Chereads / His Unofficial Boyfriend / Chapter 6 - Knight and Day

Chapter 6 - Knight and Day

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko nang makalabas ako sa faculty room ni Miss Liesel. Sa unang pagkakataon ay parang nalabag ang pagkatao ko, at sana ay 'di na ito maulit pa.

Inabutan ako ni Lee ng handkerchief at tsaka niya ako sinabihan na hindi raw ako nakakatuwang tignan kapag umiiyak ako. "Mukha kang batang naligaw sa isang grocery store," dagdag pa niya habang tinitignan niya ako ng masama. Halata pa rin na nagtatampo siya akin sa 'di ko malamang dahilan, pero hinayaan ko na lamang iyon dahil hindi pa rin ako maka-bounce back sa nangyari kanina.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng klase ng tao itong si Lee. Usually, he's this annoying person whom I wanted to choke so badly. On the other hand, marami siyang mga nagawang bagay that I should be thankful of - kahit na hindi ko lubos maisip kung bakit 'yong idea niya on how to bail me out from Miss Liesel was to lie that we're a couple.

Pinasalamatan ko si Lee sa panyong ibinigay niya at tsaka ko ito ipinunas sa pisngi ko, pero wala siyang ikinibo. Naglalakad lamang siya habang nakatingin sa kawalan.

"Bakit mo naisipan iyon?" I asked him out of nowhere.

Nag-kibit balikat na lamang siya at ikinuha ang kaliwang kamay ko hanggang sa napunta kaming dalawa sa soccer field ng school namin. Noong una nagpumiglas pa ako, pero masyadong malakas ang kapit miya sa akin. At isa pa, kahit na hindi ko gamay ang ugali niya, may comfort akong nararamdaman pagdating sa kanya.

"Upo muna tayo rito. Ikikwento ko sa'yo ang lahat na gusto mong malaman," sambit niya sabay sandal sa edge ng goal area. Nakatingin lamang kami sa kalawakan nang magsimula siyang magkwento.

"Kanina during our P.E. 101 class, alam ko nang may balak talaga si Venus sa'yo. You're her type of guy kasi, at alam ko sa sarili ko na mangyayari ang 'di mo inaasahan noong Sabado pa lamang nang sinundo kita sa bar kung saan ko kayo nakitang naghahalikan," pagkukwento niya.

"Venus is this school owner's only daughter. Full name niya is Venus Liesel. Nakakatawa nga kasi 'di naman siya nakapagtapos sa kursong Physical Education, but look at her. Siya ang head ng P.E. department dahil makapangyarihan siya rito," he said before he bitterly laughed, and then he asked kung bakit ko ba kasi naisipang makipag-make out sa kanya nang gabing iyon.

"It was because of the alcohol. 'Di ko naman talaga kasi alam ang ginagawa ko sa mga oras na iyon," I exclaimed. Umirap siya at tsaka tumingin sa kalawakan. "Dapat kasi nag-iisip ka muna bago ka magdesisyon since baguhan ka lang dito. Hindi mo alam ang workaround dito sa L.U. pero naisipan mo pa ring mag-clubbing," he said before he sighed.

"Anyway, bakit ang dami mong alam tungkol sa kanya? At bakit iyong form of bailout mo for me is to pretend that we're a couple, eh alam naman natin na pareho tayong straight?" pagtatanong ko sa kanya. Marami pa akong gustong itanong, pero minabuti kong isinantabi na lamang muna ang iba kasi hindi ko gamay ang nasa isip ng lalaking ito.

"Inalam ko kasi kinakailangan ko. I was at my most desperate time nang nag-transfer ako sa university na ito, pero 'di ko na sasabihin sa'yo kung bakit kasi baka hindi mo maintindihan. Si Venus ang nag-interview sa akin dati, at sinabi ko sa kanya ang mga rason kung bakit gusto kong pumasok rito. She knows who I was, but she doesn't know who I am today. Advantage na ata iyon para sa akin," he said.

"Teka, naaalala mo pa ba iyong lalaki sa Room 404? Iyong kaibigan ko?"

I nodded as a response to his question. "Bakit?"

"Siya iyong nagsabi sa akin regarding sa pinaggagagawa ni Venus sa mga lalaking tipo niya behind closed doors. Na-experience niya na kasi iyon galing sa kanya noong student niya pa iyon, at naaawa ako sa kaibigan ko nang ikinwento niya sa akin ang nangyari kasi katulad mo, labag sa loob niya ang kagustuhan ng Venus na iyon, Ang sabi pa nga niya, kapag tipo niya iyong lalaki, lahat ay gagawin niya makuha niya lang iyon for a night. Tinreathen niya nga si Cobi na madudungisan daw ang kanyang reputasyon once he declines to her offer. Pumayag naman si Cobi kasi natakot siya sa halimaw na iyon," naiinis niyang sabi habang nakatingin pa rin sa kalawakan. "Walang lumalabas na mga balita patungkol sa pinaggagagawa niya kasi natatakot sila, pero alam kong 'di lang si Cobi ang naka-experience nang gan'on from her.

"Nang sinabihan ka niyang pumunta sa office niya after your last subject, alam ko na ang mangyayari n'on kaya ko kinuha ang registration form mo para malaman ko ang schedule mo ngayong araw. Actually, 'di ako mapakali kanina sa dorm pagkauwi ko after ng P.E. class kasi gusto talaga kitang tulungan kahit na nagagalit pa rin ako sa'yo dahil sa pagiging impulsive mo. Eventually, naisipan ko na iyong only way para matulungan ka ay ang magpanggap na boyfriend mo sa kanya. Hindi man kapani-paniwala kung titignan natin sa kahit ano'ng anggulo, pero Venus somewhat pities me because of what I told her noong pag-transfer ko rito kaya sinubukan ko, at tignan mo nga naman, nasalba kita kahit na ang babaw ng plano ko. Iyong gagawin na lang natin talaga ay ang mag-panggap efficiently hanggang sa iyong lahat ng mga tao sa campus ay maniwala sa atin."

I fawned a little bit because of what he was saying kasi parang hindi ko kakayanin iyon.

"Ang hirap naman niyan, Lee," pagrereklamo ko hanggang sa binatukan niya ako sa ulo.

"Pasalamat ka nga at tinutulungan pa kita. Kung ayaw mo, eh 'di huwag mo. Actually, Venus gives a mean blowjob daw sabi ni Cobi. Baka gusto mong i-try."

Binatukan ko rin siya at tsaka ako nagsabi ng, "Gago!"

"Gago lang pero hindi iyakin," he said before the two of us laughed.

*****

Mag-aalas otso na nang gabi at nakaupo pa rin kaming dalawa sa soccer field ng eskwelahan namin. Si Lee, nakatingin na naman sa kalawakan habang ako naman ay nakatingin sa katapat na goal area.

"Look over there," wika ko kay Lee sabay turo sa paligid kung saan maraming mga alitaptap ang lumilipad.

Napangiti ako nang makita kong lumaki ang mga mata niya sa pagkamangha. "Ang ganda," banggit niya habang naka-clench ang wrists niya. Napatingin muli ako sa paligid at kahit ako ay nagagandahan din sa nakikita ko.

When I was young, my late grandmother once told me that fireflies can represent a person. Sa umaga, kung titignan mo ang mga alitaptap, parang tipikal lang silang klase ng insekto. Hindi nakakamangha; walang special quality. Pagdating naman sa gabi, nag-iiba talaga sila. Nagiging maliwanag; nagiging maganda sa mga mata ng tao; hindi ordinaryo kung titignan.

Before, I thought that Lee was just another person. Nakakairita siya, hindi ko masakyan ang mga trip niya, and he was rude oftentimes. Hindi ko lubos-malaman kung ano ang nakikita ng ibang mga tao sa kanya.

But I can see it now. Behind his tough and overbearing persona is a guy with a good heart. The more that he opens up to me, the more that I can see how beautiful his heart is.

Right at that moment I realized that my grandmother was right.

Naglipas pa ang ilang minuto nang nag-aya na akong umuwi kay Lee. I stood up and offered him my hand so that he can stand up as well. Natawa siya sa gesture ko, pero hinayaan ko na lamang siya.

Pumunta muna kami sa isang fast food malapit sa L.U. to order our dinner, and to my surprise, si Lee ang nag-treat sa akin. Also, tinake out niya ang meals namin whereas I thought na doon na kami kakain para isahan na lang.

He told me right after we left that certain fast food restaurant na hindi pa niya gustong umuwi. "Let's waste the night," he exclaimed. Tumango na lamang ako as a response since 'di pa rin naman ako inaantok. Naglakad kami sa hindi kalayuan kung saan merong 'di mataong plaza na napakaganda. We sat on the wooden bench na malapit sa kumang gazebo as we ate our burgers and shared french fries.

"Thank you rito," nakangiti kong sabi sa kanya.

"You are welcome," he answered before he took a huge bite of his burger.

Out of curiosity, I asked him kung bakit ang bait niya sa akin kahit na 'di naman talaga kami close sa isa't isa. "You saved my butt for so many times already," dagdag ko pang mutawi sa kanya.

He just gave me a quick grimace before he answered me that I reminded him so much of himself when he was younger which was silly because he was only three years older than me, but I still listened to him anyway.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang roommate ko na nagustuhan ko sa tatlong taon ko sa kwartong iyon?"

I pretended that I had no idea what he was talking about kahit na binanggit na iyon ni manang nag nagtatrabaho sa dormitory namin last week pa.

"Bakit kaya?"

Tinignan niya ako at tsaka siya nagsabi na, "Sa lahat kasi ng naging roommate ko roon, ikaw lang ang taong parang walang pakialam sa akin. Binibigysn mo ako ng space na gusto ko, at dahil doon ay may re-assurance ako sa'yo."

Tumango na lamang ako as a response kahit na natuwa talaga ako sa sinabi niya deep inside . . . hanggang sa nagsalita ulit siya.

"Kinilig naman siya riyan. Akala ko ba 'di natin seseryosohin ito, ba't namumula ka?"

Ihinagis ko na lang ang isang piraso ng fries sa mukha niya at tsaka ko siya binatukan. "Asa ka riyan."

Napangiti naman siya at tsaka siya sumagot ng, "Oo, aasa ako."

Siraulo talaga 'to.

*****

Kinaumagahan ay sabay kaming naghanda para pumasok sa school. Pareho raw kami ng schedule para sa first subjects namin ika niya. Sabay rin kaming naglakad papunta sa L.U. hanggang sa naguluhan na ako nang nakisabay na rin siyang pumasok sa room ng first subject ko.

As usual, ang ingay ng mga babae rito sa room nang makita nila si Lee. Pet peeve ko pa naman ang mga babaeng tumitili kapag nakakakita ng gwapo.

I choked my saliva when I realized kung ano ang sinabi ko sa sarili ko.

"Ano ang ginagawa mo rito?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Mag-aaral, natural," he responded. I noticed that he looks unbothered hindi tulad kanina na may emosyon pa siya. Napangiwi ako sa sinagot niya.

"Pareho tayo ng subject?" I asked him again.

"Natural," he replied in a cold manner. Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kinikilos niya at tsaka umupo sa pinakalikurang parte ng classroom.

Kaagad naman siyang sumunod sa akin at umupo na rin sa gilid ko. Hindi nagtagal ay pumasok na rin ng classroom ang teacher namin sa Filipino Literature.

Gaya ng ibang mga guro rito, she introduced herself in front of the class, and in return we will introduce ourselves din sa kanya. "Let's start at the back. You, hijo, can you introduce yourself to us?" she asked me.

Naiilang man, napilitan akong sumagot sa tanong niya.

"I'm Greyson Alleje, 18, from Cavite," nakangiti kong sagot.

"Tell me something more," our teacher added. Si Lee, narinig kong kumakanta ng unang verse ng Shallow to mock our teacher kaya nagpigil muna ako ng tawa bago ako sumagot ulit sa kanya.

"I'm just a regular person with extraordinary dreams," I said before everyone in the classroom heard how Lee laughed at my answer. Tinignan lamang siya ng masama ng teacher namin at tsaka siya pinatayo to answer the same question that she asked me awhile ago.

Si Lee naman, halatang hindi natakot sa kanya. He confidentially stood up and answered her question quickly.

"I'm Sang Woo Lee, 22, from Korea . . . and I am his boyfriend," wika niya sabay turo sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil sa pagkagulat, and before I say a single word, nagpalakpakan na ang buong klase including our Lit teacher.

I guess I'll be Lee's unofficial boyfriend for the rest of the school year then.