Chapter 4 - Chapter 4

Umupo sa bandang may bintana si Rubie. Paalis na sana ang sinasakyan niyang buss ng huminto ito at may pumasok na lalaki saka umupo sa tabi niya hindi niya na lang iyon pinansin. itinuon niya na lang ang sarili sa tanawin sa labas.

Lilisanin niya na ang lugar na kanyang nakagisnan ang tahimik at matiwasay na pamumuhay ay mapapalitan. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya dala na rin sa napagod siya sa paglilinis sa bahay. Nagising siya ng gumalaw ang katabi niya hindi niya alam kung bakit nakasandal ang ulo niya sa balikat ng lalaki kaya humingi siya ng tawad sa kanya.

"hala I'm sorry hindi ko namalayan na nakasandal na ako sa balikat mo sorry talaga" saad niya sa lalaki lumingon ang lalaki sa kanya at ngumiti. Naisip tuloy ni Rubie ang weird ng lalaking ito naka-shades at pink na hoodie.

"It's okay nakasandal kasi sa bintana kaya pinasandal na lang kita sa balikat ko."

"thank you," tipid at nahihiyang ngiti ni Rubie sa lalaki.

Hindi na nagsalita ang lalaki kaya tumahimik na lang si Rubie. 7:30 pm ng makarating sila sa Manila unang lumabas sila rubie dahil nasa unahan sila. Hindi alam ni Rubie kung saan sa matutulog sa ngayon kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan ang Google map.

Ang plano niya kasi ay hahanap ng matutulogan na malapit sa address ng company ng sinabi ng dating manager niya dahil para bukas na bukas makapunta siya doon ng maaga at mag-aaply.

Nakatayo lang humawak sa balikat niya kaya nataranta siya at nilingon kung sino ito, Si mr.shades at pink hoodie lang pala.

"bakit may kailangan ka ba?" Tanong niya sa lalaki

"Ah I notice you kasi kanina ka pa nakatayo diyan may sundo ka ba?"

Umiling lang si rubie sa lalaki "wala hehe maghahanap pa ako ng matutulogan."

"ganun pa saan ba sana pupunta?" pinakita niya sa lalaki ang pangalan ng company na pupuntahan niya para makahanap ng malapit na titirahan niya pansamantala.

"wait Gonzaga company ? may condo ako doon may alam din akong pwede mong matirahan pansamantala." Saad sa kanya ng lalaki nag-isip ng mabuti si Rubie dahil hindi niya kilala ang lalaki at ayaw niyang basta basta na lang magtitiwala sa taong bago niyang nakilala.

"don't worry hindi ako masamang tao doon din naman ang destination ko sumabay ka na lang mag-taxi na lang tayo"

Medyo naging panantag ang loob ni Rubie dahil sa sinabi ng binata pero sinabi niya sa isip niya na wag magtiwala agad sa lalaki. Pumara ng taxi ang lalaki may huminto naman na taxi nilagay ng lalaki ang maleta niya sa compartment saka sumakay sa front seat siya naman ay sa likod.

Ilang minuto lang ay nakarating sila sa sinabi ng lalaki. Ang lalaki na mismo ang nagbayad sa taxi umanggal naman si Rubie ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa lalaki baka may kapalit pero nag insist ang lalaki na wag niya ng bayaran.

Sinundan niya ang lalaki mahigpit ang hawak niya sa maleta niya dahil kung may gagawin ang lalaki ay tatakbo siya pero mukhang hindi naman sabi ng kanyang isipan dahil desente naman manamit ang lalaki at mukhang mabait at bukod pa doon ay maraming tao sa paligid.

"Ms. look at that building," may tinuro ang lalaki sa kanya kaya tiningnan niya iyon "That's the Gonzaga company na hinahanap mo."

Namangha si Rubie sa nakita niya sobrang taas ng building ng Gonzaga Company.

"Wow ang ganda at ang taas ng building," saad ni Rubie.

"yes, my mom bestfriend is the owner of that company."

Napa- ahh na lang si Rubie mayaman siguro ang lalaking ito saad niya sa sarili niya pero nagtaka siya kung bakit nasa probinsya ang lalaki pero hindi niya na lang tinanong ang lalaki. Pumasok sila building na sinabi ng lalaki umupo si Rubie sa waiting area sa loob dahil may kinausap ang lalaki na staff at ng building. Lumapit ang babaeng Staff sa kanya at kinausap siya.

" hi Ms.? Ito po pala ang key ng condo mo," saad ng babae nagulat naman si Rubie sa sinabi ng babae.

"teka po ma'am nagkakamali ka po ata wala naman akong kinausap na mag-inqure ako ng condo unit dito," saad ni Rubie nilingon niya ang kinaroroonan ng lalaking kasama niya kanina pero wala iyon doon baka ang lalaki ang nagsabi.

"ahh magkano po ba ang monthly na babayaran sa condo na ito?" tanong ni Rubie sa babae

"8 thousand a month po maam" nanlaki ang mata ni rubie sa narinig niya ang laki pala ng babayaran 15 thousand lang ang pera niya at balak niyang tipirin iyon baka hindi siya agad makahanap ng trabaho.

"hala wag na lang ang mahal eh hehe wala akong sapat na pera" saad niya sa babae hahanap na lang siya ng murang matutuloyan kaya tumayo siya at humingi ng despensa sa babae

"wait lang maam libre lang po sa inyo,"

"anong free? teka anong ibig mong sabihin?" napa-upo siya bigla dahil sa narinig niya eh anong free eh lahat na ata ng bagay ngayon binibili na

"yes maam, free po sa inyo si sir na po ang bahala siya kasi ang may-ari ng condo na ito"

Mas lalong nagulat si Rubie hindi niya akalain na ang lalaking kasama niya ang may-ari ng building na iyon. Kinausap niya ang babae kung saan ngayon ang lalaki dahil kakausapin niya hindi niya muna tatanggapin ang offer ng lalaki pero hindi sinabi ng babae kung saan dahil need ng privacy ang amo nito.

Wala namang magagawa pa si Rubie pumayag na lang siya na ihatid siya sa condo kuno niya. Sinabi niya sa sarili na okay na rin iyon dahil wala siyang matutulugan sa ngayon hahanap na lang siya ng murang condo at kakausapin ang lalaki na babayaran niya na lang kung magkaroon na siya ng trabaho.

Nang Makapasok si Rubie sa condo nagandahan siya sa arrangement may sofa sa sala at kama sa loob ng kwarto.

kinabukasan

Maagang gumising si Rubie at naghanda sa sarili kinuha niya ang Resume na binigay ng manager niya binalik kasi sa kanya iyon. Kumain muna siya sa loob ng building ng condo niya dahil may cafeteria doon ngunit mahal nga lang pero no choice siya kaya kumain na lang siya doon mamayang hapon pa kasi siya mag-grocery.

Kinakabahan na nakatayo si Rubie sa harap ng company huminga siya ng malalim saka pumasok sa loob agad naman siyang inasikaso ng employee at hinatid sa office ng manager.

Kumatok si Rubie bago pumasok sa loob. Kinakabahan siya ng Makita ang manager feeling niya kasi maldita iyon. Pinaupo siya at hiningi ang Resume niya kaya binigay niya naman iyon.

"Hmm nakapagtapos ka pal ang Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management? At cum laude pa," tanong sa kanya ng manager.

"Yes maam" magalang niyang sagot sa babae.

"okay, you're hired since kailangan naming ng kagaya mo sa ngayon, Bukas na Bukas magsimula ka na sa trabaho," tuwang-tuwa si Rubie dahil ang dali niya lang makapasok sa company na iyon ng walang kahirap- hirap ni wala nga itong masyadong katanungan.

Nagpaalam si Rubie sa Manager.Sobra siyang nagpapasalamat sa panginoon dahil sa sunod-sunod ang blessings na natanggap niya. Kinuha niya ang cellphone niya maghahanap muna siya ng mall dahil bibili siya ng kailangan niya lalo na ang pagkain. Wala naman siyang kailangan pang bilhin dahil may mga gamit na sa kusina halos kumpleto nga lahat iyon.

Naglakad lang si Rubie papunta ng mall malapit lang rin pala ang mall doon kaya tiis-tiis muna siya. Kumuha siya ng cart saka nagsimulang mamili ng noodles ng may gumulat sa kanya kaya napatalon naman siya.

"Bulaga! Hahaha " tawa ng tawa ang lalaki habang si Rubie naman ay halos atakihin sa gulat

"ikaw lang pala Mr.Shades at hoodie" saad niya sa lalaki dahil hindi niya alam kung ano ang pangalan ng binate.

"haha just call me kes, kung ano-ano pinangalan mo sa akin ha, " sabi ng lalaki saka tumawa.

"Ahh kiss? Babayaran na lang kita sa susunod kapag naka sweldo na ako ha"

"Correction kes, haha no problem bye for now Ms.cute." saad nito at umalis na, namula naman siya sa sinabi ng binata.

"ako cute? Tssk mambobola din pala ang lalaking iyon ah," saad niya sa sarili saka namili ulit.