Chapter 5 - Pagtungong bulwagan

Sa bulwagan...Kung saan naroon ang trono ng Sultan. Ang bulwagan ay gawa sa Nipa hut ang bubong, ang pundasyon ay ang apat na pinong pinutol pero hindi binunot. Kung baga pinutol lang ang ibabaw tapos nilagyan ng bubong at mga kawayan ang dingding; gayon din ang sahig...mayroong dalawang baitang na hagdan tapos kawayan na pinagdikit-dikit.

Sa labas ay mayroong dalawang lalaki na nakabantay...

Nang makita si Bulan na sakay ng kabayo papalapit ay nanginig na at di makapagsalita...

Itinulak pababa ni Bulan si Dayang Dara kaya ito'y bumagsak sa lupa!

"Aray!" Ano ba, tao to di to hayop.

Pasensya ha, hindi ako mahinhing tao tulad ni Adlaw. Sabay ngisi.

Dali-dali itong bumaba at tinulungang tumayo si Dayang Dara at inalalayan paakyat ng hagdan.

Kamahalan...~halatang kinakabahan. Ano po ang inyong pakay sa Sultan?

Mayroon akong mahalagang mensaheng nais iparating tugon ni Dayang Dara.

Kung gayon sa amin nyo na lang ipadaan at aming babanggitin sa Sultan.

Dinilatan ng isang mata ni Bulan ang dalawa at nang makita nila ito ay pinagbuksan sila ng pinto.

Sinong lapastangan ang nagbukas ng pinto ng walang pahintulot ko?

...lumapit so Bulan at Dayang Dara.

Lumuhod agad si Dayang Dara...gayon din si Bulan.

At nagmakaawa ito sa ama..."Ama, nawa'y pakinggan nyo muna yaong nais ipahayag ni Hara Dayang Dara bago kayo magbulalas ng yaong galit!"

Ano iyon?

Nagbibigay pugay po ako sa inyo mahal na Sultan Puti Sutra, ang Sultanato ng Sulu na syang apo ng Sultan ng Brunei! Akong si Dayang Dara ay iuulat na si Datu Hamil Putra ay nalason...nasakanya itong silid dinala ni Bituin at Datu Puti Adlaw...samantalang si Banuk ay nagtungo sa manggagamot.

Kung ganon tayo na't...

Paglabas ng Sultan...

Ihanda nyo ako ng kabayo at ako ay tutungo kay Datu Hamil Putra at ihanda ng isa pang kabayo para kay...

Huwag na ama at isasakay ko na lamang siya sa harapan ko.

Hindi maaari Bulan, sapagkat tanging magkasintahan lang at magkapatid ang gumagawa noon.

Po? Tugon ng dalawa sabay tinginan sa isa't isa tapos irap at paling sa magkabilanang side.

Masusunod kamahalan...tugon ng dalawa. Dinala na nga ng kabayo ang alipin at sumakay na si Dayang Dara at sila'y naglakbay na patungo roon ang Residente ng bawat datu ay ayon sa posisyon ng kanilang ina. Gaya nina Datu Puti Bulan ang kanilang ang kanilang ina ay Reyna ang residente nila ay malapit sa Sultan, gayundin sa iba. Ang sumunod ay ang ina ni Lakan, ngunit dahil patay na ito ay si Lakan at ang pamilya nito ang titira doon. Sumunod sa ranggo ay ang ina nina Datu Puti Adlaw tapos sa iba pang datu...tanging ang ina nina Datu Puti Adlaw at Datu Puti Bulan ang buhay ang iba ay patay na.

Sa bahay ng dakilang manggagamot.

Abujubuji! Abujubuji! Ohohohoho! Haaaah!

Dakilang Magnggagamot! Dakilang Magnggagamot! Lumabas ka riyan!

"Sino baga yun!" Sigaw nang naiiyamot.

"Ano baga kailangan mo?" Galit na tugon.

Anong sabi mo? Mahinahon, nagpipigil ng galit, nakangiti, parang sinisilihan ang kamay gustong makasuntok.

...pagtunghay..."Ay, dadaDatu Puti Banuk!"

Sa wakas kalmado ka na rin. Nakangiting mahinahong sabi. Halatang galit pero hindi sa boses.

Mahal na Datu Puti Banuk, (nagbow) tapos...ano pong maipaglilingkod ng inyong lingkod?

Dalhin mo lahat ng kagamitan sa panggagamot mo, hinggil sa nalason.

Maaari ko bang malaman sinong nalason?

Isa sa mga datu... si Putra!

Si Datu Puti Putra?

Ha...Datu Hamil Putra walang Puti at Hamil iyon.

Sa katotohanan ay sya lamang ang nagpalit ng Hamil sa Puti dahil sa namatay ang ina nitong mayhinanakit sa Sultan kaya pelyido ng ina nito ang gamit nya.

Kung ganoon, may katutohanan pala ang mga tsismis na aking naririnig.

Sya nga pala bilisan mo nga ika at sa oras na mamatay sya sa daan natin patungo roon kulang pa ang buhay mo bilang kabayaran. Maging isama mo pa bahay lupa at Arcadian mo ay di sasapat na kabayaran!

Nauunawaan mo ba?

Nauunawaan po!

Dali-dali itong kumuha ng mga kailangan at lumisan na matapos gamutin ang isang pasyente nakahiga.

...

Kasabay na nakarating ang hari at manggagamot...

Pagkadating ng manggagamot ay sinuri na agad ang datu.

Kumusta dakilang manggagamot ang aking anak?

Di ko pa matukoy kung anong lason ang sa kanya'y lumalason ngunit binigyan ko na sya ng paunang lunas. Kaya di dapat kayong mabahala.

Heto ang boteng alak na kanyang ininuman. Baka dakilang manggagamot maaari nyong suriin.

Itinaktak...

Methanol, bigkas ni Dayang Dara nang nakatulala.

Methanol? Ano iyon tanong nila.

May tatlong uri ng kemikal na ginagawang alak ang methanol, isopropyl at ethanol o ethyl sa tatlong iyon tanging ethanol o ethyl lang ang syang maaaring ihalo sa inumin. Sa kaso ni Datu Hamil Putra ay inihalo nya iyon sa inumin nya. Bagamat gayon...maswerte pa rin sya at buhay pa sya.

Anong dapat nating gawin?

Pasukahin sya!

Punong Magnggagamot humanda ka ng inuming pampasuka.

Makalipas ang ilang minuto...

Pinainom na ang datu...

Unti-unting nakaramdam ng pagsusuka ang datu at nailabas na lahat ng lason...

Suriin mong muli ang katawan ng datu...

Masusunod ang sabi nito.

Mabuting balita mahal na Sultan, ang lason ay wala na sa katawan ng Datu.

Mainam. Mamaya ay magtungo ka sa bulwagan at gagantimpalaan ko ikaw ikaw rin Dayang Dara.

Masusunod kamahalan sabi nila.

...

Nang makaalis na ang hari at ang manggagamot...

Aalis na ako! Sabi ni Bulan.

Salamat...salamat sa tulong mo!

Di na kailangan. Ano Adlaw ikaw na ba bahala jan?

Hindi rin ako aalis...

Bahala ka Dara.

Dayang Dara uuna na rin ako.

Bituin maghanda ka ng maiinom natin at ni Putra, para pag nagising sya.

Masusunod!

Ah, sya nga pala maghanda ka na rin pala ng mga prutas upang pagnagising si Putra ay may kakaiinin sya.

Masusunod po!

...

Dayang Dara sasabay ka na ba mamaya sa aking paglisan pauwi sa iyong... sa oras na sya ay magising na?

Siguro, marahil.

Ah...matanong ko lang ika...

Sa palagay mo, higit ns dinamdam nya ang paglisan ni Aya. Kaya siya humantong sa ganitong sitwasyon?

Oo, higit na iniibig nya ito at ang pinakamasakit sa lahat ay yaong pinakasalan ka nya, imbis na siya. Labis ang pagdurugo ng puso niya...walang araw na hindi. Lalo na't isa pa; sa piling niya nalagutan ng hininga ang babaeng pinakamamahal nya. Anong hapdi tila isang kampilang nakatusok sa dibdib nyang higit na bumabaon paglipas ng panahon.

Kung gayon labis pala ang pagdurusang kanyang... wala akong kaalam, alam! Isa akong hangal, napakahangal ko! May pagdagok sa dibdib...tapos maiiyak pa.

Nakatingin sa mga mata ni Adlaw si Dara habang gayon ay unti-unting kinuha ang kamay na idinadagok at pinakakalma. "Datu...Alam ko ang nasaisip nyo, ngunit ito ang inyong tatandaa, di nyo kasalanang mapunta sa inyong kamay si Aya. At hindi nyo kasalanan kung bakit ika sya uminom ng lason. Pinili nyang tahakin ang ganoong buhay. Kung ika, ipinaglaban nya o nila ang pagiibigan nila marahil di humantong sa ganitong sitwasyon siya. Isa pa ang kamatayan ang isa sa di mapipigilang pangyayari sa buhay ng tao."

Narinig ni Putra ang mga sinasabi nito, dahil doon naiyak ito at mataimtim itong humagulgol. At nakatulog sa pagiyak. Nagising ito ay magbibukangliway-way na at wala na ang dalawa. Bagamat gayon ay mayroong isang basket ng prutas sa lamesang malapit sa kanyang higaan.