Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 5 - Chapter 5: Welcome me please

Chapter 5 - Chapter 5: Welcome me please

"Ano ba gurl!?.. naging estatwa ka nalang bigla.." siniko ako nitong si Winly sa tagiliran. Duon lamang din ako natauhan. Kingina! Ang gwapo nya po talaga! Tumulo yata laway ko sa di ko malamang dahilan. Hindi ko aakalain na, nasa kabilang panahon na ang isip ko, kasama sya!.

"Huy!.." niyugyog na nya ako gamit ang dalawang balikat ko. Nagtawanan sina Bamby at Joyce. Di ko mawari kung bakit.

"Bakit?.." lutang kong tanong. Sinamaan nya agad ako ng tingin. Akala mo kung anong importante nyang sinasabi.

"Saan ba utak mo ha?. nasa canteen tayo gurl.. bakit nakalimot ka na't may pasok pa tayo.."

"Ha?.." humagikgik itong si Bamby.

"Yaan mo na gurl.. baka busog pa eh.." anya kay Winly. Inilingan ako ng bakla saking tabi saka nagpatuloy sa pagkain habang di makapaniwala sa sinabi ni Bamby.

"O baka, may iniisip lang.." dagdag din ni Joyce.

"Hay, bahala ka dyan.." iwas nya ng tingin sabay kain na ng mabilis. Tipong may hinahabol syang tao ganun.

Maya maya. Kumain na rin sina Bamby at Joyce. Naisipan kong kumain na rin dahil nagrereklamo na itong laman ng tyan ko. Nakayuko ako upang diretso na't walang makakakita sa paglamon ko.

Subalit ganun na lamang ang kaba ko ng masulyapan ang mga sapatos sa gilid ko. Di ko alam kung kanino ang mga iyon. Sa takot ko'y pumikit ako ng husto sa pag-aakala ko'y multo.

"Hi Bamby.." Duon ko nakumpirma na hindi pala multo, kundi tao ang may-ari ng pares ng mga paa. Nga lang. I don't who they are.

"Hi Aron.. si kuya?." sagot ni Bamby sa kausap. Di pa rin ako nag-angat ng tingin dahil di naman ako interesado sa taong kausap nya. Tsaka. Kilala ko naman na sya. Aron daw. Kaibigan ni Lance. Kapatid ni Bamby. "Kumain na kayo?.." dagdag pa ni Bamby.

"Yeah... kakatapos lang.. napadaan lang ako para iabot to kay Joyce.."

"Hmm..." interesante nyang himig. Tinutukso si Joyce sa kung anumang ibibigay nya. "May nagpapabigay lang.." tawa pa ni Aron. Pinapaliwanag na di sa kanya iyon galing. "Tsaka.." habol pa nya. Akala ko ay paalis na sila. "May gusto lang kaming ipakilala sa inyo.." anya. Tamad akong sumipsip sa straw na nasa baso ng juice saka lihim na nagpalinga linga.

Hindi sumagot si Bamby. Hinihintay rin yata ang taong gusto nilang ipakilala.

"Meet Kian, our new friend.." si Jaden na ang nagsasalita.

Teka!. Who's Kian?.

Kinamot ko ang kilay dala ng kyuryosidad. Tumayo si Winly sa tabi ko at nagpakilala sa tinawag na Kian. Nagkamayan pa ata sila. Ewan. Nakatalikod ako eh. Kaya di ko talaga makita. Maya maya. Ganun rin si Joyce at Bamby. Ako nalang tong parang hindi nakapagkape sa umaga sa katamarang tumayo at magpakilala sa bagong tao.

"Ah, by the way.. this is Karen.. hehe.. just don't mind her.. ganyan talaga sya.. lutang.. hahaha.." halakhak pa ng baklang kay arteng makipag-usap sa Kian na kausap. Sus!. Umirap ako sa kawalan bago narinig ang nakakahindik na kanyang tinig.

"St. Mary School.. welcome me please.." di ko alam kung bakit bigla akong natigilan at natulala. Dahil ba iyon sa boses nya na kay ganda o sa salitang sinabi nya, na sa pagkakaalala ko ay nasabi ko din iyon kaninang umaga.. at sa isang tao lang! Possible bang!?. O gosh! No way!

Napagtanto ko ang kanina pa nilang kausap. Nabahala etong pride ko na tumayo nalang bigla para kumpirmahin ang Kian na tinutukoy nila.

Laglag ang aking panga.

Damn it! Sya yung lalaki sa gate!

Pumorma pabilog ang aking labi sa taong kaharap. Nakangiti na ito at nakalahad ang kanang kamay sa akin. Ang kanyang mga katabi ay nakangangang nakatingin sa amin. Sina Bamby at Winly ay nanunukso na ang mga mata nilang sumusulyap sa akin! Naku naman!

"Magkakilala kayo?.." ani Aron. Sya na ang nagtanong para sa lahat. Kahit maingay ang paligid. Parang wala pa rin akong marinig o makita kundi ang nag-iisang tao na nasa aking harapan. He's taller than Jaden. Maputi. Singkitan ang mga mata. Kung singkit si Bamby. Mas nadepina ang kanya. Maliit ang noo nya't eksakto lamang sa hulma ng kanyang mukha. Makapal ang kilay nito na kulang nalang magsalubong sila't magsuntukan. Ang labi nya rin ay parang hugis puso. Na kapag ganitong nakangiti ay lalong bumabagay sa kanyang mukha. Nagsasaya tuloy maging itong aking puso. Lumapad pa ang kanyang ngiti. "Welcome me please.." ulit nya sa sinabi kanina. Lalo lang syang gumwapo. Naku naman! Paano ba ito!?.

"Gurl, baka matunaw ha!.." si Winly ito. Tinutukso talaga ako.

"Ha?.."

"Ha?.." ginaya ni Kian ang sinabi ko. Di ko maitikom ang labi sa pagkamangha.

"Baka pwede mo syang kamayan Karen.." halakhak ni Aron sakin. Mahina ring tumawa ang iba.

Humugot ako ng malakas na buntong hininga. Nakakahiya pa talaga dahil sa mismong harapan pa nya.

Nakamot kong muli ang kilay sa kaba na pinanginginig ako. "Sige na.. sige ka.. ilang minuto nalang, balik na kayo sa room nyo.." minadali ako nitong si Aron. Nagtataka ako bakit andito sya sa canteen kahit d pa oras ng labasan nila. Privilege?. Baka nga dahil isa rin yata sila sa may-ari nitong school. Ewan. Basta. Parang ganun ang dinig ko. Kaya nagagawa nitong ang maglibot na parang supervisor.

"I'm Kian.." pormal na pormal nitong pakilala. Nakalahad pa rin ang kamay para sakin. Teka! Baka mangawit na sya't maturn off sakin! Naku naman! Lumunok ako ng mariin kahit tuyot ang lalamunan dala ng kaba. Saka pinunasan ang kamay sa likod ng palda bago ko dahan dahang iniabot ang kamay nyang mahaba at malaki. Malaking tao eh. Kaya ganun siguro.

Lamig at init ang nagkasalubong nang tuluyan nang magtagpo ang aming palad. Magaan lamang ang pagkakahawak ko sa kanya subalit naramdaman ko kung paano nya higpitan ang hawak sa aking kamay. May kung anong kuryente akong naramdaman mula roon. Naku naman! Paano ba ito!?.

"Hhmmm.. Welcome. " sabi ko ng di na nag-iisip. Noon ko lang natanto ang nasabi ko nang bigla syang humalakhak ng malakas. Oo nga pala! Iyon din pala yung isinagot nya sakin nung kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng gate. Parang timang lang!

Pero infairness! Wala akong pinagsisisihan. Alam mo bakit?. Dahil nakilala ko ang taong nagwelcome sakin kahit estranghero pa ako't mukhang wala sa sarili.

Naku! This is it?. Magkakalove life na ba ako ngayon?. Dumating na si dream boy ko! Hihi.