"Sagutin mo naman ako, please..."
Muling lumunok ng laway ang dalaga bago sumagot. "Uh, O-Oo M-May third eye ako, may nakita akong babae tapos kinausap ko siya…"umupo siya sa gilid ng kama katabi niya ni Marco doon, Tumingin siya sa mga mata nito na puno ng takot at pangamba. "Gusto niyang mag-higanti at ako ang mag-hahanap kung sino man iyon. At kapag hindi ko siya napaghiganti... Papatayin niya kayo," aniya na ikinatulala ni Marco.
Ngayon lang nakita ni Ruby na para bang hindi nito maagap ang katotohanan, eh kung iyon naman ang totoo. Nakita niya rin sa mukha ni Marco na para bang---nag-sisinungaling lang siya. Mukhang ayaw niyang maniwala sa pinagsasabi nito at parang ipinapakita nito na kasinungalingan ito.
"Hindi ako naniniwala!" May kalakasang saad ni Marco.Napatiim bagang tuloy ang dalaga. Hindi niya alam kung bakita ganito na lang makaasta ang binata sa kanya. Na para bang nobyo niya na hindi niya alam.
Tumayo siya sa pag-kakaupo sa kama. "H'wag mo akong tataasan ng boses… kaibigan lang kita. We're Friends at hindi na hihigit pa doon." Si Ruby at dinuro-duro niya pa ang binata.
Napahakhak na lang si Marco. "Kaibigan mo lang ba ako? Really? Seriously?" sabi nito na may pagbibirong tono, ngunit agad din iyon napalitan ng pagkakaseryoso. "Wala ka bang nararamdaman sa akin kahit kakaunti? Hindi mo ba ako mahal?" tanong niya pa sa dalaga.
Nagulat si Ruby sa mga sunod-sunod na tanong nito sa kanya. At hindi niya aasahan na ayon ang maririnig niya sa bibig ni Marco. Oo, kaibigan lang niya, hindi niya mahal, at sa lahat ay wala siyang nararamdaman.
"Hindi! Kaibigan lang kita, hindi kita mahal. Ano bang ine-expect mo sa akin, na mahal kita? Hindi porket tinutulungan mo ako ay may nararamdaman na agad ako sa 'yo, hindi ako marupok!" Sigaw nito. "Inuulit ko... We're only friends," sambit nito sa binata.
Sinamaan pa siya ng tingin nito bago padabog na lumabas sa kuwarto. Hindi niya talaga aasahan iyon. Hindi niya mahal si Marco, kahit hanggang kailan pa siya tulungan nito dahil ang ama nito ay may kasalanan sa pamilya niya.
Namatay ang ama ni Ruby dahil sa kagagawan ng pamilya ni Marco. Nag-tatrabaho kasi ito bilang assistant ng ama ng binata sa kanilang kompaniya. Namatay ang ama nito dahil inatake sa puso dahil nagkaroon ng alitan ang kanilang ama. Nagkataon kasing nagkaroon ng problema sa kompanya ang ama ni Ruby ay hindi nakayanan ang galit kaya 'ayun ay namatay ito.
Napaluha na lang si Ruby sa naisip niya ng nakaraan. Nakaraan na iyon kaya dapat hindi na inaalala. Past is Past. Hindi naman siya galit kay Marco pero ang salitang mahal ay hindi niya matatanggap.
Humiga siya sa kama at pumikit na. Sa saliw ng mga kuliglig ay agad siyang nakatulog.
"What? Maaga na bakit ang dilim pa? It's already 7 AM. The hell!" saad ni Vessie Kinabukasan.
Nasa loob sila ng bahay na iyon. Maaga na pero ang kapaligiran ay parang mag-didilim pa. Hindi kaya ay may bagyo? Hindi eh---bago sila lumuwas ay nakinig na muna sila sa balita at wala naman raw paparating na bagyo.
Nakakumpol silang lima. Habang si Ruby naman ay nasa kuwarto pa at mahimbing na natutulog. Nagising na lang siya ng marinig ang mga ingay ng kaibigan. Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Sumilip muna siya bago bumababa. Para tuloy siyang Prinsesa dahil sunod-sunod na napatingin ang mga ito sa kanya. Paglapat ng paa sa sahig ay muli siyang nag-lakad sa kinaroroonan nila.
"Anong nangyayari?" tanong niya.
Napataray naman sa kawalan si Vessie na parang hindi niya matanggap na bagong gising si Ruby pero angganda ganda parin. "Hindi ka naman model, right? Bakit parang nag-momodel ka kanina pababa? You aren't beautiful, at ako ang maganda sa ating tatlo," ani Vessie at nag-pa-cute pa.
Kahit kailan talaga napakakontrabida.
Ngumiwi naman si Ruby dito. "Hindi iyan ang gusto kong makuhang sagot, Vessie. Ano ba talaga ang nangyayari?" muling tanong niya.
"Tsk! Commonsense, Ruby. Tingnan mo ang paligid. Madilim, right? Tss!" anas pa ni Vessie at lumayo na sa kanila.
Iba talaga ang kulo ng dugo niya sa dalaga, eh. Napabuntong hininga na lamang si Ruby na tumingin sa kapaligiran. Madilim at parang nagbabadya ng isang malakas na ulan. Hindi kaya totoo talaga ang sinasabi ng babae kagabi?
"Pasensya ka na kay Vessie, ah. Masama lang talaga ang umaga niya," ani Giro.
"Okay lang iyon sa akin, gan'yan na talaga siya dati pa. A-Aalis na ba tayo?"
"Hindi natin alam... Walang gasolina ang van and baka maabutan tayo ng ulan. Maiiging dito na muna tayo, baka kasi may dumating na bagyo, eh," wika ni Marco.
"But... Nakakatakot rito, katulad na lang kagabi, may parang nagmamasid sa akin. Para bang may kaluluwa. I'm scared na, baby Jan…" sabi ni Lea sabay yakap kay Janrick.
Mag-on na 'ata ang dalawang ito. Kung makaasta kasi ay parang sila na. Baka sila na nga. No, Sasabihan niya si Ruby kung sila na. Baka Friends with benefits?
Wala na nga silang nagawa. Agad silang nag-pulusan patungo sa kanilang kuwarto. Ano na naman kayang trahedya ang nag-hihintay sa kanila?
Sunod-sunod na napailing na lang si Ruby sabay muling tumaas. Pero hindi pa man siya nakakalahati ay agad niyang narinig ang tili ni Vessie sa hindi kalayuan. Hindi siya puwedeng mag-kamali. Si Vessie nga 'yon.
Agad siyang tumakbo kung saan nanggagaling ang sigaw. Mayamaya pa'y agad na nakita ng dalaga si Vessie na nakahiga sa sahig habang sapo-sapo ang braso na---nag-durugo?
Dahil sa gulat niya ay dali-dali siyang nag-tatakbo. Iniangat niya ang ulo nito bago hiniga sa binti niya. Inalo niya 'to.
"Vessie, anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tiig ni Ruby.
"Tu-lu-ng-an mo-ko, Ru-by. Ma-ma-ma-tay na ya-ta ako..." nag-hihingalong saad ni Vessie habang hindi pa rin binibitawan ang brasong duguan.
"Huwag mong sabihin 'yan. Sinong may gawa niyan sa 'yo?" may kalakasang tanong niya. "Tulong! Guys, si Vessie. Tulong!" sigaw pa niya.
"M-may naki-ta ako-ng ba-bae. Ma-y haw-ak na gun-ting tap-os gus-to niya pa yatang pu-tulin ang bra-so ko. Ay-oko na rito, killer siya," anito sa kanya na may magmamarteng tinig o baka normal lang na boses niya 'yon?
Nang may biglang rumihistro sa utak niya.
"Ipag-hihiganti mo ako o… papatayin ko ang mga kaibigan mo?"
Nanumbalik na naman ang kuryosidad sa kanyang isipan. Hindi kaya't ito na ang sinasabi nang babae kagabi. At ang sabi pa sa kanya ni Vessie ang may kagagawan daw ay 'yong babaeng may gunting. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kailangan na talaga niya ditong umalis.
Kalaunan ay nag-sidatingan na rin ang mga kasamahan nila. Nagulat dahil sa sitwasyon ni Vessie na duguan habang papikit-pikit.
"OMG! What happened, Vessie?" tanong ni Lea sabay lapit rito.
"Long story, I need to rest na," aniya.
"Huwag kang pipikit! Tatagan mo lang ang sarili mo maiiligtas ka namin. Aalis na tayo rito, kailangan na nating umalis at masyadong delikado..." saad ni Ruby.