Pasukan na naman at malamang ay masaya na naman kina mama kasi wala muna ako sa bahay for five months; wala nang makulit sa kanila at wala silang mapapagalitan. On the other hand, I kind of enjoy this set up kasi I can finally seek freedom from my parents. It's hard to meet up with their expectations lalong lalo na si mama who wanted me to become someone na I'm not comfortable with.
Ito na yung unang araw na mawawala ako sa kanila for a long period of time, but I will try my best not to do things na makakapag-stress sa kanila. Iba raw kasi ang high school sa college, and ang sabi ng kuya ko, kapag daw hindi ako pumasok sa isang subject for two consecutive classes, malaki ang chance na I'll miss out a chapter of a book or syllabus, and that alone scares the shit out of me.
"Sir, ito po yung susi sa room number ninyo," wika ng babaeng nagbabantay ata ng dormitory rito. "Bale may ka-share po kayo sa room na iyon. Tawagan ko na lang po siya to accommodate you."
"Huwag na. Alam ko naman yung room number ko at 'di naman mabigat yung maletang dala ko. Okay lang. I can do this alone."
Tinignan niya ang maletang dala ko na may pagtataka sa kanyang mukha. "Sigurado po kayo riyan, sir? Mukhang mabigat po iyan at mukhang – hindi niyo po kaya." She even looked me from my head to toe to emphasize my scrawny built.
Although I must admit na hindi ko nga kayang dalhin 'to, I am such an egotistical person that I told her na kaya ko talangang mag-isang dalhin yung bagahe ko. To my surprise, 'di naman ako nahirapan talaga kahit na nasa fourth floor pa ng building ang dorm room ko.
Pang-apat na katok ko na sa pinto at walang nagbubukas, so I decided to open the door using the spare key that I have in my hand. Pagkabukas ko ay nagulat ako kung gaano ka-kalat at karumi ng room ko, but on a positive note, 'di ginalaw ng roommate ko ang kama ko at ang linis nito. Narinig ko ang pagbuhos ng tubig galing sa shower sa may bandang CR, so I suppose na naliligo ang roommate ko.
I checked his belongings at napansin kong ang dumi talaga niya. His used socks are everywhere, his laptop is definitely overcharged sa gilid ng kanyang kama, at ang dami niyang Funko Pop toys sa lagayan niya ng gamit.
"A man-child," sabi ko sa sarili ko while scratching my head off.
'Di nagtagal at lumabas na siya ng CR, and to my horror, he wasn't wearing anything.
"Gago!" ang sabay naming sabi dahil sa gulat.
In my defense, I saw him without anything on – even a towel.
And to his defense, hindi rin niya siguro alam na may pumasok sa room niya. Namin.
"Sino ka? At bakit ka nandito?" ang kanyang sabi habang nanlilisik ang kanyang mga mata dahil siguro sa galit. Ako naman, nakatingin pa rin sa kawalan kasi 'di pa rin niya tinatakpan ang isang bahagi ng kanyang katawan na kailangan na niyang takpan ngayon.
"I'm your new roommate. Greyson nga pala. You can call me Grey." Nahihiya ako dahil napaka-intimidating ng dating niya. Busog na busog ang mga kilay niya kaya parang antagonist sa isang action movie ang mukha niya. Hindi rin iyon ang napansin kong busog na busog, pero 'di ko na sasabihin iyon kasi it's not a good thing to describe.
Sa wakas at tinakpan niya na rin ng kumot ang kanyang hubad na katawan at nagkatinginan na rin kami. He looks baffled while looking at me with confusion. "Hindi naman nag-inform yung landlady na may roommate ako. Bagong modus operandi 'to ano?" He inspected the whole room and counted his cheap-ass Funko Pop toys from Spiderman hanggang sa isang redhead na laruan whom I suppose was a character from the Harry Potter series.
"If you do think that I would rob you, then I apologize to inform you but I have lots of money to even think of that, pare." I rolled my eyes while staring at him, and he rolled his eyes back while muttering gibberish words. "Ang yabang mo, a," cold niyang wika sa akin. Then it suddenly hits me. Minsan talaga nayayabangan din ako sa sarili ko kaya 'di na lang ako nagsasalita – at ito na ang oras siguro para tumigil na ako sa pagsasalita.
Kinuha ko ang mga gamit ko mula sa maleta ko at inilagay ang mga iyon sa kama ko. Nang tinignan ko ulit ang roommate ko, nalaman kong natutulog na siya. Well technically 'di ko siya nakikita kasi natatabunan ng kumot ang buong katawan niya, pero 'di siya gumagalaw kaya malamang ay natutulog na siya. Iniwasan kong gumawa ng kahit anumang ingay kasi as much as I don't like this person, I would not try to get on his last nerve.
Nang matapos ko nang mailagay ang mga damit ko sa mumunting cabinet na nasa gilid ng kama ko ay kumuha na rin ako ng scotch tape, gunting, at posters ng LANY para mailagay sa maikling pader sa space ko. Sa ganitong paraan, magmumukhang personal na kwarto ko rin ito. Pumunta ako sa bandang uluhan ng kama ko para maipaskil yung isang poster ko nang may marinig ako galing sa isang kama.
"Harder! Deeper! Faster!"
Lumaki ang mga mata ko sa gulat na siya namang ikinagulat ng roommate ko. Mabilis siyang gumalaw na para mang may itinusok sa kanyang cell phone. Doon kong nalaman na nadisconnect ang kanyang earphones sa kanyang cellphone, at doon din ako nakapagsigurado na hindi siya natutulog the whole time na naga-arrange ako ng mga gamit ko.
'Di ako nagsalita. Tinignan ko lang siya sa gulat kahit na nako-coveran pa rin ng kumot ang kanyang buong katawan. Makaraan ang ilang minuto ay kinuha niya ang kumot sa kanyang ulo at tumingin sa akin. Kitang kita sa kanyang mga mata ang galit, pero kitang kita rin sa kanyang hitsura na nahihiya siya dahil pulang pula ang kanyang pisngi.
"Ano?" ang galit niyang tanong sa akin.
"Ano'ng ano?"
"Ano? May sasabihin ka ba?"
I only shrugged at kumuha ng scotch tape sa uluhan ng kama ko. Ilang sandali lang ay nagsalita na ako to ease the tension. "What was that?" I asked him.
"Huh?" Kahit na hindi niya man aminin ay alam kong alam niya ang na-mean ko kaya tumawa na lamang ako ng mahina.
"Ano'ng nakakatawa, ha?" ang galit niyang tanong ulit sa akin. Ewan ko ba sa lalaking ito pero ang sungit niya.
"Wala. May naalala lang ako."
He looked at me from head to toe at tsaka siya nag-pout. "Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Narinig mo iyon." By 'iyon', I know na he was referring to that sound kaya sumagot ako ng, "Narinig ko nga kaya nagtanong ako kung ano iyon."
"That was a mukbang video, noob!" sagot niya at tsaka niya pinakita ang isang Youtube video na nagmu-mukbang ng seafood ang isang babae.
"Ah, mukbang. Ano'ng kinakain niya? Talaba? Tahong? Greenshells na may . . . buhok?" mangiti-ngiti kong sagot sa sinabi niya na kaagad naman niyang kinainis pa lalo. "Okay lang naman kahit hindi mo aminin. I was born at night but I wasn't born last night," I told him.
"Whatever, dude! Mind your own business na lang, okay?" Umirap siya at tsaka tumayo para pumunta ng banyo. Nang isinara niya ang pinto ay doon na ako tumawa ng malakas. Kung sa tingin niya ay noob ako, doon siya nagkakamali kasi far from that.
Sa kalagitnaan ng aking pagtawa ay may narinig muli ako galing sa banyo. Isang ungol ng babae na napakalakas. Hindi nagtagal ay nasundan ito ng sigaw galing sa roommate ko. "Shit!!!!"
I guess I shouldn't be the one who feels insecure right now.
*****
Ilang oras din akong mag-isa sa kwarto ko nang umalis ang moody kong roommate kaya masaya akong gawin ang gusto ko nang 'di nag-aabala sa kung ano ang iniisip niya sa akin. Unang ginawa ko ay nagpa-tugtog ng album na Notes on a Conditional Form in full volume, then bumili ako sa kalapit na 7-11 ng softdrinks at cup noodles at tsaka ko nilagyan ng mainit na tubig pagkabalik ko sa room namin para gawing meryenda.
Tapos ay nanood na lamang ako ng films sa Netflix hanggang sa nabagot na ako pagkatapos ng pangalawang movieng napanood ko. Doon ko naisipang maghalukat sa private documents ko para manood ng ibang klase ng movie. Yung movie na mas may action pa sa action films. Yung movie na mas marami ka pang maririnig na angil kesa sa horror movies. Yung movie na mas mararamdaman mo pa ang tensyon kesa sa thriller movies. Yung movie na hindi lang puso mo ang titibok 'di tulad sa romantic movies. Yung movie na 'di lang luha ang tutulo sa'yo 'di tulad sa drama. Yung movie na mas marami ka pang maririnig na word na 'daddy' kesa sa animation movies.
Sham Cab
I immediately clicked on the video and watched it. Unang minuto pa lang, uminit na agad ang katawan ko. Siguro dahil sa cup noodles na kinain ko. O siguro dahil sa . . .
Bang!
"What the..."
Agad kong isinara ang laptop ko at humiga sa kama ko para magpanggap na natutulog ako. Ayaw kong kumausap sa kanya since he's a moody person and it's evident that he doesn't like me.
Narinig ko siyang nagbuntong-hininga at binuksan ang pintuan pagkatapos. Makaraan ang ilan pang mga minuto at wala akong narinig na ingay galing sa kanya kaya in-assume ko na lumabas siya. Umupo ako sa kinahihigaan kong kama at tsaka binuksan ulit ang laptop ko para i-close ang pinanood ko. "Peste. Sumakit lang ang bayag ko," bulong ko sa aking sarili habang ini-exit ang video ng Sham Cab sa aking laptop.
Bumalik ang aking ulirat nang may narinig akong ngisi sa aking likuran.
"Ano iyan?"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at hiya.
"Ha? Ano ang pinagsasabi mo?" Hindi ko pa rin ginagalaw ang ulo ko dahil ayokong makita niya ako habang namumula ang mukha ko.
"Iyan."
"Ha? E 'di laptop. Ano bang klaseng tanong iyan?" ang pilosopo kong sagot sa kanya.
Lumapit siya sa gilid ko at kinuha ang mouse sa kamay ko nang walang pahintulot. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Hindi lang pala siya moody; bastos pa pala talaga siya.
"Ano ba?! Laptop ko iyan!" galit na sabi ko sa kanya, pero kahit na alam niyang galit na galit na ako at pinipuwersa ko na siyang ibigay sa akin ang laptop ko ay hindi pa rin siya humihinto sa pag-gamit ng mouse ko hanggang sa nakita niya ang folder ko na may lamang specific films.
"Okay lang naman kahit hindi mo aminin. I was born at night but I wasn't born last night," he told me while mimicking my voice and the way that I move habang nakatingin siya sa akin. "Sige, good night na roommate. Send mo sa akin bukas ang mga iyan ah?" he said while pointing at my collections.
I guess I should be the one who feels insecure right now.
*****
Kinaumagahan pagkabangon ko ay tinignan ko kaagad ang kama ng roommate ko at nasiyahan ako nang nalaman kong wala siya.
"Good morning to me!" nakangisi kong sabi sa sarili ko. Ang kasiyahan ko ay naging panandalian nang tinignan ko ang mesa na katabi ng kama ko.
"Yung laptop ko!" pagsisigaw ko sa kawalan nang malaman kong kinuha ng gago'ng iyon ang gamit ko. Nagdali-dali akong umalis ng kwarto ko para puntahan ang landlady namin sa baba.
"Ate, nakita niyo po ba ang roommate ko?"
Sumukot lamang siya bago niya ako tinanong pabalik kung ano ba ang pangalan ng roommate ko.
Doon ko napagtanto na 'di ko pa pala alam ang pangalan niya kahit na ang dami niya nang atraso sa akin simula pa kahapon. "Hindi ko po alam, ate. 'Di ko pa natanong sa kanya."
"Eh paano ko malalaman iyan? Ang dami niyo kaya sa dorm na ito. Maghuhula na lang ako, gan'on?" ang pilosopong sagot niya sa akin. I rolled my eyes at first, pero dahil sa desperado akong kunin yung laptop ko pabalik sa akin, gumawa ako ng paraan para malaman niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Yung lalaking medyo mahaba yung buhok na sobrang kapal ng mga kilay at may pagka-Asian."
Natawa ang babae sa huling sinabi ko. "Asian ka rin naman, sir. Huwag ka ngang mag-panic."
I sighed.
"Kilala ko na ata ang tinutukoy mo. Siya ba yung matangkad na maputi? Yung Koreano?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Matangkad nga siya at maputi, pero hindi naman siyang mukhang Koreano. Ibang Goblin ang nakikita ko kapag ini-imagine ko ang mukha niya. Pero dahil desperado na talaga akong makuha yung laptop ko, tumango na lang ako sa sinabi niya as an answer.
"Ah, doon siya sa tumatambay sa Room 404. Kumatok ka na lang at baka and'on nga siya sa mga kaibigan niya."
"Salamat," wika ko sa kanya bago ako sumakay ng elevator papunta sa 4th floor.
Mangilan-ngilan ring beses na tumawag ako sa Room 404 para alamin kung andoon nga siya. Aalis na sana ako nang may bumukas na nga ng pinto.
"Ano iyon?" tanong ng lalaking ka-edad ko lang ata. Dahil sa kanyang masungit na mukha, in-assume ko na kaibigan siya ni Goblin. Kailangan ko pang i-describe sa kanya ang mukha ng roommate ko para malaman niya ang totoong pakay ko at baka mapagkamalan na naman akong budol-budol dito.
"Hinahanap mo si Lee?" tanong niya sa akin.
"Lee pala ang pangalan ng hayup na iyon?" bulong ko sa aking sarili bago ako nagsagot ng "Oo" sa kanya.
"Andito nga siya. Sandali at tatawagin ko lang siya." Hindi pa man ako nagsalita para magsabi ng salamat ay sinirado na niya ang pinto ng kay lakas. "Malamang magkaibigan nga sila," bulong ko ulit sa sarili ko. Parehong bastos ang ugali, e.
Makaraan ang ilang minuto pa ng paghihintay ay nakita ko nga ang hinahanap ko. "Ano?" ang tanong niya sa akin habang nakasimangot.
"Yung laptop ko ibalik mo na sa akin!" galit na galit kong sagot sa kanya.
"Hindi ba ang sabi ko kagabi kokopya ako ng files sa laptop mo?"
Napabuntong hininga ako at itinulak siya ng mahina. "Hoy, hindi ka nagpaalam sa akin. At isa pa, kung nagpaalam ka man, hindi ako sumagot ng kahit anuman kaya 'di kita pinahintulutan na hiramin iyan sa akin."
Tumawa siya ng sarkastiko. "Aba, the point is humiram ako sa iyo. Whether you like it or not, kailangan mong ipahiram talaga sa akin yung gusto ko," nakangisi niyang sagot.
"Ungas ka pala, eh. Saan mo naman nakuha iyan? Ginugulo mo lang ang isip ko. The point is, you need to ask permission first and I did not permit you to borrow my laptop."
Tinignan niya ako ng kay lalim at isinara ang pinto ng kay lakas. "Gago!" pasigaw kong sabi sa kanya habang sinipa ko ang pinto ng room na iyon.
Papunta na sana ako ng elevator door nang hinabol niya ako. Hawak-hawak niya ang laptop ko sa kanyang kamay, pero ang kanyang mukha ay namumuo pa rin ang galit.
"You can't call me ungas again, Greyson, because I'm not like that. I may be disrespectful to you for borrowing the laptop without your permission - or as what you surmised - but I apologize for that. Now you can get your laptop and enjoy your pornographic videos by yourself," he said without even blinking his eyes.
I was dumbfounded. Na-guilty ako sa sinabi niya.
Ngumisi siya at tsaka tumalikod. "Ano, kaya ko rin um-English, no? Kaya tigilan mo ako sa pagiging conyo mo. Nakakairita ka na pakinggan," sabi niya.
I opened the elevator door as fast as I could and pressed "2".
I want to go home now.