CHAPTER 6
JAM's POV
"WHAT DO you want again?" Agad kong tanong kay Lampa ng umupo siya sa harapan ko.
Eto na nga ba ang sinasabi ko e, kakapasok lang namin ni Sheena, may eksena na naman siya? Di ba siya nauubusan na katarantaduhan sa utak? Tss.
Binato niya ako ng crumpled paper, "Ask me again."
Napapikit na lang ako ng mariin. Kailangan ba laging paulit-ulitin ang salita? Bingi ba tong isang 'to?
"I said, Ask me again." Madiin ng sabi niya habang pinagpapatuloy ang pamamato sa akin ng papel.
Hindi ko siya sinagot dahil napipikon na ako, at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa ng notes, pero katulad ng inaasahan ay pinaghahahagis niya ang mga gamit sa lamesa ko.
"I said, Ask me again!"
Pinagkunutan ko na siya ng noo, "Bakit kailangang ulitin? Hindi mo ba narinig?"
"Wala kang karapatang magtanong. Pag sinabi ko, sundin mo na lang!" Sigaw niya uli sa mismong mukha ko.
"Wala ka ring karapatang magpumilit, pag sinabi kong hindi ko ugaling magpaulit-ulit ng salita, hindi ko talaga ugali yun."
"Wala akong pakealam sa 'yo! Ulitin mo ang tanong mo!" Sigaw niya ule.
"I-record mo sa susunod tapos iyon ang i-play mo ng paulit-ulit." Walang emosyong saad ko, saka tinulak gamit ang hinlalaki ko ang noo niya, "Wag ka masyadong malapit."
Matunog naman siyang ngumisi saka bahagyang umatras tila nagpipigil ng galit, "Ang kapal mo e, no?"
"Tss." Di ko na siya pinansin at tumayo na para sana kunin ang gamit ko pero nagulat ako ng bigla niya akong hinila saka itinulak sa pader.
Napangiwi ako ng maramdaman ang pagtama ng likod ko sa pader.
Ang saket, potek.
"Ano? Ano ha? Ngayon mo ipakita ang yabang mo!" Kinuwelyuhan niya pa ako at mas lalong idiniin sa pader. "Ano?!"
"Ano bang pinoproblema mo palagi?" inis ko ng tanong sa kaniya, wala man lang akong maramdamang sakit sa pananakal niya.
Ang hina talaga e. Lampa!
"Problema ko? Ikaw! Dahil napakayabang mo! Akala mo naman kung sino ka, sa susunod kasi kilalanin mo kung sino ang makakalaban mo."
Napangisi naman ako sa tinuran niya, "Panlalakeng pangengwelyo naman ang gawin mo, masyadong mahina e."
Mas lalo niyang idiniin ang pangengwelyo sa akin, pero nginingisihan ko lang siya.
"Napaka---"
"Montero!" Napabitaw naman si Lampa sa malakas na sigaw na yun na nanggagaling sa isang magandang babae na pupunta sa kinaroroonan namin.
Hinarap ni Lampa yung babae, "Ano na naman?"
"Ano na naman 'to?" Nakataas ang kilay niyang saad saka nagpapalipat-lipat ng tingin sa amin ni Lampa, "Another victim?"
"Eh ano namang pakealam mo?" Tanong niya pa, kaya nauna na akong umupo sa upuan ko at pinagpag ang sarili.
Isang-isa na lang talaga.
"Baka nakakalimutan mo? I'm still the president of this class, and I am also the Vice President of Student Council of this Campus. Kaya may pakealam talaga ako." Tugon naman nung babae.
"So? As far as I remember, you're just a president here. But my family is a major stockholder of this school." Payabang na sagot naman ni Lampa.
"Major stockholders ha?" Tatawa-tawa pang saad nung babae, "Sige, Iyan ang ikatuwiran mo sa Dean kapag ni-report kita ha?"
"So, binablack-mail mo ako ganon?" Parang di pa makapaniwalang saad ni Lampa.
"What do you think?" Palabang sagot nung babae.
Di ko na narinig na umimik si Lampa kaya nanahimik na lang ako. Sana naman-------
Nawala ang lahat ng iniisip ko ng biglang may tumabig ng upuan ko. Isang napakalakas na tabig dahilan para tumilapon ako sa sahig at bumagsak pa sa likod ko ang bakal kong upuan.
Grabe! Napakasakit!
"Jam!" Naramdaman ko na lang ay nawala na ang upuan ko sa likod ko na sa tingin ko ay si Sheena ang tumanggal. "Omygash, are you okay?"
Sapo-sapo ko ang ulo kong lumagapak sa sahig, saka ako tumango kay Sheena. Naramdaman ko ring may umalalay pa sa akin sa kabila. Halos di ko na marinig ang paligid dahil sa pagkahilo ko.
Nang mahimasmasan ay doon ko lamang narinig ang malalakas na tawanan ng paligid, dahil sa nangyari sa akin.
Pinupuno mo kong Lampa ka ha?
"Ano? Ayos ka na ba?" Tanong pa ni Sheena kaya tumango na ako. "Wala ka na bang----"
Di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil agad akong tumayo at dere-deretsong naglakad sa kinaroroonan ni Lampa. Lalo pa akong nairita ng makita siya tumatawa, maging ang tao sa paligid.
Pagkalapit ko sa kaniya ay agad kong sinuntok ang pader sa tabi ng tainga niya, dahilan para manahimik ang buong paligid. Wala ni isa ang nagsasalita batid kong nagulat sila.
"Kanina pa ako nagtitimpi sa iyo, alam mo ba yun?" Walang emosyong saad ko pa sa kaniya, pero nananatili lang siyang nakatingin sa akin. Mukhang gulat na gulat. "Pero ngayon sasabihan na kita, hindi ako katulad ng inaasahan mo.." Saka ko mas inilapit ang mukha ko sa kaniya, "Kung inaakala mong di ko magagawang kunin ang buhay mo sa isang iglap lang, pwes nagkakamali ka."
Tinignan ko siya ng matalim, "Gusto mong malaman kung sino ako?" Saka ako sumeryoso, "Ako ang papatay sayo."
Pagkasabi ko niyon ay tinalikuran ko na siya at bumalik na sa dating pwesto.
Nakakairita talaga ang ugali niya.
"A-Ayos ka na ba, Jam?" Gulat na gulat pa ring tanong ni Sheena. Saka niya hinawakan ang kamao kong ngayon ay namumula na, "Masaket ba?"
Sumeryoso ako bago tumingin sa kaniya, "Hinde."
Dahil lamang ngayon ang pagkairita ko.
XANDER's POV
Ako ang papatay sayo.
Paulit-ulit na nag-replay yun sa utak ko hanggang sa makarating kami sa parking lot, matapos ang klase.
"Tsk. Tignan mo ang kinakalabasan ng ginagawa mo, Xan." ani Jax.
"Pero, ang astig niya talaga ha? Sinong babae ang manunutok sa pader ng ganun kalakas? Cool!" manghang-manghang saad naman ni Lucas.
"Well, I think napuno na siya." Sabat naman ni Michael.
"Sino ba naman kasing di mapupuno diba?" Banat na naman ni Jax.
"Pwede ba? Manahimik na lang kayo." Sagot ko na sa kanila.
Hanggang ngayon ay di ko makalimutan ang itsura ng taong yun. Sa tingin ko ay normal na sa kaniya na walang emosyon talaga ang mukha, pero kanina lalong nadagdagan ang kamisteryuhan niya sa akin dahil sa mga sinabi niya.
Kung inaakala mong di ko kayang kunin ang buhay mo sa isang iglap lang, pwes nagkakamali ka.
Ako ang papatay sayo.
Hindi ko maintindihan kung saan nagmumula ang lakas ng loob niya na yun na para bang kayang-kaya niya talaga gawin. Tsh.
"Una na ako, kailangan na ako sa bahay." Napukaw ang pag-iisip ko sa tinuran ni Mike.
"Ako din, kitakits na lang tayo bukas!" Masiglang sigaw naman ni Lucas.
"Sige na mga pre, uwi na rin ako." Si Jax.
Tinanguan ko na lang sila, "Sige na, mag-ingat sila sa inyo."
"Babush!" Bumeso-beso pa si Lucas sa amin kaya sabay-sabay rin namin siya binatukan. "Awts!"
Nagtawanan na lang kami bago nagtungo sa sari-sariling sasakyan. Hinintay ko muna na umalis silang tatlo bago ako tuluyang umalis.
"Aleeeex!" Bungad ng ate ko pagkapasok ko pa lang sa bahay.
"Ate ano ba? It's Xander." Reklamo ko pa saka nagtuloy-tuloy ng lakad.
"Parang may itatanong lang naman ako." Napahinto na ako sa paglalakad saka humarap sa kaniya.
"Ano? Itanong mo na agad. Pagod ako."
"Ahm, si Lucas? Wala ba siyang nakukuwento patungkol kay Lucien? Di niya na kasi ako tinatawagan ilang days na din."
"Wala naman. Saka, ilang days pa lang naman pala e. Baka busy,"
"Anong ilang days? Ikaw nga noon ilang oras ka lang di tawagan ni Steph--"
Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy-tuloy na lang sa paglalakad papasok sa kwarto.
"Joke lang naman, little brother!" Di ko na siya tinugon at saka padapang humiga sa kama.
Ate is right, before ilang oras pa lang hindi tumatawag sa akin si Stephanie nababaliw na ako. Naalala ko na naman tuloy ang mga sinabi niya sa akin kanina, may boyfriend na pala siya.
Pumikit ako pero mabilis ding napamulat ng imbes na si Stephanie ang makita ko ay yung walang emosyong mukha ng panget na yun.
Tsh! Hindi pa ako nakakatulog, binabangungot agad ako?