Chapter 5 - Chapter 5

Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng nagkaroon ng trabaho si Rubie medyo busy at marami siyang trabaho pero kinakaya niya naman iyon.

"Rubie paki-check naman ng pinadala na email ni sir," saad ng kaiibigan niyang si Glaiza Cariola. Maganda si Glaiza mataas, at medyo kulot na buhok kaya nga lang napakadaldal na babae.

"ako na lang kaya eh check mo Rubie baka sakali na magustuhan mo ako."

Napatawa naman si Rubie at si Glaiza sa sinabi ng co-worker nila na si Daryl Hermoso gwapo ang binata, medyo singit na mga mata at matangkad.

"nako ha daryl wag mo akong banatan ha haha" natatawang saad ni Rubie nasanay na siya kay Daryl sa mga banat nito halos araw-araw nga pinapakilig siya ng lalaki.

"payagan mo na kasi akong manligaw Rubie ikaw kasi bigla ka na lang naligaw sa puso ko kaya natamaan ako sayo."

Napailing na lang si Rubie sa sinabi ni Daryl isang linggo na kasing laging sinasabi ni daryl na manliligaw siya kay Rubie pero hindi naman siya binigyan pansin ng dalaga.

Kinuha ni Rubie ang scratch na bond paper sa mesa saka at nilukot iyon saka binato kay daryl. Sapol sa noon natamaan si Daryl.

"ay ano to rubie love letter? Ikaw ha ako nga dapat magbigay nito sayo haha " saad nito saka binuklat ang bond paper at ng Makita nito na scratch lang iyon ay binato ng binata pabalik sa kay Rubie pero naka-ilag ang dalaga.

"aray hoy daryl ha anong atraso ko sayo ha bakit mo ako binato ha!" naiinis nitong saad.

Si Glaiza ang natamaan dahil magkalapit lang ang table nila ni Rubie.

"hahaha iyan kasi hindi sinigurado na ako ang tamaan hahaha" natatawang sinabi ni Rubie

"asus I will sure na ikaw naman ang matamaan s aka gwapohan ko at ma in love ka sa akin," kumidhat ito kay rubie saka bumalik trabaho niya.

"huy Daryl ha hapon na bumabanat ka pa? eh kung mag-isip ka nga ng deskarte para ligawan ang frenny ko ha hanggang banat ka na lang," Tumayo at dinuro-duro ni glaiza si Daryl.

"ay nako glaiza hindi ka rin updated nuh? Nagsimula na akong manligaw sa frenny mo kaya shut up"

"ay ewan , 5 pm na umuwi na nga tayo," niligpit nito ang kanyang gamit saka nag-paalam sa mga kasamahan.

Niligay ni Rubie sa bag ang mga gamit niya naglakad palabas ng building. Nasa labas na siya ng napansin niyang bumuhos ang ulan hindi niya nadala ang payong niya kaya hihintayan niya na lang na humina ang ulan bago umuwi.

Naghintay lang si Rubie hanggang sa humina nga ang ulan. Inayos niya ang bag niya at sinigurado na hindi mahulog ang mga gamit niya saka ginawang payong ang bag niya. Nagsimula na siyang maglakad ng pinayongan siya ni Daryl.

"oy Rubie hatid na kita yes or yes?" nakangiting tanong ng lalaki lalong naging singkit ang kanyang mata at ang gwapo niyang tingnan kaya napatulala si Rubie sa lalaki.

"rub? Gwapo ako nuh? Crush mo na ako?" napabalik sa realidad si Rubie ang kulit din ng Daryl na to lagi niyang hinahatid si Rubie kahit ayaw na ayaw ng dalaga na ihatid siya ay mapilit naman ang lalaki kaya wala na siyang magawa pa.

"tara na nga ang kulit nito," Naglakad sila papunta ng condo ni Rubie. Malapit lang naman kaya ang dali lang nilang nakarating.

"Rub?"

"hm bakit?"

"Can we go out?" kinakabahan na tanong ni daryl.

"Ha? Nasa labas naman tayo ah," Naguguluhan na tanong ni Rubie

"ehh hehe I mean date ?"

Nagulat naman si Rubie dahil ngayon lang siya nakaranas ng may nanligaw sa kanya dahil noon inaayawan niya lahat ng lalaking nagtangkang umakyat ng ligaw sa kanya.

Si Rubie ang type ng babae na No Boyfriend since birth kaya hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa lalaki pero naisip niya na she should try nasa taman edad naman siya para sa ganyan.

"Hmm anong oras?"

Lumapad ang ngiti ni Daryl sa narinig niya dahil sa wakas pumayag din si Rubie.

"After work?"

"sure " Nagpaalam sila sa isa't-isa kinikilig na pumasok si Rubies a loob. Dalawang Buwan na siyang nakatira aalis na sana siya at babayaran na lang ang isang buwan doon ngunit hindi tinanggap ng staff ang bayad niya dahil sabi ng amo daw nilang si kes na wag daw pabayarin si Rubie. Dalawang buwan na din na hindi nakita ni Rubie yung si kes kaya hindi niya iyon naka-usap.

Dumeristo si Rubie kwarto niya at kinuha ang kanyang wallet nito. Nasa kanya ang litrato na pinakita ng kanyang ama, ang litrato ng kanyang ama at ina.

Napa-isip tuloy siya kung pupuntahan ba niya ang kanyang ina may part sa puso niya na gusto niyang puntahan pero natatakot siya na baka e reject lang siya nito lalo na ang kanyang lolo.

*****

"everyone please prepare niyo sarili niyo lalo na ang mga new employee dahil darating na ang CEO at ang asawa niya"

Gulat na gulat silang lahat ang akala nila ay sa susunod na linggo pa darating ang Mag-asawa. Nagtipon-tipon sila sa conference Room hinihintay nila ang CEO at ang asawa nito may e announced daw kasi ang dalawa.

"Nandito na sila," saad ng kanilang manager saka umupo.

Tila nag slow motion ang nangyari hindi akalain ni Rubie na makikita niya ang taong gusto niyang makita. Hindi siya mapakali sa inuupuan niya gusto niyang kausapin ang babae pero nahihiya siya lalo na at nandoon ang asawa nito.

Umupo ang dalawa may batang babae na sa tingin niya ay nasa walong taong gulang na, lumapit sa ginang at sa palagay niya ay anak ng babae ang bata.

Nakaramdam ng lungkot si Rubie dahil tila mahal na mahal ng ginang ang batang babae na kasama nito. Samantalang siya anak lang naman sa labas. Oo tama, Mama niya ang nakita niya agad niya itong nakilala dahil ganun pa rin ang itsura Nito.

"Good morning Mr. And Mrs. Gonzaga," sabay na bati ng lahat.

Nakalimutan ni Rubie na gonzaga pala ang sinabi ng papa niya na apelyido ng magiging asawa ng mama niya. What a coincidence may-ari pa talaga ng company ang mama niya.

"Good morning, I know all of you know na may hotel at iilang business ako sa Italy and we are planing to leave there but that's not sure because walang mag-manage ng company at ng factory dito ayaw ko naman na mawalan kayo ng trabaho kapag ibebenta ko ang company na to" Tugon ni Mr.Gonzaga.

Aalis na pala sila sa Pilipinas mas lalong nawalan ng pag-asa si Rubie na makasama ang kanyang ina.

"Pero paano po iyan Mr. Gonzaga? Kung sakali naman na aalis kayo sino po ang mag manage ng company niyo?," Tanong ng manager nila.

"Were planning na anak ng best friend namin na business man I assure you na walang matatangal ,"

May ilang pinag-usapan muna sila. Napansin ni Rubie na mukha namang mabait ang asawa ng mama niya at mahal na mahal nito ang asawa dahil makikita sa mga mata nito kung gaano niya tanungin kung gutom na ba ang ginang.

"Hmm anyway may new employee ba dito? You know me guys ayaw ko na binabaliwala ang mga employee ko," nakangiti na sinabi ng amo nila.

Kinakabahan at nakayuko lang si Rubie dahil nahihiya siya.

Isa-isa silang pinagpakilala ng manager nila hanggang sa Turn na ni Rubie tumayo siya at nahihiyang nagpakilala inanggat niya ang kanyang mulha saka nagsimulang magsalita.

"Good morning po I am Rubie Jane Estrada naka-assigned po ako sa finances," saad niya saka tuminggin sa kanila.