Chereads / Love,Cali / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

"Whatchu writin there James" kinuha nito ang notebook at ngayo'y nasa kamay na nya habang sinusubukan basahin.

I tried to get it off her hands but she had a good grip on it. Binabasa pa nya nang malakas ang bawat salitang nakasulat.

"Akin na!! Ibalik mo sakin yan!" Pinipilit ko parin hagipin ito mula sa kanya hanggang sa napa tigil ito matapos basahin at naka titig parin sa naka sulat.

Nagtaka ako bat sya napatitig, Nakuha ko naman agad ito sa kanya.

Bumalik naman ito sa wisyo at ibinaling ang tingin sakin.

"Kaw ha, crush mo bako ha?" Pang aasar nito habang tumatawa.

"Ha? Ano???" pagtutol ko naman dito.

"Naisulat lang sa diary crush na agad?" nakakunot ang noo ko habang sinasabi to.

"Aminin mo na kasi James, kaibigan parin naman kita" pang aasar pa nito.

"Ano?! Hindi nga! Straight kaya ako!"

Tumango naman ito habang naka awang ang bibig na parang hindi pinaniniwalaan ang sinasabi ko.

Lumapit ito nang bahagya sa akin at itinulak ako sa may pader. Inilapit nya ang mukha nya sa mukha kong naghahabol ngayon ng hininga.

"Talaga ba?" sinambit niya ito with a soft yet tempting voice na para bang nanghahamon.

Di nagtagal mula sa paninigas ko'y itinulak ko sya papalayo sa akin.

"I'm just kidding you James" pang aasar nito. "Don't take it seriously"

Right. I won't, no big deal.

Lumipas ang ilang minuto'y nangingibabaw ang katahimikan sa loob ng kwarto. I continued what i was doing earlier at tumalikod kay Kathe para hindi na nya mabasa.

I couldn't understand what i felt for the past few days, its making me confused. Akala ko lumipat ako para mapalayo sa mga lalaki pero mas napapalapit ang loob ko sa isang babae, K.

Habang nagsusulat ako'y naramdaman ko ang tapik sa balikat ko. Lumingon ako kay Kathe na ngayo'y naka upo sa edge ng kama ko.

Ngumuso ito na parang may gustong ipahiwatig.

"Gutom nako"

Oh, right. Madilim na ngayon at mag aalas otso na.

"Malapit na mag hapunan, maghintay ka" tinaas ko ang kilay ko.

"Pero gutom na talaga ako" Bumalik ito sa kama nya at parang nagtatampo pa.

I looked at her, mukhang wala sa mood at gutom na gutom na talaga. Pano kasi, half rice lang inorder mabubusog ka ba non.

"Sige, yung kaibigan ko siguro may pagkain try ko manghingi"

Lumabas ako at tumingin muna sa kanan at kaliwa. Wala pa masyadong tao at paniguradong abala lahat. Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Gwen. For sure may tinapay yon, lagi yung bumibili ng extra foods at itinatago sa kwarto.

Kumatok muna ako bago pumasok, nakita kong dali dali nilang tinago yung mga tinapay sa ilalim ng kama.

"Ay pucha, akala ko si Sir Alcantara" pagmumura nito. "Akina tinapay Shane" habang tumatawa naman yung kasama nya sa kwarto.

Ngumiti ito sakin at kumaway.

"Gwen enge ako pagkain" utos ko dito.

"Ha? akala ko ba di ka magugutomin?" tanong pa nito.

Umiling naman ako "Hindi, para kay Kathe"

"Ay! Ivaden, kayo ha lumelevel up na ah" pang aasar pa nito.

Binato ko naman ito ng towel "Bilisan mo pag ako nahuli dito malilintikan ka sakin."

Inabot naman sakin ni Shane yung tinapay at saka ko pinasalamatan. Binato naman sakin pabalik ni Gwen ang towel ko at dali dali ako bumalik sa kwarto namin.

"Oh" inabot ko kay Kathe ang tinapay.

Dali dali naman nitong hinagip mula sa kamay ko at kinain ka agad.

"You look like a baby being fed" i chuckled.

"Baby mo sana" ibinulong nito.

"Ha, ano??" Pilit kong ipinaulit at hindi ko narinig ng maayos.

"Wala, salamat kako" binawi ka agad nito ang sinabi nya kanina.

Tumango nalang ako at inintay na matapos sya kumain. Pagtingin ko sa relo ko'y alas otso na at oras na para kumain.

Hindi na sumama sakin si Kathe dahil busog na daw sya at wala sa mood kumain. I asked her if she wanted anything baka pede ko maitago pabalik.

"Hey" lumingon naman ito sakin "You want anything to eat?" Inintay ko ang sagot nito bago ako lumabas.

"You"

Yun ang huli nyang isinambit at lumabas nalang ako. Alam ko namang pang aasar nya lang yun sakin kaya hindi ko nalang pinansin.

I saw Gwen and Shane already starting to eat at the table. Pumila ka agad ako at tumabi kina Gwen.

"Uy ikaw ha, may gusto ka ba don kay Kathe"

Muntik ko na naman mabuga ang iniinom kong tubig for the 13678th time.

"I can see the way you look at her Cal"

I don't know either, im not sure of what i am feeling. I just know that i like the feeling of it.

Everything seems so calm and easy around her, kahit isang araw palang kaming mag kakilala. I guess we'll just have to wait and see what happens within the days ahead of us.

Natapos na kaming kumain at ibinalik ang mga platong pinagkainan. I remember i have to buy Kathe foods. Alam kong magugutom yun mamayang gabi, ayokong magambala ang tulog ko.

"Ate yung Crossini po apat po"

Hanggang apat lang ang kayang itago ng hoodie ko. Baka magmukha akong namamaga pag sakaling napagmasdan ng mga madre malagot pako nito.

Nakarating naman ka agad ako sa kwarto nang walang problema at nakangiting ipinakita kay Kathe yung binili kong pagkain. I also bought her a water just in case.

Nakita kong lumiwanag ang mukha nya nang makita nyang bumili ako ng pagkain para sa kanya kahit na she didn't say anything.

"Don't get the wrong ideas, i just don't want you to wake me up in my sleep when you're hungry."

I already gave her my perspective.

"Alright Miss James" nakangiti pa nitong pang aasar.

"Please, call me Cali" suggestion ko sa kanya.

"Then i prefer you call me Love"

Humalukipkip ito at dahan dahang binuksan ang tinapay habang ibinabalik ang tingin sa akin.

"Sure, Love"