CHAPTER 9
MELANIE
PAGKABABA KO dun sa sasakyan nung Kanong manyak ay agad na akong dumeretso sa gate ng East High.
Taga-East na ako!
"Excuse me, Ma'am. Nasaan po ang ID niyo?" tanong pa ni kuyang guard.
"Kuya, transferee ako kaya di pa naaayos yun, papasukin mo na ako!"
Mukha namang naniwala na si kuyang Guard kaya pinapasok niya na ako at sa bungad palang ng EHA ay agad na akong humanga.
Doble ang laki nito sa South, at mas malalaki ang building dito, Grabe! Ang astig!
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang binibilang ang mga buildings hanggang sa makarating ako sa Quadrangle, at mas lalo pa akong humanga sa linis ng buong Quadrangle.
Ilan kaya ang naglilinis dito? Hmm.
Umupo muna ako sa gitna ng Quadrangle dahil sa masarap na simoy ng hangin. Maaga pa kasi kaya di pa masyadong masakit sa balat ang araw. Hindi ko na mapigilang humiga sa damuhan dahil sa masarap na pakiramdam.
Tuwang-tuwa pa akong pinag-bubunot ang mga dayami saka pinagbubuhos ito sa kung saan, masaya na sana ako kaso merong isang lalaking nakapameywang sa harapan ko.
"What are you doing?" Pag-iingles na naman ni Kano.
"Bakit ka nandito ha? Sinusundan mo ba ako?!"
"Excuse me? This is where I studies."
Napatingin naman ako sa kabuuan niya, oo nga no? Bakit di ko napansin na pareho pala kami ng uniporme. Pero, bago ko pa man siya masagot ay tumunog na ng malakas ang cellphone ko, with a ringtone, 'Ay ay ay ang galing mong sumayaw ay ay ay ang galing mong gumalaw'
Nilagpasan ko na si Kano at sinagot ko na ang tawag bago pa matapos ang ringtone ko, "Jammy! Baket ka napatawag?"
"Anong bakit? Melanie tanga ka ba?"
"Pick-up line ba yan? O, bakit?"
"Tarantado! Wag mo kong pagmurahin dito, pumasok ka na at malapit na ang teacher natin."
"Oh? Pasabi hintayin niya ako."
"Siraulo."
Natawa na lang ako sa sinabi niya, saka pinatay na ang tawag at nagmamadali ng nagtungo kung saan.
Saan pala ang room namin?
Tatawagan ko sana si Jam ule ng mag-vibrate na ang phone ko, with a ringtone, 'Melanie may nag-text'
Natawa ako ng malakas ng marinig yung boses ni Jam na siyang ringtone ko.
From: Kasangga
Ubos na pantawag ko, tumawag ka.
Nagreply ako.
To: Kasangga
Edi i-text mo na lang kung saan ang room natin!
From: Kasangga
Tinatamad ako.
Natawa na lang ako at tinawagan na siya, na mabilis naman niyang sinagot.
"Kung nasa Quadrangle ka may makikita kang building na may nakasulat na seniors dun ka magpunta---"
"Paano kung wala ako sa Quadrangle?"
"Siraulo, alam kong nandiyan ka dahil mahilig ka sa damo."
"Tarantado ka Jam, ano nga? Nasaan dun?"
"E kung pinapatapos mo---nandito na si Miss." Saka niya pinatay ang tawag.
Aba, siraulo yun ah? Pinatayan ako.
Tumunog uli ang phone ko.
From: Kasangga
3rd Floor, Room 303.
Natawa na lang ako sa ikli ng text niya saka nagpunta na roon ng mabilis. Pagkarating ko sa floor namin akala ko ay napakabilis ko lang mahahanap ang room 303 pero mukhang di pa pala dahil napakahaba ng corridor.
Pagkarating ko sa tapat ng room namin ay nakasara ang pinto. Pero ng kumatok ako ay nagulat pa ako ng may nakasabay akong kano.
Nakapameywang ko siyang hinarap, "Sinusundan mo ba talaga ako?"
"Of course not. Baka ikaw." Saad niya pa saka nauna ng kumatok.
"Anong ako ha? Sa ating dalawa alam naman natin na ako ang sinusundan mo."
"Assumera ka talaga e, no?" Sagot niya saka ako tinabig.
Hinila ko naman siya para ako ang mauna sa pagpasok, "Hindi mo 'to classroom kaya dun ka!"
Hinila niya rin ako saka humarang sa pinto, "This is my classroom. Ikaw ata ang naliligaw."
Hihilain ko sana siya para umalis ng biglang magbukas ang pinto dahilan para kaming dalawa ang bumagsak sa sahig, papasok.
"Jax!"
"Melanie!"
Narinig kong sigaw ni Jam pati nung isang lalaki, narinig ko pa ang tawanan sa paligid kaya mabilis na akong tumayo.
"Pasensiya na, ako nga pala si Melanie!" Pagpapakilala ko pa sa lahat, saka ako nagtuloy-tuloy kay Jam at nakipag-apir pa, bago binalingan ang katabi niya, "Pwede ako na lang diyan sa upuan mo?"
Mukhang nagulat naman yung babae, "Di kasi ako nakakapag-concentrate sa pag-aaral kapag di ko katabi si Jam e, sanggang-dikit kame neto e." tumango naman siya at lumipat na ng upuan.
"Excuse me?" Narinig kong sabi ng babae sa harapan kaya umupo na ako. Natawa pa ako ng malakas ng makitang parang nahihirapan pang tumayo si Kano.
"Hoy, Kano! Tumayo ka na diyan, ano ka ba!" Pagkatayo naman niya ay agad niya akong sinamaan ng tingin saka bumaling sa babae sa harapan, "Sorry Miss."
Pinagtaasan naman siya ng kilay nung babae saka sumenyas na umupo na si Kano.
Kinalabit ko naman si Jam, "Sino siya?"
"Siraulo ka, adviser natin yan." Sagot naman niya kaya natutop ko ang bibig ko.
Lagot ako!
"Are you transferee here?" Biglang tanong ni Ma'am na sa akin ang paningin.
Tinuro ko pa ang sarili ko, "Ako po ba, ma'am?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Hinde, yung nasa likod mo."
Tumingin naman ako sa nasa likod ko, "Uy, tinatanong ka ni Ma'am, kung transfe--"
Di ko na napatapos ang sasabihin ko ng may kumalabog ng malakas sa lamesa, napatingin naman ako kay Ma'am na walang emosyon akong tinititigan na para bang napakalaki ng nagawa kong pagkakamali.
"I am referring to you." Madiin niyang sabi, "Stand up."
Tinuro ko uli ang sarili ko pero bago ko pa man matanong kung ako ay inunahan niya na ako, "Yes, You."
"Oo nga, ako nga." Bulong ko pa sa sarili ko bago tuluyang tumayo.
"Nasaan ka kahapon?" Mataray niyang tanong.
"Nasa bahay po, Ma'am." Sagot ko na ikinatawa ng lahat.
Napabuntong hininga siya, "Just Miss."
Bumaling muna ako kay Jam, "Wala pa ba siyang asawa?" pabulong kong saad, pero kinurot niya lang ako sa tagiliran.
"Nevermind my question, saan ka nanggaling?" Nakataas parin ang kilay niyang tugon. Sasabihin ko na sanang sa sinapupunan ng nanay ko pero inunahan niya na ako uli, "Saang school ka galing?"
"Sa South High Academy Miss," Saka ko tinuro si Jam, "Pareho kami ni Jam Miss, doon kami pareho nag-aral."
"From South, hmm." Tumango-tango naman siya, "Tumayo ka lang."
Sumunod na lang ako at di na umimik pa, "Give me the definition of Random Experiment."
Math?
Tinuro ko muli si Jam, "Eto Ma'am, si Jam! Magaling 'to si Math! Tinanghal nga yang Math Wizard ng South e!"
"So?" Nakataas na naman ang kilay na tanong ni Miss.
Hindi ba nangangalay ang kilay niya?
"Share ko lang po." Napapahiyang tugon ko.
"Ikaw ang tinatanong ko. Wag mong sabihing----"
"Random Experiment is any activity or process that can be repeated under similar conditions and results to well-defined outcomes." Confident kong sagot na nagpatahimik kay Miss.
Wag niyo minamaliit ang mga taga-South!
"Good. Sit down,"
Inappear-an ko muna si Jam, bago ako umupo sa upuan ko.
"You!" Muling sigaw ni Miss, nakaturo kay Jam.
"Ako po?" Tanong pa ni Jam.
"Yes. Stand up and give me the definition of Sample space, Event, Probability and Random Variable."
Lahat kami ay napanganga, apat na definition? Lupet ni Miss.
"Lahat po ba Miss?"
"Aba syempre, don't tell me--"
"Sample Space is the set of all possible outcomes of a random experiment it is denoted by S. Next, the Event is a particular outcome of a random experiment, or a subset of the sample space, while the Probability is a measure of the likelihood that an event will happen or occur, or simply the ratio of number of favorable outcomes to the total number of possible outcomes." Saka siya huminga muna ng malalim bago ipinagpatuloy, "And last, the Random Variable. It Is a numerical quantity that is assigned or associated to each outcome of a random experiment."
Nagpapalakpakan naman ang lahat dahil sa walang hinto-hintong pagsagot ni Jam.
"Hambog ka talaga!" Binatukan ko pa siya pagkaupo niya, "O Kasangga ko 'to!" pagmamalaki ko pa.
"Are you done?" Napatahimik ako at umayos ng upo sa tinuran ni Miss.
"Sorry, Miss." Napapahiyang tugon ko pa.
"Stand up." Napaaangat ako ng tingin kay Miss, nakataas pa rin ang kilay niya. "Give me the sample space in rolling a die."
Huminga muna ako ng malalim, "Its, 1, 2, 3, 4, 5 and 6."
"Good. And you." Patungkol naman ni Miss kay Jam kaya napatayo siya, "Sample space of rolling a die, twice."
"It's [(1,1), (1,2), (1,3), (1,4), (1,5), (1,6), (2,1), (2,2), (2,3), (2,4), (2,5), (2,6), (3,1), (3,2), (3,3), (3,4), (3,5), (3,6), (4,1), (4,2), (4,3), (4,4), (4,5), (4,6), (5,1), (5,2), (5,3), (5,4), (5,5), (5,6), (6,1), (6,2), (6,3), (6,4), (6,5), (6,6)]."
"Good. Almoran!" Pagsigaw ni Miss na nagpagulat sa lahat.
Nakakatakot siya.
"M-Miss?" Tugon naman nung Almoran.
"Give me the sample space or rolling a die."
Napayuko naman ang lalaki, "Hindi k-ko po alam."
Pinagtaasan siya ng kilay ni Miss, "Are you even listening? Sinabi na ng bagong kaklase niyo ang sagot."
Kahit ako ay nagtataka ring napatingin sa kaniya, napakadali lang naman maalala nung sagot ko ah? Kung nakikinig siya.
"What are you doing in your chair? Display? Pumunta ka rito para makinig! Hindi para managinip ng gising!"
Nananatili pa ring nakayuko ang lalaki wala talaga siyang masabi. "God! Buti pa ang transferee students nakasagot pero kayo wala, what are you doing with----"
"May sakit siya." Napatingin kaming lahat kay Jam ng bigla siyang nagsalita, maging si Miss ay pinagtaasan siya ng kilay.
"What?"
"May sakit siya kaya nakatulala lang siya simula kanina. Namumutla nga siya oh."
Napatingin naman si Miss sa lalaki, "Are you sick?"
"Matutumba na siya." pagkasabing-pagkasabi nga nun ni Jam ay natumba na ang lalaki.
"Ay!" tilian ng mga babae, habang ang mga lalaki naman ay mabilis na dinaluhan si Almoran. Maging si Miss ay nanlalaki na ang mga mata.
"Bring him to clinic!" Sigaw ni Miss kaya agad binuhat ng mga kalalakihan ang lalaki at saka sumunod si Miss.
Pagkalabas nila ay agad kong hinampas si Jam, "Siraulo ka! Hindi mo naman sinabi na may lahi ka palang manghuhula."
"Tss."