Chereads / The One (tagalog) / Chapter 11 - Muling pagkikita

Chapter 11 - Muling pagkikita

Apat na buwan narin ang lumipas noong Kaming dalawa ni Gel-an ay nag enjoy sa unang araw ng bakasyon sa resort.

Tagal narin Kaming hindi nagkikita ni Gel-an dahil.. Ako ay Nasa probinsya namin...

At si Gel-an naman ay naroroon parin sa kanilang bahay.. Tinutulungan ang kanyang nanay sa pagpapatakbo ng karinderya Nila..

Kaya hanggang chat... Text... At tawagan na muna Kaming dalawa... Minsan nag vi-video call kami Kung machambahan ko na medyo malakas ang signal namin sa probinsya.

Isang araw na Kaming dalawa ay nagkatawagan, namimiss kona kase Yung boses ni Gel-an Kaya naman... Naghanap ako ng magandang pwesto Kung saan malakas ang signal.. Nakahanap narin ako ng magandang pwesto na may medyo malakas ang signal Kaya naman... Dali-Dali Kong tinawagan si Gel-an at mangamusta

(meanwhile on the phone)

Ako: hello?...

Gel-an: ohhh love.. Hello?? Napatawag ka?

Ako: wala Lang namimiss ko na kaseng marunig Yung boses mo...

Gel-an: hahaha ako din.... Miss ko narin ang boses mo...

Ako: hahahaha yie... musta kana Jan love?....

Gel-an: ayos Lang naman ako... Medyo pagod Lang sa pagtulong sa karinderya pero Kaya pa naman..

Ako: sure ka love?... Baka naman pinipilit mo ang sarili mo kahit na pagod kana?

Gel-an: oo love... Kaya ko pa... Ako pa!!... Strong Kaya gf mo..

Ako: Kaya nga mahal na mahal ko eh..

Gel-an: hahaha sus!... Pinapakilig mo nanaman ako eh... Baliw!

Ako: hahaha I love you... Kulit...

Gel-an : I love you too... Baliw...

At, nagkwentuhan kami ng Kung ano-ano ang mga nangyare saamin sa buong araw na iyon

( UwU..... Sanaol may katawagan.... Sanaol may jewa..... Sanaol crush rin ako ni crush.... Sanaol mahal.... SANAOL!! SANA ALL!! SAAAANAAAA AAAAAALL DAAAAAK- ahem..... Tuloy ang kwento)

Ilang lingo narin ang lumipas at balak ko nang bumalik saamin Para makapiling ko na si Gel-an... Balak ko na kinabukasan ay babalik na ako at ihahanda ko ang mga Plano ko sa parating na anniversary namin...

.. Kaya naman hindi ko  na muna sinabi  sakanya na babalik na ako at sosupresahin ko siya pagbalik ko...

Araw na ng biyahe ko pabalik saamin... Hindi ko na  tinawagan o tenext si Gel-an dahil naubos na ang asking load  at personal ko nalang kakausapin si Gel-an...sumakay narin ako ng UV express at wala pang kataotao Kaya swerte ko at makakaupo ako sa gusto Kong upuan...

Diko na namalayang puno na Pala ang aking sinakyan Kaya naman aandar na rin sawakas ang aking sinakyan..  Kaya sinabi ko sa sarili ko,

"unting hintay nalang Kulit.... Parating narin si baliw"..

Kinuha ko ang earphones ko at nagpatugtug ako at natulog sa biyahe... Matagal man ang byahe pero Naka rating narin ako sa kinalakihan kong lugar.. Kaya nagjeep na  ako pauwi saamin kase Gabi na at bukas ko nalang pupuntahan si Gel-an..

Nakauwi narin ako sawakas... Kaya naman pagpasok ko sa kwarto ko nagpalit Lang ako ng damit at natulog na dahil antok na antok na ako kahit na natulog Lang ako sa biyahe...

Umaga na sawakas pupuntahan ko na ang taong pinakamamahal ko..

Matagal ko naring di nakikita si Gel-an ng personal.. Kaya naman pinuntahan ko siya sa kanilang karinderya... Naka facemask ako at nakacap,

( hahahaha bat ko ba naisipang gawin Yun muka akong holduper sa get-up ko hahaha jusko... Tuloy sa kwento)

At pumunta sa kanilang karinderya at nagpanggap ako bilang isang costumer Nila..

Pumasok na ako sa loob ng karinderya, napangiti at napalundag ako sa tuwa noong makita ko si Gel-an nasa bandang counter Lang siya kasama Yung mama niya, Kaya naman lumapit ako at Kunwaring patingin-tingin sa mga ulam na Naka display, tapos biglang nagsalita  Yung mama ni Gel-an ng,

Mama ni Gel-an: Gel-an.. Ikaw na munang magasikaso dito at may kukunin Lang ako sa bahay..

Gel-an: opo.. Segeh po

Sakto namang napatingin saakin si Gel-an at biglang sinabing,

"Kuya.. Ano po order niyo?"

Buti nalang di niya pa ako nahahalata na,

(ako to si natoy na mahal na mahal ka... Sana all may natoy na mahal na mahal ka hahaha-ahem tuloy sa kwento)

Ako to yung boyfriend  mo, Kaya pilit kong binago ang aking boses at umarte nalang ako na parang isang dayo Para kumain,

Ako: ah dito nga po sa giniling..

Gel-an: ano pong kasama Kuya?

Ako: ah... Dito nalang po sa pinakbet...

Gel-an: ilang rice po?

Ako: dalawa po...

Gel-an: Yun lang po ba ang order niyo?

Ako: at... Paorder narin nga po ng.... Ikaw

Napatingin nalang bigla saakin so Gel-an na Para bang namamanyakan saakin, Kaya naman Tina gal ko ang aking facemask, tinangal ang aking cap at sinuot ang aking eyeglass...

ngumiti ako at sinabing,

"namiss mo ba ako love??"

Napatawa nalang si Gel-an at ngumiti sabay sabing

"hahaha haha gaga!!...baliw ka talaga!!"

Umalis siya sa counter at dalidaling lumapit saakin at ako naman daldali ko siyang yinakap ng mahigpit..

Ako: hahaha.. Miss na miss na kita.. Kulit!...

Gel-an: miss na miss narin kita.. Baliw!!..

Nagkamustahan Kaming dalawa at nagkwentuhan habang tinutulungan ko siya sa karenderyahan Nila..

Hindi ko man napansin agad-agad

Pero...Tila ba parang may kakaiba sakanya na di ko naman napapansin noong Kaming dalaway nagkikita pa.. Pero hindi ko na inintindi at sinamahan ko nalang siya buong araw sa pagpapatakbo ng karinderya..

( Yung mama ni Gel-an na sabing may kukunin Lang daw siya sa bahay Nila.... Ang totoo.... Di na siya bumalik sa karinderya nung nakita niya ako na kasama ang anak niya... Buti nalang supportive ang nanay niya at pinabayan nalang Kaming dalawa Para magusap.... At natulog nalamang siya.... Weeeeews... SANAOL SUPPORTIVE!!!)