Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 32 - Chapter 32: Bisita

Chapter 32 - Chapter 32: Bisita

"Karen anak. Pwedeng ikaw muna mamalengke?. May iniintay kasi akong bisita eh." si Mama ito. Umaga na ng sabado at syempre. Walang pasok pag ganito. Masarap pa sana ang magtalukbong at sumiksik sa ilalim ng kumot dahil malamig ang panahon, kaso mahirap nang gawin iyon dahil tinawag na nila ako. Tatanggi sana ako kaso sayang ang isang daan na bigay nya.

Inayos ko lang ang hinigaan saka kumaripas na ng takbo pababa. Abala na nga si Mama sa gawaing bahay. Pasado ala syete na ng umaga at iyon ang kasagsagan ng di matapos tapos na trabaho.

"Anong mga kailangang bilhin po?." niyakap ko sya patalikod at binati ng magandang umaga. Hinanap ko si Papa. Maaga raw itong umalis.

"Mga gulay sana nak. Tsaka, groceries natin."

"Ma, baka hindi ako agad makauwi pag ganun."

"Okay lang. Basta, makapasok ka ng store. Ubos na kasi mga stock natin dyan sa kabinet. Baka maghanap mga Ate mo ng pagkain nila. Kilala mo naman na sila."

Oh. Pagkain nila Ate pala ang bibilhin. Paano po ako?. I keep my mouth shut while thinking about my wants.

"Opo." mahina kong sagot. Yumuko ako't humalik nalang sa bunsong kapatid.

"Nasa listahan lahat ng kailangan mong bilhin. Ikaw nalang rin bahala sa gusto mong kunin." sabay abot nito ng nakatuping papel. Sinilip ko ito at nakupo!. Puno ito ng mga nakapila. Maghapon ako sa labas ngayon. Binilang ko ang pera at higit dalawamput libong piso ang halaga. Napanganga ako. Kaya ko ba to?. I even ask myself with my ability. Parang ngayon ko lang natanto na di ko kaya.

"Kaya mo yan nak. Ikaw pa." bigla ay ginulo ni Mama ang buhok ko. Nakita nya yatang bumagsak ang dalawa kong balikat sa nakita. Tiningala ko sya. Watching her if she's telling the truth.

"Kaya ko ba Ma?." tanong ko pa. Di ko mapigilang magtanong dahil sa dami ng gagawin at pupuntahan mamaya.

Nakangiti pa syang tumango sakin. "Of course. Ano bang hindi mo kayang gawin ha?. Kahit nga sagutin mga Ate mo, kaya mo eh. Kaya, yakang yaka mo na yan.."

"Pero Mama. Baka maiwala ko ang pera." kinabahan ako bigla sa sariling naisip.

"Tsk. Wala ka bang tiwala sa sarili mo?."

"Meron naman po."

"Naman pala. Anak, kaya kita inuutusan ngayon para matuto. Gusto kong hindi ka maging ignorante sa mga bagay na nakikita mo."

"Ang hard nun Ma. Ignorante ba ako?." balik tanong ko na naman. Umiling sya. Mabilis iyon matapos kong magtanong.

"Ang ibig ko lang sabihin. Kailangan mong masanay minsan na lumabas mag-isa. Gawin ang gusto mo. Mag-enjoy. Ganun."

Ganun pala. Ang buong akala ko, sinabi na nyang ignorante ako. Heck!

"Kung ganun Ma. Kaya ko to." nagliwanag bigla ang mukha ko kasabay ng kanya.

"Hmm.. Kaya mo yan." she said while wearing her sweetest smile. Hinawakan nya ang magkabila kong balikat saka itinulak pabalik sa may hagdanan. "Bilisan mong maligo para mabilis kang makabalik." tinanguan ko na lamang sya saka bumalik sa sariling silid. Naligo ako't nagpalit ng itim na jagger at kulay puting t-shirt na may maliit na pusa sa ibabang kanan nito. Sinuklay ko ang buhok at pinatuyo. Kinuha ko ang Tote bag na nakasabit sa likod ng pintuan saka isiniksik doon ang listahan at yung pera. Idinagdag ko rin duon ang power bank, lip tint, polbo, tissue at alcohol. "Magsasapatos ba ako o tsinelas nalang?." kausap ko ang sarili rito.

Kinamot ko ang gilid ng kilay habang tinititigan ang dalawa. Saka ko napansin yung slide footwear na itim at puti rin ang kulay. Di na ako nagdalawang-isip pa ng isuot iyon.

"Ma, alis na po ako." paalam ko matapos magwisik ng kaunting pabango.

Naglakad pa ako hanggang kanto dahil walang masakyan rito. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga tao kapag nalalampasan ko sila. Agad akong dumiretso ng palengke at duon inunang bumili ng mga gulay. Makamura ka kasi rito. Pagkatapos ay sa grocery store naman ako pumasok. Inuna kong bilhin ang mga can goods. Iba't ibang klase ito. Sumunod din ang mga kailangan ni Kim, at nina Ate. Wala pa man ang akin ay halos mapuno na ang tulak tulak kong cart.

"Miss, nahulog mo." may kumalabit sa likuran ko. Di ko sana papansinin nang iabot nito ang puting panyo ko. Nagpunas kasi ako ng pawis kanina. di ko namalayan na nahulog na pala. Akala ko, eksakto na sa loob ng bag ko eh.

"Karen?."

"Uy, Bry. Ikaw pala. Ginagawa mo rito?." kinuha ko ang hawak nyang panyo saka nagpasalamat dito. Nagpalinga linga sya. Hindi ko alam bakit.

"Mag-isa ka lang ba?." tanong nito imbes na sagutin ako.

"Ah oo eh. Ikaw?. Namimili ka rin ba?." nagkamot sya ng ulo. Yumuko pa nga ng bahagya. Nahihiya ba sya?. Di nga?. Si Bryan na sobrang daldal. Psh!.

"Parang ganun na nga. Haha." natawa pa sya.

"Nasaan kung ganun ang cart na dala mo?." tumitig sya sakin habang ako'y nagsasalita. Napalunok ako bigla. Anong meron sa mukha ko?. May dumi ba?.

"Nasa kapatid ko. Kasama ko sya ngayon." he explain. Tinanguan ko sya. Inabala kong muli ang sarili sa pamimili habang sya'y nakasunod lang sakin. "Baka mawala yung kapatid mo Bryan." paalala ko dito. Tinawanan nya lang ako.

Hanggang sa pagbabayad na sa may cashier ay nasa likod ko pa rin sya. "Kuya, ang sabi ni Mommy. Uwi daw tayo ng maaga ngayon. May pupuntahan pa tayo." doon ko lang din napansin yung binatang nasa likod nya. Kamukhang kamukha nya ito. Maging ang kapal at tangos ng ilong ay walang mintis na magkapareho. Ang labi lang yata ang magkabila dahil kay Bryan ay perpekto itong mapula habang ang sa kapatid nya ay pino. "I know bruh." ginulo nito ang buhok ng kapatid kaya ito napamura.

Dalawang karton at limang supot yata yung lahat ng pinamili ko. Iba pa yung nasa may guard. Nakupo!. Paano ako uuwi nito?. Mga Ate, tulong!.

"May sundo ka ba?." he asked nang nasa labas na kami. Iniwan pa nya sa loob yung kapatid nya. Loko.

Kinamot ko ang gitna ng kilay bago hinagod ang buhok kahit di naman magulo. "Wala e. Pero try kong tawagan sina Ate. Papasundo ako sa kanila."

"Hatid nalang kita sa inyo.." bigla ay alok nya.

"Ay naku Bry. Wag na. Maabala pa kita. May pupuntahan pa raw kayo eh." pigil ko sa kanya.

"Wala yun. Akong bahala.."

Hindi na nga ako nakatanggi dahil hindi naman sumasagot sina Ate sa tawag. Si Papa naman ay, on duty pa. Kaya no choice na talaga ako.

Kulay kahel na ang kalangitan nang makarating kami sa bahay. "Ma, andito na po ako." anunsyo ko. Buhat ang dalawang supot sa magkabilang kamay. Bumukas ang pintuan at hindi ko inasahan ang nakita.

Sya ba ang bisita ni Mama?. How come?..

"Master, ikaw pala yan." bati sa kanya ni Bryan. Tinanguan lang sya ni Kian at agad na kinuha ang hawak ko. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan dahil sa bisita.

Anong ginagawa nya rito?. Bakit ano sila ni Mama?. Hay.. My heart skip a bit. Jusko!.