10:30 am na pero abalang-abala pa sa paghihiwa ng karne si Rubie ng may narinig siyang maingay sa labas pero hinayaan niya Lang Ito. Ayaw niya din naman na maki-chismis kung anong nangyayari sa labas.
"Ms sorry po talaga bawal po ang hindi staff dito. Staff is the only allowed to enter in the kitchen"
"ano ba papasukin niyo ako ! Kahit ngayon lang naman kakausapin ko lang ang kaibigan ko please lang," Nagulat si Rubie ng marinig ang tinig ng kaibigan niya agad naman siyang naghugas ng kamay at ibinilin ang ginagawa niya sa mga kasamahan niya.
"Laline ? What are you doing here? napasyal ka ata " Agad niyang tanong sa kaibigan niya saka niyakap ito matagal na din kasi itong hindi niya nakita dahil busy sila sa trabaho.
"I'm so sorry to tell you this pero kailangan mong malaman na nasa hospital ang papa mo na accident ang papa mo Rubie hindi ka daw ma contact ng mga pulis kaya ako ang na isipan nilang tawagan dahil nandoon naman ang name ko sa contact ni tito." Nag-aalala nitong saad
Tila nanghina naman si Rubie sa sinabi nito hindi alam ni Rubie kung ano ang gagawin niya. Tila naubusan siya ng lakas pakiramdam niya ay matutumba siya, agad naman siyang inaalalayan ng kasamahan niya.
"Rubie mabuti pa na puntahan mo ang papa mo kami na ang bahala sa trabaho mo" saad nng ka trabaho niya agad naman niyang sinunod ang sinabi nito inalis niya muna ang apron na sout niya at nagbihis saka sumama sa kaibigan niya.
Nakaparada ang sasakyan kaibigan niya sa harap ng restaurant nasa front seat naka-upo si laline habang siya naman ay sa likod. Ang nobyo ni laline ang nag-drive .
Hindi pa rin mapakali si Rubie pilit niyang winawaksi sa isipan ang mga negative thoughts na naiisip niya. Mahal na mahal niya ang papa ito na lang ang taong meron siya. Tahimik na nagdarasal siya habang umiiyak pinapanalangin niya na sana nasa ligtas na kalagayan ang ama.
Nang makarating sila sa hospital agad naman silang nagtanong sa nurse kung saan ang papa ni Rubie pagkatapos nilang malaman iyon ay dali-dali silang pumunta sa Room 135.
Nakahinga ng maluwag si Rubie ng nadatnan niya ang papa niya na kaunti lang ang galos nito sa katawan.
"papa, kumusta po kayo," nag-aalala niyang tanong sa kanyang ama
Ngumiti ngmatipid ang papa niya at sinabing "okay lang si papa anak"
May kumatok sa pintuan ng napalingon naman sila sa pumasok na doctor. Lumapit si Rubie sa doctor para kausapin ito ng personal at tanunggin kung okay lang ba talaga ang papa niya. Sinabihan siya nito na kakausapin siya ng DOctor sa office nito.
"Doc, Kumusta po ang papa ko" seryoso niyang tanung sa doctor
" To be honest Ms. Estrada your father is not in good condition right now "
"ho? what do you mean po?"
"Nagkaroon ng Internal Bleeding ang Father mo nang dahil sa sobrang lakas ng pagkabungo ng ulo niya sa manobela ng sasakyan" namuo ang kaba sa puso ni Rubie sa sinabi ng doctor pinili niya munang pakinggan ang sasabihin ng doctor para naman maging klaro sa kanya ang kalagayan ng kanyang ama.
"Bleeding anywhere inside of the skull is called Intracranial hemorrhage. Bleeding within the brain itself is known as an Intracereral hemmmorrhage. Bleeding can occur between the covering of the brain and the brain tissue itself. Mahirap ang sitwasyon ng Father mo Ms. Estrada hindi kasi nakalabas ang dugo sa kaya nagkaganun"
Seryosong saad ng doctor sa kanya na intindihan niya naman ang sinabi ng doctor
"Pero doc, A-Anong gagawin para Ma-Magamot ang papa ko po ? may pag-asa pa rin naman po diba na Gu-Gumaling si papa?" nkinakabahan a natataranta niyang tanong sa doctor
"I know that it is hard to Accept this but even a small hemorrhage can quickly became life-Threatening. Wala po akong magagawa sa ngayon dahil critical ang situatin niya at hindi ko ma grant na mabubuhay siya kapag e-undergo siya ng Surgery. In servere cases, Internal bleeding can cause death within 6 hours or less of Hospital Admission. Your father already know about this kayo na lang ang mag-usap ng father mo Ms.Estrada."
Mabigat ang kanyang paa ng ihakbang niya ito nasa labas siya ng kwarto ng kanyang papa, napa-upo siya sa sahig at bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan hindi niya kaya ang wala ang papa niya hindi niya kaya ang mag-isa sa buhay dahil buong buhay niya ang papa niya ang naging sandalan, kaibigan at karamay niya sa lahat ng panahon.
Ilang minuto din ang itinagal niya sa pag-iyak pinunasan niya ang kanyang luha at pumasok sa loob. Naka-oxygen na ang papa niya kanina lang ay wala pang oxygen na nakakabit doon. Agad niyang niyakap ang ama niya at umiyak sa bigig ng papa niya wala siyang paki-alam kung umiyak siya ng malakas. Lumapit naman ang kaibigan niya at hinagod ang kanyang likod hinayaan lang siya nitong umiyak, Ang papa niya naman ay hinaplos-haplos lang ang buhok niya.
"Bakit umiiyak ang aking munting prinsesa ?" tanong ng kanyang ama sa kanya
"papa, lumaban ka po please papa wag Mo Akong iwan" pagmamakaawa niya sa papa niya
"ang anak ko Ta-Talaga So-Sobrang iyakin, anak alam mo naman na hindi permanent ang tao sa mundong ito. Ang buhay natin ay galing sa diyos siya ang may alam kung kailan niya tayo kukunin at wala na tayong magagawa niyan mahirap ang sitwayson ko alam ko na hindi ako magtatagal sa mundong ito, pasinsya anak at hindi ko sinunod ang bilin mo na mag-inggat si papa ha"
"papa naman Lu-Lumaban ka po Ple-Please pa, ikaw lang ang meron ako pa maawa ka naman. sana ako na lang naghatid sa inyo sorry po papa huhu"
Mas lalo siyang umiyak sa sinabi ng papa niya hindi niya tanggap iyon ayaw tanggapin ng kanyang puso at isipan ang nangyayari sa ngayon . Sobra siyang nagsisi ng dahil sa kanya na accident ang papa niya kung hindi niya lang sana hinayaan na mag drive ang papa niya, kung siya na lang ang naghatid doon sa pupuntahan ng papa niya kahit ma late siya hindi sana mangyayari ito ngayon. Ilang minuto din ang tinagal niya sa pag-iyak nakayakap siya ng mahigpit sa ama.
"tahan na anak, Wala kang ka-kasalanan hindi kasi nga seatbealt si papa mo, it's not your fault anak wag mo Si-Sihin ang sarili mo ha, May mama ka pa anak."
Tipid nitong ngumiti sa kanya Gulat na gulat si Rubie sasinabi ng kanyang ama dahil ngayon lang ito nag open-up sa kanya ngayon lang naglakas loob ang papa niya na sabihin sa kanya.
"A-Ano po ? si mama asan siya? "
"nasa manila ang mama mo anak" saad ng kanyang ama.
Sinabi ng kanyang ama ang lahat lahat sinabi nito na galing sa Kilala at mayamang pamilya ang kanyang ina kaya sila nagkahiwalay. Sinabi din nito na tutol ang lolo ni rubie sa Relasyon ng ama at ina isa lang kasing Janitor ang kanyang ama noon sa companya ng mama niya. Naging mag-kaibigan ang ama ni Rubie na si Rubin at Janess dahil katulong ang pinsan ng Papa niya sa mansion ng mama niya.
"Alam mo anak ang ganda ng mama mo kunin mo ang pitaka ko may picture kami ng mama mo diyan" nakangiti at kahit medyo naghihina na ang papa niya. Agad niya namang kinuha iyon at nakita niya ang lumang larawan sa pitaka, tama nga ang papa niya ang ganda nga ng mama niya may matanggos na itong ilong at may kaakit-akit na mata lalo na kung ngumiti ito.
"Ang ganda po ni mama papa" nakangiti siyang tumingin sa papa niya masaya siya na makita ang itsura ng kanyang ina kahit sa larawan man lamang.
"Sobra anak sobrang ganda ng mama mo alam mo ba mahal na mahal ka niya anak nagtanan kami ng mama mo at pumunta dito sa probinsya ng nalaman namin na buntis siya at ayaw sa akin ng papa niya dahil mahirap lang ako at wala daw akong maipagmamalaki sa buong angkan nila pero tama naman siya anak"
Hindi lubos maisip ni Rubie kung ano ang pinagdadaanan ng kanyang mga magulang grabi din pala ang pinagdaanan ng mga ito akala niya sa pelikula lang ang ganitong estorya ngunit sa totoong buhay pala at sa mga magulang pa niya nagyari ito. Tahimik lang si Rubie na nakinig sa papa niya.
"Isang taon ka non ng kinuha ng lolo mo ang mama mo Rubie, hindi na lang tumutol ang mama mo dahil binantaan siya na papatayin ka niya natakot ang mama mo at sumama sa ama niya."
May lumandas na luha sa pisngi ng papa ni Rubie kaya pinunasan niya iyonm, nakikita niya sa mga mata ng ama na nasasaktan pa rin siya.
"Na-Nalaman ko na lang na ikinasal sa isang Go-Gonzaga ang mama mo Rubie, Subukan mong Ha-Hanapin ang mama mo kung sakaling mawala ako anak alam ko na Ta-tanggapin ka niya Na-Nalaman ko din na Ma-Mabait ang asawa niya ngayon."
Nahihirapan na saad ng papa niya, may inabot na papel ang papa niya sa kanya at binasa niya iyon.
Janess Laurel ang nakalagay sa sulat at may address ang nakalagay doon.
"Ha-Hanapin mo ang Ma-Mama mo anak ha, yan ang adress ng company niya puntahan mo siya nak. Ma-Mahal na Mahal Ka ni papa ha maging Ma-Matatag ka at lumaban ka sa lahat ng H-Hamon sa B-Buhay. Alam ko na Ma-matapang ka anak kaya P-Panatag ako na lisanin ang M-Mundong ito, M-Mahal kita at ang M-Mama mo anak."
Napaiyak siya sa sinabi ng kanyang ama dahil tila nama-maalam ito sa kanya.
"Pa wag ka naman M-MAGSALITA ng Ganyan oh pa L-lumaban ka please papa naman oh"
Uunti - unting pumikit ang mga mata ng ama ni Rubie narinig niya na tumawag ang doctor ang kaibigan niya agad naman na dumating ang mga doctor sinubukan nilang e revive ang papa niya pero hindi na lumaban ang papa niy.
"time of death 12:30 pm " saad ng doctor
"No, hindi to totoo papa naman" iyak ng iyak siya lumapit ang kaibigan niya at niyakap siya.
"I'm sorry for your lost Ms. Estrada ginawa na namin ang lahat pero wala na talaga"
Mas lalong bumuhos ang luha niya at napa-upo siya sa sahig pilit naman siyang pinapatayo ng kaibigan niyang si laline at ang nobyo ni laline. Wala na ang papa niya para bang nawalan ng saysay ang kanyang buhay, hindi niya tanggap ang nagyayari.Iniisip niya kung ano ang kahihinatnan ng buhay niya sa ngayon.