Chereads / Come Back To Me / Chapter 34 - Time To Go Back

Chapter 34 - Time To Go Back

Pumunta sa harap naming lahat ang dalawang magjowa, ready na magpakilala. They really look so happy, ilang months or years na kaya silang dalawa? they're so lucky to have each other tho.

"Hey guys! gusto ko lang ipakilala sa inyo ang pretty girlfriend ko na si Sofia Adair!" natawa naman kaming lahat dahil sa way ng pagpapakilala nito sa girlfriend. Kumaway naman kami sa kaniya at ngumiti, nagpapahiwatig na tanggap at welcome siya samin. And she did the same.

"Hi po! I'm studying at DLSU, civil engineering po ang kinukuha ko ngayon, susunod po ako sa yapak ng daddy ko. It's nice to meet all of you." yumuko pa ito at ngumiti samin.

"Adair? kayo ang may ari ng hundreds of constructions?" gulat na tanong ni tita.

"Yes po, we are the owner of one of the big construction companies here in the philippines." Ngumiti naman ito at tumango tango.

"Nako hija you're so humble! your company is one of the biggest company sa buong mundo. And I know when the right time come, you can handle it perfectly" Kita ko sa mga mata ni tita ang paghanga dito at ganon din ako. I didn't expect na ganon pala siya kataas pero ang humble niya pa din.

Hindi ko alam kung nagmomodel din ba siya dahil maganda ang posture at katawan niya. Maganda din ang mga ngiti niya at lalong gumanda dahil naka-braces, short hair lang siya hanggang shoulder, morena at kumikinang ang balat. She's one of the famous engineering student sa DLSU dahil sa talino at ganda nito. She's really a simple girl.

Nagkwentuhan naman kami tungkol sa dalawa, puro tawanan ang nangyari dahil walang kinuwento si Drake kundi ang mga nakakatawang memories nilang dalawa. Kung umakto sila parang magtropa na mag jowa, hindi sila masyadong clingy sa isa't isa pero makikita mo sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

"Actually three years na kami, hindi ko lang masabi sa inyo kasi nasa ibang bansa ako. Gusto kong makilala niyo siya sa personal, mas special kasi yun diba? isang taon ko din niligawan ang isang 'to." ginulo naman ni Drake ang buhok ni Sofia dahilan para matawa kami.

"Pero worth it lahat ng effort at hirap ko kasi simula nung sinagot niya ko parang nabuo ulit ako, sumaya ako ng sobra sa kaniya. Kahit magkahiwalay kami hindi pa din nagbabago, consistent pa din. Matagal man kami bago nagsama ng ganito, dumaan man sa maraming pagsubok, nag-away man ng ilang beses, pero lahat yun nalagpasan namin. At yun yung gusto kong ipagmalaki sa lahat. Dahil sa dulo ng paghihirap at pag-unawa namin, sa kaniya pa din pala ako uuwi."

Napatingin naman ako kay Sofia naiiyak na siya habang nakatingin kay Drake, I can see the happiness in her eyes. Humarap naman sa kaniya si Drake at mabilisan siyang hinalikan sa lips. Natawa kami nang gulat na gulat ang itsura nito. Pumunta naman ang dalawa sa kabilang table para mag-usap. Sobrang cute nila as in, sana hanggang sa huli sila ganiyan.

"Ethan why don't you invite Natasha for a while?" napatingin naman agad ako sa daddy ni Ethan. Oh no, Not now!

"Oo nga naman, mag usap naman kayo. Hindi man lang kayo nag-uusap o nagtitinginan man lang. Nag-away ba kayo?" Ngayon naman ay kay dad nalipat ang tingin ko. Pati na rin sila Tito ay sumang-ayon dito. Nanatili akong tahimik at nakatingin may dad.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtayo ni Ethan at papalapit sa pwesto ko. Hindi ko alam ang gagawin at hindi makatingin sa mga taong nakangiti sakin. Hindi na ko mapakali kaya wala sa sariling napatayo ako. Sumilay na naman ang nakakalokong ngiti ni Ethan, hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano. Gusto ko siyang sakalin.

Inabot niya naman ang kamay niya sakin pero tinanggihan ko ito at nilagpasan siya. Rinig ko naman ang mahinang tawa ng magaling ko kaibigan kaya sinamaan ko siya ng tingin. Masyado ata akong minamalas ngayong araw. Umupo na lang ako sa bench malapit sa pool. Maganda kasi ang side na ito dahil madaming makukulay na bulaklak, kasama na ang maliit na fountain sa pinakagilid. May violet na ikaw kasi mula sa ilalim nito.

Naramdaman ko naman ang familiar na presensya nito. Pabango pa lang alam ko na kung sino. Kakaiba talaga amoy ng isang 'to, natural na may halong pabango ang scent niya. Pasimple kong sininghot ang hangin dahil humahalo ang amoy. Sinigurado kong hindi niya nahalata ang ginawa ko. Dahil sobrang nakakahiya kung mahalata niya.

Sumandal ako sa upuan at ganoon din naman siya kagaya ko. Nakatulala siya habang nakatingin sa mga bulaklak, mukhang malalim ang iniisip. Habang ako pasimpleng nakatingin sa kaniya. Matagal tagal din pala yung pag-iwas ko sa kaniya. Hindi ko alam kung hanggang saan ako aabot. Kung bibigay ba ako kaagad o hahayaan ko na lang lumipas ang lahat.

We were both silent and seemed like no one wanted to break the silence between us. We're just sitting on the bench, watching billion of stars, and the beautiful full moon. I closed my eyes, feeling the cold air hitting my skin and let myself to relax.

And waiting if it's already time to go back in gazebo and talk to my relatives than to be with him.

_______________________