Maliwanag pa sa sikat nang araw ako pinagalitan ng teacher namin. Kung saan saan daw kami pumupunta. Imbes ako lang pagtuunan ng kanyang galit ay, naibuntong nya ito sa lahat. Hinanap ang lahat ng current events namin. And guess what?. Lalo syang nagalit nang pare-pareho raw ang naipasa namin. E anong gusto nya?. Nasa iisang bansa at lugar kami. Malamang pa sa malamang pareho ang laman ng mga balita. Pwera nalang kung nasa ibang bansa kami at ngayon lang nagkita-kita. May mga lihim na natatawa. May napapailing pa. At karamihan sa amin ay nakayuko nalang.
"Bwiset ka!. Saan ka ba kasi nagpunta?. Damay tuloy kami." binato ako nitong si Winly ng hawak nyang papel. Hinulma nya ito ng pabilog para talagang tumama sa akin. Nasa bandang dulo ito ng upuan kaya medyo may pagitan kami.
"Cr lang ako kanina. Bat nyo kasi ako iniwan?." nguso ko. Imbes pakinggan nya ako ay nginiwian nya pa ako. Tumayo sya't naglakad papunta sa kinauupuan ko. Tumayo sya sa mismong tabi ko't humalukipkip pa.
"Talaga bang nagcr lang ang ginawa mo o---.." tumigil sya kalaunan kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi ito ng nakakaloka. Bakit kaya?. Anong iniisip nya't ganyan sya makatingin sakin?.
"O baka naman, nagselos ka kanina?." ibinulong nya na ito. Dinamba ng kaba ang dibdib ko sa sinabi nya. Selos agad?. Magkaibigan lang kami. Walang ganun.
Matapos nya itong ibulong ay maarte pa syang nagkibit balikat tapos nagpaalam nang babalik na ng kanyang upuan. Paano nya naman nasabing nagseselos ako?. Sya ba ako?.
Nagpatuloy ang klase hanggang sa matapos na ito. Syempre, maingay na naman ang lahat dahil may kanya kanyang grupo o trabaho ang bawat isa. "O ano ha?. Nalaman mo na ba?."
Nalito ako sa tanong nya.
"Ay palaka!.." kinalabit ako nitong bakla. Pinukpok ko sya ng libro kaya napaaray ito. Nanggugulat kasi!.
"Ang savage mo naman. Palaka talaga?." inambaan nya ako ng palo din pero mabilis ko iyong iniwasan.
"E sa kamukha mo kasi. Hahaha.." maging ako ay natawa rin sa sarili. Ang savage mo nga gurl. Wag ganyan.
Hinde. Joke ko lang naman. Pambawi lang sa pang-aasar nya.
"Ganun ba yun?. E bat may nakita akong mas maganda sa'yo kanina?." awtomatikong nalukot ang ngiti ko dahil sa baklang to. Kita na ngang nagbibiro ako e, pinapatama talaga ako hanggang sa kailaliman ng buto ko. Bwiset!
"Whatever!." sabi ko saka sya inirapan na paalis. Duon naman humagalpak ito ng tawa. Tinawag pa nga si Bamby para dalawa sila subalit tumanggi naman ang isa. Pasalamat ako at abala ito sa pagpapantasya sa kanyang Jaden.
Ganun ka rin naman Karen. Hindi bat pantansya na rin ang tawag mo sa sarili mo dahil umaasa ka sa wala?.
Hay ewan!. Magtigil ka nga!. Isa ka rin. Naasar na ako!.
Matindi kong iniwasan ang pangloloko ng bakla. He keeps on saying na nagseselos ako dun sa babae at sa usapang engaged na sila ni Kian. Kalat na nga sa buong school ang tungkol duon. Ang kumpirmasyon nalang nya ang hinihintay ng lahat na kahit kulitin sya ay hindi ito umiimik.
"Ano pre?. Totoo bang malapit ka ng ikasal?." sirang plaka na yata ang linyang ito ngayon. Hindi lang lima ang nagtanong sa kanya nito. Nabilang ko dahil nasa loob kami ng gym ngayon. Nagpapahinga para handa na sa pag-uwi mamaya.
He is still speechless and emotionless. Nakita ko ito bago ko naisipang tumalikod sa kanila at ituon ang atensyon sa mga kasama.
Kahit nakatalikod ako sa grupo nila ay ramdam ko pa rin ang mga mata nya. Bakit ka sakin nakatingin?. Hinihintay ko ang sagot mo.
"Ang dami nyong tanong. Uwi na tayo." he said. Para bang may kaunting galit sa kanyang tono. Dinig ko ang ingay ng mga sapatos nila.
"Uwi na rin tayo." ani Bamby. Kinuha nito ang bag sa may bleachers at iniabot sa naghihintay nyang Kuya. Si Winly naman ay andun sa kabilang dako. Kausap ang pinsan nya. Ako ay magpapaalam na sana kay Bamby pero, "Uwi na tayo?." muntik nang mahulog ang puso ko ng bigla syang humarang sa paningin ko't preskong inalok ito.
"Huh?." I have no words to say. Ano bang dapat sabihin?. Nalilito ako.
"Hatid na kita sa inyo." iniba nito ang sinabi. Inilahad pa ang kamay nya para sa libtong hawak ko. Imbes iabot ko ito sa kanya ay, mas lalo ko lang hinigpitan ang hawak doon.
"No thanks." di ko alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin to. Sa ganuong paraan ay proud na ako.
"Madadaanan ko naman village nyo kaya ayos lang." he reason it out. Mabilis akong umiling.
"Wag na Kian. Baka maisyu pa ako eh." nakayuko ko itong sinambit na para bang nagsusumbong sa kanya. Kita kong humakbang ng isa ang kanang paa nya. Kaharap na mismo ang sapatos ko. "Hatid na kita." malambing at mahinahon nya itong sinabi. Saka dahan-dahang kinuha ang libro sa may bandang dibdib ko kung saan doon ko niyakap ito. Marahan kong iniangat ang paningin papunta sa kanya. Nakayuko pala sya sa akin at eksaktong tumingala din ako sa kanya.
At hayun na naman ang tibok ng puso ko. Mabilis. Malakas. Kulang nalang wasakin nito ang ribcage ko.
Nang magsalubong ang aming mga mata, ngumiti sya ng napakaganda. "Tara na." bulong pa nya. At wala ng anu-ano'y sumama na ako sa kanya.
It's like, his aura and his gaze is hypnotic. Napapasunod nya ako kahit labag sa kalooban ko. "Sabay kami Master?." dinig ko pang request nina Billy at Ryan ngunit, "Mauna na kami. Ingat sa pag-uwi." iyan ang isinagot nya. Nauna syang naglakad. Kaya di ako kaagad nakasunod. Nang mapansin nya yata na wala ako sa likod nya ay, nilingon nya ako't hinintay na makalapit sa kanya.
"Akala ko, nakasunod ka lang. Mauna ka na. I'm just behind you." bahagya nya pa akong hinila para mauna talaga sa kanya. Nahihiya tuloy ako sapagkat maraming nanunuod sa amin. Baka bukas o sa makalawa ay ako na ang usap-usapan nila. "Don't mind them. That was just a rumor." dagdag pa nya.
Rumor has it. Nandun ako nung sinabi ito nung magandang babae. Why deny it?. Bat di nya nalang sabihin kung totoo ba iyon o hinde.