Today is submission day, submission ng mga projects, activities, reporting, and thesis. Malapit na kasi mag christmas kaya maaga din magpapasahan. 1 month before christmas, next next week ay exam na din.
Makikita mo sa hallway ang ibang students na naggagawa at naghahabol sa deadline. May mga naglalakad naman na chill lang at parang walang pake sa paligid. May umiiyak din at inaalo naman ng mga kaibigan dahil sa dami ng ginagawa. But this is all normal.
Mabuti na lang ay ginawa ko ang iba last month, advance kasi magsabi ang ibang prof namin para hindi kami masyadong mahirapan. Ang ibang gawain naman ay araw araw kong ginagawa, sa dami ng gawain bawal ang pachill chill lang.
Minsan hindi ko namamalayan ang oras kaya nags-skip ako ng meals, nakakalimutan ko na din alagaan sarili ko. Pero minsan lang naman ito, kaya sanay na sanay na ang katawan ko.
Pagkarating ko sa room ay nakatutok agad si Joana at Mishy sa laptop nila, para ata sa reporting namin ngayon. Actually dalawa lang ang magkasama sa pagrereport hindi kagaya ng iba na five member each group.
"Hi Natasha! pagsamahin na natin yung topic natin ngayon. Tapos ka na ba?" lumapit naman sakin si Angelica, dean's lister din ang isang 'to kaya swerte ako dahil hindi ako mahihirapan kung sakaling tanungin kami.
"Sige sige wait lang. Yup! I'm already done." binaba ko muna ang mga gamit ko saka kinuha ang laptop.
May one hour pa kami bago magsimula ang klase. 10:00 am kasi ang start at 9:00 pa lang naman ngayon. We decided to study and brainstorming in library para tahimik.
Madami ding students dito, mga nag-aaral at nagbabasa. May iba namang nakatungo, halatang natutulog, may mga nagtatakip pa ng folder at libro para hindi makita ng librarian. Hindi ko napigilang mapangiti sa mga nakikita ko.
Anesthesiology ang topic na nabunot namin. Madali dali lang dahil parehas naman kami nag-aral at may alam nito.
Habang parehas kaming nag-iisip ay hindi ko maiwasang humanga kay Angelica, sobrang confident niya at sobrang dami niyang ideas. She's really good at everything, I don't know why but I really admire her nihindi man lang siya kinakabahan at patuloy pa ring nagfofocus.
Ginawa naming medyo makulay ang powerpoint presentation para hindi simple at nakakatamad tignan. Nilagyan din namin ng soft transition. Number eleven ang nakuha namin it means bukas o sa makalawa pa kami makakapagrepot pero okay na yung handa kami.
"Tara sa cafeteria muna tayo, nagutom ako don siz!" niligpit muna namin ang mga gamit namin saka niya ko hinila.
"Kumain ka ha? bili ako ng iced coffee, mukhang puyat na puyat ka eh. Pati pala chocolate!" Pinaupo niya na ako at siya na lang daw ang bibili.
Nung una ay umaayaw pa ko pero hindi talaga siya nagpatalo kaya hinayaan ko na lang. Medyo nanlalambot pa ko para ipilit pa.
Mabait talaga siya tulad ng sinasabi ng iba. Galante din daw at jolly na babae, kaya siguro siya madaming kaibigan dahil hindi siya mahirap pakisamahan.
"Here! may twenty minutes pa naman tayo kaya okay lang. Pasensya ka na ha? ganito lang talaga ako kadaming kumain." nahihiya pa siyang ngumiti sakin.
Umiling ako sa kaniya at ngumiti. Mapayat naman siya kaya hindi halatang madami siya kung kumain.
"Ano ka ba okay lang yon! ako din naman eh."
"Weh di nga? bakit ayaw mo kumain?" kunot noo niyang tanong, nakalobo pa ang mga pisngi niya dahil sa kinikain niyang chicken sandwich.
"Nakakakain na kasi ako kanina bago pumasok kaya busog pa ko."
Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagkain. Iniinom ko naman ang coffee na bili niya para sakin habang iniikot ang paningin ko sa paligid.
"Ang ganda mo noh? tapos ang talino mo pa. How to be you po?" Natawa ako sa kaniya pati siya ay nakitawa na din.
"Baliw ka! you don't need to be like me, you're already beautiful and perfect in your own way. Why can't you see that?"
"Aww natouch naman ako don." Hinawakan niya pa ang dibdib niya at nagpout. "Niloloko lang naman kita! but thank you hehe."
Natawa naman ako sa kaniya, mabilis lang siya makavibes. Naalala ko si Axel, kamusta na kaya siya? isang buwan na din pala ang dumaan na hindi kami nakakapag-usap.
"Nga pala may boyfriend ka?" paubos na ang kinakain niya at meron pa kaming ten minutes. Napatingin naman ako sa kaniya.
"Wala pa, ikaw ba?"
"Really? eh sino yung nakakasama mo minsan na taga-Ateneo?"
"Ah! manliligaw ko lang yon" nang-aasar naman ang tingin at ngiti niya sakin. I just rolled my eyes kahit sanay na ko sa mga ganiyang tinginan.
"Bagay kayo! akala ko nga nung una kayo talaga kasi ang sweet niyo tignan. Minsan nga napapasabi na lang ako ng sana all eh" Natawa naman ako sa kaniya, imposible naman na wala pa siyang boyfriend dahil sa sobrang ganda at bait niya.
"Bakit naman? wala ka bang boyfriend?"
"Meron noh! kaso wala siya ngayon dito eh, two years siya mags-stay sa America kasi yun yung gusto ng mommy niya." I can see the sadness in her eyes. I don't know if I can ask her about her boyfriend.
"Ask me anything I'm willing to tell you everything." she sweetly smiled at me to make sure that it's okay to ask her.
"Ano yung reason?"
"Para mas makapagfocus siya sa studies niya. Alam mo yun, siya lang naman inaasahan sa pamilya nila, kaya I let him. I'm willing to wait him."
Sobrang powerful ng love noh? kahit masakit at mahirap, titiisin mo lahat dahil mahal mo. Sobrang dami kong natutunan kay Angelica, madami na siyang na-experience kasama ang boyfriend niya. Hindi man sila perfect, but at least they can handle each other, which is good.
I really admire them sobrang dami nilang pinagdaanan, pero yun pa rin sila walang pagbabago. Mag-aaway man pero magbabati agad. Naiisip ko ganon din kaya kami kung sasagutin ko na siya?
Nalate pa kami kanina dahil napasarap ang pagkukwentuhan namin. Actually puro tungkol sa love life niya. Buti na lang ay wala pang prof kanina.
____________________________