I'm wearing a black backless fitted dress above my knee, black ankle strap heels, a pair of pearl earrings and pearl necklace. And I tied my hair in a ponytail and curled it a bit.
Sobrang kabado ako ngayon dahil sure ako na nandun si Ethan. Pero hindi ko nakalimutang ayusin ang sarili ko. Habang nagdadrive ay andaming scenario na pumapasok sa utak ko, sari-sari, magulo, at nakakalito. I'm really nervous right now but I need to face it. I need to act normal.
Kung magkausap man kami I don't know what to say. Really. Mahirap kasi harapin yung mga bagay o tao na pinili kong iwasan pansamantala para unahin ang sarili ko. I'm not selfish, okay? I just want to grow and love myself first before I let others to entire my life.
Ayokong mahirapan o masaktan kapag napagdesisyunan nila na iwan ako, Because when I grow alam ko na agad na hindi lahat ng taong nandiyan para sakin ay mananatili sa tabi ko habang buhay. Staying is a choice, so I need to be thankful for those people who'll stay at my side.
Pagkarating sa bahay nila Drake ay agad kong napansin na mas lumaki ito kaysa sa dati. Pati ang garden ay mas lumaki pa at may malaking gazebo sa gilid. Doon ata kami magkukwentuhan pagkatapos kumain sa loob.
Nanatili akong nakatayo sa garden, naalala ko kasi nung mga bata pa kami ni Drake, dito kami sa garden lagi naglalaro. Tapos kakain kami sa gazebo lulutuan kami ng maid nila ng scrambled egg. Dito din kami nagbabahay bahayan kasama ang mga pinsan niya, nagpapalagay kami ng tent. Dito din ako nahilig sa sunflowers, mahilig kasi ang mommy ni Drake sa flowers kaya halos lahat ng uri ng bulaklak ay tinatanim nito. Sa pagkakaalam ko may sariling flower shop si tita.
"Ayy ma'am Natasha! nandiyan ka na po pala! tara na po sa loob, nandun na rin po ang daddy niyo!" taray naman ng mga maids nila tito Tyler dito may uniform pa, madalas lang kasi sila dito kaya kailangan ng madaming magbabantay at maglilinis.
Pagkapasok ko ay agad na bumungad ang malaking chandelier at flowers vases. Sa atmosphere at itsura pa lang ng labas ay mahahalata mong mayaman ang nakatira, lalo na kapag pumasok sa loob. white and golden yellow ang kulay ng mga gamit, it's simple but elegant. Sa pagkakaalam ko si tita Marielle ang nagdesign ng house.
Sinamahan naman ako ni ate Beth papuntang dining area. Pansin na pansin ko ang pinagbago ng bahay. Madaming renovations kaya mas lumaki ito kaysa dati, marami na ring mga nakaframe na pictures, simula ata pagkabata ni Drake ay nakapaskil sa mga pader.
Nang papalapit na kami sa dining area ay rinig na rinig ko na ang mga tawanan at kwentuhan ng mga tao sa loob. May sariling room kasi ang hapag-kainan nila, tanging sliding door lang ang naghahati sa living room at ang room na ito.
"Oh anak you're here!" tumayo si daddy at bumeso sakin.
"Yes dad I missed you" yumakap pa ako ng mahigpit kay daddy dahil sa sobrang pagkamiss.
"I missed you too hija"
Isa isa naman akong bumeso sa mga taong kakilala ko at nginitian na lamang ang iba pa. Laking pagtataka ko na nandito si Sofia Adair at katabi si Drake, may konting hinala ako pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang kutob ko. Pinagigitnaan kasi ni Ethan at Drake si Sofia.
Masyadong awkward sa pagitan namin at kung minamalas ka nga naman katapat ko pa si Ethan, sinadya ito ni daddy dahil nandito ang best buddy niya. I need to act normal. Paulit ulit ko sinasabi sa sarili ko. Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pagkaing nasa harapan ko kahit ramdam ko ang titig sakin ng taong nasa harapan ko din.
"Let's eat muna bago tayo magkwentuhan, I'm sure gutom na din kayo" malalim at malaki ang boses ni tito Tyler mukhang seryosong tao pero sa totoo lang makulit talaga ito at maraming jokes.
Madami akong nilagay na pagkain sa plato ko dahil medyo gutom talaga ako ngayon. Pero hindi ko talaga maiwasang mailang dahil sa ginagawang pagtingin sakin ni Ethan. Nang hindi na ako makatiis, sinalubong ko na din ang tingin niya at tinaasan siya ng kilay.
Nagkatitigan kami saglit at iniwas niya na din ang tingin niya. Ramdam ko na din ang pagkailang niya, kitang kita ko sa mga mata niya ang pagsuko. Napatingin din ako kay Drake dahil sa mahinang bungisngis nito, rinig na rinig ko naman ang sinabi niyang 'awkward'.
Well, I agree with him. Hula ko may sinabi si Ethan kaya ganoon na lang tingin sakin ng pinsan niya.
I don't know what to feel. Hindi ako handa sa mga pwede mangyari ngayon, I wish hindi kami mag-usap o magkasagian man lang. Hindi ko maitatanggi na ang gwapo talaga ni Ethan sa suot niya ngayon, naka-long sleeves polo siya na color black at nakabukas ang dalawang butones, naka-all black din siya kagaya ko. Bakit ba ang rupok ko sa perfume niya? amoy na amoy ko dito. Lord bakit naman gan'to.
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan namang pumunta na sa gazebo. Nakabukas na ang mga lights na nakasabit sa mga puno, may mga wine at snacks sa ibabaw ng table. May mga board games din sa gilid at bluetooth speaker kung may gusto magplay ng music.
Umupo ako sa tabi ni dad at sinandal ko ang ulo sa balikat niya. Nagkwentuhan naman kami saglit at binanggit sa kaniya ang new friend ko na si Axel. Nakaugalian ko na kasing magkwento sa kaniya tuwing may bago akong kaibigan. Wala naman siyang reklamo kung may maging kaibigan akong lalaki. Nasanay na kasi ito dahil simula bata pa lang one of the boys na talaga ako, pero ngayon hindi na. I have so many guy friends but ayoko masali sa mga issues.
Nakita ko naman sila Sofia na papunta na sa pwesto namin kaya umayos na ko ng upo. She's really pretty huh, mga karaniwang type ni Drake. Sa paraan pa lang ng paghawak nito sa bewang ni girl alam ko na kung ano talaga sila. And I feel so stupid para bigyan ng malisya ang mga bagay na nakita ko noon.
Nagsayang lang pala ako ng oras at luha dahil sa maling akala. Ba naman kasi! bagay kasi sila that time, parang perfect couple na! Pero mas bagay pa rin pala si Adair saka 'tong nagbibinata kong best friend.
______________________________