Chapter 3 - Chapter 3

Nakatanaw sa malayo si Rubie. Isang linggo na simula ng mailibing ang kanyang ama.

Tahimik at tulala lang siya, hindi niya na magawang umiyak pa ubos na ang luha niya sa kakaiyak. Iniisip niya na pananginip lang ang lahat pero Kahit anong gawin niya totoo talaga ang lahat.

Tumayo siya at pumunta sa Cr para maligo pagkatapos ay inihanda ang sarili, naisipan niyang pumasok sa trabaho kahit sobrang late na niya. Aaliwin niya na lang ang kanyang sarili kaysa mag mukmok pa siya mas lalo lang siyang magiging malungkot kung ganun.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa bahay nila sobrang tahimik at parang walang buhay.

Sinirado niya ang pintuan ng bahay at saka sumakay ng traysikel papunta sa trabaho niya.

"Kumusta Rubie?" Tanong ng kasamahan niya pagkapasok niya sa kusina.

"Okay lang ako driana" tipid niyang saad saka nagsimulang kunin ang mga gagamitin niya sa pagluluto. Nagsimula siyang hiwaiin ang mga sibuyas nang pumasok at galit na galit ang kanyang manager.

"Chef, Estrada! Pumunta ka sa office ko ngayon din!."

Nagulat siya sa manager niya kaya pumunta na lang siya doon.

"Magiging straight to the point ako Ms. Estrada! Nalaman ko na ikaw ang nagkalat ng recipe ng niluluto mo ! Kaya your are fired! Ayaw na ayaw na kitang makita dito sa restaurant"

Hindi agad nakapagsalita si Rubie dahil sa gulat at sa sinabi ng manager nito hindi naman siya ang nagkalat non. Wala naman siyang napagsabihan tungkol sa niluluto niya.

"Teka po ma'am wala po akong alam sa pinagsasabi niyo po, wala naman akong pinagsabihan maam maawa na po kayo"

"I'm sorry Rubie, pero sumusunod lang ako sa utos ng amo ko wala akong magagawa diyan dahil ikaw ang sinabi ng amo ko na naka-usap mo raw ang chef sa kabilang restaurant."

Napa-isip naman si rubie tama yung araw na yun may naka-usap soyang chef sa kabila pero hindi naman sila nag-usap tungkol sa niluluto nila.

"Mali po kayo ng iniisip hindi naman po kami nag-usap tungkol sa recipe maam wag niyo po akong alisin wala na po akong mapupuntahan at hirap na hirap maghanap ng trabaho sa ngayon."

Umiling lang ang kanyang manager nakikita niya sa mga mata nito na naa-awa ang manager niya.

"I'm sorry kapag hindi kita tinggal ako naman ang mawawalan ng trabaho pero may alam ako na pwede mong pagtrabahuan."

Saadng manager niya kumuha ito ng papel at ballpen saka may sinulat ito at ibinigay sa kanya iyon.

"Hiring ngayon ang kompanya na iyan mataas ang chance mo na makapasok since matalino ka naman at connected iyan sa kursong natapos mo yan lang ang maitutulong ko sayo. You dont have to worry dahil sekreto lang ang pagpapa-alis sayo at hindi malalaman ng mga kasama mo ang nangyari,"

Tinanggap niya ang papel saka nagpaalam sa manager niya at sa mga kasamahan niya

Pagkarating niya sa bahay niya ay dumiritso siya sa kwarto niya kinapa niya ang bulsa niya at kinuha ang papel saka binasa ang nakasulat doon.

"Gonzaga Company?" Tanong ni Rubie sa sarili niya, naalala niya tuloy ang mama niya iyon ang apelyido na sinabi ng papa ni Rubie.

Napag-isip niya na kailangan niya munang lumayo sa lugar nila sa tuwing nandito kasi siya sa bahay nila ay naalala niya ang papa niya, ang mga ngiti nito, ang pagiging maalaga ng papa niya.

Kinuha niya ang malita niya at magsimulang mag-empake. Tinawagan noya ang kaibigan niyang si laline.

"Hello Rubie? May kailangan ka ba? Kumusta ka na? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko ah" sagot ng kaibigan niya sa kabilang linya

"Laline, aalis na muna sguro ako busy ka ba? "

"Oo eh mamayang alas-kwatro pa matatapos ang trabaho ko, bakit saan ka ba pupunta?" Tanong ng kaniyang kaibigan

" Sa Manila, Maghahanap muna ako ng trabaho doon nasibak kasi ako sa resto na pinagtrabahuan ko"

"Ano? Bakit naman ? Kailan ka aalis papuntang manila?" Nag-aalala at gulat nitong sagot

"Ayaw ko munang pag-usapan. Mamaya pa siguro laline" mahina niyang saad

"Sgurado ka ba sa decision mo? Biglaan ata ah, Iiwan mo na ang bestfriend mo dito? Nakakatampo ka naman Rubie"

Nagtatampong saad ng kanyamg kaibigan matagal niya na itong kasama simula elementarya nalulungkot man siya na iwanan ito ay kailan niyang tatagan ang sarili.

"Ano ka ba babalik naman ako dito tsaka pwede mo naman akong puntahan doon, lalayo muna ako para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon,"

"Kung ganon pala eh hahayaan na kita, tatawagan kita mamaya ha ako maghahatid sayo sa terminal maghintay ka lang diyan"

Nagpaalam sila sa isa't-isa at ibinaba ang tawag pinagpatuloy na lang ni Rubie ang nagliligpit ng kanyang gamit. Pagkatapos niyang ilagay lahat ng mga gamit niya sa maleta ay sinimulan niyang linisin ang kwarto niya. Sinunod niyang linisin ang Kwarto ng papa niya.

Habang naglilinis siya sa ibabaw ng aparador ay nahulog ang album kinuha niya iyon at binuksan doon tumambad sa kanya ang litrato ng kanyang ama at ina mga larawan na sobrang saya nilang dalawa, napaiyak siya sa nakita niya may nakita din siyang larawan nilang tatlo hindi niya alam kung ilang months na siya sa larawan na iyon dahil ngayon lang niya nakita ang album na to siguro tinago ng kanyang ama ito kinuha niya iyon.

Aalis na sana siya sa kwarto ng papa niya ng may napansin na nahulog na liham galing sa album kaya binuksan niya iyon at binasa.

Mahal kung Rubin,

kumusta na kayo ng anak natin? Masaya ba kayo diyan? Pasinsya ka na at sumama ako kay papa pwra din naman ito sa ikabubuti niyo. Ayaw ko na Saktan kayo ni papa, ayaw kung madamay pati ang anak natin dahil hindi kakayanin ng konsensya ko na mawala ang anak natin. Mahal na mahal ko kayo alagaan mo ang anak natin ha,sabihin mo sa kanya kung gaano ko siya kamahal, pakisabi na din na miss na miss ko siya.

Sorry kung hanggang liham lang kita makaka-usap hindi ako pwedeng pumunta diyan dahil malalaman ni papa iyon kung sakali. Palakihin mo na Magalang at mapagmahal sa kapwa si Rubie ha, hayaan mo kapag makahanap ako ng paraan tatakas ako dito ngunit hindi ko maipapangako iyon sa iyo, Mahal na mahal ko kayo.

Love Janess

Nasaktan si Rubie sa liham na nabasa niya nararamdaman niya talaga na mahal na mahal ng mama niya ang papa niya. Ang pait din ng dinanas ng mga magulang niya, pilit na pinaghiwalay dahil magkaiba ang estado sa buhay.

Nilagay niya ang album at liham ng mama niya sa Maleta niya saka dinala ang mga dadalhin niya sa sala. Nilinisan niya ang buong bahay saka nilagyan ng tela ang mga upuan at iilang gamit sa bahay para naman hindi madumihan.

Saktong alas kwatro ng hapon ng matapos siya sa paglilinis agad siyang naghugas at nabihis dahil tinawagan na siya ng kaibigan na malapit na siya sa bahay nito.

Sinirado niya lahat ng bintana at pinto saka lumabas ng bahay May bumusina kaya lumabas siya. Natanaw niya ang kaibigan na kumakaway sa kanya bago tuluyang pumasok sa kotse ay sinulyapan niya muna ang bahay nila.

"Sure ka na ba talaga sa gagawin mo Bes? Wala ka pa namang kakilala doon," nag-aalala nitong tanong sa kanya habang nagmamaneho ito ng kotse.

"Haha ayaw mo talaga akong umalis no? Hindi mo na mababago ang isip ko laline segurado na ako" buong tapang niyang sagot sa kaibigan kahit na sa utak niya ay natatakot siya na baka mawala siya sa manila.

Nang makarating sila sa sakayan ng bus ay kinuha agad ni laline ang malita niya sa likuran ng koste.

"Mag-inggat ka doon ha, lagi kang kumain ha para naman magkalaman ka saka tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon at nakahanap ka ng tirahan ha, sorry hindi kita ma hatid sa manila may marami pa akong trabaho eh," paghingi ng pauman sa kanya ng kaibigan

Natawa na lang si Rubie dahil umiyak ang kaibigan niya.

Niyakap niya ito at sinabihan na "oo naman mag-inggat ako aalagaan ko ang sarili ko, ikaw din inggatan mo sarili mo ha. Wag ka ngang Umiyak diyan"

" Kita mo naman na nagdrama ako ah panira ng moment to . Tsaka iinggatan ko ang sarili ko

Narinig nila na limang minuto na lang ay aalis na ang buss pa manila kaya dali-daling sumakay si Rubie.