Ilang araw narin ang lumipas at mukang ayos naman na si Gel-an Kaya hinahanda ko na ang sarili ko Para sa pag-amin sa tunay kong nadarama Kayat todo ang pagiisip ko Kung sasabihin ba sakanya ang tunay kong nararamdaman o Kaya itago ko nalang at maging magkaibigan nalang talaga.
"Eh Kung Umamin ako sakanya,tapos sinabi niya sorry hanggang kaibigan Lang talaga tayo...
O Kaya iiwasan niya na ako, masisira pa ang pagkakaibigan namin"
Kung ano ano pa ang pinagiisip ko na may posibilidad na mangyare, na Para bang sa isang palabas na nagaaway ang anghel at Ang demonyo Kung sinong Mas Tama sakanila.
( Sa totoo Lang sinulat ko sa notebook ko ang mga pros and cons ng pag-amin ko at ang pagsekreto ng tunay Na nadarama... Grabe andami kong nasulat, napuno panga yung isang page ng notebook ko eh.. Share ko lang.. Balik sa kwento)
Hapon na at pauwi na kami pero pumunta muna kami sa tindahan ng mga Kung ano-anong street foods at bumili kami ng kwek-kwek.
Nang nakabili na kami ay pumunta kami sa paboritong pwesto namin at umupo Para kumain, Nagkwetuhan kaming dalawa kung anong nangyare saamin sa buong araw na iyon, at nang naubusan na kami ng topic, nagkaroon ng moment of silence
"hoy gago ngayon na Yung chance mo Para Umamin... Aminin mo na sakanya ang tunay mong nadarama"
"hindi, huwag na Kaya muna baka iiwasan ka Lang niya"
Sinabi ko ito saaking sarili. Nagaaway nanaman ang anghel at Ang demonyo ko. Sege na nga aamin na ako bahala na Kung anong mangyayari.
Ako:Oii bess!
Gel-an: Oh ano yun bess?
Ako: may sasabihin ako sayo... Pero wag kang magugulat.
Gel-an: sege try ko... Pero depende nalang kung anong sasabin mo.
(Well here goes nothing...)
Ako:bess?
Gel-an : ano Yun bess?
( heto na....)
Ako: eh kase.... Ah... Eh...
Gel-an : ano?? Sabihin mo na hahaha
( Sabihin mo na!! Bilis!! Wala ka Pala eh mahinang nilalang! Isa Kang walang kwentang ta- aheem balik sa kwento)
Ako: crush kita...gusto kita hindi Lang gusto... Mahal kita!!
Gel-an :hala!!
Gel-an :Hahaha Kailan pa??
Ako: simula pa noong unang araw na tayoh nagkakilala
( Yeeeeeees!!! Finally! Umamin kana rin)
Hindi ko inaasahan ang sumunod na eksena
"GUSTO RIN KITA"
(.... Nani??!!!!?!?!..)
Mga salitang nagpalundag saaking Puso sa sobrang saya
Ako: weh.... Hindi nga??!
Gel-an: oo nga... Bahala ka Jan Kung dika maniniwala
Ako: kailan pa??!
Gel-an: since noong ikaw ang naging sandalan ko sa bawat problema ko... Diko na napigilang mahulog sayo
"Totoo ba itong naririnig ko?" tanong ko saaking sarili
Dali-dali kong tinanong na
"so... Pwede ba akong... manligaw sa babaeng tulad mo?"
"Oo naman, ikaw pa!"
At nagsimula nanga ang panliligaw ko Kay Gel-an.
( Sana all crush rin ng crush Nila huhuhu... Aheem balik sa kwento)