Ilang araw na ang nakalipas at nasasanay na rin ako sa mga patakaran dito at pasikot sikot sa bawat room ng subjects.
Bumangon ako at nag inat ng pagkakatagal dahil sa pagod. Grabe, First week ko palang toh pero ang dami ka agad projects and assignments. Why did i have to switch schools halfway the year.
On second thought ayos lang pala yun kasi maunti na yung months na titiisin ko bago ulit mapalipat sa dati kong school, But that depends on tita Be's decision.
Wala parin akong kasamang room mate. May iba din na wala pa, pag may dumating siguro na bagong estudyante saka pa.
Nagmadali nakong pumunta sa shower room para maligo naalala kong may ceremony nga pala kami.
Pagkatapos ko maligo ay nagsuot ako ng black hoodie at nag pants nalang na grey. We don't have an event today, ceremony lang talaga tsaka konting announcement for the whole campus.
May mga bagong studyante, tatlo sila. The first one wore a tucked in large sized black tshirt at nakaternong tight jeans.
The second wore a red striped shirt with a skirt above her knee.
The third one, she's pretty. Iba yung dating kahit naka simpleng white t shirt lang tas naka maong.
Nagpakilala sila isa isa pagkatapos ng ceremony sa gym. I wasn't listening sa dalwang naunang babae habang nag papakilala sila, i was waiting for the third girl to introduce herself.
At last,
"Lovely Kathe Lorraine Portugal" sinamahan nya ng ngiti pagkabanggit nito.
"I respect people if i am given respect, Sarcasm is one way of how i talk so if you're easily irritated then i am not the person to talk to." seryosong sambit nito matapos bawiin ang ngiti kanina.
Hmm, interesting. Kakaiba sya sa lahat ng napapansin kong pumapasok dito. I hope we get along well kasi excited nakong makipagkilala.
Pagkatapos ng whole ruotine ng school sa umaga ay pinabalik kami sa kanya kanyang room para mag ayos kasi malapit na mag recess. Paglabas ko ng pinto ay hinanap ko agad si Gwen sa hallway, nalibot kona buong corridor pero wala hanggang sa makarating nako sa canteen.
Ayun, una-una sa pila handa nang lumamon.
"Gwen!" sigaw ko mula sa di kalayuan. Agad naman akong binawian ng kahihiyan nang makita kong nakatingin sa direksyon ko si Ma'am Avi. Punyeta lagot.
Nilapitan ka agad ako nito at pinag sabihan.
"Hindi kailangang sumigaw, First Warning James." kapit kapit nito ang braso ko habang pinagsasabihan ako.
Pati ba naman sa canteen nasisita parin ako, masyado silang strikto.
Naglakad na ako papunta kay Gwen habang kita kong tinatawanan ako nito dahil napagalitan ako.
"Gwen pasingit ako bilis na" pilit ko sa kanya.
"Bilisan mo baka makita ka ulit ni Ma'am Avi madagdagan pa warning mo" dagdag pa ang tawa nito.
Egg Sandwhich at Tubig lang ang binili namin kasi limitado lang yung pagpipilian sa canteen. Hindi tulad sa dati kong school na maraming pedeng bilhin.
Malapit nang matapos ang oras at binilisan namin ubusin ang pagkain, inihatid ko muna sya sa room nya bago ako bumalik sa akin at tanging tubig nalang ang natirang hawak hawak ko. Bawal mag dala ng pagkain sa kwarto kasi walang taga linis kung di kami lang. Unlike sa dati kong school na may janitors, sinumbong nga lang ako.
Sabado ngayon kaya wala kaming klase pero may mga activities at chores kami na kailangang gawin.
Maya maya'y segundo bago ako makatayo ay may kumatok sa pinto ko.
"Baka si Gwe-"
"Transfer student po"
Muntik ko na maibuga ang iniinom kong tubig.
Teka, wag mo sabihing si?
Pumasok ka agad ito dahil hindi naman naka lock ang pintuan at tama nga ang hinala ko.
Dala dala nito ang malaking box na naglalaman ng mga gamit nya at malapit nang matakluban ang mukha nya.
"Tulungan na kita dyan" alok ko sa kaniya at hanggang ngayo'y hindi parin napapawi ang gulat sa ekspresyon ko.
Nilapag ko sa harapan ng kama nya ang kahon nito at saka ibinalik ang tingin sa kanya.
"Salamat" sambit nya nang may halong ngiti. "Lovely Kathe Lorraine Portugal nga pala" sambit sakin sabay inabot ang kamay nya bilang pagpapakilala.
"Yes i know" balik ko sa kanya.
Halos matunaw ako ngayong harap harapan ko syang nakikita.
"You can call me Love"
Shet, namumula ang pisngi ko ngayon at biglang nanigas ang katawan ko. Bakit lumalakas yung tibok ng puso ko.
Its not new to me, its the similar feeling i had nuong hinalikan ako nung na expelled.
I shooked my head. Wala lang toh. Napabuntong hininga nalang ako at nakitang may isa pang malaking kahon sa labas ng pinto.
Tinulungan ko syang ilipat sa may bandang kama ang pagkabigat bigat na kahon. Buhat buhat nya ang unahan at ako naman sa kabilang dulo.
Nang malapit na naming mai-lapag ay tila na out balance ako't naging sanhi ng pagka patong nya sa akin.
Ngayon ay naglalapit ang muka namin sa isa't isa at di ko na alam ang gagawin ko sa situwasyon na ito. Nanigas na naman ako sa sobrang lapit ng muka namin at naaamoy ko ang mabango nyang hininga, ganoon kami kalapit sa isa't isa ngayon.
Bigla namang may kumatok at nalipat ang atensyon namin sa pinto. We both knew where this might end up. We might get misunderstood.
Dali dali syang umalis sa pagkatapong sakin at umayos ng tayo bago ko buksan ang pinto.
It was Mr. Alcantara, he's one of the high positioned and most respected sa campus. He roams around para mag observe. Ang lakas din ng dating nya kasi muka syang mahirap pakisamahan.
"I see, are you comfortable in here miss?" Tinutukoy nya ang katabi ko.
"Portugal po" ngiti nitong ibinalik
"I'm fine po, thank you for having me"
Tumango naman si Mr. Alcantara.
"I see you've already made a friend"
Inilipat nito ang tingin sa akin at nagpakita ng maliit na ngiti.
"Miss James, kindly show Miss Portugal around here. Im sure she'll appriciate the help since she's new"
Tumango ako ng mabilis habang nakangiti at tumingin muli kay Kathe. Mukha naman itong sang ayon at masaya sa bilin sakin ni sir.
Bago sya lumabas ay tiningnan muna ang paligid kung maayos ko bang na aalagaan ang kwarto. Napatango naman ito at tumuloy na palabas.
"So Miss James, right?" bumaling ito sa direksyon ko at tinaas ang isang kilay.
"Cali"
Tugon ko dito habang inaayos muli ang kahon at hindi sya tinitingnan.
"Cali" tumango ito
"I like you"