Chereads / HEART VERSUS MIND / Chapter 6 - CHAPTER 5

Chapter 6 - CHAPTER 5

CHAPTER 5

ALEXANDER

MULA SA malayo ay natatanaw namin si Sheena at yung panget na yun sa gitna ng quadrangle, nanatili kasi kami sa aming tambayan, matapos ng eksena doon sa cafeteria. Ito na rin kasi ang ginawa naming mini-house sa loob ng school, na kaming apat lang ang allowed.

"Oh, ano? How's your foot Xander?"

Muling bumalik ang pagkairita ko sa tanong ni Jax. Napahinga ako ng malalim bago sumagot, "It still hurts."

Sobrang pagkairita na naman ang naramdaman ko dun sa panget na yun, Lalo pang nadagdagan yun ng ipitin niya ang paa ko kanina. Nagpapagaling pa ang paa ko galing sa injury e. Tapos, bigla niyang iipitin.

"It still hurts? Sinong may kasalanan?" Masamang tingin ang ipinukol ko kay Jax. "Stop being immature kasi."

"What happen ba?" Ani Michael.

"Inipit niya nga ang paa ko kaya nairita ako." Saad ko pa sa kanila, pero parehong di nakukumbinsi si Jax at Michael.

"At bakit niya inipit?" Tanong pa ni Jax.

Kaya sinamaan ko na talaga sila ng tingin, "Sino bang kaibigan niyo, ha? Ako o siya?"

"Kung siya ang kaibigan namin, Xander siya sana ang sinasamahan namin ngayon." Sagot pa ni Jax.

"Tsh!" Padabog akong umupo sa upuan saka muling hinimas ang paa ko.

Nakakairita talaga ang babaeng yun! Nakakainis! Nakakainis! Argh.

"Si Xander talaga ang nauna." Biglang saad ni Lucas kaya napatingin ako sa kaniya, "Pero, kasama niya naman ako."

"Hindi mo naman na kailangang sabihing kasama ka, dahil nakita namin. At sa ating apat, ikaw naman ang sumusuporta diyan sa pinag-gagagawa ni Xander." Muling panenermon ni Jax kaya napairap ako sa hangin.

"Ano bang pinoproblema mo, Jax? Alam mo. It's non-sense!" Sigaw ko na sa kaniya.

"No, Xander. What we are talking right now is not nonsense. Alam mo kung ano ang walang kwenta? Yung ginagawa mo. Because that's being immature!"

Napalabi ako, bago bumuntong hininga at tumingin kila Michael at Lucas, "Tama naman si Jax, pre. It's really nonsense." Sagot ni Lucas.

"I agree." si Michael.

"Great! Pero baka nakakalimutan niyo? Ako pa rin ang leader ng grupo na ito. I can do everything that I want to do, and you can't do anything about it." pagmamatigas ko saka naunang lumabas sa kanila.

I don't care kung ilang beses pa nila akong sabihang isip-bata o ano pa man, but I'll make sure that I will make that girl's life a living hell, and no one can stop me.

"Xander!" Napahinto ako ng marinig ang tawag nila Lucas. Nakasunod pala sila sa akin. "Bro naman, wag ka ng tampururot."

"Siraulo." Tugon ko saka tinignan sila Jax at Michael, na pinipilit ni Lucas ilapit sa akin.

"Sorry." Sabay pa nilang sabi kaya natawa ako ng bahagya.

Hindi talaga nila ako matitiis. Tsh!

"Pero! Hindi ko talaga gusto ang ginagawa mo. She still a girl, bro. Please respect her." si Jax.

"Di naman babae yun e." pagbibiro ko pa. Bago sumeryoso. "Ayoko. Di ako titigil hanggang di siya umaalis sa school na 'to."

Di na sila umimik pa kaya sabay sabay na kaming naglakad pabalik sa classroom namin, pero agad din kaming napahinto ng makarinig ng malalakas na hiyawan na nagmumula sa college building.

"Steph! Balikan mo na kaya si fafa Xander." panunudyo nung isa sa mga kaklase ni Stephanie--the girl I love.

"Yun sila oh!" buyo pa ng isa, pero hindi na sila pinansin ni Stephanie at naglakad lang ng tuloy-tuloy.

At ng akmang sasalubungin ko siya ay pinigilan ako ni Michael, "Let's go na, pare."

"Sandale," Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Mike sa braso ko at saka sinalubong si Steph, na naging dahilan ng malalakas na hiyawan.

"Steph." Hinawakan ko siya, pero bumuntong hininga lang siya saka tinanggal ang kamay ko.

"Kung hindi immature, marupok." Narinig kong saad ni Jax pero di ko na sila pinagtuunan ng pansin at tinignan lang si Stephanie.

"Xander, please get out of my way. I'm already late in my class."

"Can we talk? Kahit sandali lang?" Nangungusap ang mga mata ko.

Sana pumayag siya.

"It's a no." Walang pag-aalinlangang saad niya, "Look, what we have in the past, should stay in the past. Wala na tayo, and may boyfriend na ko."

May boyfriend na siya agad? Apat na buwan palang kaming nagkakahiwalay ah?

Napaatras naman ako. "Please."

Tinignan niya ako na para bang sobra akong nakakairita, "Xander, Move on."

Saka niya ako iniwanan at tinalikuran ng pangalawang beses.

"Dapat bro, hindi mo pinag-aaksayahan ng oras ang mga katulad ni Stephanie! Ang daming girls diyan!" Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ni Lucas sa akin.

"Tara na, Xander."

Pagkaangat ko ng tingin ay nagulat pa ako ng magtama ang paningin namin ni panget, kanina pa ba siya diyan?

Bahagyang nakatabingi ang ulo niya, nakasuksok pa ang dalawang kamay niya sa bulsa at nakasandal pa sa pader, sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya ng nakakaloko bago tuluyang umalis.

"Siraulo yun ha! Kanina pa ba yun dito?"

"Actually.." Natatawa pang saad ni Lucas, "Yeah, napanood niya ang drama mo."

Tsh. Hindi ko alam bakit nairita ako, bakit niya ba kasi pinanood yun? Argh! Buysit ka talaga panget!

SHEENA

PAGKALABAS KO ng restroom ay nagulat ako ng wala na si Jam, dito kasi muna kami dumeretso matapos maglibot-libot sa buong campus.

Nasaan na 'yun?

Muli akong bumalik sa loob at kinatok ko na ang mga cubicle pero wala naman si Jam dun kaya lumabas na lang ako muli, at doon ko nakita si Jam. Nakasandal siya sa pader na nasa gilid ng restroom.

"Jam!" Umayos naman siya ng tayo saka lumapit sa akin, "Saan ka ba nanggaling?"

Napangisi siya, "Diyan-diyan lang."

Pinagkunutan ko siya ng noo, "E, bakit nakangisi ka?"

Natawa pa siya ng bahagya, "Hindi ko lang talaga inaasahan yung nakita ko."

Nahahawa pa ako sa ngiti niyang nakakaloko, "Ano namang nakita mo?"

"Mm. Whose Steph, by the way?" Napatingin naman ako sa kaniya. "Is she something special to that Lampa?"

"Lampa?"

"I mean Xander," Paglilinaw niya.

Napatango naman ako, saka kami nagsimulang maglakad, "Stephanie is Xander's Ex-Girlfriend. Nung naging sila niyan ni Xander, ang tahimik talaga ng buong campus, kasi bait-baitan ang eksena ni Xander nun, dahil may angking kabaitan din noon si Stephanie, at di lang basta-basta espesyal ang turing ni Xander dun, tinanghal rin siyang Queen of Campus." Pomustura pa akong parang reyna.

"Tapos?"

"Bago matapos ang taon nabalitaan na lang namin hiwalay na sila." Malungkot kong tugon.

Kahit naman naiinis din ako sa ugali ng mga iyon ay di ko parin maiwasan na hindi malungkot sa kinahinatnan ng relasyon nila.

"Tss. Mukha nga siyang tanga kanina e, ayaw na naman siya kausapin pinagpipilitan niya pa." Biglang saad ni Jam.

"Iyon ba ang nakita mo?" tanong ko pa na tinanguan niya naman. "Well, I think that's the power of love." dagdag ko.

Umiling siya, "Hindi rin. Hindi na yun love, katangahan na yun."

"How do you say so?"

"Because, Love is about letting go. Sabi nga nila, if you really love someone then set them free. Wag mong ipagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi ka na mahal because that's not love, that is selfishness and at the same time that's stupidness. "

Napangiti naman ako sa sinabi niya, "Ill keep that in mind."

Tama, di na dapat natin pinagpipilitan ang mga sarili natin sa taong di na tayo ang gusto. It's time to accept the reality that they wouldn't love us anymore.

Move on.