholders yan ng EHA, kaya ganiyan sila kayayabang,"

Stockholders, hmm.

"Saka kilala rin sila dito sa school na leader ng isang gang."

"Gang? You mean, gangster ang mga 'yon?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Oo, alam na alam yun ng lahat kaya takot sa kanila ang lahat ng mga nandito."

"Edi walang nag-rereport sa Dean?"

"Syempre wala, nakakainis diba? Wala kaming magawa." Di na ako umimik saka naghugas na ng kamay sa lababo, at nag-hilamos.

"Tara na, pasok na tayo sa room at baka makasalubong mo pa yun, at pag-tripan ka ule."

Natawa naman ako, "Diba, classmate natin 'yon?"

Napasapo naman siya sa noo niya, "Oo nga pala. Pero alam mo di naman talaga natin kaklase ang mga 'yon e."

Kumunot naman ang noo ko, "Oh?"

"Nilipat sila sa section naten para mabantayan sila ni Miss. Doon lang takot si Xander e."

"So, pasaway talaga ang isang 'yon noon pa man?"

"Sinabi mo pa."

Nagtawanan na lang kami habang palabas ng restroom saka ako muling nagsalita, "Wala ka bang ibang kaibigan dito?"

"Ahm, meron naman kaso mga presidente kasi yung mga kaibigan ko e, kaya wala sila ngayon. Pero, ipapakilala kita sa kanila kapag nakapasok na sila."

Ngumiti na lang ako bilang tugon saka namin ipinagpatuloy ang paglalakad, ngunit napahinto rin ako ng mag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

"Sandali lang Sheena, ah?" Ngumiti naman siya kaya lumayo ako saglit at sinagot ang tawag ni Nick.

"Mill!" Agad niyang sigaw pagkasagot ko.

"Napatawag ka?"

"Of course! Binabaan mo kaya ako ng tawag kanina! Nag-kukuwento pa ako about something e!"

Bigla ko na naman tuloy naalala ang nangyari kanina, tinulak kasi ako ni Lampa kaya pinatay ko ang tawag ni Nick, pero di niya na naman kailangang malaman yun.

"Pasukan na namin e."

"Edi sana nag-bye ka muna diba? Nakakahiya kasi nagsasalita pa ako tapos wala na pala akong kausap!"

"Tss. O sige bye."

"Hoy! Bakit ka nagba-bye?"

"Sabi mo e."

"Mill may sasabihin nga ako!"

"May klase pa ako Nicolas."

"Psh! Ipinagpapalit mo na ako sa pag-aaral mo!"

"Sira, mas importante naman kasi 'to kesa sayo."

"Ouch! Mashaket!"

"Tss. Bye na."

Pinatay ko na ang tawag, at di na hinintay ang sagot niya. Napakakulit talaga e.

"Tara na?" paanyaya ko kay Sheena, kaya isinukbit niya muli ang kamay niya sa braso ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Nalibot mo na ba ang campus natin?" tanong niya pa.

"Di pa e." Tugon ko.

"Tara, punta muna tayo sa Quadrangle,  madali nating makikita ang kabuuan."

Na-cucurious din naman ako sa campus namin kaya di na ako tumanggi pa at nagpahila na kay Sheena.

Pagkarating namin sa gitna ng Quadrangle ng EHA ay totoo ngang matatanawan mula dito ang mga naglalakihang building sa loob ng campus.

Kung titignan ang buong campus, hindi mo iisiping nasa loob ka ng school dahil para na kameng nasa isang city, dahil meron pang mini-mart, mayroong Coffee shop, meron ding mga buildings, na sa tingin ko ay mga office. At mula dito sa gitna ng Quadrangle makikita ang pinakamalaking building na sa tingin ko ay ang office ng Dean. Kahanga-kahanga rin na merong malaking hospital ang EHA.

Nanggaling ako sa SHA, ang South High Academy. Samantalang ang EHA ay ang East High Academy. Ayon sa mga na-search ko parang ang EHA talaga ang pinakamalaki sa apat na High Academy. Iba-iba rin ang mga stockholders sa bawat school. Ang EHA ay mas kilala dito sa Manila dahil sa dito nag-aaral ang mga pinaka-mayayamang mga tao, samantalang sa SHA, doon nag-aaral ang mga estudyanteng may angking talino, mahirap man o mayaman. Sa NHA, o ang North High Academy ayon sa kaalaman ko ay mga magagaling sa sports at mga talented talaga ang mga students dun, pero sila ang parang wala na talaga binabayarang tuition fee. At ang huli, ay ang WHA, West High Academy. Kakambal ng EHA ang turing nila dito, dahil may mga mayayaman din na nag-aaral doon, pero at the same time unlike sa EHA ay meron ding estudiyante roon na hindi ganoon kayayaman.

Ang apat na school ng H.A ay iisa lang din ang owner, pero di daw gusto ng owner na ipakilala sila.

Humble.

"Diba sa South ka nanggaling?" Biglang tanong ni Sheena kaya natapos na rin ang pag-iisip ko.

"Hm." Tugon ko sa kaniya.

"Bakit nag-transfer ka dito sa EHA?"

"Mahabang kwento." Tanging tugon ko, di ko na gustong pag-usapan pa ang dahilan kung bakit.

"Okay." Ngumiti naman siya.

Natutuwa ako sa mga katulad ni Sheena, nagpapasalamat na lang ako at di niya inusisa pa.

Muli kong tinignan ang kabuuan ng EHA, saka naisip ang nangyari sa akin ngayong araw.

Akala ko wala ng mas ilalala ang South, mas malala pa pala dito sa East. Tss.