11:30 na kami nakapaglunch dahil nag-overtime si Mrs. Yolangco para sabihin ang project na gagawin namin at kung kailan ang deadline nito. At tulad ng dati, next week na din ang pasahan nito. Pero okay lang naman, mamaya na din ako bibili ng mga gamit na gagamitin ko para sa project, at mamaya ko na din sisimulan.
"Kailan kayo magpapasa? kahirap hirap naman kasi ng pinapagawa ni Mrs. Yolangco!" sumimangot si Mishy habang nakapila kami para umorder ng pagkain.
Medyo mahirap nga ang pinapagawa samin dahil poetry or essay ang kailangang gawin but in a creative way. Para hindi plain tignan kailangang lagyan ng designs and decorations para mas magandang basahin. Minsan kailangan namin magdrawing. Ang poetry or essay namin ay tungkol dapat sa mga taong kailangan naming tulungan at ang pagiging hero sa lahat.
What's the importance of it, in what way do you show your care for others, for your family, friends and for yourself. And this is my favorite part of making projects, I can express and tell to everyone what I'm really thinking and what I feel for helping others.
Meron pa kaming dalawang subjects bago mag-uwian, sa totoo lang excited na ko bumili ng mga gamit ko para sa project it's been a month since I buy aesthetic school supplies. Mas gusto ko kasi yung simple pero aesthetic tignan, hindi kasi magulo at makalat. I want to focus my designs on what topic I had.
4:00 pm ay maghahanda na kaming lumabas dahil kakatapos lang ng klase namin, it's all chill. Pero may isa pa kaming project but this time, we need to draw a body parts of human with label. So, madami yun at mahirap pero kakayanin naman basta madaming gamit ang mabibili ko. Mas sinisipag kasi ako kapag magaganda at kumpleto ang mga gagamitin ko.
Minsan lang kami magka project ng gan'to madalas kasi ay puro quizzes at exercises ang ginagawa namin.
Sa aming apat kaming dalawa ni Kath ang pinakacreative, yung dalawa kasi ay maganda naman gumawa pero misan kulang pa din sa kulay at style. Hindi naman sa maarte kami ni Kat pero perfectionists kasi kami.
Nang makarating sa mall ay pumunta agad ako sa National Bookstore para bumili ng mga kailangan. Pumunta ako sa side ng mga stickers and tapes. Kamuha ako ng tig-dalawang stickers na may mga planets at emoji human stickers, kumuha din ako ng dalawang set ng washi tape na may kulay black, gray, gold, and red na may mga glitters din kaya cute tignan kahit dark.
Pumunta naman ako sa mga pens. Kumuha ako ng marker, color pens, color pencil, and extra ball pens just incase. Hindi na ako kumuha ng kahit anong paper dahil madami sa bagay, pero kumuha ako ng isang newspaper para maganda. Napadaan ako sa mga pencil case at pumili ng dalawang malaki para sa lalagyanan ng pens.
Habang hinihintay na ilagay lahat sa plastic ay nagring ang phone ko. I saw his name kaya agad kong sinagot ito.
"Nakauwi ka na?" medyo inaantok ang boses nito, siguro dahil sa laging puyat kakaaral. I already told him to take care of himself, sometimes he's skipping meals kaya napapagalitan ko din.
"Hindi pa, I'm buying school supplies. Why? Where are you?" kinuha ko na ang plastic at nag thank you sa cashier.
Naglalakad na ko palabas ng National Bookstore ng may nakita akong kakilala ko, agad ko naman itong kinawayan.
"Okay take care. Nothing, Can I study to your condo?"
"Sure! do you want me to buy our foods? or kumain ka na?"
"Wag na ako na bibili, umuwi ka na Natasha Maze 5:30 na oh malapit na magdilim niyan." Natawa ako sa kaniya, he's always like this.
"Yess boss, nasa parking na ako. Bye na see you later."
"Okay take care. Bibili na din ako ng foods natin, you want buttered shrimp and steak?"
"Omggg I want that! matagal na ko nagc-crave diyan. Bilisan mo ha? I'm hungry na" I heard him chuckled.
"Okay okay. Byebye see you later I love you."
Pinatay ko na agad ang tawag dahil sa kilig, lagi siyang nagsasabi ng I love you sakin pero hindi pa ko ready para ibalik sa kaniya. I love him so much but not now. We want to take it slow but he can't avoid saying those sweet words for me.
Nang makarating sa condo ay wala pa naman si Ethan kaya pwede pa ko magbihis at maligo. I'm wearing a plain white shirt and black dolphin short.
Maya maya ay narinig ko na ang pagkatok sa door kaya binuksan ko ito at nginitian siya.
"Hey I missed you" natawa naman ako sa kaniya dahil kahapon lang magkasama pa kami.
"Sus lagi mo naman akong miss! charot" tumawa kaming dalawa
"By the way this is for you." binigay niya sakin ang bouquet of roses and sunflowers kagaya nung una. Binigay niya din sakin ang dalawang ferrero.
Lagi siyang nagbibigay sakin ng kahit ano tuwing magkikita kami.
"Aww thank you! these are my favorites!" pinapasok ko na siya at nilagay muna sa room ang mga binigay niya.
He knows everything about me.
Paglabas ko ay nakita kong inaayos na ni Ethan ang mga kakainin kaya tinulungan ko na lang siya. Habang kumakain ay naisip kong sabihin sa kaniya ang gusto kong sabihin.
"Ethan?" kakainin niya na sana yung shrimp nang tawagin ko siya. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"bakit?" kumain na siya at uminom ng tubig. Ang takaw talaga nito pero hindi nataba.
"Wag ka na bibili lagi ng kahit ano tuwing nagkikita tayo ha? It's uncomfortable, I mean naa-appreciate ko lahat pero it's too much. Gusto ko chill lang, okay na yung nagsasama tayo kahit minsan. Araw araw ka namang nandito eh kaya hindi mo na kailangang bilhan ako." tinitignan ko mabuti ang reaction niya at napangiti na din ako nang ngumiti siya at tumango.
"Okie boss, I get it. I thought you were the type of woman who always wanted to give everything you want. But you're eally different, that's why I like you."
____________________