Sawakas eto na!! Eto na ang pinakaminimithi naming lahat!! Pagkatapos ng mga kalbaryo, paghihirap, pagsasakrepisyo,at sakit sa ulo, sawakas magaganap narin!!
Ang GRADUATION!!!!!
( eh sinong hindi maeexcite sa graduation.... Diba wala... Eh kase ito na Yung time na pagkatapos ng lahat ng paghihirap niyo eh masusuklian na ng pagmamarcha sa stage at kukunin ang diploma.... Diba Saya noh??.... OK ituloy na natin ang kwento)
Lahat kaming nasa grade 10 nasa gym kaming lahat Para magpractice kung ano ang gagawin sa graduation ceremony.
Kung papaano magmarcha ng Tama... Kung paano uupo kung saan ka dapat uupo... Kung saan ka pwepwesto sa stage Para kunin ang iyong diploma... At kung paano kukunin ang diploma..
Muka mang madali pero... Hindi to ganun kadali kung lahat kayo ay hindi aayos at kaylangang kayo ay disciplinadong mga tao... Pero ang batch ko... Wala... Kaming lahat ay parang mga hayop na nasa zoo... Magkakaibang ugali.. Kaya nahirapan ang mga coordinators namin sa unang araw Palang ng practice Kaya nagbreak na muna kami at kumain Para mamaya ulit eh... Itutuloy ang practice..
Pinuntahan ko kung saan ang section ni Gel-an at grabe medyo nahirapan rin ako sa kakahanap sa girlfriend ko.. Andaming section at mag-aaral ang nasa gym...
Sawakas nahanap ko narin siya.. Nakita ko siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya..
Bigla naman akong napansin ng Isa sa mga kaibigan niya at... kinalabit nito si Gel-an at sinabing....
"hoii... Babae... Andiyan na boyfriend mo!..)
Dali-dali namang lumingon si Gel-an at ngumiti saakin..
Kaya ngumiti rin ako pabalik at senenyasan ko siyang lumapit saakin..
Maya-Mayay nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya at lumapit siya sa pinaroroonan ko..
Gel-an: Oh....bakit love? Napadalaw ka Ata?..
Ako: aahh wala Lang.. Gusto Lang kitang makita...
Gel-an: suuuus ito naman.... Miss moko noh??
Ako: luh!... Hahaha oo na... Eh kumain kana ba?
Gel-an: dipa... Kakain palang..
Ako: Ayy sakto!... Tara sabay na tayo!
Gel-an: segeh ba!!...
Kaya pumunta na kami sa cafeteria at naghanap ng masarap na makakain,
( Pero.....ehehehehe Ako Lang Yung masarap dun..... Ughhhh... Ahem tuloy sa kwento)
Nakahanap na si Gel-an ng makakain niya, samantalang ako nahihirapan ako sa pagpili ng kung ano ang Mas trip kong kakainin... Kaya sinabi ni Gel-an na...
Gel-an: oh!!.. dika pa Pala nakakapili...
Ako: hahaha oo ngae... Diko Alam kung anong Mas trip kong kainin eh..
Gel-an: naku.. Pili kana Jan love... Hanap Lang ako ng mauupoan natin..
Ako: segeh... Sunod ako sayo love..
At sawakas nakapili narin ako ng makakain.. At Dali-dali Kong hinanap kung saan nakaupo si Gel-an.. At mayamayay nahanap ko narin siya at Pinuntahan ko siya, at kumain na kaming dalawa, Para may lakas kaming magpractice mamayang hapon..
Tatlong lingo narin ang lumipas at graduation day na... Di na muna kami nagkita ni Gel-an sa araw na Yun dahil kaming lahat ay dederetso sa pwesto nang section namin, at hihintayin ang iba pang mga kaklase...
Kompleto narin sawakas ang bawat section.. At nagsimula na nga ang pagmamarcha... Hangang sa nakapunta na kami sa upuan namin...
Kumanta kami ng national anthem.. At ang kahulihuliang pagkanta ng school hymn namin... Pagkatapos ay nagdasal kami at kaming lahat ay Kumanta ng pasasalamat namin Para sa mga magulang... Nagbigay ng graduation speech ang valedictorian namin ng napakatagatagal.. At kuhanan na ng diploma..
Section na namin ang mauunang kukuha ng diploma... Ilang kaklase na ang umakyat at kinuha na Nila ang ka nilang mga diploma at ako naman na ang kukuha ng diploma ko...tas noong Umakyat ako sa hagdanan ng stage at kinuha ang diploma ko at humarap sa maraming estudiyanteng nagpapalakpakan at sa damidami ng estudiyanteng naroroon... Nakita ko si Gel-an na nakatayong pumapalakpak.. Napangiti ako ng sobra sa aking Nakita... At nag bow na ako at bumaba na sa stage..
Ginawa ko rin ang ginawa ni Gel-an noong si Gel-an na ang pumunta sa stage... Tumayo ako at pumalakpak.. Nakakahiya man pero... Ginawa ko Yun dahil sinoportahan ako no Gel-an kanina Kaya naman susuportahan ko rin siya..
Closing ceremony na at Mayamayay nagpalakpakan na kami dahil sawakas tapos na ang sampung taon ng paghihirap namin at handa na kami sa susunod na level ng pagiging isang estudiyante...
Dali-dali kong hinanap si Gel-an.. Pero siya ang unang Nakahanap saakin...
Yinakap ko siya ng todo na sa bandang nabuhat ko na siya,
Gel-an: luh... Hoii!! Baliw!! Hahaha
Ako: hahaha sorry nadala Lang..
Gel-an: hahaha OK Lang
Ako: lika!! .. Papakilala kita sa pamilya ko!.
Gel-an:.. Ha... Ah..??.. Te.. Ka Lang... Nahihiya... Ako eh...
Ako: OK Lang Yan... Ako rin naman nong pinakilala mo ako sa pamilya mo eh... Lika na...
Dali-dali ko siyang hinila papunta sa aking pamilya at pinakilala ko siya... Mayamayay nakuha ni Gel-an ang mga loob ng aking pamilya.. Kaya naman ay kumuha kami ng litrato ng kami Lang ni Gel-an..
At mayamayay kaming dalawa at ang pamilya ko..
( ah memories brings back memories... Grabe sobrang Saya ko noong pinakilala ko si Gel-an sa aking pamilya at nagustuhan siya ng pamilya ko...napapangiti parin ako tuwing naalala ko Yun..)