Chapter 6 - Chapter 6

Tinitigan ng mabuti ni Rubie ang kanyang ina minsdan niya ang reaksyon nito. Gulat at nakatitig sa kanya ang ina.

Hindi ma wari ni Rubie kung kilala ba siya ng ina nito o di kaya naman ay natatakot ba na malaman ng asawa na anak niya si Rubie.

Pagkatapos niyang magpakilala ay umupo agad siya at yumuko. Pinagpatuloy naman nila ang discussion

"Psst. Narinig mo ba na bibisita ang ang dating Ceo ng company" bulong sa kanya ni Daryl

"Tapos ?"

"Anong tapos ka dyan share ko lang hahaha, makinig ka sa discussion tulala ka lang diyan eh anong problema mo?"

"Ha wala naman."

Napangiti na lang si Rubie sa sinabi ni Daryl. Daryl never fails to make Rubie smile kaya magaan ang loob ni Rubie sa lalaki kasi nahahalata naman niya na mabait ito. Nagulat ang lahat ng bumukas ang pinto at pumasok ang matandang lalaki na may tungkod.

Ito kaya ang lolo ko? Saad ni Rubie sa kanyang isipan.

Pinagmasdan lang nila ito saka umupo sa dulo.

"Good morning, Ako ang dating Ceo ng company na to, Juanito Orlins. May iba sa inyo na nalilito kung bakit ako ang dating may-ari ng company at para sa kaalaman niyo Ang pangalan ng Company noon ay Orlins Company na ipinalit sa Gonzaga Company ng magpakasal ang anak kong babae sa Mister niya,"

Paliwanag ng matanda. May mga sinabi ito tungkol sa company medyo nalulugi na pala ang company dahil maraming damage na laruan sa Factory. Ang company nila ay isa sa pinakasikat dahil sa matitibay at affordable na mga laruan na kanilang binebenta pero dahil may ka competensya ay medyo huminhina ang sales nito.

"That's all for today, I will expect na gagawin niyo ang lahat para tumaas ang sales natin you may all go expect Ms.Estrada," napako sa upuan si Rubie iniisip niya kung bakit siya pinaiwan ng matanda.

"Hi Rubie , hindi mo man pang ba babatiin ang lolo mo?"

Hindi agad nakapagsalita si Rubie hindi niya akalain na kilala pala siya ng matanda.

"Hi po?" Iyan lang ang sinabi niya habang nakayuko, natatakot siya na baka paalisin siya sa trabaho dahil nga sa alam niya na ayaw ng matanda sa kanya simula ng bata pa siya.

"Anak, " napa-angat si Rubie at tiningnan ang kanyang ina. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya napaiyak si Rubie dati rati pangarap niya lang na makita ang kanyang ina.

"I miss you anak, pa-ta-wad da-hil hindi ka ki-nuha ni mama," umiiyak na saan ng kanyang ina.

"Okay lang po iyon,"

"Rubie apo, halika." Lumapit naman si Rubie sa matanda gulat na gulat siya ng yakapin siya nito.

"Saan ka nakatira ngayon? Mag-impake ka na lilipat ka na sa mansion."

Masaya si Rubie dahil tanggap siya ng kanyang lolo ang inaalala niya lang ay ang asawa ng kanyang ina baka kasi ayaw nito sa kanya.

"Welcome to the family Rubie," nakangiti at walang halong ka plastikan na sinabi ng asawa ng mama niya. Nagpasalamat naman si Rubie, lumapit sa kanya ang kanyang kapatid niyakap siya nito masagmya ito dahil daw may ate na siya matagal na palang sinabi ng ina nito na may ate ito na nasa malayo.

Nagpaalam si Rubie sa mga kaibigan niya ang sinabi niya lang ay may aaskikasuhin siya.

"Oy Rubie yung date natin matutuloy ba? " Naka-pout nitong saad sa kanya.

"Hindi ko alam" nakangiti niyang saad

"Ay" nadismaya niyang saad

Tumawa si Rubie saka pinisil ang cute na mukha ni Daryl.

"Ito naman syempre matutuloy noh mamaya na lang tayo magkita bye"

Pumasok si Rubie sa kotse ng mama niya nauna na kasi ang lolo nito at ang step-father niya.Malapit lang naman sana ang condo niya at maglalakad lang sana siya ng sinabi ng mama niya na sasanahan niya ang anak sa pag-empake.

"Wow ate your house is so big," namangha na sabi ng kapatid nito ng kanya ng makapasok sila sa building.

"Haha hindi naman sa akin to sis"

Binuksan ni Rubie ang condo niya. Saka pinapasok ang ina at kapatid nito.

"Mabuti naman at nakahanap ka ng magandang condo anak," Saad ng mama nito saka umupo sa kama. Kinuha ni Rubie ang kanyang maleta saka inayos ang mga gamit niya.

"Ah hehe ma free lang po ako dito kilala ko ang may-ari Hindi ko nga alam kung bakit niya ako tinulungan."

Napatakip sa bibig ang kabyang ina saka sinabi na "oh my you know the owner of this building?" Tumango lang si Rubie sa tanong ng mama niya.

"Anak ng bestfriend ko ang owner nito, oh well kester is a good guy."

Kester pala ang name ng lalaki na iyon saad ni Rubie sa sarili. Madali lang natapos ni Rubie ang kanyang pagliligpit dahil hindi naman marami ang gamit niya. Nagpaalam si Rubie sa staff na aalis na siya sa condo niya at pinasabi sa may-ari na nagpapasalamat siya sa free na pagpapatira sa kanya doon.

Kinakabahan si Rubie habang nasa byahe sila ,malapit lang pala ang subdivision ng na tinitirahan ng mama niya at ang company. Pumasok ang kotse sa kulay blue na gate makikita na malaki at maganda ang Mansion.

May sumalubong na maids sa kanila saka kinuha ang gamit ni Rubie.

"Nako ako na po diyan ate," saad niya saka kukunin niya sana ang gamit niya ng kinausap siya ng mana niya.

"Sila na ang magdala niyan anak halika na."

Hindi na lang umanggal si Rubie sobra siyang namangha sa ganda ng bahay elegente at halatang mamahalin ang lahat ng gamit doon.

"I said I'm not hungry !" Nagulat si Rubie ng sumigaw ang lalaki na naka-upo sa sofa na naka-cellphone lang.

"Calum! Ano ka ba naman hindi mo dapat ginaganun ang maids natin," pagsuway ng kanyang ina sa lalaki.

"Yes, kuya you should be ashamed look nakita ni ate ang ginawa mo baka matakot siya sayo," napamewang na saad ng kapatid niyang babae natawa naman si Rubie dahil parang matanda ito kung magsalita.

"Sino siya mom?" Nagtataka at Tanong ng lalaki saka tinuro si Rubie.

Ngumiti ang kanyang ina saka pinakilala siya nito.

"Calum this is your ate Rubie, Rubie this is Calum kapatid mo 15 years old na to ngunit pilyo lang"

"Ate? Oh my ! " Lumapit ito sa kanya at niyakap siya gulat na gulat si Rubie akala niya magagalit ang kapatid niya kasi kapatid siya sa labas.

"Oh my ate, lagi kang kinikwento ni mommy sa akin noon. I am glad na nandito ka na,"

Masaya si calum dahil nandito na ang ate niya dati pa niyang alam na may kapatid siya sa labas at tanggap niya ito.

Pinakita ng mama niya ang kwarto niya ang ganda at kulay purple ang paint. Hindi niya alam na pinaghandaan na pala ng mama niya ang kwarto na iyon.

"Pinasadya ko talaga to para sayo dahil alam ko na darating ang araw na makakasama kita," masaya na saad ng mama niya

"Talaga po?"

"Oo anak, kumusta pala ang papa mo?"

Nalungkot si Rubie sa Tanong ng ina "wala na po si papa ma, namatay na po siya."

Nalungkot ang kanyang ina saka niyakap ang anak.

"I loved your father before anak sobrang bait niya sa akin, pero mapagbiro ang tadhana pinaghiwalay niya kami. Pero I'm so thankful dahil pinalaki ka ng maayos ng papa mo," bumitiw ito sa pagkayakap sa kanya.

"Mama mahal niyo po ba ang asawa mo ngayo?"

"Yes, dati ayaw na ayaw ko sa kanya dahil pumayag siya sa papa ko, pero masaya ako dahil mahal niya ako at hindi niya ako sinaktan anak pinakita niya na mahal na mahal niya ako."

Nakita niya na masaya ang ina niya.

"Oh siya tawagin mo lang ako kung may kailangan ka ha"

Inayos ni Rubie ang gamit niya , "bagong bahay bagong buhay."

******

DATE

"Wow ang ganda ha" pagbibiro ni Daryl kay Rubie.

"Mambobola talaga to oh" saad niya saka umupo sa upuan.

"Haha ano ka ba totoo kaya na maganda ka, alanagan naman sabihin ko na wow ang gwapo mo haha gusto mo yun?

Napatawa ng malakas si Rubie.

"Hahaha bweset ka !"

May lumapit sa kanila at kinuha ang order nila.

"Hoy mamahalin na restaurant to bakit dito?" Tanong ni Rubie

"Hmm kasi mahal gaya mo mahal haha "

"Ewan ko sayo ha"

Masaya silang nagkwentuhan at nag-aasaran saka kumain.

"Tara na nga haha" saad ni Rubie at pilit na pinapatayo si Daryl.

"Ehh sayang yung pagkain eh, " saad nito at nakatutok lang sa mga pagkain na hindi naubos

"Haha kasalanan mo kasi eh order ng order hindi naman alam kung sakto sa panlasa natin,"

Tumayo si Daryl at inakbayan si Rubie. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ni Rubie.

"Malay ko ba ang sarap kasi tingnan sa Menu, eh foreign dishes pala iyon haha."

Naglakad sila palabas ng mamahaling restaurant, marami ang mga taong namamasyal lalo na ang mga nag-dadate.

"Alam mo na kung anong tawag diyan."

Tumingala si Rubie para matingnan si Daryl at pareho silang ngumiti sa isat-isa sabay sabing "Expectation Vs. Reality ! Hahaha.

Naglalakad lang ang dalawa napadpad sila sa isang plaza. May mga streets food at nga taong bumibili doon .

Pumunta sila sa swing saka umupo lang doon magkatabi sila at tahimik lang na nagmamasid sa kalawakan.

"Rubie, may pag-asa ba ako sayo?

Napa-isip si Rubie saka nilingon ang binata halata sa mukha nifo ang kaba. Tinawanan lang ni Rubie si Daryl.

"Hahaha,"

"Oh bakit ka natatawa ? Seryoso na nga ako dito oh," reklamo ni Daryl sa kanya.

"Hay nako, ang mukha mo para kang natatae haha chill ka nga diyan oo meron," kumidhat si Rubie kay daryl habang si Daryl naman ay parang babaeng kinikilig

"Shebe ko ne nge ehh hahaha," umakto itong parang bakla.

"Oo, sabi ko na uuwi na tayo baka hanapin na ako ni mama," tumayo si Rubie saka humarap sa binata.

Ang gwapo naman this boy oy saad sa isip ni Rubie.

"Nakita mo na ang mama mo?"

Tumango lang si Rubie bilang pagsabi ng Oo.

"Wow, I'm so happy for you. "

Pumara ng taxi si Rubie ihahatid sana sjya ni Daryl pero hindi siya pumayag dahil nga sa ayaw niyang maperwesyo ang binata lalo na nagco-commute lang iyon.

Pagkarating niya sa mansion ay nadatnan niya ang lolo niya sa sala.

"Good evening po," nahihiyang bumati si Rubie sa lolo niya.

"Kumain ka na ?" Tanong ng matanda saka uminom ng wine.

"Ah tapos na po lo, aakyat na po ako lo,"

Gustong sawayin ni Rubie ang lolo kung bakit ito umiinom eh matanda na ito at nakakasama sa kalusugan pero hindi na lang niya sinabi dahil naiilang siya at bago pa sila nagkakilala baka magalit lang sa kanya ang matanda.