Hannah: Datu masaya bang manuod ng nagbibihis?
Banuk: Oo!~ngunit napaisip ito sino namang hangal na magtatanong sa kanya ng gayon kaya nilingon nya ito.
Ikaw!~sabay na sabi nung dalawa.
Dahil don nagpambuno sila at nung panahong yon nasa isang kubo sa di kalayuan ang mga prinsipe nagkukwentuhan at kasama nila si Usbong. Pati si Bulan ay naroon din nagmamasid masid habang ang iba'y nagkukwentuhan.
Usbong: Bulan...~nagpapakita ng senyales na may gusto ito sa lalaki.
Bulan: Anong meron?~mabagsik na tugon.
Usbong: Wala naman gusto sana kitang kumustahin.
Bulan: Salamat na lang wala naman akong sakit di mo na kailangan pang magabala sa pangungumusta . Wag ka nang magsayang ng iyong laway buti pa maghanap ka na lang ng ibang makakausap mayroon nawaglit sa aking isip na sya ngayon kong pinagbubulaybulayan kung nais mong itanong kung ano iyon wag mo nang balakin at di rin kita sasagutin ukol jan.
...napanganga lang si Hara Puti Usbong.
Habang patuloy sa pagpapambuno yung dalawa ay lalong lumalakas ang boses nila dahil sa pwersang binibigay nila. Nagulat si Bituin kaya pagkabihis lumabas kaagad ito. Nakitang nagpapambuno ang dalawa, umabot na rin sa pandinig nhg mga prinsipe ang pangyayari.
Bituin: Binibini, tama na wag nyo nang saktan ang Datu.
Hannah: Lintek lang walang ganti.~habang nakikipagsabunutan~Banuk: Anong sabi mo?
Adlaw: Tigil, magsitigil kayo!
Napatingin yung dalawa at napadapa sa lupa pareho.
Hannah: Aray ko bakit ka bumitiw.
Banuk: Tarantado ka di ba sabi mo ay bitawan ngayong bitawan kita ay sinisisi mo ako. Walastek ka naman!
Hannah: Grr!~sabay unti-unting tumayo nang aalalayan ni Datu Puti Adlaw ay tinabig lang niya ang siko at nagwalkout ng paikaika.
Ngunit di lingid sa kanilang kaalaman ay sinundan pala ito ni Datu Puti Bulan at nang malayo na sila ay hinawakan ito sa tuhod binuhat at dinala sa paliguan.
Hannah: Huy saglit bakit mo ko dinala dito? Bitawan mo ako.
Bulan: Ano ba ang problema bakit mo ginawa yun kay Datu Puti Banuk? Alam mo bang mapapahamak ka. Pano pag nalaman ng hari ang nangyari?
Hannah: Anong pakialam mo? Bakit ka ba nagaalala at tsaka may dahilan ako, tama bang manilip ng nagbibihis? Kahit naman siguro Datu dapat mapanagutan ang kasalanang nagawa di ba? Haah oo nga pala nasapalasyo nga pala ako iba dito ang kultura, pagmahina ka wala ka, pagmalakas ka lahat sa iyo ay kakapit na parang tuko.
Bulan: Tama ka, pero kung pangit o may depekto ka para ka rin lang isang malayang tao di ka igagalang tutuyain ka pa, maswerte ako kinatatakutan pero ang iba lalo na yung mga anak ng Sultan sa labas ng palasyo nakikita ko kung paano sila pagmalupitan, lalong lalo na yungvmahihirap. Minsan ko na silang natulungan ngunit minasama pa ako kaya sinumpa kong di na mauulit pero sadyang marupok ako di ko kaya silang makitang nasasaktan kaya naisipan kong magdala ng tirador para patamaan ang sino mang makita kong humahamak sa mga tao ko o tao ng Sultanato ng Sulu...
Hannah: Ganon pala!~mahinang tinig na unti-unting nagpefade.
Bulan: Sige makakaalis ka na.~malamig na tinig. Di ka pa aalis? Pag di ka pa umalis papatayin kita!~pasigaw, nambubugaw, parang nagpapalayas ng pusa.
(Ano to nambubugaw ng aso?~sabi sa isip)Hannah: Hoy Datu Bulan anong karapatan mong bugawin ako, tao ako di aso?! Sige lalayas na ako, kung yan gusto mo. Pero ito ang tatandaan mo ako ang taong kailan man ay di mapipigilan sa lahat ng gusto ko!~pasigaw nyang sagot. Sabay karipas ng paglalakad paalis.
(Ako talaga'y giliw na giliw sa babaeng yun parang sya na ang aking hinahanap...ganoong babae ang gusto matatag, di madaling maloko at handang makipaglaban para sa ikabubuti ng iba, kung ako ma'y mabibigyan ng pagkakataong maging Sultan sya ang iibigin kong maging reyna)
...
Makalipas ang ilang minuto...isang mainit na hapon.
Hannah: Haaaaak! Ano bayan wala akong magawa!
Bituin: Binibini tayo lumabas, tayong mamalengke.
Hannah: Tara na!~super duper excited.
...
Sa Palengke...
Hannah: Wow, bilhin mo to, bilhin mo are, iyon din, yun pa.
That time nakikipagbuno si Datu Hawan sa isang palakasan. Nanalo sya at ang mga tao'y nagbunyi.
Ngunit biglang nabasag ang bunyi ng takot at pangamba nang dumating ang isang grupo ng mga matatabang bandido.
Kunin nyo sya at dalhin sa kakahuyan, bigyan ng leksyon.
Masusunod po, panginoon.
Hawan: Bakit anong nagawa ko sa inyo sino kayo? Lagot kayo sa mga magulang ko makikita nyo?
Habang dinadala nila si Hawan...ay nakita ni Hannah na si Hawan ay dinakip.
Kaya daglian itong tumakbo...
Bituin: Binibini saan ka paroroon.
Hannah: Doon susundan ko, dinakip si Datu Hawan. Ikaw ipagbigay alam mo ito sa kinauukulan, nauunawaan.
Bituin: Nauunawaan ko po.~kaya tumakbo na ito.
Habang humahangos ng pagtakbo si Bituin ay napansin ni Bulan na si Dara(Hannah) ay patungo sa ibang direksyon kaya sinundan nya ito at nang maabutan ay isinakay rin sa kabayo.
Inabutan Scenes...
Bulan: Hoy Dara saan ka patungo?
Hannah: Doon sa kakahuyan balak pagkaisan si Hawan ng mga bandido, tutal may kabayo ka naman mabuti pa'y dalhin mo ako don kesa insultuhin mo kp para di nasasayang oras natin.
Bulan: Di pa nga ako bumubwelo pinipigilan mo na agad.
Hannah: Sadya, ang sangang di maganda ay kailangang putulin na kaagad hanggat malambot pa.
Tiningnan lang siya ng nakakatakot sabay ngisi.
Bulan: Sakay na!
Hannah: Ahhhh...di ko kaya!
Bulan: Anong di kaya? Bilisan mo na hahabulin pa natin sila! Aplang na!
Oo na!
Oho, di diyan sa harap ko. Anong gusto mo ikaw yayakap sa akin? Di ba higit na masamang tignan yun.
Umirap si Hannah tapok sabing masusunod.
...
Samantalang si Bituin ay pagpunta sa palasyo at ibinalita ang nangyari kay Datu Hawan at kaagad nitong sinabi sa mga kawal na samahan nyo ko mga kawal ngunit di pumayag ang sultan ng marinig na nasangkot si Hawan sa gulo sinabi pa nitong magdusa sya.
Pero Ama!
Bahala ka kung nais mo sya sagipin.
Dahil don dali-dali niyang sinabi kay bituin na maghanda at ikuha silang dalawa ng kabayo at para sa paglalakbay nila.
Masusunod po, Datu.
...
Nang makarating na sa kakahuyan...iniluhod nila si Hawan, may dalawa sa tabi niyang nakaapak sa kanyang binti at nakahawak sa kanyang magkabilang braso ng mahigpit.
Natatandaan mo si boss?
Sinong boss?
Tingnan mong maige (nakasakay sa karwahe, ibinaba, nakabalot ang kamay at paa ng tela) pangsabi ng lalaki na naglakad sa likuran nya at hinila ang mahaba nitong buhok. (iniharap sa kanya ang boss nila na putol ang mga daliri sa kamay at paa.)
Ahhhh~sigaw ni Hawan habang sinasabunutan sya. Ngunit di naman nya nakikita dahil nakapikit ito dahil sa sakit ng pagsabunot sa kanya.
Hangal ka ba paano ko makikita gayong napapapikit ako sa sakit ng sabunot mo?
Binitiwan ng lalaki ang buhok nito.
Di ako ang may gawa niyan!
Hindi nga ikaw, pero ang reyna.
Ah...
Dahil natalo ka ni boss sa dwelo.
Ah...!~nagulat nang marinig ito ay yumuko ito.
Kaya ngayon idapa nyo sa puputulin ko ang mga daliri nya. Inilabas na ang tabak ngunit malapit na sa daliri ay sumigaw si Hannah na itigil nyo iyan bumaba ito at sa kabayo that time si Bulan ay umakyat sa puno upang manood.
Tumingin si Hannah sa puno at minustra nito na huy di mo ko tutulungan?
Wala ka namang sinabi ah!
Sige na nga bahala na.
Kinuha ni Hannah ang isa sa mga tabak ni Bulan at kanyang inihaya...
Ang sinumang lumapit sa kanya ay kanyang tinataga.
Sige lapit kayo tatagain ko kayong lahat malakas na sigaw nito.
Unti-unting umatras ang mga iyon, pero di upang tumakas kundi umisip ng taktika para labanan si Hannah. Bawat lumapit kay Hannah ay kanyang tinanaga, papalapit na nang papalapit ito kay Hawan ngunit nang malapit na ay bigla itong sinipa kaya nadapa. Nang makita ni Hawan na nakadapa na si Hannah ay nagpumiglas ito sa dalwang lalaki na may hawak sa kanya at nakalaya naman ito sa mga ito. Itinayo nya si Hannah at nagtulungsn sila ngunit sadyang marami at malakas ang mga kalaban.
Diyos ko tulungan nyo kami bulong na dasal ni Hannah.
Pinanghihinaan na sila ni Hawan sapagkat napatutumba man nila ang mga iyon ay animo'y di na papagod bumangon at harapin sila.
Walang anu-ano'y dumating si Datu Puti Adlaw.
Adlaw: Mahihina lang ba ang kaya nyo, harapin nyo ako kung kaya nyo?
Nagtawanan lang sila.
Aba, isa pang Datu!~sabing pabiro ng isa sa mga pinuno.
Nakipaglaban rin ito kasama ng dalawa ngunit di inaasahang nasugatan ng tabak. Kaya tinuya pa sila ng mga kalaban at sinabing ano yan lang ba kaya nyong tatlo?
Nang mapansin ni Bulan ang sitwasyon ay daglian itong sumakay sa kabayo at nagpakita. Pili kayo ng armas kung saan nyo nais mamatay marami ako rineng dala! Sabay ngisi.
Nakita siya ng isang myembro na tubong Lusong.
"Ang ibong mandaragit!"
Nang marinig ng lahat ay syang kanya-kanyang takbo liban sa pinuno nila na nagawa pang hablutin si Hannah.
Hannah: Tulong! Tulong!~sigaw nito.
Dagliang hinablot ito ni Hawan at that time nakababa na ng kabayo si Bulan tinirador naman ni Bulan ang lalaki at tumagos sa ulo nito ang bato na kanya namang ikinamatay. Nasaksihan ito ng mga nagsisitakbuhan kaya lalo pa nilang tinulinan ang pagtakbo dahil baka sila ay sundan ngunit di naman iyon ginawa ni Bulan.
Makalipas ang ilang minuto...
Hannah: Ang galing naman ng aming bunso! Nagulat si Adlaw at Bulan sa sinabi ni Hannah. Appear, atok,
Hawan: Ha?
Hannah: Basta gayahin mo lang ako!
Hawan: Umm...
Hannah: Appear, atok, aline, appear disappear ½, ¼, disappear appear. Fighting!
Hawan: Fighting?
Hannah: Isigaw mo ng malakas! FIGHTING!
Hawan: FIGHTING!
Parang mga baliw!~sabi ni Bulan sabay talikod at lakad palapit sa kanyang kabayo, tapos sakay.
Anong sabi mo!~sabi naman ni Hannah.
Bulan: Wala!
Hannah: Anong wala rinig ko yun!
Bulan: Bakit mo pa tinanong?~Sabay patakbo ng kabayo, karipas ng takbo.
Nang makaalis si Bulan si Bituin naman ang syang dumating.
Binibin!
Bituin.
Sumakay ka dine.
Oo.
Dine ka sa unahan ko.
Sige. Ah, saglit...si Datu Hawan walang kabayo.
Adlaw: Alam ko na ikaw Dara sumabay ka sa akin at ikaw naman Hawan ay sa kay Bituin.
Hawan: Oo.
Gayon tugon ng dalawang babae.