Chereads / BETWEEN DISTANCE / Chapter 14 - CHAPTER 12

Chapter 14 - CHAPTER 12

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. Dali-dali kong pinatay ang telepono sa kaing kamay at naghanap ng masasakyan papunta sa hospital na dinala si ate.

Eto ba 'yung dahilan kung bakit ilang araw siyang hindi nakakatawag? Bakit hindi ko alam ang pagdating niya? Bakit hindi manlang niya sinabi? Mababaliw na ako sa kakaisip!

Sumakay na ako ng bus. Nanginginig sa takot. Ang mga tao ay pinagtitinginan na ako. Iyung katabi ko ay tinanong kung ayos lang ako.

Paano kung may masamang nangyari sa kaniya? Paano kung hindi niya kinaya papuntang ospital?

Madaming kaguluhan na pumapasok sa isip ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Pagkarating ko sa hospital ay andami na agad tao. Siguro'y kamag-anak din ng mga nasa eroplano. Ang mga iba ay nagiiyakan.

Lumapit na agad ako sa front desk, nagmamadaling tanungin ang staff doon.

"Miss saan po dito ang mga pasyente ng bumagsak na eroplano?"

"Doon po sa emergency. Sa may room 4," aniya at umalis agad.

Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa sinabi nung babae. Sobrang busy ng itsura ng hospital. Ang mga doctor ay pakalat kalat at nagmamadali, kasunod ang nurse na may hawak ng first aid. Agad kong hinanap ang apelido namin, nakita ko naman ito.

Nakahiga si ate sa isang hospital bed, walang malay. Si mama at papa sa kaniyang tabi tahimik na umiiyak. Magulo ang damit nito at may bahid pa ng dugo. Agad naman akong nanlamig.

Sumulpot bigla sa tabi ko ang doctor.

"Family of the patient?" ani ng doctor.

"Kami po," agad namang tumayo si mama. "Mga magulang at kapatid," ekspalanasyon pa nito.

"Ano na po ang lagay ng anak ko?" tanong naman ni papa.

"Maayos ho ang lagay ni Ms. Paine. Hindi naman malubha ang mga sugat na natamo. Unconcious lang dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak ng eroplano, magigising din siya sa ibang araw. Kailangan ho muna siyang dito sa hospital para ho mabigyan ng maayos na atensyong medical," anito.

Madaming tanong na ginawa sila mama at papa. Samantalang ako ay nanatiling nakaupo. Nakatingin kay ate. Tahimik na nagdadasal.

Oo, nakampante ako sa sinabi ng doctor. Ngunit hindi pa'rin mawawala ang pag-aalala ko. Titigil lang ako sa pag-aalala kung makikita ko na si ate na gising.

Matagal kong tinitigan si ate bago magpasiyang lumabas para magpahangin.

Ayokong nakikita 'yung nasa mahirap na kalagayan ang miyembro sa pamilya ko.

Tinawagan ko si Jagger. At least for me to have comfort.

Matagal bago niya ito sinagot at ang tono niya ay para bang naistorbo ko siya sa ginagagawa niya.

"Hello?"

"Ay sorry, bukas na lang. Parang busy ka ata." I said ang about to end the line. I heard whispers from the background call. He's telling them that he will take a call.

"Let's end this," buntong hiniga niyang sabi.

"Yeah, we can talk tomorrow. I guess,"

"No, this relationship." Aniya na para bang matagal na niyang inisip ito.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko. Para banag lahat ng galaw ko ay 'di ko na maramdaman. Para bang nagmanhid na lang lahat.

"W-why?" my voice stuttered.

"It's just that, this won't work," frustrated niyang sabi.

"Ang alin?"

"This long distance! This won't work!"

"No we could make this happe--"

"Jav, please. Pagod na ako, gusto ko iyong relasyon na makakasama ko iyung partner ko. Yung mayayakap ko," naghihina niyang sabi.

I could literally feel the heat in my eyes. Tears started flowing down to my cheeks. I look so devasted in a hospital parking lot for pete's sake!

"No, we can talk this in person," I said in between sobs.

"And then what? Gagastos ako para puntahan ka? Para makipag-break? Javier, please! I'm trying to be practical here," He said. Galit na galit.

I cried. Real hard. This isn't easy for the both of us. Or I guess, just me...

I ended the call. With the tiny energy I have left on my body I went to a coffee shop. Wasted my time there crying. People were looking and talking about me. Of how miserable I look.

I took out my laptop. I started reading some of my lessons. Studies always comes first. Sa susunod ko na lang iintindihin ang away namin.

Yes, for me away lang iyon. Hindi naman ako pumayag makipag-break. Our relationship revolves around the two of us, that's why my opinion is also important. One can't decide for a two person-relationship it has to be the both of you.

Nagmukmok ako sinubukan kong ubusin lahat ng luha sa aking mata. Kahit mag mukha na akong tanga dito.

Monday came, I kept all my shits together. Trying hard not to breakdown in front of everyone. I chose not to tell my friends about this. Lahat kami ay mag mimidterms ayokong dumagdag sa poproblemahin nila.

Maybe this is really my fate. Pero bakit kailangan sabay sabay?

I took my exam like nothing happened. All I could say is that.... I did terrible in my exams. What I studied didn't really sink in my mind

Weeks have passed. Hindi pa rin gumigising si ate, hindi parin kami ulit naguusap ni Jagger. Well I tried calling though. Busy ang line palagi.

Nasa Plaza Mayor ako ngayon, pagod na pagod. Tapos na ang midterms at ang research namin.

"Javier!" Ang adviser namin. Tinawag ako nang makita akong nakatulala.

"Po," I responded.

"Bagsak ka sa exams sabi ng mga prof mo. What happened? Iyong leader niyo sa research ambaba ng ibinigay sa'yo na grade. Pag piprint na lang daw ang gagawin mo hindi mo pa ginawa."

"Sorry po," I just said and bow my head down.

Tears started rolling down my cheeks. I just realized of how I'm fucked up right now. This in one hell of a week. Actually it's going months.

Umalis na rin agad si ma'am nang makita na nag be breakdown na ako sa harapan niya. Ysabelle showed up from nowhere. Looking at me with a confused face.

"Nyare sa'yo?" She tried to sound casual.

"Hmm, wala," I said wiping my tears away.

"Weh?" Hindi siya naniniwala.

"Wala nga, may nabasa lang ako na nakakaiyak." I reasoned out. She looked at me not convinced. I gave her a thumbs up to assure her I'm okay even though I'm not.

Wala pang oras sumunod na sila Clara, Daphne, and Azalea. Daphne is wearing a jersey.

"Uy, ano nga pala. Di ako makakasama, kasi ano..." aniya Daphne at nagkamot ng batok. "May training! Oo, may training," anito na para bang ngayon nya lang naalala.

Nagmadali siyang umalis. Nagsalita naman si Clara.

"Duda akong may training 'yon,"

"Bakit naman?" si Azalea.

"Kung may training 'yon 'di na yon pupunta dito. Dideretso 'yon sa gym," paliwanag pa nito.

"May ka landian yan e, nakita ko. Hindi ko nga lang maaninag iyung mukha," si Ysabelle naman ngayon.

We went to Valenzuela together. Friday ngayon at uuwi si Clara sa Valenzuela. Pumunta kami sa dtin naming tambayan. Ang k-hub.

We sang together. Enjoying the beat of every music. I set aside everything, my fails in exams, research, ate's unstable condition, and Jagger. Speaking of Jagger we haven't really talked that much. And probably he doesn't not have any plans talking to me.

As I set aside my feelings and everything. I enjoyed the music, feeling every beat and savoring all the time I have to be happy.

"Huy!" Clara said as she noticed someone. She hurriedly grabbed her order. Running away from the counter. There I saw she tapped some guy's shoulders. "James," she said when the guy stopped and looked at her.

"Uy, kumusta na kayo nila ate mo?" nakangiting sabi nito. They were talking about some personal stuff. And I can't help but to overheard their conversation.

Some of their stories are about me.Me, Ysa, and Azalea are sitting in the same table. While Clara's on the other side. At my back.

"Sino nga pala kasama mo?" Aniya ng mapansin mag-isa lang siya inapproach ni Clara.

"Ah! Sila Ysabelle lang,"

"Galing pa kayong UST?" anito ng makita ang uniform ni Clara.

"Oo, eh. Katatapos lang midterms ngayon lang nakapag windup ule," sabi niya at kinuha ang gamit niya. "Nga pala, eto si Ysabelle, Azalea... and Javier. I bet kilala mo na siya," turo sa amin ni Clara isa-isa.

"Hey, tagal ko na kayong nakikita sa campus dati, ngayon ko lang kayo nakilala. Kaibigan ko nga pala ang ate ni Clara, kaya close kami," paliwanag nito.

The two greeted him. I also did the some. I did not mind him though. Hindi naman kasi kapansin-pansin ang presence niya. I must say, tumangkad si James, as in. He's like a full grown volleyball player now. I laughed quite a bit.

Merong ilang weeks kaming pahhinga. At balak kong sa hospital iyon gawin lahat.

"Tara na," aya ni Clara ng makita ng oras. "Baka hinahanap na ako nila mama," nag hanap kami ng jeep na masasakyan. Of course, kasama parin namin si James.

Malapit na kami sa South, kung saan ako baba at hihiwalay na sa kanila.

"Ingat kayo!" Aniya ng tatlo at nagpaalam sa'min ng baba na kami.

"Iingatan ko 'to," James genuinely said while looking directly into my eyes.