TULAK-TULAK nila ang van nang mga oras na 'yon. Halos mag-iisang oras na sila sa pag-tulak pero hindi pa rin sila nakakalayo. Mabigat kaya itulak ang van dahil sa laki nito. Mayamaya pa'y tumigil si Vessie dahil sa inis. Kahit malamig ang simoy nang hangin ay pinagpapawisan pa rin sila.
Napasapo nalang ito sa kaniyang noo at inilahad ang kamay upang ituro ang kalsada. "My god! See?, hindi pa tayo malayo sa puwesto natin kanina.." Lumaylay nalang ang kaniyang magkabilang balikat dahil sa nararamdaman na pagod. "Bukas na lang uli. Pahinga na muna tayo oh," aniya at umupo sa isang malaking bato na nasa gilid lamang nang kalsada.
"Kaya nga, hindi naman naalis ang mga resort kaya puwede na nating ipag-pabukas. I'm tired, kayo ba hindi?" Si Lea.
"We're tired too. Bro, bukas na nga lang." Lumaylay nalang bigla ang balikat nito at lumingon kay Giro. "Pagod na kasi 'tong mga girls… May tent naman tayo, hindi ba? So we can stay in here, just like camping." wika ni Janrick sabay upo sa damuhan. Napatango na lamang si Giro patunay na interesado sa sinabi nito.
"Bakit dito, hindi ba puwedeng sa loob ng van?" pagalit na tanong ni Vessie. Kahit kailan talaga..Napakaarte!
Mabilis na umarko naman ang kilay ni Lea. "Nakaupo, gusto mo?" anito.
Tinarayan naman ni Vessie ito at pinagkrus ang kaniyang braso."Eh, mas okay pa sa loob kahit nakaupo tayo, 'di ba, Ruby?" anito sabay baling kay Ruby na nakatingin sa kawalan.
Gulat na lumingon si Ruby na hindi alam kung anong isasagaot oo ba o hindi. "O-Oo naman," sagot ng dalaga na napayuko dahil sa naramdaman na hiya.
"Sige, mag-solo ka sa loob. Baka kapag nagising ka, wala na kami!" sambit ni Janrick sabay halakhak nang malakas.
Inirapan lang siya nito. "Hindi ako natatakot sa sinasabi mo. I have my own mind para makauwi."
"Okay, sa loob ka, ha," saad pa nito.
Napapikit nalang ito at nagyukom ang kamay. "No!" Maarteng tinig nito.
"Tumigil na nga kayo! Para walang away dito na lang tayo sa labas. Tatlo naman ang tent natin ah, so by partner 'yan," sabi ni Giro at binuksan ang van sabay kuha nang mga tent na dala-dala nila.
"Si Lea ang partner ko," anang Janrick sabay baling kay Lea at kinindatan pa. Para nabaliw ang dalaga dahil sa tensyong ipinarating sa kanya nito.
"What? Dapat kami ni Lea, no," anas ni Vessie sabay hawak sa braso nito.
Umarko naman ang labi ni Lea. "Tsk! Bawal... Dapat boy and girl."
"Ayan na naman kayo eh… Janrick and Lea ang mag-partner, Ako at si Vessie, at si Marco naman kay Ruby," sambit ni Giro habang inaayos ang tent. Napabuntong hininga nalang ito dahil sa mga kaganapan.
Napairap na lang si Vessie. "What? Ikaw, partner ko? My god, hindi ko kaya 'to," saad niya.
"Basta kami ni Lea, 'di ba my loves?" tanong pa ni Janrick.
"Oo naman… Basta ikaw," kinikilig na saad ni Lea sabay hawi nang buhok sa kanyang likuran.
Tumigil naman si Giro sa pag-aayos ng tent at humarap sa mga kasama. "Uh.. Guys, Paalala lang wala tayo sa hotel, okay? Kaya sana wag muna mag, Uhmm… Alam niyo na." Ngumisi naman ito. Nagtawanan naman ang lahat maliban kay Ruby na yakap yakap ang sarili dahil nilalamig.
TUMAYO SI Ruby sa pag-kakahiga. Bigla na lang kasing tumibok ang puso niya. Nakahawak siya doon na para bang aatakihin na. May kakaiba kasi siyang naramdaman na biglang sumulpot.
"Anong nangyari sa 'yo?"
Napabaling siya sa kanyang tabi. Nag-aalalang mukha ni Marco ang bumungad sa kanya.
"Para kasing may mangyayaring masama na hindi ko alam. Kanina pa ako balisa, nakikiramdam sa paligid. Nakakatakot," aniya.
Umupo rin naman si Marco sabay akbay kay Ruby. Kinagat naman ni Ruby ang kaniyang ibabang labi at nag-angat ng tingin.
"Don't believe it. Wala lang 'yon, guni-guni mo lang ang lahat." Iiling iling na sabi ni Marco rito. "Nilalamig ka ba?"
"I'm O-Okay... Don't mind me," tipid na ngumiti ito. "Ah, naiihi pa yata ako," anas ni Ruby nang makaramdam na maiihi na siya.
"Gusto mo bang samahan kita sa labas?"
Tumango na lamang siya sabay bukas nang tent. Kinuha muna ni Janrick ang flashlight sa bag niya bago sumunod. Bumungad sa kanila ang tahimik na kapaligiran. Ang malamig na simoy nang hangin. Mga cricket na humuhuni. Nabasag iyon nang makarinig sila nang mahinang ungol. Napatingin silang dalawa sa tent nina Janrick.
May bukas na flashlight sa loob at naaninag nila ang ginagawa nang dalawa. Mga bastos.
"Ugh...Faster please," ungol ni Lea.
Gumagalaw na ang tent dahil sa ginagawa nila. Napatalikod na lang si Ruby na napatawa. Mga manyak pa 'tong kaibigan niya. Hindi siguro napigilan ng dalawa. Malamang sa malamang ay malalagot sila kay Giro.
Napahawak naman si Ruby sa pantog niya. "Tara na, ihing-ihing na ako," saad niya at tuluyan nang nag-lakad. Sumunod na sa kanya si Marco.
"Diyan ka na ba iihi? Tatalikod ako, ha," saad nito nang biglang tumigil ang dalaga sa madamong lupa sabay talikod.
Umihi na nga ang dalaga at nang matapos ay itinaas na niya ang kanyang palda. Hindi pa man siya nakalakad nang may maramdaman siyang madulas na gumapang sa paa niya. Dahil sa takot ay agad siyang nag-tatalon sabay takbo kay Marco at tinulak ito kung saan. Nahulog na rin ang flashlight dahil sa kadalian nang dalaga.
"Ahas... Ahas... Ahas!"
Tumigil silang dalawa. "Ahas?" Kunot noong tanong ni Marco.
"Oo, may ahas na gumapang sa paa ko… Nakakatakot ayoko na rito, gusto ko nang umuwi." Mangiyak ngiyak na sambit nito.
"Nandito ako kaya ligtas ka. Tara na sa tent, doon wala pang ahas," anito sa dalaga sabay hila pero agad din itong napatigil. Tumingin sila sa paligid. Bigla silang natigilan. Sabay lumingon ang dalawa at nagtama ang kanilang paningin.
Nasaan na sila? Hindi na nila alam kung nasaan na sila? Ito naman kasing si Ruby, kung makatakbo wagas at ayon. Hindi na nila alam kung saan ang daan pabalik sa kinaroroonan nila kanina.
"Sorry, takot na takot lang kasi ako. I hate snakes at lalo na 'yong mga taong ahas," Nagbaba siya ng tingin at mabilis na nagtaas din ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya ng halos maglapat na ang kaniyang labi kay Marco.
Humakbang naman ito para magkalayo sila ng kaunti. Tumingin siya dito ngunit nag-iwas din ng tingin. "B-Baka dideretsuhin natin 'yan, diyan naman tayo nanggaling eh,T-Tama ba?"
Napakunot ang noo ni Marco. "Hindi, kumaliwa pa tayo tapos kanan tapos---hindi ko na alam. Naliligaw na yata tayo, Ruby..." saad pa nito.
"Hala! Tara na nga," anas ng dalaga sabay yakap sa sarili dahil biglang umihip ang malamig nang hangin.
Napasunod na lang ang binata. Dineretso nila ang tinutukoy kanina mg dalaga. Kumanan at kumaliwa. Pero hindi ang mga kasamahan niya ang kanilang nakita.
Mga ilang square nang lupang iyon ay madamo at walang puno. Sa gitna nang madamong 'yon ay may malaking bahay. May tatlo itong palapag. Wari'y nila'y sinaunang bahay—hindi bahay kun'di mansion iyon dahil sa style. Dali-dali silang pumunta sa pinto at kumatok.
"Tao po! Tao po!" sunod-sunod na sigaw ni Ruby likod nang pinto pero ang katahimikan nang paligid ang sumagot sa kanya.
Muli siyang sumigaw pero wala talagang tao. Kung wala, eh puwede silang pumasok dalawa.
"Buksan ko na kaya," ani Marco sabay hawak sa seradura.
Natigilan si Ruby at napatingin sa gilid nito. "Wait---do not enter raw, tingnan mo." Tinuro niya iyo at hinawakan ni Ruby ang isang plywood na nakasabit sa hindi kataasan.
May nakasulat nga roong, 'do not enter'. Papasok ba sila kahit walang tao o aalis na lang sila?