I woke up early para bumili ng pagkain sa canteen, maaga naman ito nagbubukas.
It is now 5 am at pagbalik ko'y tulog na tulog pa rin tong si Kathe.
Nauna na akong kumain at kinuha ang mga damit at towel ko para makaligo na ako. Nagtungo ako sa shower room at marami na ka agad naliligo dito. I expected it since its monday, may pasok na kami.
I finished washing up and headed back sa room para makapag patuyo ng buhok at makapag ayos ng bag.
Pagpasok ko'y gising na si Kathe at kinakain ang dala dala kong pagkain na binili kanina.
"Good morning, Cali" she greeted nung makita akong pumasok ng pinto.
I then greeted back "Morning"
She looked at me na parang may iniintay pa na kasunod kong sasabihin. What is she expecting from me?
I looked at her confused at itinaas ang isa kong kilay. Napailing nalang ito sabay kagat sa labi nya at nagpatuloy na lang kumain.
Inayos ko muna ang mga notebooks sa bag na merong subject na naka schedule ngayon.
When i was about to leave i asked her one thing, since baguhan nga pala sya dito.
"Kaya mo ba?" Sabay taas ng hinlalaki ko bilang thumbs up. "I gotta go na, mag aaral pako para sa quiz namin"
"Yeah i'll catch up" tumango naman ito at nagdali daling kumuha ng gamit para makaligo narin.
Pumunta ako sa library at nandun nag hihintay mga kasama ko sa group study. We only have 1 hour till its 7 am. 7:50 ang original time namin pero may prayers pa bago mag time, kailangan nandun lahat para magdasal.
"Nag aral ka kagabi?" tanong ni Alex.
Umiling naman ako at ibinalik ang tingin sa binabasa kong libro.
"Ayan pa, ay kasama niyan si Kathe maghapon pano yan makakapag aral"
singit naman ni Gwen.
I wasn't able to study yesterday since inilibot ko si Kathe sa buong campus.
"Ahh yung magandang transferee??" pasigaw na sumingit si Wen sa usapan.
Lahat naman kami nag tinginan at sabay nag "SHHHHHHH"
"Wag ka nga maingay nasa library tayo Wen" sumbat ko dito.
Muntik na mapalingon yung librarian sa kaingayan nitong si Wendy.
"Totoo naman ah, ang ganda kaya ni ate. Crush ko sya" napaka vocal nya itong binaggit.
"Ay nako, sorry ka naunahan ka nitong si Cal. Magkasama yan sa iisang kwarto eh who knows kung anong ginagawa nila" pang aasar ulit ni Gwen.
Dali dali ko naman itong binatukan at ka agad naman nitong binawi.
"Joke lang, straight naman tong si Cali wag ka mag alala Wen"
Parang napakunot ang noo ko dun sa sinabi nya. Nawala nako sa mood at pinag patuloy nalang ang pagbabasa.
Pumila na kami at nag sign ng attendance sa library, required daw para alam na galing kami dun. Bumalik naman kami sa classroom at nakita kong pumasok na din si Kathe kasabay ng iba pang studyante. Kaklase ko pala sya, akala ko sa higher section sya mapapapunta kasi she seemed smart.
Unang unang subject, Math. I started to gaze off the topic kasi wala naman akong interest makinig sa math pero pag baling ko sa direksyon ni Kathe ay nakikinig naman ito nang maigi na parang gustong gusto ang dinidiscuss.
Tumingin ako sa relo ko at malapit na mag second period, Science. May test kami dito kaya kami nag aral kanina sa library, nag aalala ako kung paano si Kathe makakapag test kahit di pa sya nakaka attend ng isang discussion.
Napansin kong nagmamadaling pumasok si Ma'am Gracia.
"Okay, get 1 piece of paper" at nilapag nito ang mga gamit sa lamesa at tumitingin-tingin sa relo nya na para bang hinahabol ang oras.
"Ma'am" nakita kong tinaas naman ni Kathe ang kamay nya.
"What?" tanong nito habang hindi nakatingin at may inaayos sa laptop.
"Transferee po" Sambit neto sa teacher.
Nagtinginan naman lahat at napatalikod sa kanya, everyone looked so overwhelmed at halatang nagagandahan sa kanya. Well, sa amin kasi hindi na bago ang uniform. Pero kahit anong damit ang isuot nya ay bagay. How her hair falls of the collar na may konting kulot habang nakalugay. Morena, pero mukhang may lahi.
"Labas" tinuro naman ni Ma'am Gracia ang pinto as a sign na lumabas muna si Kathe habang nag tetest kami.
Dali daling lumabas si Kathe para hindi pa lalo mainis si mam.
"5 minutes left."
Nagtinginan naman lahat sa unahan at ang iba'y parang nag aalanganin sa oras. Kahit ano din naman nahihirapan sa quiz, 24 over 30 palang nasasagutan ko.
Kinamot ko ang ulo ko sa inis na di malaman ang mga sagot at paglingon ko sa labas ng pinto ay nakatingin sakin si Kathe.
She let out a word but i couldn't hear it. "Goodluck" sabay form ng puso sa kamay nito. Napangiti naman ako at kinawayan sya, napatigil naman ako nang mamalayang tinapunan ako ni Ma'am Gracia ng tingin.
Right, im not even done yet sa quiz.
Natapos din ang oras at nakayanan ko namang sagutan lahat, and im confident that i passed it. Di naman kasi ako sumali sa group chika nina Gwen na akala kong group study.
Pumasok na si Kathe at kinawayan ako bago nilipat ang atensyon sa mga kaklase namin na agaw pansing naka tingin sa kanya.
Music class ang sunod, discussion lang naman muna kami for now. Kaya Kathe can stay sa room.
"Give a word that reminds you of music" utos naman samin ni Sir Pacia.
Nagtataasan naman lahat ng kamay para sumagot at halatang nakatuon ang atensyon sa topic.
Happy, Fun, Nostalgic, Emotion, Meaning, at In Love.
Ilan lang yan sa mga nabanggit nila at isang salita ang nanatili sa isip ko.
"Kathe" mahinang bulong ko.
Tuloy tuloy naman ang pag didiscuss ni Sir habang ako nakatingin parin sa bintana. Maya maya pa'y naramdaman kong may tumapik sa likod ko at may ibinigay na papel na naka tupi.
Binuklat ko ito at binasa ang nakalagay.
Do you listen to Girl in Red?
yes or no lang.
Lumingon ako sa likod para tanungin kay Alex kung kanino galing.
Napaturo naman ito sa may bandang likod at nakita ko si Kathe na nakatingin. Kumaway ito tapos ibinaling na ulit ang tingin kay Sir.
Author's note
P.S Pakinggan nyo po songs ni Girl in Red, King Princess at Hayley Kiyoko.
If u listen to those peeps, u have my heart <33 mwah.