Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 33 - Chapter 33: Tropa sila?

Chapter 33 - Chapter 33: Tropa sila?

Kahit kinakabahan. Nanlalamig, butil butil na ang pawis sa noo. Pumasok pa rin ako ng bahay. Jusko!. Wala akong ibang pagpilian kundi ayun nga. Sa back door pa ako naglakad para iwasan ang mga bisita. Ayoko munang humarap sa kanila. Hindi pa ako handa.

Here we go again my two sides. Handa akong malaman kung sinong kasama nyang nagpunta rito at marinig ang dahilan kung paanong naging sya ang bisita ni Mama. Hindi rin ako handa na makita sya rito. As in. Sapagkat, hindi ko mabigyan ng pangalan ang pintig ng puso ko.

"Why are you here?." Jusko!. Napatalon ako ng marinig ang boses nya. Grabe. Pakiramdam ko, ang sikip at di ako makahinga.

Huminto ako sa ginagawa at pumikit. Humawak ako sa may dulo ng lababo para di ako tuluyang mapaupo. Nanghihina kasi ang mga tuhod ko.

"Hey. You okay?." hinawakan nya pa balikat ko. Damn it!. Muli akong napatalon sa rahan ng pagkakadampi ng palad nya sa balat ko. Napalunok ako ng madiin.

"Master, mauna na ako." bigla ay paalam ni Bryan. Doon ako mas lalong natuliro na di na alam ang gagawin. Tinignan ako ni Bryan mula ulo hanggang balikat. Kung saan andun pa rin ang kamay ni Kian. Noon ko lang din napansin na hindi na pala sa kanang balikat ko nakalagay ang kamay nya kundi sa kaliwa. At ang parang labas nun, akbay nya ako!.

Jusko!. Tubig naman dyan!. Di na ako makalunok. Masakit na sa lalamunan.

"Una na kami Karen." lumunok muna itong si Bry bago sya nagsalita. Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano lang sya tanguan ni Kian. Nakayuko naman syang tumalikod.

"Salamat Bry." pasasalamat ko subalit huli na. Hindi na nito narinig pa dahil nakalabas na ng kusina. Isa pa. Masyadong mahina ang gamit kong boses dahil sa kaba. At sa presensya nya na rin.

"Bat parang dismayado ka na nagpaalam na sya?." tanong nya ngunit hindi ko iyon binigyang pansin. Masyadong malabo ang utak ko ngayon. Hindi ako makapag-isip ng tama sa oras na ito.

"Oh, mga bata. Andyan pala kayo?. Nagpaalam na si Bryan kanina. Nagpasalamat ka ba?." mas lalo akong nataranta ng marinig ang boses ni Mama. Lumayo ng bahagya sakin si Kian at tinignan kunwari ang mga laman ng nasa karton.

"O-opo." iyon lang ang binigkas ko pero pakiramdam ko, ang haba na. Napagod ako bigla.

Natahimik bigla si Mama. Di ko sya matignan sa mata kaya sinilip ko nalang sya patagilid. She's watching me, us intently. Para bang may binabasa syang libro na di ko alam ang laman.

"Mamaya mo na ayusin yan Karen. May bisita tayo. Magmano ka muna." kalaunan ay sinambit nya ito. Tumagal pa muna ang tingin nya sa katabi ko bago napunta sakin saka lamang din sya tumalikod ng may kasamang buntong hininga. Bakit kaya?. Hindi ba dapat ako ang gumawa nun dahil napagod akong namili?. Hay...

"Don't pout. You're too cute when you do that." hindi pa ako natauhan kung wala pa ang paghila ni Kian sa dulo ng buhok ko ng marahan. "Tara na sa labas. May naghihintay sa'yo." anya pa suot ang nakakalaglag panty na ngiti. Kaasar!. Bakit may nilikhang katulad nya?. Pati labi ko, nahihila nya't napapangiti nalang bigla kahit hindi naman sana.

Kagat labi akong tumango. Mabigat kong inihakbang ang mga paa papalapit sa kanya. Hinintay nya ako eh. Preskong nakapamulsa pa. "Bat di mo ako tinawagan?." tanong nya kaya naman nagsalubong kilay ko ng wala sa oras.

"Bat naman kita tatawagan?." wala sa sarili kong tanong.

Suminghal sya ng mahina bago iniunat ang nagsalubong kong mga kilay. At syempre. Gamit ng makinis at mabango nyang mga kamay. Tumalbog na yata puso ko palabas ng katawan ko. Wala akong maramdaman. Nakalutang ba ako?.

"Lumabas ka ng iba ang kasama?. Mahirap bang sabihin sakin na samahan kita?."

"Paano naman kita tatawagan?."

Napaisip sya. Bigla bigla syang magtatampo ng ganyan e, wala naman akong numero nya. Tsk.

"Karen?." tawag na ni Mama.

"Andyan na po.." sagot ko dito. Ngumuso muli ako. Gusto kong hintayin ang sagot nya pero mukhang matagal pa dahil napaisip ito bigla. Heh!. Bahala nga sya dyan.

Iniwan ko sya't dumiretso na ng sala. Ilang hakbang lang naman ito galing kusina.

"Here she is." anang isang lalaki na pawang may edad na ngunit di ito halata sapagkat makikita mo rito ang karangyaan.

Naisalikop ko ang mga kamay sa harapan ko habang naglalakad papalapit sa kanila. Sa gawi ni Mama ako nagtungo. Kaharap nito ang bisita.

Nahihiya talaga ako!.

Nahihiya ako sapagkat, dumikit na yata sa akin ang mata ng matanda. "Dad." si Kian ang nagsalita.

"You know my son?." bigla ay tanong nito sakin. Napanganga ako. Sinong sun?. Yung araw lang ang alam kong sun. Wala nang iba.

"Ahm.. Sino po?." tanong ko rin dahil nalito ako sa naging tanong nya. Wala eh. Bangang ako.

"Wala ka pala eh. Di ka nila kilala dito." pagbibiro nito sa kakaupong Kian sa tabi nya.

What the shit is this?. Son?. Pakmen. Sya yung tinutukoy nya?. Bwiset!. Walanghiya! Bakit hindi ko kaagad iyon nakuha?.

Sinipat ako ng tingin ni Kian. Tinumbasan ko lang din iyon ng tingin dahil anong sasabihn ko?. Napahiya na nga ako e, ayoko ng dagdagan pa.

"Ahahaha.. mga bata nga naman oo. Limot na talaga nila ang nakaraan.." mahiwagang dagdag pa nya. Tinapik tapik sa balikat ang anak. Natatawa. Ngunit ang katabi nya ay wala pa ring reaksyon kundi seryosong nakatingin lang sakin. Napalunok tuloy ako.

"Oo nga e. Alam mo naman na sila. Ang dami ng bumabagabag sa kanila." si Mama to. Paanong naging close nya Daddy ni Kian?. Di ko maintindihan.

"Hmm.. Masabi nga to kay pareng Jack. Di man lang nagsasabi iyon sakin."

Jack?. Si Papa?. Magkakilala sila?.

"Magkakilala po kayo ni Papa?." bago pa ako maging baliw dito. Naitanong ko na ito. Natawa lang din naman sya.

"Kaibigan sya ng Papa mo." bulong sakin ni Mama.

"Tropa ko ang Papa mo hija. Magkaibigan kami." dagdag pa sa sinabi ni Mama.

"Tropa?." halos sabay naming tanong ni Kian.

Nagkatinginan ang matatanda sabay tango. Ibig sabihin, kilala na nila si Kian simula nang pumunta sya ng bahay?. Bakit di nila agad sinabi?.

"Dad, wala kang sinabi tungkol dito?." atungal nito sa Ama.

"Di ka naman nagtanong anak ko. Kaya paano ko sasabihn sa'yo?. hahaha.." masayang anito.

Hay... Kakamot ba ako ng ulo o tatalon ng mataas dahil sa bisitang ito?. Di ko alam.