Chereads / Love,Cali / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

What the heck?!

Hindi, hindi pwede.

Nagulat lang ako sa nangyari. Mas mabuti pang kalimutan ko nalang yung nangyare at nabubulabog lang ang isipan ko.

"Okay ka lang?" biglang may nagsalita sa di kalayuan. Pucha akala ko multo kasi naman alas tres na ng umaga nandito ako sa labas ng kwarto tapos may biglang iimik. Sino ba di matatakot don.

Napansin nitong nagulat ako mula sa biglang pagsulpot nya.

Tumango nalang ako at ibinulsa ang kamay ko mula sa pagkapatong sa railings.

"Kanina ka pa nakatulala ah" sambit nito at lumapit sa akin.

"Can't sleep" tugon ko sa kanya sabay labas ng malalim na hinga.

Tinabihan nya naman ako at pinatong din ang mga braso sa railings.

Walang makakapansin sa amin ngayon dito dahil tulugan na siguro lahat ng tao at walang nag lilibot sa gantong oras.

"I hate it here" napatingin naman ka agad ito sa field na sobrang lawak.

"Same, masyado silang naka bantay sa bawat kibo ng studyante" sambit ko "That's like stopping a person's human rights or sumn like that"

Tumango naman ito bilang pag sang ayon.

Iniabot ko ang kamay ko at nag pakilala "Cali, nga pala"

Tinanggap nito ang kamay ko

"Gwen" tipid na sagot nito.

Mabilis naman kami nagkakilala at nag kwentuhan muna bago sumapit ang alas kwatro.

Kaya daw sya napalipat dito because of the boys bullying and doing things to her, slut shaming her saying that she wants it just because she always wore tight shirts and revealing skirts. Shit like that annoys me, even if a girl wore revealing clothes that doesn't mean its an invitation para bastusin sya.

Kinwento ko naman na nahuli akong nakikipag anuhan sa likod ng school at nahuli kami. She didn't judged me for what i did at tumango lang na parang naintindihan nya ang sitwasyon ko. Di nag tagal ay bumalik narin kami sa sari-sarili naming kwarto kasi malapit na mag alas kwatro, maaga gumising ang ibang namamahala dito kaya dali dali kaming bumalik. Malapit lang naman pala ang kwarto nya, anim na pinto mula sa akin.

Pag gising ko'y nag sipilyo muna ako at binuksan ang pinto para matanaw ang field mula sa kwarto ko.

Napansin kong may kumpol na mga tao at nagmamadaling maglakad patungo sa dulo. Nang dumaan ito sa pinto ko'y nandon si Sister Gonzales at kasunod ang dalwang mag asawa, sa likod naman ng mga ito ay may familiar na mukha ng babaeng naka tungo. Nagkatapat kami at umiwas  naman ka agad ito ng tingin sa akin matapos makilala ako.

Oo sya yun! yung humalik sa akin nung isang araw! I guess she got in trouble after being seen sa cctv. I was expecting it since they're very observant sa mga sorroundings, may mga cctv every dulo ng building kaya tanaw kami kung sakaling nahagip ito sa cctv.

Dirediretso sila sa dulo para umakyat sa third floor patungo sa Guidance Office. Dang, i remembered the feeling of walking right into it na parang may bumubuhos na yelo sa katawan ko sa sobrang nerbyos ko.

Ganun pala talaga sila ka strict.

Linggo ngayon at may pagtitipon kami sa simbahan.  It's a catholic school, every first friday of the month and every sunday may simba kami. Binilisan ko mag sipilyo para maka abot. I wore a simple white tshirt with a minimal design tucked in my skirt below the knee, they're very strict with what we wear. But atleast pumapayag silang pumili kami ng desired clothes instead of a uniform, But only on Wednesday and weekends.

Hinanap ko si Gwen nung pumipila na kami palabas ng corridor, nahanap ko naman ka agad sya dahil di naman kalayuan ung tapat ng kwarto nya. Dali dali akong tumakbo sa kanya para makatabi ko sya sa misa habang nakatalikod yung nag papa-pila sa amin.

Buti nalang at di ako nahuli, warnings palang naman ang binibigay nila kaya okay lang kung mahuli man kaso pinangako ko kay tita na hindi ako gagawa ng kalokohan para maka alis ka agad ako ng 1 year.

Thats why i promised to myself not do do any permanent relationships sa mga kaibigan kasi aalis narin naman ako pagkatapos ng 1 year.

I hope i don't get attached too much to anyone.