Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 24 - Griffin Andrada

Chapter 24 - Griffin Andrada

Griffin's Point of View

"Hey, are you okay?" I asked Greyson. Kanina ko pa kasi napansin na wala siya sa kanyang huwisyo at nakatulala lang siya.

He nodded his head as a response before he gave me a disingenuous smile, but I know that he wasn't okay.

He hasn't been okay ever since we met, and that's the reason kung bakit ko siya gustong ligawan – para iparanas ko sa kanya 'yong happiness na deserve niya.

It was around May this year noong una kaming nag-usap, at dahil lang iyon sa isang pagkakamali ko when I called the wrong cell phone number na sana ay sa kapatid ko.

"Hello?" I vividly remember how soft his unfamiliar voice was when he uttered that word.

"Who's this?" I asked him. I thought it was Angela's boyfriend at that time na nag-iba ang mood ko.

Tandang-tanda ko pa na may binubulong siya sa kabilang linya bago siya sumagot ng, "Ikaw ang tumawag sa number ko, tapos ikaw ang magtatanong sa akin kung sino ako?"

"Ah, gan'on ba? So sino ako?"

"Aba, malay ko! Huwag na nating sayangin ang ating oras sa isa't isa. Maghanap ka na lang ng ibang tao na pwede mong utuin at lokohin."

At that time, doon ko nalaman na hindi ang number ni Angela ang tinatawagan ko kasi nakita ko siyang dumaan sa harap ko at kakagaling niya lang sa school.

"Oh, shit," bulong ko sa aking sarili. Unbeknownst to me, narinig pala ng nasa kabilang linya ang pagmumura ko.

"I'm sorry, bro. Akala ko kasi I was talking to my sister's boyfriend kaya pumilosopo ako sa pagsagot sa mga tanong mo. Goodbye," I told him before I hung up the phone – or so I thought kasi pagkatapos n'on ay narinig ko siyang humagulgol sa kabilang linya.

"Hey," nagtataka kong wika sa kanya. "Are you okay? May nagawa ba ako?"

I didn't get any response from him which concerned me. "Look, bro. Sorry talaga kung may nagawa ako sa'yo. Kung may problema ka man o may gusto kang ipalabas, andito lang ako na makikinig sa'yo . . . kahit na hindi tayo magkakilala if that makes sense."

"Wala lang ito. May naalala lang akong tao dahil sa boses mo," he said.

"Go on. Continue..."

I heard him sigh on the other line. "I thought you were my ex-boyfriend. All this time, naga-assume pa talaga ako na tatawagan niya ako, pero malabo nga. Malabo talaga."

"Masakit pa siguro talaga sa'yo ang break up ninyong dalawa. Ilang months na ba kayong dalawa na naghiwalay, if you would not mind?"

"Years. Five years na. Magsi-six years na this coming July," he answered. "Nakakatawa nga kasi 'yong iba, nakaka-get over sa mga ex nila ng months lang. Ako talaga inabot pa ng ilang taon."

"Depende naman kasi iyan sa tao, bro. It's not your fault if you are still hurting."

"Salamat sa pakikinig," he said. "Good night."

"Teka –" bigla kong sabi sa kanya."Would you mind if I keep your number? Ang saya mong kausap kahit na hindi naman masaya ang topic natin ngayon."

"At ang gulo mo namang kausap," he said. "But yes, you may. At least napalabas ko ang sama ng loob ko sa'yo."

We both laughed before he ended the call, and after that happy accident happened between us, things were never the same.

Ngayon ay nasa loob kami ng mall para mag-lunch, at kahit na alam niyang nagugutom na talaga ako dahil hindi pa ako nakapag-breakfast ay dumeretso pa rin siya sa kanyang favorite spot dito – the department store. Ako naman ay naghihintay lang sa labas habang inaaliw ang sarili ko sa mga batang nag-aaway dahil sa isang popcorn sa tapat ko.

"Please don't fight. Bad iyan," mungkahi ko sa kanilang dalawa. "I'll buy you a popcorn na lang para 'di na kayo maghatian pa. Where are your parents?"

'Yong nagbi-benta ng popcorn naman ay napansin kong masama ang tingin sa akin. Akala siguro niya ay miyembro ako ng isang sindikato dahil sa tinanong ko sa mga bata.

"Mommy told us not to talk to strangers," sumbat ng batang babae kasabay ng pag-uurong ng kanyang isang paa.

"Tawagin niyo na lang akong Kuya Griffin. Don't worry, I'm not a bad guy or a member of a syndicate. In fact, I'll let you buy anything you want here basta i-promise niyo lang sa akin na huwag kayong mag-away dahil lang sa pagkain, okay?"

I saw them grimaced but they nodded their heads.

"Parang hindi naman sincere iyon. Gusto ko ng totoo."

"Okay," sabi ng batang lalaki. "I promise po, kuya."

"How about you?"

"Promise po," sagot naman ng isa. Right after that ay binigyan ko sila ng isang libo and told them na hatiin dapat nila sa dalawa ang binigay kong pera para fair silang dalawa. To my surprise, they hugged me before they went to the nearest kiosk na nagbi-benta ng gummy worms.

"Iba rin kapag malapit sa mga bata," sambit ni Greyson sa gilid ko. Hindi ko namalayang andito na pala siya dahil sa kaaliwan ko sa dalawang mga bata. "I bought you a polo shirt na baka magustuhan mo," he added before he handed me one of the plastic bags that he was holding.

"Don't worry. Hindi gingham ang design niyan. Hindi ka magmumukhang lumberjack diyan kaya pwede ka nang makahinga ng maluwag," biro niya na kinatawa ko naman.

"Ang kulit mo talaga. Thank you, a. At malapit talaga ako sa mga bata. Ikaw kasi e; ayaw mo pa akong bigyan ng anak," I said as I beamed.

He cringed the moment he heard my joke. "Griffin, malala na ata iyang tama mo."

"Sa'yo," I answered.

*****

Pagkatapos naming kumain ay nagpasyal muna kami sa likurang bahagi ng mall kung saan maraming booths at rides. Though hindi naman kaming dalawa 'yong tipong naglalaro ng games dito, tumuloy pa rin kami for the sake of adrenaline lang while watching other people's bliss.

I leaned on Greyson's shoulder while he was eating those cinnamon-coated churros that I bought for him. I can't help but to smile dahil ngayon ay nagiging mas close na kaming dalawa sa isa't isa.

Bigla na lang ay may pumuntang dalawang teenagers sa harap namin para tanungin if we are a couple.

I beamed as I answered them that all I needed to hear is a yes from Greyson. Si Greyson naman ay nakangiti lang habang nakatingin sa kawalan. Kinikilig ata.

"Bakla kayo?" biglang tanong ng matandang babae sa gilid naming dalawa.

"Yes, we're gays. Why?"

"Akala ko talaga kanina magkapatid lang kayong dalawa. You look good together," nakangiting sabi ng babae sa amin. I nudged Greyson pero nakita kong namumula siya. He looked . . . embarrassed.

"Uwi na tayo," pagyayaya niya.

"Bakit? We're still enjoying pa naman, a."

"Ikaw lang naman ang nagi-enjoy, e. Can we go home now?" Eto na naman siya sa kanyang mood swing na hindi ko talaga maintindihan.

"Sige," I reluctantly answered as I stood up. I waved at the old lady as we walked away from the bench where we were sitting, at nang makalayu-layo na kami ay tinanong ko si Greyson kung bakit parang nag-iba ang timpla niya.

"Bakit hinayaan mo na lang 'yong babae na tawagin tayong mga bakla?"

I looked at him bewilderingly as I answered him with another question which was "Is it a bad thing ba?"

"I'm not comfortable being called a gay man," he shyly answered.

"But she wasn't insulting us. She was just asking a question. Hindi naman offensive ang pagkasabi niya, hindi ba?"

"Basta. Hindi ko gustong tinatawag akong bakla."

I dashed his shoulders as I faced him para huminto siya sa paglalakad. "Look, Greyson," I said. "There's nothing to be afraid of kapag tawagin ka nilang ganyan ka as long as it isn't used in a derogatory way. There's nothing to be afraid of kung alam mo sa sarili mo na walang mali sa'yo," I said.

"Ako, I'm confident to tell the whole world that I'm gay. Buhay ko naman ito at wala silang magagawa kung ganito ako. We live in a society kasi that the word 'bakla' or 'gay' is used as an insult, but if you just accept your truth, then nobody can hurt you. No euphemisms or rewordings needed. Bakla ako. Bakla tayo. Pakialam nilang lahat ngayon."

It took him a minute to process everything that I said, and when it finally caught it, he looked at me in the eyes and gave me a warm kiss.

I didn't exactly know why, but it was one of the best feelings that I felt in a while.

"You can call me your boyfriend now," he whispered to my ear before he smirked and held my hand for the whole world to know.

*****

Gabi na nang hinatid ko si Greyson sa kanyang condo unit. At first ay hindi pa rin ako makapaniwala na kami na nga officially, pero kapag nakikita ko ang kanyang mga titig sa akin ay nagiging kampante ako.

"Good night," I said before I kissed his forehead.

"Have a good night as well," sagot niya naman sa akin bago siya bumaba ng aking sasakyan. We waved at each other bago siya pumasok ng kanyang condo. Ako naman ay umalis na kaagad.

'Di pa man ako nakalayo kina Greyson ay may nakita akong lalaking naka-sando sa isang madilim na bahagi ng kalsada na nakayuko lang habang nakaupo sa damuhan. Halatang problemado ang lalaki sa kanyang ikinikilos. Noong una ay hinayaan ko lang siya pero nang makalayu-layo na ako ay napansin kong nakatayo na siya sa sulok na akmang may gagawing hindi maganda.

I swerved my car and stopped at the opposite direction of the street para usisain siya. Sa nakikita ko ay umiiyak siya. Bumaba na ako ng sasakyan nang makita kong may paparating ma malaking truck dahil may kutob ako na may gagawin siyang hindi tama sa mga oras na ito.

"Stop right there!" I told him na siya namang ikinagulat niya.

"Hintayin mo ako riyan," I bellowed before I crossed the street. Thankfully, huminto naman ang truck nang makita siguro ang lalaki na immobile lang sa gitna ng kalsada. Nang nasa gilid na ulit kaming dalawa ng kalsada ay nag-nod ako sa driver ng truck at nagpasalamat.

Hinawakan ko ang batok ng lalaki as I asked him kung may problema ba siya. The more that I look at his face, the more I noticed na hindi siya Pinoy. "Do you speak Filipino?" I asked him.

Hindi naman siya sumagot. Umiiyak lang talaga siya habang umiiwas ng tingin sa akin.

"Kung meron kang problema, andito lang naman ako na makikinig sa'yo, pero hindi ko talaga alam kung naiintindihan mo ako," pagbubulong ko sa aking sarili na napalakas ata dahil narinig niya rin.

"Oo, naiintindihan kita," he nonchalantly countered.

"Mabuti naman kung gan'on. Kanina pa kasi ako English ng English sa syota kong conyo," natatawa kong sabi sa kanya para ma-lighten up ang mood niya, pero wala siyang ikinibo. Lutang na lutang talaga siya.

"Is it about family? Love? Money?"

He smiled bitterly. "All of the above. Pero mas maraming percentage sa love."

"Ipalabas mo na iyang problema mo rito, pero hindi sa paraang gusto mo. Hindi sagot ang pagpapasagasa sa kung ano man ang dinadamdam mo ngayon."

"It's easy to say that kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon," he said. Napatigil naman ako dahil may punto siya sa kanyang sinabi. "Do you know how hard it is to see the person na iniiwasan mo kahit na sa totoo naman ay ilang taon mo siyang gustong makita?"

I was baffled. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, so I shook my head as a response to his question.

"Of course you don't. You seem happy with your life right now. Ako kasi palaging sinusubok ng kapalaran simula pa dati. Alam mo ba na sa buong buhay ko, noong college lang ako naging masaya dahil sa naging boyfriend ko?"

"Hindi rin, pero ikwento mo lang. Makikinig ako, I swear," I replied. Ang awkward naman nito. Tanong siya ng tanong sa akin na hindi ko naman talaga masagot ng maayos.

"I had a boyfriend na sobrang minahal ko. Siya lang ang rason kung bakit gusto ko pang mabuhay ng panahong iyon dahil ang dami kong problema noong college. He gave me happiness in a little amount of time, pero temporary lang pala ang happiness na iyon. I had to give up on our love dahil marupok akong tao."

Doon ko medyo nalaman ang pinaghuhugutan ng lalaking ito, but I didn't interrupt him.

"I left him without saying a word. Iniwan ko lang siya na walang paalam or whatsoever. Duwag kasi ako, e. Akala ko magiging okay na ang lahat nang pinili kong magpakalayu-layo. I met a girl who's just like him. She also loves sunsets, listens to his favorite bands, at kahit sa mga gawi ay magkapareho silang dalawa. Ang akala ko, mawawala ang pagmamahal ko sa lalaking iyon dahil dinivert ko ang atensyon ko sa ibang tao. Turns out, after years of fooling myself, I'm still into that guy."

I nodded my head as I tapped his back. "And you decided to end up your life because you're still into him? What if you break up with your girlfriend and pursue him?"

He inordinately laughed at what I said to him. "Kung gan'on lang talaga ka-simple ang lahat. I'm getting married in two months with my fiancé, at 'yong taong mahal na mahal ko ay in-charge sa kasal namin."

My eyes widened nang marinig ko ang sinabi niya. "That's unfortunate. Bakit mo hinayaan na mangyari iyan?"

"Kasi iyon ang akala kong tama – pero ngayon pinagsisisihan ko na ang lahat lalong-lalo na kanina nang makita ko siyang masaya habang may kasamang ibang lalaki. Masama siguro akong tao kaya ako pinaglalaruan ng tadhana simula pa dati. Parang hindi ko deserve ang maging masaya. Iyon ang dahilan kung bakit gusto kong magpasagasa na lang. Wala rin namang silbi itong buhay ko, e."

"Hindi iyan rason para magpakamatay ka. Ayusin mo ang problema mo habang pwede pa. Malay mo, sa pagtatakbo mo sa mga bagay na bumabagabag sa'yo, pinapalaki mo pa lalo ang lahat, 'di ba?"

He nodded his head. "At isa pa, hindi rin solusyon iyong pag-iinom. It will just give you a temporary happiness and escape, pero 'yon nga – temporary lang."

Tinitigan niya lang ako ng matagal bago siya ngumiti. This time, hindi na siya mukhang galit. "Alam mo, salamat sa mga payo mo. Ang saya mong kausap," he said. Napangiti naman ako sa sinabi niya sa akin.

"You are welcome. I'm Griffin. You can have my number kung gusto mo ng may makakwento," I said before I showed him my cell phone number. "Kung hindi ako busy sa work, sasagutin ko ang mga text at mga tawag mo. Tatawagan naman kita kaagad kapag may free time na ako."

Tumayo na kaagad kaming dalawa sa aming kinauupuan at pinasakay ko na siya sa aking sasakyan para ihatid siya.

"What's your name pala? You haven't introduced yourself yet," I asked him.

"I'm Sang Woo," he said before he gave me a sincere smile.

End of Griffin's Point of View