Chereads / Come Back To Me / Chapter 37 - One Hundred Percent

Chapter 37 - One Hundred Percent

"Ganda ngiti natin araw araw teh ha? anyare? tagal na niyan wala ka pa ding sinasabi" nang-aasar na ngiti ang everyday bungad sakin ni Mishy. Tinawanan ko na lang ito at dumeretso sa upuan ko.

Hindi pa din nila ako tinitigilan dahil iba daw talaga ang ngiti at mood ko ngayon. Pansin ko na din naman yon pagkagising ko, actually araw araw namang ganon. Siguro dahil sa mga nangyari two weeks ago.

"Ano na? hindi ka pa din nagkukwento! parang hindi kami kaibigan ha." Tinarayan naman ako ni Joana, araw araw talaga nila akong kinukulit. Sobrang curious na sila dahil nginingitian ko lang sila, gusto ko lang talaga silang asarin.

Pero ngayon mukhang masasabi ko na. Hindi ko din kasi matiis dahil sanay ako na sinasabi ko sa kanila ang lahat tungkol sa mga nangyayari. At alam kong kapag nalaman nilang tungkol ito kay Ethan mas magiging interesado sila.

"Hindi na tayo bati kala mo ha! friends over na! tatlo na lang kami nila Kath! kick pa kita sa gc" bumelat pa ito sakin at nagkunyaring nagtatampo. Parehas na silang nakacrossed arm at nakapout sakin.

Kung kailan ako magsasalita dun magbubunganga ang isang 'to.

Tinawanan ko na lamang sila dahil mukha silang batang hindi binigyan ng candy. Halos humiga na ko kakatawa dahil sa mukha nila. Maya maya ay napansin ko naman ang masamang tingin nila sakin kaya umayos na ako ng upo at tumigil na.

"Eto na ikukwento ko na! hindi bagay sainyo kaya itigil niyo na yan" pinagdikit ko pa ang palad ko na parang nakikiusap pa sa kanila dahilan para sabunutan nila ako parehas.

"Mas bagay sayo magmadre!"

"Uyy bagay." Sundot nito sa tagiliran ko.

Tinarayan ko silang dalawa at sinabunutan din. Ang sakit kaya! parang nabunot lahat ng buhok ko. Charot!

"Tse! hindi ko na lang ikukwento sa inyo" kinuha ko na ang libro ko at binuksan pero bago ako makapagsimula sa pagbabasa ay narinig ko agad ang mga biro nila Mishy.

"Joke lang babe hehe. Sige na kwento na. Ito naman! libre kita mamaya milk tea."

"Eto na makikinig na kami. Hindi ka na namin aasarin love you."

Napangiti naman ako sa kanilang dalawa. Pag sinabi nila yon talagang gagawin nila, magkukwento na nga lang ako may libreng milk tea pa. I'm so swerte today.

At yun na nga nagkwento ako sa kanila at wala silang ginawa kundi hampasin ako at tumili sa loob ng room. Kahit ako ay kinikilig na din sa sariling kwento, nakakahawa talaga sila. Buti na lang ay sobrang aga namin pumasok kaya madami pa kaming time para magkwentuhan.

Halos araw araw din kaming magkasama ni Ethan. Minsan nasa condo ko siya, minsan nasa condo niya naman ako. Kapag mag free time ay dun lang kami naggagala, pero dahil sa dami ng ginagawa halos hindi na din kami makalabas, but that's okay. Sabay lang kami laging nag-aaral at sabay ding nagd-dinner. Meron pa ngang araw na magdadala yon ng breakfast kahit umagang umaga pa lang.

Grabe na rin yung effort na nakikita ko kay Ethan simula nung umamin siya. Kahit si Daddy ay napansin ito noong araw na iyon. Kaya alam na rin ng Fortelojo at Fajardo family ang tungkol dito, nagpaalam kasi si Ethan na liligawan ako sa harap ng madaming tao. And we didn't expect na hahabol ang ibang relatives namin, kaya nagkataon na alam na nilang lahat. After non ay nag-usap kami ni Dad.

π™π™‘π™–π™¨π™π™—π™–π™˜π™ 

"Are you sure about this Maze?" nag-aalalang tanong ni Dad. Kasalukuyan naman kaming nakaupo sa bench na malapit sa pool kung saan kami nakapwesto ni Ethan kanina. It's already 10:45 pm maya maya ay uuwi na din kami.

"Sure about what?" Kunot noo kong tanong. I don't know what he's talking about.

"Are you sure you don't want to tell Ethan about your feelings for him? You know I can see it in your eyes, the way you look and smile at him." napangiti ako, kilalang kilala niya ako.

"Yes naman! I'm one hundred percent sure. I'm sure about it, ayokong magmadali. Siguro hangga't sa maaari hindi na ko aamin, kapag sinagot ko naman siya alam niya na yung ibig sabihin nun. Alam kong mas sasaya siya, at least para sa una may thrill."

I heard my Dad chuckled. Inakbayan naman ako nito, na ikinangiti ko.

"Manang mana ka sa mommy mo, ganon din siya sakin noon. At tama ka nakakakaba at nakakapressure kapag yung nililigawan mo, hindi pa sinasabi o inaamin kung parehas ba kayo ng narararamdaman. Pero nung sinagot niya na ako, sobrang saya ko kasi, finally she's already mine. And I'm so proud of you because you chose the right choice, hija."

I'm so lucky to have a single father like him. Balang araw babawi ako sa kaniya, he deserves everything.

"Una pa lang sinasabili ko na sayo na mabait na bata si Ethan. And I know you already know that, kaya din pumayag ako sa arrangement at sa liligawanan ka niya dahil alam kong nasa mabuting kamay ka. Akala ko nung una mahihirapan pa kami sa inyong dalawa eh, parehas kasi kayong may pinaglalaban. Pero ngayon mukhang tadhana na ang gumagawa ng paraan pa sa inyong dalawa."

Nagtawanan naman kami, maya maya ay lumayo ako sa kaniya at kinikiliti siya.

"Ikaw daddy ha! naniniwala ka pala sa tadhana! Akalain mo yun, yung strict at seryosong tatay ko naniniwala sa ganon." patuloy ko pa rin siyang kinikiliti at patuloy rin namang siyang umiiwas. I miss this kind of bonding with him.

Nang mapagod ay tumigil na din ako. Binatukan niya naman ako dahilan para magtawanan ulit kami.

"Everybody does." He smiled. Sa kaniya ko talaga nakuha yung ngiting meron ako ngayon. And I'm happy.

𝙀𝙣𝙙 𝙀𝙛 π™π™‘π™–π™¨π™π™—π™–π™˜π™ 

Hindi sapat ang salitang masaya para ipahayag kung gaano ako kasaya nung araw na yon. Hindi ko man maamin sa kaniya pero maghihintay ako ng tamang panahon para dito.