Nagkagulo ang lahat sa harapan ng bagong dating na bisita. Pinuri sya mula ulo hanggang paa. Tinitignan ko lang sila dahil hindi ko kayang makisaya sa kanila. Baka sabihin nila akong plastik kapag ipinakita ko sa kanilang natutuwa ako sa inaanunsyo ng babae na engage na sila ni Kian. Ang buong akala ko. Nagbibiro lang sya dahil kahit ang mga taong nakapaligid sa kanya ay di naniniwala sa sinasabi nya. Sa kagustuhan ng iba ng gustong malaman ang katotohanan ay hinanap nila dito ang engagement ring sa kamay nya. Natatawa lang ang babae dahil ang sabi nya'y di nya raw ito isinuot dahil baka maiwala sya. Kahit ganun ay karamihan pa sa lahat ay di naniniwala sa kanya. Ako rin naman. Sinong maniniwala sa kanya kung heto sya't bagong dati at bago sa grupo tapos ianunsyo na agad sa lahat na sila na talaga ni Kian hanggang sa huli. Oh well! In her sweat dream!.
Hindi ako naniniwala sapagkat wala pa namang kumpirmasyon ang taong katabi ko. Kanina pa ito tahimik at wala man lang reaksyon sa komprontasyon. "Excuse me. Cr lang lang ako." paalam ko makalipas ang ilang minuto. I can't stand the awkwardness around me. Baka malagutan lang ako ng hininga kapag hindi ko pa ginawa ang magsinungaling. Sometimes, white lies can save your ass from moments you are not expected to be in.
Nakagat ko ang ibabang labi ng pumasok ng cubicle ng restaurant. Para bang, duon ko lang nahugot ang hininga kong matagal nakatago sa kailaliman ng katawan ko. Damn this!. Bakit ganito ang nararamdaman ko?. Hindi ko maintindihan ang ako. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Hinugasan ko ang buong mukha sa sink para mahismasan kahit konti lang. Pagkatapos ay lumabas ako ng cr after ng ilang pagpapakawala ng buntong hininga. Maging ang matinding kaba ko ay pinilit kong iwaksi. Ayokong magmukhang ewan sa harapan ng karamihan.
Pagkalabas ko ay nagulat nalang ako ng makita ang bulto nyang nakasandal sa may ding ding. Nasa semento ang tingin nito ngunit ng may makitang mga paa roon ay agad syang umayos ng tayo at nakapamulsang tumingin sakin. "Ang tagal mo namang mag-cr?."
May kung ano sa akin ang biglang gumaan. Di ko alam pano nangyari iyon. Basta nalang. Para bang may magic ang bawat salita nya. Possible ba yun?.
Siguro nga Karen. Gumagaan nga pakiramdam mo pag naririnig boses nya kahit wala namang kwenta minsan pinagsasabi nya. Pero impossible pa rin.
Nagtatalo ang puso't isip ko sa taong kaharap ko. Posible nga ba talaga na gumaan ang loob mo sa isang tao kahit wala syang ibang ginagawa kundi kausapin ka?.
"Kanina pa nauna ang iba. Late na kasi tayo.." he reason it out.
"Ha?." Haynako!. Ha?. Ha lang talaga Karen?!. Hampasin kita dyan eh!. Umayos ka nga!.
Nauna akong naglakad kahit kinakausap nya pa ako. "Pinauna ko na sina Win at Bamby kay Bryan at Jaden. Nagmamadali sila. Wala pa daw silang current events."
Ako rin naman. Wala pang current events. Bakit di mo agad sinabi?. Naiwan tuloy ako, sa'yo. Erk!.
I mean. I want the thing about me and him but it's not the same when it comes to us. Ibang usapan na iyon.
Nang bumalik nga kami sa aming mesa. Malinis na iyon. Wala nang bakas namin. "Nasaan ang bag ko?." I asked myself.
"Here.." mahina ngunit dinig ko ito ng malinaw. Duon ko lang din napansin na nasa likod ko pala sya. Nakasunod lang sa akin. Tahimik akong tumango at kinuha iyon sa kanya. He even questioned me if I'm okay. I quickly said, yes.
Hanggang sa daan pabalik ng school ay tahimik. Gusto kong tanungin ang bisita na dumating kanina pero natatakot ako. May kung ano sa akin na ayaw bigkasin ang tungkol duon. "Bat ang traffic?." kausap nya lang rin sarili nya dahil wala talaga akong masabi ngayon. Marami kaong nais sabihin pero nagdalawang-isip ako. Heto na naman ako sa mga pero ko. Sana, maging pera nalang sila par magamit ko pa. Kesa ganito na, isip ako ng isip. Nakakapagod din pala. Di ko alam ito. Ngayon ko lang nalaman.
Mga lima o umabot yata ng sampung minuto kaming nakatambay sa kalsada. Walang umiimik. Ramdam kong gusto nya ring magtanong ngunit nagpipigil lamang din ito. I guess. Tama ang hinuha ko sapagkat kanina nya pa tinatapik tapik ang kanyang hawak na manibela. Panay busina ang naririnig ko. Sana lang umandar na dahil malapit nang bumigay ang ingay ng puso. Baka sumabog ito't mabigla ang katabi ko.
Umandar ang lahat. Naging madali ang takbo ng sasakyan hanggang sa pagpark nito ng sasakyan. "Thanks." pasalamat ko. Hinawakan na ang pintuan upang lumabas subalit hindi ko ito mabuksan. Nilock nya?.
"Not so fast please.." he spoke. Nakagat ko paloob ang labi.
"Late na tayo.." dahilan ko nalang.
"Late naman na tayo kahit anong gawin natin. Can we just stay here for a while?." hindi man ako tumango ay parang ganun na rin iyon dahil hindi ako lumabas. Tsaka, wala naman na akong choice. Lock ang pintuan. Sabagay. Minsan lang naman umabsent sa isang subject. Sulitin ko na to. Sumandal akong muli at niyakap ang dalang bag.
"Yung gift ko nga pala sa'yo. Pwede next time nalang?. Wala pa kasi akong pera eh." prangka kong sabi. I heard him laugh a bit. Salubong ang kilay ko syang nilingon. "Anong nakakatawa?." tanong ko. Mas lalo lang syang natawa.
"Iyon ba iniisip mo kaya kanina ka pa walang imik?."
Hindi ko sya sinagot. "O baka naman. Nagseselos ka?." patagilid ko syang tinignan.
"Asa." agad kong tanggi.
"Hahahaha.." halakhak nya. As in. kita lahat ng ipin nya. Tsaka, damn it! Bakit kapag ganitong tumatawa sya, bumibilis tibok ng puso ko?.
"Hmmm.. Oh baby.. Stop denying. That's too clumsy of you."
"Ano!?.." pinalo ko sya sa braso. Natatawa pa rin ito. Ano bang nakakatawa?.
"Bahala ka dyan.." irap ko sa kanya.
Luckily, nabuksan ko na ang pintuan. Saka di na nagpaalam sa kanya. "Baby clumsy. Wait for me!." tawag nya pa sakin pero di ko na sya pinansin pa. Bahala sya dyan. Tawagin ba naman akong clumsy. Ayos na sakin yung baby eh. Tumatayo na tainga ko dun. Tas hinabol pa yung Clumsy?. Susnako!!..