Chereads / BETWEEN DISTANCE / Chapter 16 - CHAPTER 14

Chapter 16 - CHAPTER 14

"Pumasa ako!" Sigaw ni Clara.

Nakatambay kami ngayon sa condo na pag-aari ng apat. Nina Azalea, Clara, Daphne at Ysabelle.

Samantalang ako ay sa isang dorm. Bawal akong sumama sa kanila.

Umiiyak na siya ngayon. Ang tatlo ay nakuha na ang resulta. Nakapasa sina Ysabelle, Daphne, at Azalea sa UST. Ayaw na ata nilang umalis doon. Napamahal na.

Kami lang ni Clara ang lumipat. Sa Univerity of the Philippines. Dream school ko na talaga ang UP Highschool pa lang. For Clara, gusto niya doon mag take ng Law.

After makuha ni Clara ang kaniyang results ako naman ang sumunod. Humarap ako sa Laptop niya at tinipa ang pangalan ko. Sa lahat ng puwede kong makalimutan dalhin ay laptop ko pa.

Nasabi ko na rin kila Ysabelle ang nanguari sa'kin. Kinomfort nila ako. Pero siyempre pinagalitan pa 'rin.

Nakakagaan talaga ng loob kapag nasasbai mo sa mga kaibigan mo lahat ng mga pinagdadaanan mo sa buhay. Minsan ang pakikinig ay nakakabawas na, lalo't pa't alam mo kung nandiyan talaga sila.

It's been a year now since we broke up. I didn't have any regrets. I'm happy with my decisions. I guess this is the greatest thing I did in my life. Ang hindi ay iyung patagalin ko pa.

As for ate, okay na siya. After 2 months in the hospital gumising na rin kaagad siya, she stayed there for a while though. Hindi niya na kinaiangan pa malagay sa ICU. After niyang magising ay nag stay pa siya doon sa hospital for proper medications.

And as for me sa studies ko. Pumasa pa 'rin ako sa summer class. I continued studying at UST hanggang sa maka graduate ako. I didn't fail mama and papa. Because I knew, I can do it.

My support system back then was really good. I had my friends, classmates, and James who didn't leave me. I was really okay with him around me. He supported me in everything. Those subjects I failed in, he helped me with that. Even with my break-up, he helped me get ove rit.

Kahit na we had a relationship before. He took it professional and acted that we're just friends. He actually helped me, big time.

He's now happy with his girlfriend. Who know's he's straight? Masaya na sila ngayon, they are now in their 2nd year anniversary. I'm actually happy for them. At least now, James is fully happy.

After entering my last name the website started to reload.

"Pumasa 'rin ako!" I exclaimed in so much happiness!

Instantly the girls covered me with a hug. They are all happy with the success we made together.

Tears started rolling down my cheeks. Agad-agad ko naman tinawagan sila mama at papa.

"Ma!" I shouted when they answered it after a few rings.

"Ano 'yon anak? Aatakihin naman ako sa'yo," natatawang ani mama.

"Pumasa ako sa UP ma! Libre yung aral ko ma!" Naiiyak kong sabi.

Matagal bago makapag response sila mama. Maya-maya ay nakarinig ako ng sigaw.

"Ang anak ko nakapasa sa UP!" I heard from the other side of the line. Excitement is evident in their voices. I can't help but to cry more.

This is a stepping stone for me. And soon, I'll be a psychiatrist.

Me and the girls celebrated our milestone into a bar.

Clara seems off when she got into the dance floor, like she saw some kind of ghost. Sa huli nag-stay na lang siya sa couch.

While Azalea is still with Kaiden, bantay sarado ang bata. I laughed, mukhang hindi niya ma enjoy. I admire their relationship. Sobrang mature.

Daphne broke up with him, about 3 months ago. She was really devastated.

Ysabelle is still her same self. Makulit ang maharot wala namang nagbago. Marami ang na link sa kaniya pero wala siyang dinate ni isa.

And this is me. The better me. I'd like to thank Jagger somehow, he taught me to be strong. Tinuruan niya akong masaktan. Which is part of growing up naman.

"Shot! Shot!" Nalalasing na sigaw ni Ysabelle kay Daphne na ngayo'y iritang irita na.

"Ano ba!" Inis na sabi nito at tinabig ang kamay niya.

Sobrang lasing na ni Ysabelle. Which is kinda weird... Never niyang nilasing ang sarili niya.

"Iuuwi ko na 'to," si Clara. Walang pakielam na tumuturo kay Ysa.

At ayun na nga ang nangyari. Inuwi ni Clara si Ysabelle naiwan sa'kin ang dalawa.

Daphne is sad, well it's normal. Kakagaling niya lang sa isang break-up.

"Javier?" someone said behind me. I looked and I saw some high school friends.

"Jackson!" I said with such excitement. "Mag-isa ka lang?" I said, palingon-lingon sa likod niya.

"Hindi, kasama ko sila Malcolm." I was shock. Sayang at umuwi na si Ysabelle.

Tinanguan ko siya.

"Ah so high school squads?" I asked.

"Oo. Actually, si Steele ang DJ. Hindi mo napansin?" he said. I shook my head, giving him a no. "Saan si Clara?" natatawang sabi nito. May balak pa atang asarin.

"Wala, umuwi na. Hinatid niya si Ysabelle," Upon hearing Ysabelle's name his face became stoic. Tinanguan niya lang ako at umalis na.

We stayed there for a while. Had fun.

Umuwi ako sa dorm ko ng medyo lasing. Pero above that, wala naman. This is just me being normal.

I began checking my phone. Wala na akong information about Jagger. I unfollowed him in all my social media accounts. He also deleted our pictures together.

Maybe distance is really a hindrance in love. Sabi nila walang kahit ano ang puwedeng maging hadalang sa isang pag-iibigan. Maybe in just some cases.

For our case. Take distance as the subject for our hindrance. Dahil sa layo namin hindi nag work ang relationship namin. He said that I was too far and he couldn't reach me. He said that we can't make this relationship if we are far from each other.

Maybe nothing really lasts forever. Everything is temporary.

"Huy 'te ayoko na," napapagod na sabi ni Clara.

Nasa UP town kami ngayon. Si Ysabelle na lang ang inaantay namin.

"Andami ko pang kaso na babasahin," stress na stress na siya.

Pangalawang sem na namin. Nag the-thesis na.

Tinapos ko na ang data gathering. At ang iba pang need for thesis. Ayoko nang maulit ang nangyari nung senior high.

"Kaya mo 'yan!" I cheered for her.

After a few talks, dumating na rin sila Ysabelle. They brought a cake. Celebrating our 5 years of friendship.

Yes, we all need is friends. Iba talaga ang support na binibigay nila. The love and everything.