Chereads / The One (tagalog) / Chapter 17 - Munting pagasa

Chapter 17 - Munting pagasa

Ilang lingo na ang lumipas at medyo nakakamove on na ako sa nangyare...

Unti-unti narin akong Nakakatayo mula sa pagkakadapa ko sa masakit na pangyayare...

Natuto akong bumitaw sa napakahigpit kong pagkapit Kay Gel-an...

Oo Aaminin ko na minsan nagkakasalubong kami ni Gel-an sa Daan.. Pero... OK Lang.... wala ng pansinan... Gaya nga ng  sinabi ko "back to being strangers... But... this time with memories"

... At syempre pagkatapos mong magmahal ng so rang sobra... Magiging bitter ka... Oo Pati rin ako.. Naging napakabitter.... Sa sobrang pagkabitter ko kapag may nakakasalubong at nakakasabay na magkasintahan.. Eh.. Hindi ko mapigilang mainis at mairita sa kanilang dalawa...

Isang araw nga may nakasabay akong magkasintahan na sumakay sa jeep... Aba... Akala mo naman Kung maglandian sa loob eh parang walang mga Tao sa paligid Nila... Para bang hotel na Yung jeep... Gusto ko na silang sapakin pero malapit na ang bababaan ko...

Isa rin noong naglalakad ako sa sidewalk at may nakasabay kong naglalakad na magkasintahan na nagaakbayan at biglang naghahalikan... Grabe sobrang PDA na ang mga magjojowa na ngayon... Akala mo naman Kung naiingit ang buong Mundo sakanila... Minsan gusto ko na silang itulak,

( Itulak sa gitna ng kalsada Para masagasaan silang dalawa at madurog ang mga buto-buto at mga muka Nila BWAHAHAHAHAHAHAHA... MUWAHAHAHAHAHA-ahem... tuloy sa kwento.... )

Para madapa at pagtawanan sila... Pero hangang sa imagination ko nalang ang mga iyon... Inuunahan ko nalang sila.. Binibilisan ko nalang ang aking paglalakad  at piliting wag silang pansinen..ganyan ako kagrabeng bitter....

Naging malamig narin ako sa pakikipag-usap sa mga kababaehan kase baka mahulog nanaman ako ng wala sa oras at masaktan nanaman ng sobra.. And the cycle goes on...

Oo minsan nararamdaman ko rin na parang maykulang saakin...at iniisip ko na  manliligaw nanaman ako... Pero naiisip ko ang mga nangyare saaming dalawa ni Gel-an... Nawawala na ang gana ko na maghanap ng babaeng muling mamahalin...

Akala ko Magiging ganito na ako kalamig habang buhay... Pero hindi ko ring napigilang manlandi...

Oo... Naging malandi akong lalaki... At nilandi ko ang kalahati sa mga kababaihan sa aming klase... At sa iba pang kalapit na section namin... Meron rin yung time na may Nakilala akong babae dahil ka Nate....

Nagpatulong saakin si Nate dahil may group activity silang kailangan ng isang taong marunong sumayaw... Kaya naisipan niyang magpatulong saakin..

Tinawagan niya ako noong nakahiga palamang ako sa aking kama at nasasarapan sa pagtulog..

*phone rings*

Nagising ako sa ingay ng aking telepono....wala na rin akong magagawa kundi bumangon at sagutin Kung sino man ang taong tumatawag ng napakaaga ng sabado..

Tinignan ko Kung sino ang tumatawag si nate Lang Pala..

(Meanwhile sa phone)

Ako: oh... Hello?.... Ang aga-aga pa ah.... Napatawag ka?.... *yawns*..

Nate: bruh... Need ko tulong mo...

Ako:... Oh... Anong... Magagawa ko?

Nate: kailangan namin sa grupo ko ng choreographer.... Eh ikaw Lang kilala kong magaling sumayaw...

Ako: huh?... Di naman ako magaling eh.... Marunong Lang... *ina-antok parin*

Nate: pahumble ka pa jan... Basta kailangan ka namin... Segeh na bruh...

Ako:..... Ah.... Oo na.. segeh na.... Kailan niyo ba ako kailangan?.....

Nate:.....you free today?

Ako:.... Yeah..... Wala naman akong gagawin today....

Nate: perfect!..... Sunduin mo ako mayang 10 dito sa bahay...

*Tinignan ko na ang oras... At 8:45 AM na*

Ako: oo segeh... On the way na ako...

Nate: huh? Agad-agad?!.... Ang bilis mo naman!....

Ako: on the way na sa kama... Hehehe

*at muli akong humiga sa kama*

Nate:.... Boi... Bangon Kana Jan.. Basta kita tayo Mayang 10... Geh.. Sayonara( goodbye in Japanese)

Ako: segeh segeh..... Dasvidania( goodbye in Russian)

Binaba ko na ang aking telepono... Inaantok parin ako at nahuhulog parin ang aking mga Mata... At hindi ko namalayang naka-idlep na Pala ako... Buti Nagising pa ako.. At Tinignan ko Kung ano na ang oras at tumambad saaking muka ang 9:25 AM... Nagmadali na ako... Dumeretso sa banyo Para maligo at bumalik sa kwarto Para magpalit... Kakuhakuha na ako ng Kung anong pwedeng idamit sa aking drawer... Nagsipilyo at nagsapatos... At umalis na.

Nakarating parin ako sa bahay Nila Nate ng saktong 10... Buti nalang umabot ako... Sabay Kaming nagpatown ni Nate... At pumunta sa isang Park Kung Saan matatagpuan ang mga kagrupo ni Nate... Una nahihiya ako kase hindi ko sila kakilala at ito Yung unang beses ko na magturo ng sayaw... Pero nasanay rin  ako sakanila at sa pagtuturo... Buti nalang madali silang turuan... Nakilala ko lahat ng mga kagrupo ni Nate at Isa sakanila ay si MJ....

( Si MJ ay maliit na babae nasa chest level ko siya... Cute siya... Maganda ang pangangatawan... Sakto Lang ang kagandahan... At devoted siya sa religion niya)

Madaling turuan ang mga kagrupo ni Nate lalong-lalo na si MJ Kaya naman sakanya ko na muna tinuturo ang mga choreography ko Para siya nalang ang magturo sa grupo Nila... Akala ko di na kami magkikita ni MJ dahil tapos narin ang activity Nila na sumayaw Kaya di na Nila ako kailangan... Pero tinawag ulit ako ni Nate Para tulungan silang magpaint.. Eh saktong ang pagpipaint ay ang pinakamain na hobby ko Kaya medyo magaling ako sa pagpipaint... Muli Kaming nagkita ni MJ at tinuruan ko siya Kung paano gawin ang isang scenery...

hindi ko Alam Kung anong nakita saakin ni MJ pero hindi ko na namalayang nahuhulog na Pala siya saakin... Umamin siya saakin na nagustuhan niya ako dahil talented daw ako... Pero hindi naman masyado... Marunong Lang... Hindi ko Alam Kung anong nakain ko pero si MJ ay linandi ko... Lalo Kong pinahuhulog siya saakin.... Akala ko noon na hindi na muli mapapatibok itong puso ko na sing tigas na ng bato... Pero dahil Kay MJ... Muli akong sumubok at muling nagkagusto sa isang babae...

( Salamat Kay MJ muli akong Natutong magkagusto at magmahal... Dati ang tunay Kong Plano... Eh paglaruan Lang siya.....oo ansama-sama ko noh?.... Ang paglaruan ang kanyang nararamdaman ang una Kong Plano..... Pero... Hindi ko na rin namalayang Unti-unti narin akong nahuhulog sakanya...at muling nagkaroon ako ng Munting pagasang isipin na siya na ba ang The One?..)