Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 8 - Gray

Chapter 8 - Gray

Tama siguro ang karamihan sa atin: Lunes na yata ang pinaka-nakakabanas na araw sa buong linggo.

Ang hirap mag-adjust ng sleeping schedule to wake up earlier than usual, and more importantly, Lunes ang araw kung saan makikita ko ulit ang taong pinaka-ayokong makita.

Si Venus Liesel.

I was thinking na 'di muna ako papasok sa kanyang class, but then again, once a week lang kasi ang schedule ko sa kanya so I have no other option but to attend it whether I like it or not.

Mabuti na lang at kasama ko mamaya si Lee sa subject na iyon.

"Gising na," pag-uutos ko sa kanya sabay kalabit sa kanyang noo. "Baka ma-late ka sa first subject mo."

"Mauna ka na. Matutulog pa ako," nakapikit-mata niya namang sagot. Katulad ng hiling niya, umalis na ako ng kwarto namin, pero bago ko pa man isinara ang pinto, biniro ko muna siya para magising na talaga siya ng tuluyan.

"Ikaw talaga ang naaalala ko kapag umiinom ako ng four seasons na juice. Maligo ka na, ha?"

Nakita kong lumaki ang mga mata niya bago siya umupo at inamoy ang kanyang kili-kili. "Hoy, hindi naman!"

"Gumising ka na riyan. Kumuha ka lang ng cup noodles at kape sa ibabaw ng cabinet ko kapag gusto mong mag-breakfast. See you later," I said before I closed the door, then I started to chuckle. Ang sarap niya talagang inisin.

*****

After ng Algebra class ko ay pumunta muna ako ng cafeteria to order a snack para magkalaman naman ang sikmura ko since nag-kape lang ako kanina. As I was walking, naramdaman kong nag-vibrate ang cell phone ko, and to my astonishment, it was Lee who texted me.

Arellano Bldg. Room 22. Now.

Naguluhan ako kasi napaka-seryoso ng text niya which is something different from his personality. Binilisan ko na lamang ang lakad ko papuntang Arellano Building to meet him.

Pagpasok ko sa room na sinabi ni Lee sa text ay nagulat ako nang nakita ko sina Lee, Mathias, at Cobi na nakakaupo. Napansin kong may pasa si Mathias sa kanang bahagi ng kanyang pisngi habang si Cobi naman ay may sugat sa bibig.

Nilapitan ko si Mathias to ask him about what happened, but he couldn't even look at me. Nang akmang magsasalita na siya ay hinatak ako ni Lee papunta sa isang sulok na malayo sa dalawa.

"Tignan mo ang ginawa ng kaibigan mo sa kaibigan ko," nagagalit niyang sabi sa akin habang nakatiim ang kanyang kamay. Nainis ako kasi pinagtaasan niya ako ng boses whereas I was uncertain on what's really happening.

"Hindi ko alam ang nangyayari, Lee. Please explain it to me kasi may pasa rin si Mat sa kanyang pisngi," sagot ko sa kanya. "It's not like binugbog ng kaibigan ko ang sarili niya to have that, right?" Tinignan ko si Mathias but he couldn't look at me. Tinignan ko rin si Cobi but he just gave me an apologetic look.

"I think your friend deserves his bruises," he responded. "Pwede mong itanong sa kanya kung ano ang buong nangyari, pero isa lang ang masasabi ko, Grey. Nakaka-disappoint lang," he added before he pushed me away.

"Sumusobra ka na, a," galit kong pagbulyaw kay Lee. Tinulak ko rin siya nang dahil sa pagka-inis ko't nakita kong nagulat siya sa ginawa ko, pero tinignan niya lamang ako ng masakit ng ilang minuto bago niya kinuha ang kanyang bag at umalis na ng kwarto. Tumakbo na rin si Cobi sa papunta sa kanyang kaibigan kaya naiwan kaming dalawa ni Mathias dito para mag-usap.

"Seryosong sagot ang gusto ko, Mat. Ano'ng totoong nangyari?"

Wala akong narinig na sagot sa kanya dahil nakayuko lamang siya habang umiiyak. I sat beside him and tapped his back para naman pakalmahin siya. "Hindi ako magagalit. Just be honest with me."

Nang medyo tumahan siya'y tinignan niya ako. "I'm sorry," he said.

"Sorry for what?"

"Sorry kasi ang sama kong tao. Sorry kasi ang selfish ko," he responded.

I asked him politely to be more specific since ang broad ng sagot niya. He was hesitant at first but I assured him that I won't judge him for whatever reason it is on why he's calling himself selfish and wicked.

"Cobi found out that I was catfishing him at galit na galit siya sa akin kaya sinuntok niya ako kanina sa harap ng maraming tao," mangiyak-ngiyak niyang paliwanang sa akin. "I didn't intend to pretend to be someone I'm not naman, Grey, pero nahulog na kasi ako sa kanya even before he was bullying me," he added.

Kumunot ang noo ko kasi wala akong ideya na magkakilala na pala sila way before I came here. "Please continue," I said to him.

"Binigyan ako ni Vaughn ng number ni Cobi last month and we started texting each other since. Dahil alam kong straight siya ay nagpanggap akong babae kasi takot akong ma-reject. Marami akong ginawa just to hide my identity. I created a fake Instagram account and bought followers so that he wouldn't notice that it's fake, I installed voice-changing applications just to call him in the middle of the night kasi desperado ako sa kanya, and others that I would do because I was frantic. Ang hindi ko alam ay naging mapusok na pala ako. Pinilit kong maging ibang tao para magustuhan niya ako, pero sa huli, dahil sa pagiging selfish ko, ayun, nagalit siya akin."

I didn't know how to react without offending him, honestly. As a person who does not really believe in the idea of love, it surely is much more complex than what I had expected it to be.

"I thought that darating 'yong araw na kapag sasabihin ko sa kanya na he was conversing with me the whole time, matatanggap niya because it doesn't matter naman kung sino talaga ako as long as he loves me, hindi ba? But that's not the case. I guess that was never the case given on how he reacted when he found it out," Mathias said as he breathed heavily. "Ang hirap magmahal ng straight, Greyson, kaya naiinggit ako sa'yo kasi may Lee ka. Hindi naman talaga ako galit kasi type ko 'yong lalaking 'yon; naiinggit ako kasi madali lang sa'yo ang makahanap ng taong magmamahal sa'yo whereas I had to deal with this kind of situation to make Cobi love me."

His voice was shaking. I could feel the hurt based on how he talks.

Yes, he may be evil for doing that, but I understand his reasons.

"If okay na ang lahat at kumalma na si Cobi, I'll ask him to talk things out with you para may closure kayong dalawa," I told him. "The possibilities are both endless and hopeless for now, but let's just see," I added.

He faked a smile before he hugged me tightly.

Sometimes in life, you'd either take a risk or lose a chance. My friend just took a risk, and he probably lost his chance, but that doesn't mean that he was a loser in love since he had learned his lesson.

*****

Sumabay si Mat sa akin noong lunch time at sinabi niyang binigyan daw silang dalawa ni Cobi ng detention ng dean namin. He told me that he was afraid na baka raw saktan ulit siya ni Cobi sa Sabado, but I assured him that Cobi won't do that kasi may magbabantay naman sa kanila during their detention. "Kapag wala nang tensyon na namamagitan sa inyong dalawa, you should apologize to him," paghikayat ko sa kanya. He nodded in response.

"Sige, punta na ako sa P.E. namin at baka ma-late ulit ako," I told him before I stood up and walked away.

Surprisingly, wala pa si Venus sa class namin kaya wala kaming ginawa kung hindi ay maghintay lang sa kanya. Hindi pa rin ako kinakausap ni Lee kahit na magkatabi lang kaming dalawa. What's even bothering me is the fact that I can hear everything that he's saying to this girl named Brooke.

"Ilang years ka nang single?"

"I'm sure maraming nanliligaw sa'yo."

"Ligawan na lang kaya kita."

Umirap na lamang ako because of how lame his flirting skills are. At ang malabo ay 'di ba niya alam kaming dalawa pa? I mean, kailangan pa naming magpanggap, 'di ba? Nakakainit ng ulo naman 'tong lalaking ito.

Dahil sa pagkainis ko ay umalis na lamang ako sa tabi niya at baka maistorbo ko pa silang dalawa ng babae niya. Sa halip ay pumunta ako sa pinakamalapit na vending machine to buy a lemonade. Hawak hawak ang paper cup ay nakatingin lang ako kay Lee habang kausap pa rin niya si Brooke. Napansin kong pilit na pilit ang mga ngiti niya habang nakikipagkwentuhan sa classmate namin. Tatlong beses ko rin siyang nahuling sumusulyap sa akin, at habang tinitignan niya ako ay umiiwas din ako ng tingin sa kanya.

I waited for an hour para dumating si Venus, pero 'di talaga siya nagpakita. Nag-umpisa nang magsi-alisan ang ibang mga classmates ko dahil wala nang pag-asa na magpapakita pa si Venus sa amin.

Sana ganito na lang parati hanggang sa mag-end na ang semester namin.

*****

Nang makauwi ako sa dorm namin ay napansin kong wala roon si Lee. Tinignan ko ang mga gamit niya at natawa ako kasi and'on ang P.E. uniform niya pati ang kanyang sling bag, which means that he was here before me.

Dahil siguro sa nangyari kaninang umaga ay hindi siya matutulog dito. "Eh, 'di huwag," bulong ko sa sarili ko bago ako pumunta ng C.R. para maghilamos.

Noong una ay natuwa pa ako dahil malayang-malaya akong gawin ang mga gusto ko dahil wala siya rito, pero nang 'di nagtagal ay nanimago ako kasi 'di ko naririnig ang malalim niyang boses at ang mga mapang-insulto niyang sagot kapag nagtatanong ako sa kanya.

I texted him para tanungin siya kung dito ba siya matutulog sa kwarto namin, and he coldly replied to my message with a word, "No."

I purposely played this classic Rivermaya song para makatulog ako, at habang pinapakinggan ko ang lyrics ay mas lalong nagagalit ako sa sarili ko dahil ang lakas ng tulak ko sa kanya kanina.

Hindi kita mapipilit kung ayaw mo

'Wag mo akong isipin

Bahala na

Hindi kita mapipigil kung balak mong

Ako'y iwanang nag-iisa

Masakit nga ang ma-reject gaya ng sabi ni Mathias. Sa sobrang attached ko kay Lee for these past three weeks, medyo nasasaktan ako sa pag-aaway naming dalawa.

It's not just Mathias and Cobi that should make up with each other. Lee and I should as well put our differences aside kasi ayoko ng ganitong sistema na namamagitan sa aming dalawa.

I want my friend back.

I'll talk to him tomorrow, but how?

*****

Nang dumating ako sa Filipino Literature class namin ay nakita kong nakaupo na si Lee sa likurang bahagi ng kwarto. Pumunta ako sa gilid niya para umupo, pero wala siyang kibo. Nakatingin lamang siya sa whiteboard while scowling.

I handed him a sandwich and asked him kung nakapag-breakfast na siya, but he didn't respond to my question.

"Sorry na, Lee," I said. "Nadala lang ako ng emosyon ko."

Tinignan niya ako ng masama bago siya sumagot ng, "Lintek na emosyon na iyan, Grey! Palagi na lang bang ganyan ang ira-rason mo sa akin kapag may gagawin o sasabihin kang hindi maganda?"

"I . . . I don't know. I'll try to be responsible next time."

"You should be," he answered. Natigilan na lang kaming dalawa nang makita naming nakatingin na pala ang ibang classmates namin sa aming dalawa.

I told them that we were sorry and then I handed Lee my sandwich again. "Kunin mo na iyan habang wala pa si Miss Leyretana."

To my surprise, he took it. "Salamat, Grey," nahihiya niyang sagot while munching on it. Natuwa naman ako kasi kahit papaano ay okay na kaming dalawa.

Miss Leyretana came into our room a couple of minutes later asked us to perform our literary pieces na may ugnay sa theme na Pride since it's The Pride Month. Many of our classmates volunteered, but she called Lee instead.

"Mamaya na kayo. Mas exciting kung uunahin natin ang mga nagwa-gwapuhang magkasintahan sa classroom natin," pagbibiro niya na siya namang kinatuwa ng buong klase.

Nahiya si Lee na mag-perform ng kanyang original literary work noong una, pero nang nagkatitigan kami, I mouthed him, "You can do it," to boost his confidence. Nakatulong naman ata ako dahil ngumiti siya sa akin at nag-umpisa na siyang magbigkas ng kanyang baybayin.

"As vast as the ocean only valiant people could travel

and as high as the sky that sets unparalleled

standards neither of us could accomplish

I am not blue and neither do you

As powerful as the blood that runs to our veins

and as cruel as a fire we played with our hands

to break away

I am not red and neither do you

You planted me all the colors in full saturation

and vibrancy amidst of my darkest demons

You aren't none and you aren't all

Let the autumn leaves fall

If we were a color, we shall stay as we are

We can be dull and dingy to most everlastingly

But we can create tension from dusk to daylight

In this world full of arrays

We can forever be just gray."

Nang marinig ko ang buong tula niya ay bumilis ang pagtibok ng puso ko.

What is this feeling?

I could not exactly explain what it is, but I like it.