Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 4 - Chapter 4: Akala

Chapter 4 - Chapter 4: Akala

Nagkaroon pa muna ng assembly bago kami pumasok sa kanya kanyang rooms. Dahil nga first year high school kami ay, kami ang huling pumasok ng room. Nagpalinga linga ako't sinubukang hanapin ang lalaking iyon. Gosh! Itong puso ko, di na mapakali. Saan kaya sya maaaring makita?. Kung kaklase ko rin ba sya o hinde?. Basta, excited na ako sa bago naming room.

At ilang sandali lamang. Inanunsyo na nila iyon. Mabuti nalang talaga at kaklase ko pa sila Bamby, Winly at Joyce dahil kung hindi. Bagong pakikitungo na naman ang gagawin ko. Ang hirap pa namang maghanap ng tunay na kaibigan ngayon. Madalas, puro plastik. At, ayoko ng ganun!

"Gurl, sinong hinahanap mo?.." kinalabit ako ni Bamby sa aking tabi. Kakapasok namin sa room. Maingay pa ang lahat na maghanap ng kani-kanilang mga pwesto.

"Wala.."

"Eh?. bakit pakiramdam ko, meron?. sino yun ha?.." tinulak nya ako ng bahagya. Pinapaamin.

Sinikop ko ang buhok na nakaladlad tapos nilagay sa harapan. Sinuklay ko iyon ng mga daliri bago ko sya sinagot. "May nakita kasi ako.."

Tumaas agad ang makurba nyang kilay. "Lalaki?.." her assumption. Ngiting aso naman ako tumango. Tinulak nya lalo ako. Yung mahina lang. Katamtaman para sa aming dalawa. Wala namang makakahalata dahil maingay pa rin sila. Di pa dumarating ang adviser na maghahandle sa amin sa buong school year.

"Naku!. Sabi na eh.. gwapo ba?.." luminga sya sa loob ng room. Hinahanap rin ang taong tinutukoy ko kahit wala pa akong binanggit na pangalan. Excited rin sya! Hihi!.

"Chinito sya gurl.." impit akong tumili nang maalala kung paano nya tapikin ang ulo ko kanina. Gosh! Kung wala lang talaga ako sa loob ng school ngayon. Baka tumalon at sumigaw na ako sa kilig nito. My type!.

"Ay ang hype!. hahahaha.. gwapo nga.. kinikilig ka eh.. at mukhang tinamaan ka nga talaga.." halakhak nya sa huling salitang inihabol nya.

Pinisil ko ang pisngi ko nang matanaw kong muli ang mukha nya kapag pinipikit ko aking mga mata. "Wait!. andito ba sya?.." anya nang mahimasmasan sa kakatawa. Sinuyod ko rin ang buong classroom. Baka sakaling andito nga sya. Tinitigan ko pa ng mabuti ang bawat mukha ng mga lalaking kaklase subalit, wala akong nakitang mukha nya. Matangkad kasi ito at talagang kakaiba sa mga lalaking andito sa room. Mukhang may lahing intsik. Chinito eh.

"Wala.." malungkot kong himig. Nagbaba ako ng tingin ng masalubong ko ang mata ni Jaden na bahagyang nanggaling kay Bamby ang paningin. Shems!. May naaamoy akong tsismis dito. Hahaha.. Bamby, oh! Si Jaden mo!. ayieee!.

"Baka nasa higher section kung ganun.."

"Paano mo naman nalaman?.." tanong ko. Palihim na sumulyap muli sa gawi ni Jaden. Malapit ito sa may bintana. Nakatuko sa armrest ang kamay habang hawak ang baba. And, damn! Nahuli ko na naman ang tingin nya sa kay Bamby.

Ano ba to?. Sana all!

Sasabihin ko ba o hinde?. Naku!. Kinalabit ko na si Bamby para sabihin sana ang lahat sa kanya subalit biglang dumating ang aming guro. Mataba ito at malaki ang boses. Nasa mid 40's siguro ang edad. Sya raw ang magiging adviser namin.

Tapos na syang magpakilala at sinundan nga kami. Natapos ni Bamby ay may sumunod pa. Subalit ilang sandali lamang ay may dumating na isang guro. Hinanap sa amin kung sino si Jaden. Nakita ko na naman kung paano sya lihim na sumulyap sa gawi namin bago tuluyang nagpaalam at lumabas ng room. Gosh! Bamby, mukhang di lang ikaw ang tinamaan ni kupido!. Kayo atang dalawa ng taong gusto mo. Gusto ko sanang sabihin muli sa kanya iyon subalit naging abala na kami sa walang humpay na pagpapakilala sa sarili. Nakakaumay! Wala naman dito yung hinahanap ko!.

"Guys, skip nalang kaya natin tong araw na to?.. nakakapagod magpakilala.. mukhang wala namang interesado na makilala ako.." natawa kaming tatlo na babaeng kasama nya. Ako, si Bamby at Joyce. Parehong sa canteen ang punta. Recess na rin namin matapos ang nakakauhaw na self introduction.

"Ano ka ba gurl?. first day of school to.. di pwedeng mag-iskip tayo.. malay natin, may isa dyan na lihim na may gusto sa'yo.." ani Bamby sa kanya. Pinapaasa sa wala. Loko din!.

Umirap sya sa kausap. "Nagpaasa ka na naman.."

"Eh?. malay naman talaga natin?. Nobody knows gurl.." dagdag pa nya rito. Humaba ang nguso ni Winly sa kanya.

"Tsk.. basta.. " humalakhak kami sa kanya. Ano ba kasing problema nya't pinipilit maghanap ng taong magugustuhan sya?. Bat di nalang sya maghintay?. Darating din naman siguro yun.. Lalong umikot ang kanyang mata. "Bilisan nyo na nga lang.. baka wala na tayong mabiling pagkain sa canteen..." nanguna na syang maglakad samin. Ang takaw talaga!.

Pagkapasok ng canteen. Luminga pa rin ako. Gaya ng ginawa ko sa room kanina. Ang daming tao. Malamang iyon dahil recess time nga. At sa dami nun, di ko makita ang hinahanap ko.

"Bro, bilis na. Gutom na ako.." dinig kong isang boses. Nasa dulo ako ng pila. At naramdaman kong may pumila na rin duon. Lalaki. Base sa boses nya kanina.

"Ikaw nalang pumila.. tutal, mahaba naman pasensya mo,. kasinghaba ng pila.." biro ng kasama nya. Teka!. Parang si Jaden ang may-ari ng boses na yun ah?.

Para malaman ko kung si Jaden nga kausap nya. Lumingon ako kunwari. Pero hinde as in lingon sa taong nasa likuran ko. Nang makita ang bulto ni Jaden na nakikipagtawanan sa gilid namin. Saka ko sinulyapan ang taong pumila sa mismong likuran ko.

O Em Gosh!!

Sya yun!.. My gosh!

Nataranta ako't binalik sa harapan ang paningin. Naku! Baka makilala nya ako! Hanggard pa naman face ko. Di ako nagsalamin kanina.

Naku! Mabuti nalang!. Nakita ko na sya.

Ang buong akala ko kasi, di ko na sya ulit makikita pa.. Akala ko lang pala iyon dahil finally, I found him na. At ang maganda pa. Kaibigan ni Jaden!. Tropa to tropa!. Naku!!! Ah!!