Chereads / BETWEEN DISTANCE / Chapter 10 - CHAPTER 10

Chapter 10 - CHAPTER 10

Today is March. Tapos na ang school year.

Nasa Intramuros kami nilla Clara, Azalea, Ysabelle, and Daphne.

May pasok pa lang ay plano na namin ito.

Nasa fort santiago to be exact.

"Ibang pose naman," sabi ni Clara kay Azalea. Hawak ang camerang dala ni Ysabelle.

"Nahihiya ako," nakayukong sabi ni Azalea.

"Mahiya ka lang, 'di talaga kita kukunan," Mataray na sabi ni Clar.

"Eto naman, joke lang,"

Lahat kami ay nagtawanan. Nagpakuha narin kami ng litrato kay Clar.

Ako, si Ysa, at Azalea ang may pinakamaraming litrato. Habang kukonti lang ang kay Daphne, si Clar ay puros stolen pics lang, hindi kasi siya mahilig mag picture.

Si Clar ang naging photographer namin sa paglalakbay sa intramuros. We rented bikes so that we can explore.

We enjoyed our picture taking in the street of Calle Real. Pumunta rin kami sa mga souvenirs shop sa General Luna so that we can remember this day.

We roam around, Cuartel Sta. Lucia, Baluarte de San Diego, Puerta Real Gardens, Casa Manila, and lastly Plaza de Roma.

"Sabi ni Mommy, mga 30 minutes dadating na daw driver para ihatid tayo sa MOA," Imporma ni Ysa ng mabasa ang text message ng mommy niya.

Yes, that's the plan.

IntraMOA.

Since January winish na namin na sana payagan ang lahat sa'min. Luckily, pumayag naman ang mga parents namin dahil may van naman na maghahatid-sundo sa mga lakad namin.

"Daan muna tayo simbahan," ani ni Clar.

"Saang church?" si Daph.

Nasa Plaza de Roma kami ngayon.

"Manila Cathedral," sagot nito at tumingin sa harap. "Katapat lang nitong Plaza."

"Bakit?" tanong ni Azalea "Hindi naman linggo,"

"Wala... Gusto ko lang magpasalamat," nakangiting ani nito.

"Sa?" tanong ko.

"Sainyo, na naging kaibigan ko kayo. Na walang napahamak satin ngayon. Na nakasama ko kayo sa lahat ng gagawin ko."

Lahat kami ay napangiti. Kung sino ang pinaka-gago sa amin. Siya naman yung may pinaka malapit na puso sa Diyos.

"Mag-mamadre ka na talaga?" tanong ni Ysa.

"Bakit hindi? Pwede naman siguro, hahaha." Natatawang sabi ni Clar.

Pumasok na kami sa simbahan. Nag lagay ng Holy Water sa daliri at nag sign of the cross.

Dumiretso namin kami sa pangatlo sa harap bago ang offering table at pulpit.

Lumuhod ako at nagdasal ng taimtim. Pagkatapos ay Lumabas na'rin dahil nandito na ang van na maghahatid samin sa MOA.

Kung nagtataka kayo kung ano ang hiniling ko, simple lang naman. Ang makasama ng matagal ang mga kaibigan kong ito. I must say, from all tthe friends I had. Samahan ang pinaka solid. Kahit na nakarinig sila ng issues tungkol sa'kin, hindi nila ako iniwan.

Sumakay na kami sa van, nagpalit ng outfit ang iba.

Simple lang ang mga suot namin. Si Clara na naka white shorts, at oversized shirts. Si Azalea na naka dress. Si Daphne na naka pants at off-shoulder. Si Ysabelle na naka shorts at knitted crop top. At ako na naka black pants, white shirt and a denim jacket.

Di nagtagal ay nakarating na kami ng MOA.

Dumiretso na kami Bay Area kung nasaan ang amusement park.

Hindi ko in-expect na matutuloy ang plano na 'to. Lalo pa't sobrang strict ng parents nila Daphne at Azalea.

Sumakay kami ng iba't ibang rides. Ako, Azalea, at Ysabelle ay halos puro sigaw. Sina Daphne at Clara ay kulang na lang na matulog sa mga rides.

Inenjoy namin ang bawat oras na magkasama. Pinagusapan ang mga future namin. Of what is ahead of us.

Pauwi na kami. Malalim na ang gabi. Ang apat na babaeng kasama ko ay mahimbing na natutulog.

I smiled, ang swerte ng mga karelasyon nitong mga 'to, sobrang understanding, talented, matalino, mabait, at caring. Tanga na lang ang lolokohin sila.

My phone beeped. I recieved a message from Jagger. Binuksan ko ito, agad namang nagliwanag ang cellphone ko.

Jagger: How's your day? Nag-enjoy ba kayo?

Javier: Yes, tulog sila ngayon.

Jagger: Oh, nagising ba kita?

Javier: Nah, gising ako kanina pa. Hirap matulog.

Jagger: I miss you.

I blushed at his text. I'm never gonna be comfortable with his sweet messages. Never ko siyang pagsasawaan. I don't know, ganyan ko lang talaga siguro siya kamahal.

We texted for a while, since galing express way ako ang unang naka-uwi.

"Ingat kayo!" I told them as I went down to the van.

"Ingat, more gala to us!" Inaantok pero nakasigaw na sabi ni Ysabelle.

I smiled at them. Inantay ko munang maka-alis ang van bago ako pumasok sa loob ng bahay.

Tulog na ang mga tao pagkadating ko. Naligo muna ko bago matulog.

"Huy, paano yung ionic size nito?" tanong ko sa nag sosolve na Ysabelle.

"Potek, teka lang." Nagugulahang sabi nito.

"Tatanong ko na lang kila Clara pag recess," si Azalea.

Grade 9 na ako ngayon, si Clara at Daphne ang nahiwalay sa'min na section. Tatalino kasi e.

Bumlik ako sa papel na sinasagutan, nagugulahan pa'rin.

Okay, I give up! Tatanungin ko na lang sila Clara. Dumating na ang recess agad naman namin itong nameet, kasama niya sila Jane,Daphne, Sophie, at Meagan.

"Paano 'to?" tanong ko kay Clara. Agad nya namang kinuha ang notebook na ibinigay ko.

Ganito rin ang ginawa nila Ysabelle.

Iexplain nila sa'min iyon ng mas maayos.

"Ang daya kasi," naiinis na sabi ni Ysabelle. "Bakit kasi iba teacher niyo, ang hirap magturo non e!" nakabusangot na ani.

"Bilis pa magsalita," natatawang dagdag ni Azalea.

Tumawa sila Clara sa reaction, minsan na nila ito naging teacher kaya naiintidahan n'ya ang hinanakit ni Ysabelle.

Nagkwentuhan kami saglit bago umakyat sa room at kumain. Nakakamiss din pala na hindi sila kasama sa classroom, wala na akong kasamang kumain sa likod habnag may klase.

Paano kaya kung maghiwa-hiwalay na kami ng school? Baka 'di ko kayanin.

Natawa ako sa naisip, eventually tatanda kami. We need to bessuccesful n our different pathways. There will be time na hindi kami magkakasmang ma achieve ang mga achievements . Pero magkakasama naman namin itong ice-celebrate.

I wonder, ano na kaya kami 5 or 10 years from now? Maybe succesful. Sobrang tataas ng pangarap namin at sigurado akong maabot namin lahat ng iyon.

"Moving up ceremony is open!" the speaker said. Imagine natapos na namin ang Junior High!

"Congrats sa atin!" Naiiyak na sabi ni Ysabelle at nag welcome ng hug sa'min.

We greeted each other. And there I saw Jagger, with his brightest smile.

"Congrats, love!" natutuwang sabi niya at inabot ang isang box.

"Thank you," naiiyak kong sabi.

I can't believe this. Mag se senior high na'ko. Tama nga sila.

Hard work, pays off.

----

10