Chereads / BETWEEN DISTANCE / Chapter 13 - CHAPTER 11

Chapter 13 - CHAPTER 11

"Saan tayo?" Tanong ko kay Denisse, kaklase ko sa HUMMS. Kasalukuyan kaming nasa Gurrero Drive palabas ng gate. Tapos na rin ang klase

Matagal ng nagaaral si Denise dito. Ang kwento niya ay Higschool palang ay dito na siya sa UST nag aaral. Kung kaya't ganito na lang ang pagkabisa niya sa mga kalye rito sa UST.

"May masarap na tapsilugan sa Lacson, yung Ilar's." anito habang chinecheck ang phone.

"Javier, sorry sa tanong ko ah?" si Jack na kaklase ko rin. Binigyan ko ito ng maliit na tango. "Bisexual ka diba?" dahan-dahan niyang sabi, tinanguan ko naman ito. "Ano yon, may gusto ka sa mga lalaki ganon?" nagiingat na aniya.

"Oo ganon na nga," nakangiting sagot ko.

"May nakarelasyon ka na?" si Clarisse na ngayon ay nakikiusisa.

"May boyfriend ako ngayon," nahihiyang sabi ko.

"Weh, pogi?" si Denisse naman ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ang larawan ni Jag. Lahat ng kasama kong babae nanghinayang nang malaman ang tunay na pagkatao ni Jag.

"Sayang, pogi pa naman." nagsusumamong sabi ni Clarisse.

"Kung straight 'yan? Jojowain ko 'yan!" nakataas na kilay na sabi ni Denisse.

Habang palabas kami ng gate ay tinanong naman ako ni Clarisse.

"Diba may kaibigan ka na HUMSS din?" ani Clarisse.

"Meron si Clara," sagot ko.

"Siya lang kaibigan mo dito sa UST? Except sa'min siyempre," natatawang ani.

I smiled, 1 buwan pa lang ako sa UST may mga kaibigan na gad ako, they accepted me. Sobrang hirap ng pinagdaanan ko nung highschool.

They bullied me, and made fun of my personality. Hindi ko nga gets kung bakit sila galit sakin. Wala sigurong magawa sa buhay.

"Meron si Daphne at Ysabelle, STEM naman. Tapos si Azalea ABM." paliwanag ko sa mga kaibigan ko.

"Saan naman nag-aaral yung Ysabelle?" usisa pa nito.

"La Salle," tanging sagot ko.

"Yayaman niyo palang magkakaibigan," natatawang sabi nito.

"Hindi, mga kapit scholar lang!" Nagtawanan kaming lahat. Hindi nagtagal nakarating na kami sa sinasabi ni Denisse na tapsilugan. Mura lang dito at masasarap ang pagkain.

Kumain kami ng hapunan at nag kwentuhan saglit. Umuwi narin ako sa'amin. Mahaba ang byahe dahil sa Valenzuela pa ako nakatira. Hindi pa namin afford ang mag dorm ako.

Nakauwi ako ng mga ng alas-otso. Sakto para sa dinner. Nandon na sila mama at papa sa hapag.

"Anak, kumain ka muna. Mahaba ang binyahe mo," ani mama at naglahad ng upuan.

"Opo, ibababa ko lang po ang bag ko," tinungan lamang nila ako.

Bago pa ako makalabas ng kuwarto ay tumunog ang iPad ko, tumatawag si ate. Sinagot ko ito at dinala siya sa dining.

"Bunso, kakauwi mo pa lang?" panimula ni ate ng makita na suot ko pa ang uniporme ko.

"Opo," sabi ko at kumuha ng kanin para ilagay sa platong nakahain.

Nagtanong pa ito ng tungkol sa school. Sumunod, sila mama naman ang kinausap niya. Miss ko na si ate. Simula nung grade 8 'di pa siya ulit umuuwi. Naiintindihan ko naman, dahil nagtatrabaho siya para sa'min.

Ako na lang ang nag-aaral sa'aming magkakapatid. Gusto kong makatapos na ako sa pag-aaral ko para matulungan ko sila ate. Ayoko ng umasa sa kanila. Hindi pa siguro ngayon, pero balang araw tutulong na ako sa kanila.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko. Chineck ang cellphone ko. Wala paring text si Jagger. Naiintindihan ko naman dahil college student na siya. Second year.

Naging busy kami parehas. Though, hindi nawawala ang sweetnes ng messages namin. Madalang na nga lang.

Ayoko naman maging clingy. Ang immature ko non. Sometimes, in a relationship. We need space. Kasi kung wala? Nakakasakal. Hindi naman sa'kin umiikot ang mundo niya. Meron siyang mundo sa labas ng relasyon namin, at meron din ako.

We have our priorities, siyempre. On top of that, is studies. Second, ay family. Nothing more is important than studies and family. Pinangatlo namin ang relationship, kasi yun ang mas maganda.

"Nasaan si Daphne?" Tanong ko kay Clara nang mapansin na sila lang ni Azalea ang dumalo sa'kin sa Plaza Mayor.

"Huh?" tanong ni Clara, busy sa paghalungkat na papel na hawak.

"May ano ata, clarification ata nila ngayon." sagot ni Azalea para sa akin.

"Clarification? Saan?" Wala naman kasi silang nabanggit sa'kin.

"Sumali ng basketball club," aniya habang inaayos ang salamin.

So, tinuloy parin pala ni Daphne ang basketball. Well, magaling siya roon dapat ay i-enhance niya pa lalo.

I wonder why did Clara stopped. Wala naman kasi siyang paliwanag sa'min. Basta biglang nung grade 9 na kami, pa-nationals na sila. She quited, malaking kawalan iyon sa school. Sayang at hindi tinuloy ni Clara hanggang grade 10, siya pa sana ang captain.

We didn't bother her that much though. Parang desidido na kasi siya na ayaw niya talagang pag-usapan.

"Huy, sorry talaga. Kailangan ko ng umalis," nagmamadaling sabi nito at inayos ang bag at gamit. Mukhang may gagawin pa.

"Okay lang, ingat ka." paalam ko. Umalis naman ito agad. Dumating naman sunod si Ysabelle sa kaniya. Konti lang ang pagitan.

"Asan yung dalawa?" tanong ni Ysabelle pagka-dating.

"Si Daph, nasa basketball club daw. Si Clara, busy ata sa schoolworks," sagot ko.

"Hoy," binatukan ni Ysa si Azalea. "'Yung ngiti mo? Abot langit na," puna niya ng makita na sobrang nakangisi na ito.

"Huh? Hindi naman, ah," pag-iwas nito.

"Tara na," Ganito kami, sabay-sabay umuuwi. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi namin kasabay si Clara, mayroon kasi siyang tinitirhan sa Quezon City.

"Ano nga pala," sabi ko at hininto ang lakad namin. Agad namang napatingin at hinto ang dalawa. "Napadaan si binibini sa bahay," binigay ko ang sobre. Na naglalaman ng invitations.

"Binibini?" ani ng dalawa at tinignan ang sobre.

"Cabrero," sagot ko. "May get-together raw, 'di ko lang alam kung pupunta lahat," sagot ko.

"Pag pupunta siya 'di na ako pupunta," ani Ysabelle sa isang mapait na boses.

"Nakausap ko si Kaiden kagabi, nabanggit niya ito. Kumpleto raw silang pupunta," imporma ni Azalea sa nasagp niyang impormasyon sa nobyo.

"Jav, please, sabihin mo sa'kin kung pupunta ba siya talaga." Pagmamakaawa nito.

"Hindi ko alam, si binibini ang host. Hindi ako," walang ngiti kong sinabi.

Nakauwi ako sa bahay ng maaga. Friday ngayon, half day lang kami. Tinext ko si Jagger. Mandatory na sa'min ang babe time kapag friday.

Javier: Usap tayo, call.

Jagger: Later. Busy ako.

Nagulat ko sa nabasa ko. Hindi ko inexpect 'yon. Never naging cold ang chat ni Jagger, ngayon lang.

Bumuntong hininga na lang ako. Pakiramdam ko ay sobrang busy niya dahil sa thesis nila. Isinantiabi ko ang nararamdaman ko at binigyan na lang siya ng space para sa personal niyang gawain.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga subjects ko, baka kasi magkaroon ng biglaang quiz. Next week ay start na ng research namin.

Mayroon na akong nakuhang ka-grupo. 'Yung strikto kong kaklase ang leader namin.

Maya-maya ay tumawag si ate sa'kin. Kinakamusta ako.

"Bunso!" bungad ni ate.

"Hello!" aniya at kumaway sa camera. Palaging tumatawag si ate. Para ma monitor niya raw ang nangyayari sa bahay, hindi siya kontetnto sa mga chats lang. Gusto niya palagi niyang nakikita ang mga kaganapan sa bahay.

"Bakit ka umiyak?" tanong ni ate ng mapansin ang namumugto kong mata.

"Ha?" sabi ko at pinunasan ang mata ko. Tama nga si ate, umiyak ako. Naramdaman ko pa ang natirang luha sa mata ko.

"May problema ba diyan sa bahay? Bakit 'di ko alam?" natatarantang tanong nito.

"Hala ate, hindi po," tanging nasagot ko.

"Ah si Jagger?" aniya na parang tama ang hula niya. Tinguan ko lang ito. "Bakit?"

"Mababaw lang ate, may usapan po kasi kami kapag Biyernes ay sa aming dalawa lang po ang araw na iyon. Pero po kanina tinext ko busy daw po siya. Cold reply e," paliwanag at medyo natawa pa sa babaw ng problema.

"Alam mo bunso," aniya sa isang nangagaral na boses. "Normal iyan. College student si Jagger. Normal na maging busy siya dahil may mga thesis iyan. Hindi lahat ng oras niya ay kaya niyang i manage kadali." pagpapaliwanag niya sakin. "Intindihin mo muna siya,"

"Opo,"

Matagal 'rin kaming nagkwentuhan ni ate. Binaba niya na rin ang tawag para raw makapag pahinga na daw ako.

Inistalk ko si Jagger. Marami siyang tagged pictures. Pero wala siyang nireactan kahit isa. May mga nagpapansin sa kaniya na mga babae sa kaniya. Natawa ako. Ano kaya ang magiging reaksyon nila pag nalaman na hindi straight si Jagger.

Weeks have passed. Same old routine, papasok sa school hanggang friday. I cha chat ko si Jagger, busy naman. So instead na umuwi ng maaga. Inuubos ko na lang ang oras ko sa Espana tuwing Biyernes imbes na mag-intay uli ako sa wala.

Wala akong hinanakit kay Jagger, ayoko lang talaga yung umaasa.

Nagtataka na rin ako, these past few days. Hindi tumatawag si ate. I wonder.

"Javier, tara na kila Shiela. Para sa research." masungit na sabi ni Camille, yung leader namin na masungit.

"Ganito, si Javier mag cocollect lang ng data since it's the easiest. Puwede bang ikaw na lang ang mag print ng ginawa ngayon?" tanong ni Shiela. Ngiitian ko ito at tumango. Kinuha ko ang flash drive sa kaniya.

"Siguraduhin mong magagawa mo iyan," nakataas na kilay na sabi ni Camille. "Kailangan iyan sa tuesday," Tumango ako bilang response.

Bago pa ako makarating sa printing shop. Tumatawag si mama.

"Anak!" aniya sa kabilang linya, tilay natataranta.

"Bakit po?" pilit pinapakalma ang sarili.

"Si ate mo! Iyong sinakyang eroplano! Bumagsak!"