Lumipas ang ilang araw at abala kami parehas ni Kathe kasi malapit na mag third monthly test. Maraming ipinapasa at aaralin kaya hindi na namin nakakamusta ang isa't isa.
May dinradrawing si Kathe sa lapag ng sahig at masyadong busy para umibo kaya nagpatulong sya sakin.
"Cal, pa abot naman ako nung notebook" mahinhin na utos nito.
Ako naman na nag aaral lang, hindi na ako masyado abala kasi tapos na ka agad ako sa projects.
Kinuha ko naman yung notebook na pinapakuha nya sa dulo ng kama kung nasaan ang lamesa nya. Nakabukas ito kaya dahandahan kong ibinigay kay Kathe.
May nahagip akong nakasulat.
"Ce.... Les..-" unti unti kong basa sa nakasulat sa notebook nya.
Ka agad naman nitong hinagip sa akin at hindi natapos ang pagbabasa ko dito.
"Ano yun?" tanong ko.
"Ah, notes ko sa science" ka agad naman nitong sinagot na parang nataranta.
"May Celeste ba tayong topic sa science??" i chuckled. "Ikaw ha, ngayon ako naman crush mo" ako naman ang nang aasar ngayon, Bawi lang.
"Celestial Bodies" tipid nitong sagot.
"Sari sari ka na naman Cali" tinanggi naman nito ang nakasulat.
"Ah oo nga pala haha sorry" Mali lang ata ako sa nabasa, Ako din ang nabara sa pang aasar ko. Ang bilis ko kasi mag assume di naman pala ako ang naka sulat.
Naisip kong magpatugtog nalang muna habang abala kaming may ginagawa para naman mapakalma kami pareho.
I played Sweater Weather sa mp3 ko at saka itinaas ang volume sa tamang lakas lamang na kaming dalwa lang ang makakarinig. Nakita ko namang medyo kumalma na si Kathe at paibo ibo ang ulo habang nakikinig sa kanta.
"Nice playlist, James" bigla nitong sambit habang nag dradrawing.
"I told you to call me Cali" paalala ko sa kanya.
"I could but you're not doing the same" sumbat pa nito.
"You want me to call you Cali too? Dumbass" pang aasar ko dito habang tumatawa.
"Right,"
"Love?"
Nakita ko namang biglang nagliwanag ang mukha nya at napansing nakangiti. She was still looking at the paper while nag dradrawing.
I swear, this school is changing me.
Malapit na mag october kaya taglamig na ang panahon. Nakatulog na si Kathe sa sobrang pagod habang ako kakatapos lamang mag aral. I got up at nilinis muna ang mga naka kalat na papel sa lapag para wala na syang aalalahanin pag gising.
I was picking up papers until i saw the notebook earlier na hinagip sakin ni Kathe.
Celeste nakasulat dito.
Tama naman pala ako eh, pinagsasasabi nitong si Kathe na celestial bodies ayaw pang aminin na crush ako. I laughed quietly then continued to organize the papers.
Bumalik nako sa higaan at napagtantong matulog na. Alas dos na ng umaga at pinatay ko na muna ang fan dahil malamig narin naman.
Pagkahiga ko'y nagdasal muna ako at maya maya pa'y may naramdamang yumakap sa likod ko.
Paglingon ko nakayupyop ng yakap si Kathe sakin at halatang lamig na lamig na. Hindi ko ma alis ang pagkaka kapit nya kaya kumuha nalang ako ng kumot para ipatong sa aming dalawa. Hindi nagtagal ay nakatulog narin kaming dalwa.
*alarm* *alarm*
Alas otso na ng umaga at ako ang naunang nagising.
Hinahanap ko ang mp3 ko baka hindi ko napatay kagabi at pag lingon ko sa kaliwa ay sobrang lapit ng mukha ni Kathe. Mga ilang minuto akong nakatitig sa mga labi nito at kung paano ito mahimbing na natutulog.
Napansin kong nagmulat ang mata nito at nabigla na nakatitig ako. Dali dali naman nitong inilayo ang mukha sa akin at muling ipinikit ang mata.
Nakatulog na ulit ako since wala namang gagawin ngayon at weekends. Nagawa nadin namin lahat ng chores at next week ay may test kaya pinagbigyan kaming mag stay nalang sa kwarto.
Ako naman ngayon ang nahuling nagising saming dalawa. Nakabili na pala sya ng pagkain. Ako usually ang gumagawa noon eh.
Nakaupo sya sa egde ng kama ko ngayon at umiinom ng tubig habang nakatalikod sa akin.
"Goodmorning, Love" i greeted.
Napalingon naman ito sa direksyon ko at ginunita ako ng isang malaking ngiti. Messy bun, white unironed shirt tucked in her shorts. Its almost too unreal to wake up with a sight this good.
"Morning, James" pang aasar pa nito.
"Daya mo ah!" sambit ko dito. "Lovely" at saka ako napangiti.
"Yaaakk! Ambantot kaya ng pangalan na Lovely" nakangisi ito ngayong nagrereklamo.
"Ayaw mo nun, mapagmahal" i continued to chuckle.
"Buti pa nga ang iyo, Cali Celeste James" banggit pa nito "Mahusay ang magulang mo mag pangalan" sundo pa nito.
Napansin nya naman na napatahimik ako bigla nang mabanggit nya ang magulang ko.
"Im sorry, i didn't know" bigla naman nitong bawi at ngayo'y naka pout ang nguso.
"What happened ba?" tanong pa nito.
Close na naman kami kaya pede ko na siguro ikwento sa kanya.
"They both died on a car crash" sambit ko habang pinipigilang lumuha "While on their way to my birthday" sundo ko pa at hindi ko na naligilang tumulo ang luha ko.
"That must be hard for you, im sorry" niyakap nyako habang lumuluha ako sa damit nyang ngayon ay lukot na lukot na.
"I'm always here, Cali" sambit pa nito para pakalmahin ako.
Hinawakan nito ang baba ko para itaas at nang makita nya ng maayos ang mukha ko. Pinahid nya ang mga luhang napatak gamit ang daliri nya at saka ibinalik ang ulo ko sa balikat nya.
"I'm here, Cali"
Unti unting tinatapik nito ang likod ko and after i stopped from crying, She kissed my forehead and gently hugged me while her hands was in my back giving me support.
Now, at this moment.
Everything seemed alright.