BIGLAANG bumuhos ang malakas na ulan, may kasamang kulog at kidlat. Napatingin na lang sila sa kapaligiran. Hindi na sila natuloy pa sa kanilang pag-alis. Wala rin naman silang panangga. Paano na iyan? Napaupo na lang sila sa sopa habang si Vessie ay inaalalayan ni Ruby. Hindi pa rin kasi maampat ang dugo kahit na may telang nakabalot roon.
"A-Ouchie..."
"Paano na 'yan? Hindi na tayo makakalabas kapag hindi tumigil ang ulan. Baka nga may bagyo na hindi lang natin alam? My god! Pati wala rin tayong supply ng pagkain, tubig. Siguro dito na tayo mamamatay," ani Lea habang nakahawak sa braso ni Janrick.
Malamig na rin ang kalooban dahil sa ulan. Ang mga salamin ng mga bintana ay basag-basag na.
"Paano na talaga tayo?" Si Janrick.
"Naku! Siguro dapat tayong lumabas, mga boys. Bumalik tayo sa van, 'di ba mayroon tayong mga pagkain roon. Lusubin na natin ang ulan..." saad ni Giro at tumayo na sabay bukas ng malaking pinto.
Biglang umihip ang hangin at pumasok sa loob at ang ampiyas ng ulan dahilan para kaligkigin sila sa lamig.
"Mag-ingat kayo, bumalik kayo agad, huwag din kayong mag-tatagal at delikado sa labas," paalala ni Ruby sa kanilang tatlo.
Napatingin pa siya kay Marco. Napasapo nalang siya sa noo niya.
Parang hindi na ito ang dating Marco dahil sa hitsura ng mukha nito. Parang malungkot na hindi niya alam. Napabuntong hininga na lang siya sabay alis ng tingin sa binata.
"Ingat ka doon ha, Jan… Kapag nasa panganib ka isipin mo lang ako. Ililigtas kita." Humalakhak si Lea dahil sa kanyang sinabi. Napangiti na lang si Janrick sabay lumabas na silang tatlo.
Nilingon niya naman ang kaibigan. "Kaya mo pa ba, Vessie?" tanong ni Lea sa kaibigang duguan.
Umiling lang ito at hinang-hinang sumagot. "Oo... Ayos lang ako!" anito.
Naninibago tuloy si Ruby sa itinura nito. Sa ganitong paraan lang pala matatahimik ito. Pero kahit na medyo may kaartihan ay hindi pa rin nawawala ang pag-kakaibigan nila.
"Kawawa naman si Ruby, duguan na 'yong damit niya, oh," ani Lea sabay turo sa damit ni Ruby na puno na ng dugo.
Tumingin naman ang si Ruby sa sarili. Napangiti na lang ang dalaga. "Ayos lang sa akin 'to may pampalit naman ako eh. Kaya mo bang umupo ng mag-isa?" tanong ni Ruby sa kaibigang alalay.
Nakakandong kasi ito sa kanya habang ang may sugat na braso ay nasa tapat ng dibdib niya at doon dumadaloy ang dugo. Tumango na lang ang kawawang si Vessie kaya dahan-dahang iniupo ni Ruby ito.
At ng matapos ay tumayo siya. "Iihi lang ako," aniya.
Napatango na lang ang dalawa sabay alis naman niya. Hindi niya alam kung saan ang banyo. Basta ay lakad ng lakad na lang siya kung saan sa loob ng bahay na iyon.
Hanggang sa makakita siya ng isang pinto. Mala kulay puti iyon na napupuno na ng gabok at may napansin siya. Isang bakas ng kamay at dugo pa. Bigla na lang kumaba ang dibdib niya.Kahit natatakot ay nag-lakad pa rin siya patungo sa pinto. Hinawakan niya ang seradura bago itinulak iyon.
Biglang umalingasaw ang mabahong amoy. Napakip siya ng ilong niya at nilibot ang paligid. Banyo nga iyon. Napadako ang mata niya sa bathtub. Nanlaki ang mga mata niya dahil nakita.
May nakita siyang---buto-buto ng tao. Kalansay!
Dahil sa takot ay agad niyang sinaraduhan ang pinto ay ibinaba ang kanyang pantalon taposang underwear. Sa labas na siya umihi. Nang matapos ay agad siyang nag-tatakbo. Hindi pa man siya nakakarating sa living room ng bahay ay naramdaman niyang masusuka na siya.
Tumigil siya at napaduak. Parang rumihistro sa ilong niya ang amoy kaya napasuka siya. Ramdam niya rin ang pagtaas ng asido sa tiyan niya kanina dahilan para mapasuka ito.
Marami siyang sinuka. Maputla na rin ang mukha niya. Napahawak na lang siya sa kanyang tiyan. Nagugutom na siya. Paanong hindi magugutom, nag-suka kahapon at ngayon. Dali-dali siyang nag-lakad patungo sa puwesto ng dalawa. Naligaw yata siya. Hindi na niya alam kung saan pa siya dadaan. Marami kasi siyang pinasukan na pasikot-sikot.
Napailing na lang siya. Nakakita siya ng isang pinto, katulad kanina ay may print rin roong isang kamay at dugo pa ang ink. Hindi talaga maalis ang kuryosidad sa isipan niya. Gustong-gusto niya talaga malaman ang lahat. Lumapit siya sa pinto at pinihit ang seradura sabay tulak.
Bumungad sa kanya ang isang tahimik na kuwarto. May isang kama. Papasok na sana siya ng makarinig siya ng isang kantang pambata.
"Pussycat, Pussycat where have you been?
I've been to London to visit the queen."
Napatingin siya sa may kama. Kanina walang tao pero ngayon ay meron. Nakaupo ang isang babae habang nakatalikod. Naka kulay pulang bestida. Parang ito ay 'yong babae kagabi.
"Bah, bah, black sheep have you any wool?
Yes sir, yes sir, three bags full."
Hindi pa rin ito tumigil sa pagkanta. Dahan-dahan siyang lumapit rito at kinalabit. Tumingin naman ito pero pumihit lang ang ulo at ang katawan ay hindi. Napamura nalang sa isip si Ruby.
Napaatras siya. "Ate, miss me? You wanna play with me?" anito. Ang babae nga kagabi. Sunod-sunod siyang napailing.
"Huwag mo kaming idadamay. Inosente kami para sa gusto mong mangyari. Isa kang kaluluwa, ikaw lang ang may karapatang mag-hanap sa pumatay sa 'yo at hindi namin kilala. Tigilan mo na kami," saad niya sa babae. Humalakhak lang ito sa kanya.
"Fine. Madali akong kausap. Basta, papatayin ko kayo." Ngumisi ito. "May nauna na, 'di ba? Triny ko lang... Masakit bang makita ang kaibigan mong nag-hihirap?." Tumatawang saad sa kanya ng babae at nag-laho na.
Ito ba 'yong buto-buto na sa bathtub? Muli siyang napailing sabay agad na lumabas. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Ang gusto lang niya ay tumakas.
BASANG-BASA na ang tatlo dahil kanina pa silang nag-lalakad. Mayamaya pa'y nakarating sila sa van. Doon ay nakita nila ang tent na nasa sanga ng puno. Dahil sa lakas ng hangin ay agad na nalipad ito. Mabuti na lang at nakuha nila mga gamit nila kagabi.
Binuksan ni Giro ang van at agad na kinuha ang isang box na naglalaman ng mga pagkain. Kinuha rin ng dalawa ang mga gamit na naroroon. Ready palagi sila kapag bakasyon at ang lahat ng importante ay dala-dala nila.
"Ang lamig, baka bukas ay sinatin tayong tatlo," kinakaligkig na wika ni Janrick.
"Tara na. Baka nag-aalala na sila sa atin."
Nag-lakad na nga sila pabalik sa bahay. Muli nilang susukubin ang malakas na ulan at hangin.