Chapter 4 - Pagkawala at Pangungulila

Habang nasakabayo nakasakay sila unti-unting inihahawak ni Adlaw ang mga kamay nito kay Hannah at dahil don nakaramdam si Hannah ng pagkabanas inshort kinakabahan na kinikilig.

"Mahirap naman isipin na ito ay may ibang kahulugan pero bakit tila iyon ang binubulong ng puso ko, isa pa sinong di maiinlove sa isang gentle man. Since nakita ko sya o nakikita di ko maialis ang tingin sa kanya kahit magkasama sila ni Aya. Ah, sana all may ganoon uri ng pag-ibig."

Hoy anong iniisip mo, maaari ko bang malaman?~tanong ng mahinahon ni Adlaw, habang nakasakay sa kabayo pababa sa palasyo.

Sa residente ni Datu Puti Adlaw...

Aya: Nagaalala ako sa tatlo.

Mayan: Anak, wag kang masyadong magalala baka ikalala pa ng kondisyon mo iyan. Tumango lang si Aya.

Samantalang si Datu Hamil Putra ay palihim na nauupo sa puno sa bakuran ni Adlaw. Gumuguhit at isa sa mga iginuhit nya ay si Binibining Dayang Aya.

THROWBACK...

Aya, naaalala mo ba noong bata pa tayo nangako tayo sa isa't isa ngunit bakit pakakasalan mo si Adlaw!

Wala akong magagawa, oo mahal kita pero mas mahal ko mga magulang ko. Ako lang kaisa-isang babae sa pamilya maswerte nga at hindi Sultan ang ipapakasal sa akin. Lalo ka sigurong magagalit kung iyong ama ito.

Mabuti pa ngang si ama na lang kesa kapatid ko na pinagkakatiwalaan ko pa isa sa mga mabuti at tinuturing kong walang dungis kong kapatid.

Ipinapangako ko sa ikalawa kong buhay ikaw lang ang aking iibigin tandaan mo iyan.

Naniniwala ako sa iyong sinasabi.

Back to reality...

Bakit kaya nya naulit yun?

Di kaya mayroon na syang karamdaman nang panahong iyon?

O di kaya nilason nya sarili nya?

Teka...di kaya yung sacket nyang laging inaamoy imbis na gamot?

"Aya ano yang laman ng sacket na iyan?

Gamot sa sakit ko!

Ehem! Ehem!

Ah, gusto mo regaluhan kita ng marami nyan. Saan mo iyan nabili. Sige na sabihin mo para huling regalo ko na iyan sa iyo.

Huwag na di na kaiangan. Ako na ang bahalang bumili nito."

Nakita ni Putrang inaamoy ito ni Aya habang papaalis ang byenan nito pabalik sa kanyang residente.

Nang makalabas ng gate~gawa sa kahoy, ay bumaba ito ng puno at nagpakita kay Aya.

Putra!

May ibibigay ako iyo.

Ano iyon?

Ito, oh iginuhit kita. Nakalagay sa likod basahin mo muna.

Mamaya na. Pero, woh napakaganda. Ito ba talaga ako?

Oo. Sige na basahin mo na!

Sige na nga!~naiiyamot nitong tugon.

"Para sa babae kong minamahal, kaisa-isang nagpatibok ng puso ko.

Di man ako yaong iyong pinakasalan o napangasawa pag-ibig ko sa iyo'y di maglalaho tulad ng isang bula,

Oh aking hirang dinggin mo itong huli kong hiling

Ako'y iyong hayaang ipakita ang aking pagsinta sa huling,

Inihahandog ko a$g isang larawang aking ginuhit gamit ang aking mga dugo upang ipakita ang tunay kong pag-ibig sa iyo.

Aking irog tanggap ko na di ako para sa iyo ngunit kung kailangan mo ako sabihin mo lang at ako'y handang dumating.

Nawa'y maganap yaong iyong tinutukoy mo na ikaw at ako lamang sa ikalawa nating buhay hanggang sa mga susunod na buhay pa.

Napaluha si Aya. Bakit mo ginamit ang dugo mo sa pagguhit nasugatan ka ba ng husto saan?

Ano ka ba di ko hiniwaan ang aking balat ayon ay dugo ko nung natamaan ako ng palaso hiningi ko dugo ko mula doon.

Haaah, akala ko ay...

...

Nang makababa na sila ay di inaasahang nadapa si Hannah.

Binibini!

Huwag kang magalala papasanin ko na siya.

Salamat po Datu!

Ikaw Hawan umuwi ka na.

Masusunod.

...

Sa Resedente ng Sultan at Reyna...

Hawan: Anong ginagawa mo dito sa residente ni Ama at ina?

Bulan: Anong ginagawa ko dito?~nakangisi Malamang bahay to ng magulang ko dito rin ako nakatira.

Hawan: Di ba pinagbawalan ka ni ina dito ah?

Bulan: Si ina lang pala di naman si ama. Sya nga pala ako'y nakatira malapit sa silid ni Datu Puti Lakan di dito sa inyo. Sya nga pala tumabi ka nahaharangan mo pinto dyan ako patungo.

Hinigit ni Hawan ang damit ni Bulan...

Hawan: Anong sinabi mo, inuutusan mo akong umalis?

Inalis ni Bulan ang kamay ni Hawan sa damit nya at iniikot ito para sya ay madaling makapasok at binitawan na nagresulta ng pagkaupo nito sa lupa.

Ah!

At nakita ito ng ina nila pati ni Tabak.

Tabak: Kita nyo naman ina kung paano nya sinaktan si Hawan.

Hawan: Ina hindi po sa ganon! Sya pa nga tumulong sa akin para di ako mapatay ng mga nakalaban ko yung pinutulan nyo ng kamay at paa.

Reyna: So anong gusto mong palabasin?

Hawan: Nagulat lang sya narito di ba pinagbawalan nyo. Ngunit ayon sa kanya ay dito siya mananatili sabi ni ama sa tabi ni Datu Lakan.

Di mapigilan ni Bulan ang bugso ng damdamin nito... nang tumayo si Hawan ay sinabi dito nitong HANGGANG KAILAN KA MAGTATAGO SA SAYA NIYA PANGHABANGBUHAY MAGPAKALALAKI KA NAMAN AT MAGING RESPONSIBLE WAG MO TULARAN YANG KAPATID MONG PARANG ASO SUNUDSUNURAN NG AMO!~sabay tapik sa likod nito bago pumasok sa silid nang tatawa-tawa.

Habang papasok ito ay binato ito ni Tabak ngunit nasambot lang nito ang bato. Kaya lalo pang nagngitngit ng galit si Tabak.

...

Naisipang maligo ni Bulan kaya pumunta ito sa ilog ngunit nakita nya si Hannah na tumalon sa tubig. Nang makita ito dali-dali siyang lumusong at sumisid para sagipin ito that time maggagagabi na.

Sa lupa...

pinump nito ang dibdib at lumabas naman ang tubig sa katawan nito.

~mulat ng mata...Bulan?~pikit muli ng mata...nawalan ng conscious.

Bago tumalon...

Siguro kung tatalon ako babalik ako sa buhay ko dati, gosh kaloka ng mga kaganapan di ko na matake. Paalam na Sulu, let me back to Manila.~pumikit at nagpatihulog sa tubig.

Pagmulat ng mata...

Binibini!

Bituin?

Opo!

Nasaan ako?

Nasainyong silid. Sinong nagdala sa akin dito?

Si Datu Puti Adlaw po.

Hindi si Datu Puti Bulan?

Po ano pong sinasabi nyo?

Saan ako natagpuan ni Datu Puti Adlaw sa pampang nakahiga tulog pero asa mga damit mo.

Kung gayon si Datu Puti Bulan nga sumagip sa akin.~sabi sa isip. Ah si Binibining Aya?

Ikinalulungkot ko binibini kanina makaalis nyo ay nadatnan ko siya na wala nang buhay sa piling ni Datu Hamil Putra.

Ano?! Hindi! Hindi! Hinde!~sigaw na may pagtangis ni Hannah. Wala na akong magulang wala nang magmamahal sa akin.

Binibini narito pa ako, si Datu Puti Adlaw...

Libing...

Sinunog ang bangkay at isinaboy ng mga mahal sa buhay nito ang bangkay. Maging ang Sultan, Datu, at mga alipin na nakakasama ni Dayang Aya ay nag hagis rin ng abo nito at nagbow sa harap ni Dayang Dara(Hannah).

Sa Residente ni Datu Puti Adlaw...Makalipas ang ilang araw ng pagkamatay ni Dayang Aya.

Oh, Bituin ano't nakamukmok ka dyan sa labas ng silid ni Dara bakit ayaw mo magpahinga?

Si Binibini po ayaw kumain ilang araw na. Ang huling kain nya ay noong bago ilibing ang binibini. Di lang yun sarado pati bintana kaya lubos akong nagaalala.

Dara buksan mo ang pinto ng silid mo.

Ayoko, nais ko munang mapagisa.

Ngunit Binibini di ka pa kumakain ng kahit ano!

Hindi na kailang dalhan ako ng pagkain.

Pero Binibini!

Basta ayaw ko munang lumabas. Huwag nyong bubuksan ang pinto.

Pero!~Datu Adlaw. Pilit na tinutulak ang pinto.

Huwag.

Ngunit patuloy pa rin sa pagtulak ng pinto ang datu.

Datu huwag.

Nang mabuksan ay tumambad kina Datu Adlaw at Bituin na nagbibihis si Dayang Dara.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! Di ba sabi ko wag ngang buksan ang pinto.

Paumanhin!

Nakita nila sa loob ang isang basket ng mga prutas at basket ng mga pinagkainan.

Lagay ngang di mo na kailangan ng pagkaing dinadala ko may pagkain ka na pala dyan. Saan galing ang mga yan?

Sa mga alay sa mga anito kinuha ko yung mga prutas.

Ano! Binibini, bakit mo kinuha yung mga yun baka ika'y mapagalitan ng mga babailan. Isa pa naku malas yun sabi di ka daw bibiyayaan at may mangyayari sa iyong masama pagkinain mo iyon ang malala ay ika'y maaaring mamatay.

Mamatay?~nanginginig na tanong. Tapos naghimatay himatayan. Booog!~bumulagta sa sahig

Binibini!

...

Habang naglalakad si Hannah sa hardin at inaantay si Bituin patungo sa labas ng palasyo ay nilapitan siya ni Banuk...

Nang makita niya si Banuk ay sumimangot ito.

Hindi ako narito para makipagaway.

Kung ganon eh bakit ka narito?

Para humingi ng paumanhin sa nagawa ko kay bituin. At isa pa di ba namatayan ka, nakakaawa ka naman...naalala ko nung panahong mamatay si ina sa kamay ng mga taong nakaitim. Kitang-kita ko kung paano sya patayin malakas ang pakiramdam ko na ang reyna ang nagutos niyon dahil isa si ina sa mga babaeng kinagigiliwan ng Sultan.

Kung ganon para palang mangkukulam ang reyna!

Oo, daig pa ang ina ng Sultan kung magalit.

Eh?

Nasaan na ina ng Sultan bakit di ko nakikita?

Matagal nang patay.

Pagbalik ni Bituin nakita nyang naguusap si Dayang Dara ni Datu Puti Banuk.

Binibini!~bow, tapos punta sa likuran nya.

Bituin...paumanhin.

Shake hands.

Anong shake hands?

Ganito.~ipinakita kung paano magshake hands.

Ahhhh...~sabi nung dalawa.

...

Habang papalabas ng palasyo nakita nila si Datu Hamil Putra na nakaitim, may abo sa ulo at nagiinom ng lambanog sa lilim ng isang puno habang nananangis.

Hannah: Datu...kaagaaga nagiinom ka.

Putra: Pabayaan mo ako, ako'y nagluluksa.

Hannah: Sinong namatay?

Putra: Tanga ka ba i mabilis mong nakalimutan ang pagkamatay ni ni ni Aya, ha!?~masama ang tingin kay Hannah.

Bakit kaya...kilala kaya nya si aya?~sabi sa isip.

Putra: Di ko lang sya basta kilala, mahal na mahal ko sya, ako lang din ang mahal niya ngunit nagbago lahat ng ipakasal siya kay Adlaw parang pinagtakbuban ako ng langit at lupa ngunit wala akong magawa. Ipinaglaban ko sya kay ama ngunit sa halip di nya ako pinayagang dumalo sa kasal nila. Bagamat gayon man ako pa rin ang nag wagi sa kanyang huling sandali sa akin piling siya nagpaalam. Nangako sya sa akin na sa susunod na buhay ay wala nang makakahadlang sa aming pagiibigan.~umiiyak habang nag sasalita.

Nauunawaan kita.~sabay hablot ng alak at lagok din.

Pwe! Lasang Methanol, uy lason yun ah?

Hmm...nilagyan ko to gusto ko nang mamatay. Unti-unting pumikit.

Banuk dali tawagin mo ang dakilang manggagamot!

Masusunod.

Samantala tinawag naman ni Hannah ang atensyon ng mga kawal para madala ito sa silid nito. That time dumating si Datu Puti Adlaw at nakita ang mga kawal at si Hannah ay may binubuhat kaya nilspitan niya ang mga ito habang papalapit unti-unti nitong nakikita na tao pala iyon kaya binilisan niya at natagpuan si Putra ay nakahandusay.

Adlaw: Anong nangyari?

Hannah: Uminom ng alak na may lason

Adlaw: Bakit?

Hannah: Tsaka ko na ipapaliwanag dalhin mo sya sa dakilang manggagamot. Pero sa daan baka makita mo si Bituin iangkas mo rin para di mahulog si Putra.

Adlaw: Oo, oo! Ikaw...?

Hannah: Pupunta ako sa Sultan at ipaparating ito.

Adlaw: Sige! Sige!