Pagmulat ng mata ni Hannah...
Bituin: Binibini ayos lang ba kayo?
Aya: Dara di ito magandang biro lubos mo kaming pinagalala!
Waaah narito pa rin ako!~sabi sa isip. Ngunit ng makita si Datu Puti Adlaw na naroon din ay nagulat ito at tumakbo nanaman this time pumunta sya sa silid aklatan...makalipas ang ilang minuto ay may narinig syang yabag. Nagikot-ikot ang narinig nyang pumasok, nang matapos ay bigla na lang nawala sa kanyang pandinig ang naglalakad...sumilip si Hannah mula sa kanyang kinatataguan.
Hannah: Haaah nasaan yun, siguro umalis na!
Bulan: Sinong hinahanap mo!
That time medyo madilim doon kasi mga 3:00pm na that time...
Hannah: Ah...umalis na siguro yung pumasok dito!
Bulan: Ah!
Teka kelan pa ako nagkaroon ng katabi rito isa pa pagpasok ko rito ay wala akong katabi o tao man lang! Di kaya...ito yung pumasok sa loob kanina? Anyway di dapat akong matakot!~sabi ni Hannah sa sarili.
Hannah: Anong pangalan mo?
Bulan: Bakit mo nais malaman?
Hannah: Hmm, kung ayaw mong sabihin ako'y aalis na, paalam.
...
Habang magisang nakaupo doon si Bulan iniisip nya kung mapagkakatiwalaan nya ba ang babaeng nakausap nya o isang kaaway...ay biglang sumilid sa kanyang isipan ang nangyari kanina nang siya'y magpunta sa kanyang ina...
Pumunta si Datu Puti Bulan sa residente ng kanyang ina naroon din si Hawan at Tabak.
Bumati sa kanya si Hawan ngunit sinenyasan ito ni tabak na huwag.
Kaya ang ngiting isinukli ni Bulan kay Hawan ay dagliang nawala. Tumingin siya kay Tabak tapos inirapan lang nya ito.
Naglabas ng regalo si Tabak at daglian namang pinuri ito ng kanyang ina. Nang ilalabas na ni Bulan ang isang ipit na bulaklakin ay biglang nagsalita si Hawan at naglabas rin ng regalo isang suklay na gawa sa ginto.
Nang mapansin ni Tabak na may ilalabas rin si Bulan na regalo na nakalagay sa taguan ng tabak na ipinatapon nya kanina ay sinabi nito eito nang may pangiinsultong tono..."Ano ang iyong handog kay ina?"
Reyna: Oo nga mayroon ba? Maaari ko bang makita? Ah huwag na pala kung mayroon man...marahil isa iyang tabak tutal ang alam mo lang naman ay pakikipaglaban diba?
Ngunit tumayo si Bulan at inihagis sa kanyang ina ang regalo nito tumusok ito sa sahig na kanyang ikinagulat. Isang ipit ng buhok na may disenyong bulaklak at perlas gawa sa ginto ngunit di kalidad na klase.
Naalala nya noong bata pa si Bulan at Tabak kasama ang Sultan habang pinagdiriwang nila ang kapistahan ng Buwan ay nakakita ito ng ipit na agad nitong nagustuhan ngunit pinagbawalan ito ng hari na bumili ng mga ano mang bagay.
Tanging pagkain lang ang ipinahihintulot nitong mabili niya.
Ngunit nakikita niyang hinahayaan lang ng Sultan na sya'y insultuhin ng mga Concubine ng Sultan siya.
Inisip nito na di na sya mahal ng Sultan at halos mabaliw na sya dahil sa masyadong paghihigpit nito sa kanya...hindi dapat gumawa ako ng paraan para ako'y mapansin niya.
Habang siya'y nagmumunimuni ay napansin nito ang kakaibang closeness nito kay Lakan at Bulan kaya naisip niyang ipain si Bulan kunwari ay papatayin niya ito at pag pumayag ang Sultan sa mga ninanais niya ay tsaka pakakawalan ito ngunit di iyon ang naganap nauwi iyon sa mainit na pagtatalo hanggang sa humantong ito sa pagkabulag ng isang mata ni Bulan.
Dahil doon nawan ng gana kay Bulan at sa kanya na nya ibinabaling ang lahat ng pasakit na nararamdaman nya sa di pagbibigay ng atensyon sa kanya ng Sultan.
Nang malaman ng hari ang pinagagagawa ng Reyna kay Bulan ay pinadala nya ito sa Lusong ngunit di lingid sa kaalaman nya na imbis na ituring siyang prinsipe roon ay pinahihirapan sya nila tanging tiratirang pagkain at prutas na nasapuno ang kanyang kinakain sya pa ang aadyo para makakuha noon minsa'y tinatrato syang alila.
At may pagkakataon na nakabasag ito ng banga dahil sa pangaalila nila sa kanya naubos na ang lakas niya ngunit magisa syang pinagbubuhat ng malaking banga may laman pang tubig iyon.
Nahimatay siya at paggising sya ay nasakagubatan na sya tanging damit nya at isang tabak lamang ang meron sya roon .
Ngunit sa di inaasahan may roon itong narinig na mga alulong pumusisyon at umikot ikot unti-unting lumalapit sa kanyang mga grupo ng mga lobo inamoy amoy sya ngunit ng hahampasin na nya ay naging maamo sa kanya ang mga ito.
Dahil doon nakadama sya na may karamay sya at kakampi sinabi nya sa mga ito na tulungan syang hanapin ang labasan patungo sa syudad at di naman sya binigo ng mga ito pagkatapos ay bubusugin nya ang mga ito ng hapunan natuwa naman ang mga iyon kaya pandihanap sila at kinabukasan nakarating na rin sila.
Pinagpapaslang niya sa mga iyon ang mga nangapi sa kanya at sinunog ang buong residente nila. Kasabay ng pagsunog niya sa kanila ang pagkasunog din ng mga bagong kaibigan niya at pagasang magiging malaya.
Nang makaabot sa kaalaman ng Sultan ng Lusong na si Sultan Tondo Taga-ilog ang pangyayari ay naging intresado sya sa bata.
Tinuruan sya ng pakikidigma at ng literatura hindi dahil naaawa ito kunding para gawing bait o bihag para masakop ang kaharian ng Sulu ngunit dahil sa mga natutunan ni Datu Puti Bulan nalaman nya agad ito inshort nagets na nya ang balak ng Sultan kaya higit na pinaghusayan pa nya ang pagaaral at pageensayo ng pakikidigma ng palihim at naging mahusay nga siya higit sa lahat ng mahusay sa Lusong maging dahon ay kaya nyang hatiin sa isang iglap maging sibat, tabak at palaso ay kaya nya ring ilagan at sobrang bilis rin nya sa pakikipaglaban kaya tinawag syang ibong mandaragit.
Lahat ng hadlang o nanlilinlang sa akin ay handa kong paslangin makamit ko lang kalayaang inaasamasam ko.
Ngunit sadyang ang tadhana'y mapagbiro nalinlang ako ang aking naging sandigan ay ginawa akong bihag si Heneral Dumapo Makan sabi niya patayin ko raw ang sinumang kanyang iutos ay palalayain nya ako ngunit halos 5 taon na ang nakalipas ngayon ko lang natikman ang tunay na kalayaan. Di lang yun nagkasundo kami na ayoko nang makisangkot o madawit pa sa Sultan ng Lusong ngunit siya pala ang may pakana ng lahat ng pagpatay na sya namang pinapapatay ko, lahat ng sumasalungat sa mga baliko nyang pamumuno.
Matagal na pala akong pinadadalhan ni ama ng sulat upang dumalo ng ritwal ngunit ngayon lang ako nakatanggap ng direkta sa akin. Isinusumpa ko di na ako muling babalik pa ng Lusong kahit pilitin pa!
...
Sa paglabas ni Hannah...naisipan niyang maggalagala hanggang nakarating sya sa mga kubo nakita nya na naglalambingan si Datu Puti Adlaw at Hara Dayang Aya...
Hannah: Woo, ganoon pala ang paglalambingan ng mga tao sa sinaunang panahon, haystt kelan kaya ako magkakaroon ng Prince Charming na tulad ng kay aya?
Ngunit nakita pala sya ni Hara Puti Usbong...
Usbong: Anong ginagawa mo, alam mo bang isang malaking kasalanan ang panoorin kung paano magmahalan ang magasawa.
Hannah: Bakit anong masama doon ang lambing nga nila sa isa't isa.
Usbong: Malamang isa iyang pribadong gawain
Biglang dating ni Bituin...
Paumanhin po Hara Puti Usbong!
Dara: Paumanhin po Hara Puti Usbong!~mapangasar na tono.
Sabay alis ni Hara Puti Usbong...
Bituin: Binibini pinakaba mo ako saan ba ikaw nagpunta?
Walang anu-ano'y nakita nya si Tusok na lumabas...
Hannah: Pulubi? Uy manong pulubi!~itinuturo si Tusok. Sinundan niya ito kahit sa labas ng palasyo hanggang sa nakarating itong pamilihan at nawala ito(si Tusok) sa kapal na rin ng mga tao. Kaya naggala na lang ito roon.
Ang tahimik at kumplikadong palengke ay dagliang unti-unting nahawi dahil sa tunog ng papabalik na kabayo at ang lulan nito ay si Datu Puti Bulan. Na syang kinatatagutan ng lahat.
"Ang Ibong Mandaragit!"
Ang walang kaalam-alam na si Hannah ay tumigil pa sa gitna para magpahinga galing sa paggagala habang ang mga tao sa paligid nya ay nagkakagulo na.
Hannah: Haaaaah, ang banas jusko po santisima.~ipinaypay pa ang kamay. Gosh sobrang init ano ba kayang temperature ngayon.
Habang ang yabag ng kabayo ay papalapit.
Hannah: Bakit kaya nagkakakagulo sila eh isang kabayo lang naman ang naririnig ko?
Halos tumigil ang mundo ng marinig ni Hannah...
Yung babae masasagasaan ng kabayo!
Naku yung babae!
Tabi, binibini!
Ngunit huli na nang mapansin niya nasalikuran na ang kabayo. Ngunit paglingon niya ay siya'y kinuha ni Datu Puti Bulan at isinakay sa kabayo. Parang tumigil ang mundo ni Hannah dahil sa nangyari lalo na nang makita nito ang napakagwapong mukha ng tagapagligtas nya. Ngunit napansin nyang may taklob ang mga isa nyang mata.
Marahil bulag ang isang mata nya! Sayang gwapo pa naman sya.~sabi nya sa isip. Sabay tingin sa daan.
Pagkapasok ng palasyo bigla na lamang nyang tinulak si Hannah.
Hannah: Aaaahh, aray ko! Bakit mo ako binagsak! Ngunit nakangisi lang si Datu Puti Bulan. Hoy sumagot ka! Kinakausap pa kita! Ngunit matulin lang nyang pinatakbo ang kabayo at sumibat. Hay nako ganon ba ang mga sinaunang tao matataas ang pride.
Ngunit walang anu-ano'y nakita sya ni Datu Puti Adlaw na nakaupo sa damuhan at unti-unting tumatayo ngunit nahihirapan kaya pinuntahan nya ito at nang malapitan ay nagulat ito at si Dayang Dara pala iyon.
Adlaw: Ayos ka lang ba?
Hannah: Mukha ba akong ayos di nga ako makatayo eh!
Adlaw: Tulungan na kita dadalhin kita sa pinsan mo!
Hannah: Huwag na ayoko syang magalala sa akin ng husto may sakit na nga siya magaalala pa!
Adlaw: Sadyang ganyan ang pamilya!
Hannah: Ano pamilya? Pamilya! Paaamilya.
FLASHBACK...
Saksi siya kung panong ang pamilya nya ay nawasak dahil sa pambababae ng ama niya at pagsusumikap o pagpapakahirap ng kanyang ina para matustusan pangangailangan nila sa araw-araw at sa pagaaral nya.
Tapos ng FLASHBACK...
Hannah: Namimiss ko na si Inang!
Adlaw: Ngunit di ba matagal na syang lumisan at dahil doon ang naging tagapagalaga mo na ay ang nakatstanda mong pinsan.
Inalalayang makatayo ni Datu Puti Adlaw si Hannah dahil napilay ito, habang nasadaan nakita sila ni Bituin.
Marahil kaya napaibig na sa kanya si Aya dahil sa lambing nito sa kanya at di lang yun maaalalahanin rin sya. Sino nga ba namang di mapapaibig sa malaperpektong tao na tulad ni Datu Puti Adlaw.~sabi sa isip habang bitbit siya ni Datu Puti Adlaw at Bituin.
Bituin: Binibini! Datu Puti Adlaw Daghang Salamat sa iyong pagtulong sa Binibini!
Dinala nila ito sa silid ni Bituin at ginamot.
Nang may sapat nang lakas at di na masakit ang paa ay lumabas na ito upang magpahangin ngunit nakita nya ang isang lalaki na sumisilip sa bintana kung saan ang mga katulong ay syang nagbibihis doon. That time si Bituin lang ang tao.