Sa tulay...
Nakayupyop sa tulay inaantok-antok pa dahil ipekto ng alak. May sugat sa labi si Hannah. Bakas sa mukha na maraming problema itong dinadala...
Nakita nito sa kanang bahagi ang uhaw na uhaw na pulubi...
Iyo na lang ari!~ibinigay ang alak.
Tinanggap naman ito ng lalaki na may madungis na pananamit at maging ang kamay nito.
Hayst alam mo ba manong na halos gusto ko nang magpakamatay kasi sa mga experience ko halos inaraw-araw aahh! Hu! Hu! Jusko kunin nyo na ako kung ganto ang buhay ko.
Lumagok ng alak ang pulubi...
Haaah what a wonderful worst day. Kada magigising at dadaan ang maghapon walang anuman magandang nangyayari sa buhay ko laging palpak.
Alam mo ba yung kasintahan ko di lang ako niloko kinalantarim pa yung itinuturing kong kaibigan. Nakakatuwa no akala ko pagnaging mabuti ako sa lahat gayon din isusukli sa akin.
Pero mali ako. Kaya nga naiisip ko parang gusto ko nang tumigil ang pagtibok ng puso ko at mahimlay ng ng panghabangbuhay para maibsan na sakit at hirap na nadarama ko. Di ko na kaya di na.
(Lumagok ng alak) Alam mo kahit kailan di mo mababago ang iyong kapalaran balibaligtarin mo man ang mundo. Liban na lang kung mamatay at mabuhay ka muli at magkaroon ng tyansang iukit mo ang sarili mong kapalaran.
Unti-unting pumikit ang pulubi...
Bumuntong hininga si Hannah.
Nagkaroon ng lindol magnitude 9.0 pinakamalakas... nabiyak ang tulay at nahulog sila sa na mga naroon. Kasabay ang Eclipse na syang dahilan ng pagdilim ng langit.
...
Cha! Cha! Cha!
Mula sa Isla ng Lusong mahabang nilakbay ni Datu Puti Bulan patungong Sulu para dumalo sa ritwal ng koronasyon ni Datu Puti Lakan.
Ngunit habang binabagtas ang daan ay biglang dumilim ang langit nagka eclipse habang patungong Sulu ay sinalakay sila ng mga bandido. Mahinahong kinalaban ng isang lalaking may taklob ang mata ang mga ito ngunit di man lamang sya tinutuungan ng kanyang mga kasamahan at nagbubulungan at nagtatawanan pa ang mga ito kahit sa puntong hingal na hingal na ito at pagod na kitang-kita ang kaawa-awa nitong kalagayan bagamat gayon tiniest nito ang pangungutya nila habang isa-isang inuubos ang mga kalaban
Kinatatakutan si Datu Puti Bulan dahil sa galing nito sa pakikipaglaban gayong wala naman ditong nagturo kung paano makipaglaban. Di lang yun dahil na rin sa kabilang mata nito'y bulag at tila matalim na tingin ng kabilang mata.
Habang naglalakbay ay mayroong mga bandidong nais silang nakawan ngunit di sila nagtagumpay dahil sa husay nito sa pakikipaglaban.
Sa Palasyo ng Sultan ng Sulu Sultan Puti Sutra...
Masayang naliligo ang magkakapatid sa ilog...
Datu Hamil Putra~nakaupo at nagguguhit bagamat gayon ay nakahubad para sa paliligo.
Datu Puti Tabak~nageensayo ng paggamit ng tabak at sibat-sandata ang buhay.
Datu Puti Adlaw...naliligong matiwasay, mahinhin kumilos di makabasag pinggan.~neutral palagi walang pinapanigan.
Datu Puti Lakan tagapagmana ng trono, may malubhang sakit ngunit di ito alintana sa pamumuhay niya araw-araw. Kasama rin sa paliligo masayang pinagmamasdan ang mga kapatid.
Datu Puti Banuk at Datu Puti Hawan laging hilig ay paglalaro, kahit sa paliligo ay nagsasalawan.
Sa paliligo ng mga Datu ay gumimbal sa kanila at nagpatigil ng mundo nang si Hannah ay biglang sumulpot mula sa tubig na pinapaligo nila.
Ah...babae!
Natigil ang mundo ng mga Datu...nang papalapit na si Banuk ay biglang may narinig si Hannah na tumatawag sa kanya "Binibining Dayang Dara" at nilingon naman nya iyon paglingon ay si Bituin tinatawag sya sa di kalayuan dahil babae ito ay pinuntahan nya ito at sabay sibat nilang dalawa.
Banuk: Hanep sino iyon.
Hawan: Aba'y malay ko pero swerte mo lumitaw malapit sa iyo malay mo para sa iyo sya.
Banuk: Ayoko no kahit gaano pa kaganda sya di ko sya nais.
Tabak: Aray!~nabanlian ng alipin ang daliri ng mainit na tsaa na iniinom o pinapainom sa mga datu parte ng ritwal.
Habal: Hay masarap siguro manirahan sa ibang isla.
Putra: Marahil...pero alam ko ang mga galawan mo gusto mo lang doon mambabae no?
Habal: Hindi no!
Putra: Huwag ako Habal...tsk! tsk! tsk!
Adlaw: Ano kayang oras ang dating nya rito?
Habal: Huwag mo na syang alalahanin makakarating din yon.
Adlaw: Ano ba kayo ako'y nagaalala lamang sapagkat siya ang kataong pinangak ng tulad ng akin natural lang na magalala ako sa kanya di ba?
~tumango lang ang mga kapatid...
Putra: Alam nyo naman yan si Adlaw maaalalahanin maging katulong nga tinatanong nyan kung nakakain o nakatulog ng wasto.
Banuk: Hoy maiba tayo nabalitaan nyo baga yung pagpaslang na ginawa ni Bulan sa pamilyang umampon sa kanya? Tapos sinunog nyang lahat ng mga iyon.
Hawan: Eh, ibig sabihin totoo ang mga sabi-sabi? Nakakatakon naman yan!
Habal: Shhhhhhhttttt wag nyo laksan ang boses nyo baka may makarinig!
...~di nakaimik si Banuk at Hawan.
Banuk: Hawan...
Hawan: Bakit?
Banuk: Di ba parehas kayo ng ina ni Bulan baka mamaya isa ka na ring Ibong Mandaragit!
Nagalit si Datu Puti Tabak..."Ibig sabihin isa rin akong Ibong mandaragit?"~sabay layas.
Adlaw: Hayaan nyo mamaya kakausapin ko na lang sya.
...~saglit na natahimik silang lahat...samantalang si Datu Puti Lakan ay masayang pinanunuod sila.
Nang malapit sila sa Resident ni Datu Puti Adlaw ay biglang nahimatay si Hannah o Binibining Dayang Dara
Bituin: Binibining Dayang Dara! Binibini! Binibini! Binibini!
Pagmulat ng mata ay nasaloob na sya ng isang silid na gawa sa kawayan dahon ang latag gawa sa bulak ang kumot at unan. Ang kasuotan ay mula sa mga telang angkat sa mula China ng mga mangangalakal puro gintong kwintas at purseras ang braso at leeg mayroon ding perlas na palamuti sa noo.
Nasaan ako tanong ni Hannah nang magising.
Aya: Ao gising ka na?
Hannah: May sayad yata ang babaeng to tinatanong kung gising na ako di ba obvious?~nakatingin lang kay Dayang Aya. Tsaka isa pa ano...anong tawag nya sa akin Dayang Dara? Sino yun? Teka isa pa bakit ang gamit rito ay ganito nasa drama ba ako?~sabi sa isip.
Aya: Ah...ano ba bakit ganito sya nakatitig sa akin tapos biglang kumukunot ang noo nawawala ganoon uli. Saan ba nauntog ito?
Bituin: Sa bato!
Aya: Ano?
Hannah: Ah binibini...
Lumingon si Dayang Aya at Bituin...
Bituin: Binibini!~sinabing magkasabay~Aya: Dayang Dara?
Hannah: Ah...sino kayo nasaan ako? Ah...atin-atin lang to ha matanong ko lang kelan ang tapos ng shooting?
Aya: Ano yung Shooting?
Bituin: Binibini! Di mo ba talaga kami maalala?
Hannah: Kung naaalala ko kayo bakit ko pa tatanungin kung sino kayo?
Bituin: Binibini di sa pagbibiro...
Hannah: Di rin sa pagbibiro bakit Dayang Dara tawag nyo sa akin gayong Hannah ang pangalan ko.
Bituin: Jusko po Hara di ko na alam ang gagawin jusko wag nyo po ko papapatay di ko na po ulit hahayaang mawala sa paningin,ko si Binibini.
Aya: Ano ka ba wag ka magalala sabi ng mga ispesyalista gagaling daw naman sya daglian lang mawawala ang alaala.
~nawala ang kaba sa dibdib ni Bituin.
Lumabas ng silid si Hannah patakbo na...
Hannah: Nasaan ako anong lugar ito anong taon na?
May nakarinig na alipin...
Hara Dayang Dara kayo po ay nasaresidente ni prinsipe Adlaw taon po ito ng paghahari ni Sultan Puti Sutra ika 10 taon na sa ngayon ng kanyang paghahari.
Hannah: Makakatungo ka na sa iyong paroroonan.
Masusunod Hara Dayang Dara. Ngunit ngiti lang ang kanyang isinukli. Nagpatuloy muli sa pagtakbo ngunit sa kanyang pagtakbo ay natisod sya sa bato at nawalan ng malay.
Habang siya'y walang conscious ay biglang nagflashback sa kanya ang lahat ng kanyang alaala mula bata hanggang sa aksideteng naganap...
Anak anong gusto mo Jollibee o McDonald's?
Jollibee po.
...
Walang hiya ka pano mo nagawa yung sa akin anong naging pagukulang ko sa iyo ha? Bakit ka nambabae!
Patawad...nabuntis ko lang sya anak sya ng boss ko kung di kita hihiwalayan papatayin nila kayo at ayun ang ayaw ko mangyari sa inyo di ko matake makita gayong eksena sa inyo
Ma, pa tamana wag na kayong magaway.
...
Ahaha, walang ama!
Dahil sa sobrang galit itinulak ang kaaway sa putikan na dahilan ng pagiyak nito. Nagsumbong ang mga iyon kaya naprincipal office siya at doon inilahad niya na inaasar siya dahil sa kakulangan ng ama naantig naman ang magulang nung batang nambuli sa kanya kaya pinagaral nya ito ng kolehiyo bilang conpensation sa nagawa ng kanyang anak.
...
Nang makapagtapos ng pagaaral nakahap agad ito ng trabaho mga kaibigan at magiging katuwang sa buhay ngunit nabago lahat pumasok sa buhay nila si Luna Blanca scammer, conartist at tsismosa.
Sila ng aking soon to be husband ay sumibat at di na nagpakita pa matapos akong lokohin, nakawan at iwan ng napakalaking utang na halos umabot ng isang million piso.
Tangay nila ang lahat ng alahas ko pati ang atm ko tanging laman lang ng pitaka natira sa akin. Tapos isang araw habang ako'y nasa may tulay nakaupo puno ng pasa at pasakit ng katawan, puso, isip at emosyon tapos may nakita akong isang pulubi uhaw na uhaw that time lasing ako, lango dahil sa paginom ng soju mula gabi nung kinaumagahan nagising ako sa ingay dahil maraming tao ang naroon. Nang magising ako ramdam na ramdam ko ang init ng panahon at sakit ng mga pasa ko pati na ang gutom ngunit wala wala na akong pera.
Bigla akong napahawak sa isang bote sa tabi ko. Swerte may laman pa ito kaagad akong lumagok ramdam sa aking lalamunan ang init na dulot ng alak.
That time wala pa rin ako sa wisyo kasi kagagaling lang sa paginom kagabi inshort hangover pa ko.
Biglang may naupo sa di kalayuang pulubi parang uhaw na uhaw kaya ibinigay ko ang inumin ko ako man ay nawalan ngunit masaya akong nakatulong.
Kinausap ko sya ngunit maya-maya lang matapos naming magusap ay unti-unting dumilim ang paligid kasabay ng pagbiyak ng lupa hanggang sa nasira na ang tulay kasabay non ang paghulog ko tapos... tapos... tapos... nagising na ako nasa iba na akong mundo.
...
Samantalang habang binabagtas ni Datu Puti Bulan ang daan sa Sulu palapit sa Palasyo ng Sultan...
Nariyan na ang Ibong Mandaragit...
Sabi ng mga tao sabay sibat patago.
Saglit siyang bumaba at nagtungo sa isang tindahan bumili ng pangipit ng buhok.~iniwan lang ang bayad sa lamesa ngunit nang susukliang ito'y kaagad itong sumakay ng kabayo at mabilis itong pinatakbo.
Sa may gate bago sya pumasok kinausap sa isa sa mga punong nangangasiwa sa pagbabalik nya sa sulu.
Sabihin mo sa Sultan na inaalagaan ka namin ng maayos. Isa pa paiiwan ko ang dalawang tauhan ko para sa iyong pagbabalik ng Lusong ay may magdala ng iyong mga gamit.
Bulan: Manigas ka!
Pinapasok na sya at umalis na ang mga iyon...
Ding hindi na ako babalik sa Lusong sisikapin kong mapabalik ang nararapat para sa akin.
Pagbaba sa kabayo ay nagbow sa kanya ang dalwang tauhan ng Heneral ngunit pinaslang lang niya ang mga ito at ang mga kabayo na sinaksayan nila maging yung kanyang ginamit.
Mahal na Datu di nyo po maaaring ipasok ang iyong tabak.
Bulan: Kung gayon...itapon mo na ito.
Masusunod po!