5 TAON ANG NAKALIPAS....
PAALIS NA ang isang van ang mag-kakaibigan Janrick, Giro, Vessie, Lea, Marco, at Ruby.
Bibyahe sila patungo sa Batangas para makapag-bakasyon. Kasi tuwing summer naman ay gawain talaga nila ang mamasyal at mag-bakasyon kung saan. Dahil iyon ang kinasasayahan nila.
"Patigil naman nang sasakyan, nahihilo ako," anas ni Ruby. Tumigil naman ang sasakyan upang pag-bigyan ito. Binuksan ni Ruby ang pinto at sumuka.
Well, isa siya sa lahat na palaging nag-susuka dahil sa haba nang biyahe. From Manila to Batangas kasi ang punta nila. Mga tatlong oras pa 'ata sila makakarating, o hindi naman kaya ay ilang oras dahil traffic. Si Ruby ay maputi at makinis ang balat dahil minsan lamang siya masinagan nang araw, Siya rin ay may maganda at perpektong mukha.
"Ano ba 'yan, Ruby. Dapat kasi nag-dala ka nang plastic para doon ka na lang sumuka at hindi na tumigil ang sasakyan."
"S-Sorry na," namamaos na anas ng dalaga sabay dukot ng isang botteled water sa bag at uminom.
"Tara na, baka pa hapunin tayo," saad Giro na nag-mamaneho nang sasakyan.
Tumango na lang si Ruby bago pumasok at isinara na ang sasakyan. Muling umandar ang sasakyan.
Maingay sa loob.
May mga musikang tumutugtog.
Hindi naman sa nangiinsulto. Pero inis na inis talaga si Ruby sa gano'ng kaingay. Parang mga walang tenga. Inihilig niya ang kanyang ulo upang sana'y matulog. Pero hindi pa man siya dinalaw nang antok ay agad na pumireno ang sasakyan nang malakas dahilan para maumpog siya sa sandalan sa unahan niya.
Hinawakan niya 'yon. "A-aray," daing niya.
"Fuck! Sorry kung nasaktan kayo. May itim na pusa kasing dumaan," ani Giro at huminga pa nang malalim.
"That damn cat, mga pagala-gala kasi, so what kung mabangga natin siya, kasalanan niya 'yon," anang Vessie at inilagay ang headphone magka-bilang ulo niya. Ang lahat naman maliban kay Giro na nagmamaneho ay napatingin dahil sa sinabi niya.
Nakaramdam nang kakaiba ang dalagang si Ruby. Parang may masamang mangyayari na hindi niya naman alam. Iba ang pakiramdam niya. Ang pamilyang kinalakihan kasi ni Ruby ay namumuhay sa mga pamahiin, kaya ganoon nalamang ang kaba niya.
"Kinakabahan ako," aniya sabay sabay hawak sa dibdib.
Napabalikwas nalang ng tingin it okay Ruby,"What the heck?!," asik ni Lea. "H'wag kang maniwala sa iniisip mo… Pusa lang 'yon, tara na. We need too go baka gabihin pa tayo," saad naman ni Lea napinipigilang mag-taray.
Si Lea ang pinaka close ni Ruby sa magkakaibigan, Si Lea ang anak ng pagmamay-ari ng kanilang eskwelahan sa kolehiyo. Dugong bughaw ito, at may lahing intsik. Mas maputi ito at singkit ang mga mata.
Muli ngang umandar ang sasakyan. Muli silang nag-saya pero si Ruby may ibang kutob.Iba kasi para sa kanya iyon, parang isang pangitain na hindi niya mawari. Napalumod laway na lang siya at bumaling sa labas nang bintana kahit nakasarado.
Gusto niyang libangin ang sarili. Naiwan niya pa ang cellphone niya dahil sa kadalian nang mga kaibigan. Anong gagawin niya? Wala siyang magawa kun'di ang sumabay sa ingay nang mga kaibigan.
"Gusto mo bang hiramin?"
Napatingin siya sa tabi niya at nakita niyang nakataas ang kamay ni Marco habang hawak-hawak nito ang cellphone niya. Kapag hihiramin naman niya, e'di ito naman ang mawawalan ng libangan. Nag-dadalawang isip pa siya kung kukunin niya ba o hindi.
Si Marco ay isang meztisong binata. Napakaperperkto rin ang pangangatawan nito at mukha, dahilan na maraming nagkakagusto sa binata. Ngunit matagal nang may isang babaeng nag-iisa sa kaniyang puso, ngunit hindi ito alam ng misteryosong babae na 'yon.
Umiling ito at tipid na ngumiti. "H'wag na lang," suhestyon niya.
"Tch! Ayos lang sa akin." Sabi nito at abot tenga ang ngiti.
Pilit sa kanyang inabot ang cellphone nito. Wala na siyang magawa kun'di ang kuhanin. Gusto rin naman niya iyon upang malibang siya.
"Ano bang gagawin ko?" tanong niya at itinaas nang bahagya ang kamay kung saan naroroon ang cellphone.
"Ano bang hinahanap mo kanina? Cellphone mo, tama ba ako?" Pabalik na tanong sa kanya ng binata.
"O-Okay..."
Binuksan niya ito. Wala namang lock, wala rin naman yatang kababalaghan roon. Bumungad sakaniya ang halo halong pastel color na wallpaper nito. Binuksan niya ang data sabay bukas nang Facebook.
Lumingon muli si Ruby sa tabi niya. "Logout ko muna account mo rito ha, online ko lang 'yong akin ng sandali," aniya. Tumango lamang ang binata sabay ngiti.
Ilang minuto ang nakalipas ay ibinigay niya na rin ito. Wala na siyang ka-chat. Agad rin 'yong kinuha ni Marco.Wala nang ingay sa loob. Puro mga tulog. Pagod yata sa mag-iisang oras pa nilang biyahe.
"Janrick, baka puwedeng ikaw muna ang mag-drive. Masakit na kasi 'tong kamay ko 'e," Mayamaya pa'y sambit ni Giro.Pinatigil nito ang sasakyan at lumabas sa driver seat.. Nag-lipatan lang sila ni Janrick nang upuan at muling umandar ang sasakyan.
Hindi pa rin mawala ang kutob ni Ruby. Para talagang may mangyayaring masama. Hindi naman 'yon mawala. Sana hindi iyon totoo---at kung totoo man, wala sanang mapahamak.
"FUCKING shit!" Malakas na mura ang pinakawalan ni Janrick dahil kusang tumigil ang sasakyan. "Fuck! Wala nang gasolina…" Pilit nitong pinipihit ang susi ngunit hindi na ito naandar.
Kinalabit ni Giro ang mga kasama. "Guys, wala nang gasolina." Nag-aalalang tinig nito. " Eh medyo malayo pa tayo tapos nandito pa tayo sa kalsadang puro puna at parang malayo pa sa bayan..." sabi pa nito.
Nanlaki ang mga mata ng lahat. Excited pa naman sila sa bakasyon nila pero natigil iyon sa inanunsyo ng binata. Itong taon na 'to ang sad trip nila.
"What?!" Nangibabaw ang nakakainis na tinig nito sa buong sasakyan, dahilan para matakip ang ilan sa kanilang tenga. "Nakakatakot dito.. I can't stay in here. I'm scared na, eh," may kaartehang sambit ni Vessie at yumakap pa sa sarili.
Napataray nalang sa kawalan sina Ruby dahil sa kaartehan nito.
Si Vessie ang pinaka selfish at maarte sa magkakaibigan, Maganda ito at maputi pero sa likod niyon ay ang kaniyang hindi magandang pag-uugali.
"Shh. Secured tayong lahat if pagtutulungan nating itulak 'tong van," sambit ni Giro.
"Tch! Nahihibang ka na ba? Mapapagod lang tayo, tumawag na tayo ng tulog..." mataray na tugon ni Vessie dito. "See, mag-gagabi na, nakakatakot talaga. Baka mamaya may balete rito..." sumilip ito sa bintana at agad din ibinalik ang tingin kay Giro. Sumiksik nalang siya sa tabihan ni Lea na tulog na tulog at hindi alam ang nangyayari.
"Sige, tatawag ako. Pero paano kung out of coverage? Wala tayong choice kun'di ang itulak 'to." Medyo pagalit na anas ni Giro at inilabas ang sariling cellphone sa bulsa.
Napakagat naman si Ruby sa kaniyang ibabang labi dahil kinakabahan ito at hindi rin alam kung ano ang gagawin.