DAHAN-DAHANG pinihit ni Marco ang pinto sabay itinulak iyon. Hindi pa man nakakalahati ang bukas nang pinto ay may narinig silang sigaw sa kanilang likuran. Napatingin si Ruby na nakita niya ang kanyang mga kaibigan. Lumapit ang mga ito sa kanilang dalawa. Napatingin pa siya kay Lea na gulo-gulo ang buhok.
"Bakit naman kayo naririto? Grabe kayong dalawa, ha, pinag-alala niyo kami. Nandito lang pala kayo," anang Lea sabay ayos nang buhok.
Wala sa sariling napakamot sa sentido nalang si Ruby."Ano kasi..." Nagtaas siya ng tingin kay Marco at agad din binawi iyon. "M-May biglang gumapang sa paa kong madulas kaya nag-tatakbo ako at naitulak ko si Marco kung saan. At dito kami napapunta." Tango tangong pagku-kwento ni Ruby. "Siguro dito na muna tayo mag-pahinga kaysa sa labas pa," dag-dag pa nito.
Binuksan na nga ni Marco ang kabuuan nang pintong iyon. Bumungad sa kanila ang madilim na loob.
Sinuri niya ang paligid ngunit wala talaga siyang Makita kundi dilim. "Sinong may dalang flashlight?" tanong ni Marco. Naglahad siya ng kamay sa kaniyang gilid kung saan nandoon ang mga kaibigan niya.
"Ito, oh. Nakakahiya naman sa inyo," ani Vessie sabay binuksan ang flashlight sa cellphone na't ibinigay.
"S-Salamat."
Maalikabok...
Puno ng mga bagay na para bang sinauna na.
Maraming mga alikabok sa kisame, sa mga vase, at maski sa hawakan ng hagdan. Dahan-dahan silang pumasok at nang makapasok ay agad na may naramdamang kakaiba si Ruby. Ramdam niya na parang may kaluluwa sa paligid.
Mabilis kasi siyang makaramdam dahil may third eye siya. Oo, meron siya kaya kung maka-react kapag may mga pangitain ay wagas. Hindi niya naman ginusto iyon, eh. Basta simula pa lang ng bata siya ay nakakakita na. May time nangang nakikipaglaro siya sa mga batang espirito. Muling bumalik ang kuryosidad sa kanyang isipan dahil sa loob nang bahay na kinaroroonan nila.
"My god!, baka mamaya niyan bahay 'to ng killer o spirits, no. Nag-iisip naman 'ata kayo, right? Let's go na bago pa lumabas ang masasamang elemento." Maarteng bulalas ni Vessie sabay labas pero natigilan din siya ng hindi sumunod ang mga kasama.
"Ikaw, nag-iisip ka ba? Saan ba mas ligtas, sa loob o sa labas? Hindi ba't sa loob? If we're staying there baka doon ay may masasamang elemento." Iling iling sabi ni Ruby. "Kung gusto mong umalis, then go… Mag-isa ka at baga lingkisin ka nang ahas hindi ka na pala lilingkisin kasi ahas ka na," Sabi ni Ruby na may mataray na tono.
"Oo nga!" Pang-aasar ni Giro kay Vessie. Dahilan para lumapit ito sa kaniya. Pinag-hahamapas ni Vessie ang dibdib nito na siya namang tawang-tawa. Loko rin ang isa 'to, nangaasar pa.
Napataray nalang sa kawalan si Ruby. "Siguro lumabas na nga lang tayo, may nararamdaman kasi akong masama," wika nito.
"Diba't ikaw ang nag-suggest na dito mag-stay?" Ngising sabi ni Giro. "Go, mag-sama kayo ni Vessie at baka hilahin pa kayo ni Kamatayan. Kakatayin kayo no'n," Natatawang pang saad ni Giro. Muli na naman siyang hinampas ni Vessie sa dibdib.
Kagat labing umiling nang umiling si Ruby. "Hindi oras nang katatawanan, sige, manatili tayo rito. Pero kapag nakaramdam kayo ng kakaiba ay aalis na tayo. Parang may mali talaga, eh," saad pa nito.
Lumakad paharap si Janrick. "Tara na nga sa taas at baka may kuwarto…" Sumenyas pa ito na tumuloy na. "Nabitin ako kanina, tumili ka kasi, Ruby 'e." Umarko naman ang labi nito at kinindatan si Lea na nasa likod ni Ruby. Parang sinisisi pa siya ni Janrick dahil nabitin ito.
Narinig kasi nila ang sigaw ni Ruby kaya napatigil sila. Ayun! Hindi pa pumuputok!
"Tara na nga, baka sipain ko kayo nitong aking magic legs," bulalas ni Lea at dali-daling hinila si Janrick pataas.
HINDI mapakali si Ruby dahil iba talaga ang nararamdaman niya. Palikot-likot siya sa kinahihigaan.May masamang kutob talaga siya sa lugar, Hindi matanggal ang kaniyang kaba na nararamdaman. Dahil sa inip ay tumayo siya at tumingin sa bintana. Nang may bigla siyang nakita sa hindi kalayuan.
Isang babae, nakabestidang puti, at may hawak na malaking gunting. Napaatras siya at napapikit. Mumulat siya at muling tumingin. Lalo siyang natakot at bumilis ang pintig ng puso niya, Parang gusting kumawala.
Naroroon pa rin at matalim ang tingin nito sa kanya. Napalumod laway na lamang siya nang biglang sumuka ng dugo ang babae habang ginagalaw ang gunting na para bang gustong putulin ang ulo niya. Galit na galit ito na parang siya ang may kasalanan ng lahat. Hindi na alam ni Ruby ang gagawin niya.
Napaupo siya sa sahig dahil halos manlambot ang kaniyang mga tuhod. Hindi siya natatakot kun'di naaawa sa babaeng 'yon. Huminga muna siya nang malalim sabay napagpasyahang lumabas ng kuwarto.
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at ng makababa ay agad niyang binuksan ang malaking pinto. Nilipad pa ang buhok niya ng sumalubong bigla ang malamig na hangin. Lumabas siya at hinanap kung saan naroroon ang babae kanina, Paikot ikot siya ng hanap. Ngunit hindi na niya ito makita. Hindi siya puwedeng mag-kamali, hindi iyon guni-guni.
Natigilan siya bigla nang may kumalabit sa likuran niya dahilan para mapalingon siya. Napaatras siya dahil muli niyang nakita ang babae. Naramdaman niya ang namuong luha sa kaniyang mata, Hindi galit ang biglang naramdaman niya kundi takot at awa.
"Anong kailangan mo? Bakit ka nagpakita sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Ruby.
Tumingin ang babae sa hawak nitong gunting at pinaglaruan itong gamit ang mga daliri. "Gusto kong mag-higanti, patayin mo ang gumahasa at pumatay sa akin. Hindi kita papatayin basta't ipapangako mong papatayin mo ang demonyong lalaking 'yon. Maawa ka! Maawa ka!" Parang batang saad nang babae. Humawak ito sa kamay ni Ruby na ikinatindig balahibo naman ng dalaga.
"I cannot promise that… kasi hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy mo. Maiwan na kita, maaaring ikaw na lang mag-isa ang mag-hanap sa suspek. Dalawa lang ang paa ko and I don't know where I'm go, kung hanapin ko man iyon," aniya sabay hila ng kamay niya at agad na nag-lakad.
"Ipaghihiganti mo ako o… papatayin ko ang mga kaibigan mo?"
Natigilan siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng babaeng 'yon. Hindi niya aasahan na gano'n ang sasabihin niya. Mabuting kaluluwa ba iyon o masama?
Muling tumulo naman ang mga nagmumugtong luha nito sa kanyang mga mata. "Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko!" singhal niya.
"Huwag mo akong sisinghalan, ate. Kahit childish ako... Pumapatay rin aki ng tao kagaya mo. Gusto mo pugutin ko ang ulo mo gamit ang gunting na 'to? Gawin mo at kung hindi, mag-handa na kayo sa pag-hihiganti ko!" wika ng babae sabay nag-laho na.
Natigalgal ang dalaga. Hindi naman niya kilala ang tinutukoy ng kaluluwang 'yon, eh. Dapat kasi hindi na sila tumuloy dahil pagtapak pa lamang niya sa sahig ay iba na ang naramdaman niya. Hindi niya masisisi ang sarili kung pumayag siya sa gusto ng mga kaibigan.
Agad siyang pumasok sa loob at muling bumalik sa kuwarto. Nagulat pa siya dahil nakita niya si Marco na nakaupo sa kama.
Napakusot nalang siya ng mata at nag-angat ng tingin. "Marco!"
"Hindi naman ako bulag para hindi ko makita ang ginawa mo sa labas.." Mahinang tumawa ito. "Baliw ka ba, ha?" tanong nito sa kanya.
Napalunok siya. "Ano bang kalaseng tanong iyan? Of course not!," sagot nito at unti-unti nang lumapit sa higaan. At inabala ang sarili sa gamit na nasa harapan nita.
Ngunit parang hindi pa rin nakuntento ang binata. Tumayo ito at medyo lumapit sa kanya.
"Ruby…" Mahinang tawag ni Marco.
"Hmm.." Tipid na sagot ni Ruby na hindi tinatapunan ito ng tingin.
"Uhmm…May third eye ka ba?" tanong nito sa kanya dahilan para mapatigil siya sa kanyang ginagawa. Tumingin siya sa mga mata nito na para bang sinasabi na wala!