PHOTOSHOPPED
Written by jemiahskie
SYNOPSIS
Naniniwala ba kayo na ang isang pangyayari sa buhay natin ay maaaring makapagpabago ng kabuuan sa buhay natin at sa buhay ng ibang tao?
Na ang inaakala nating happy ending ay tragic pala at ang tragic ay happy ending naman pala?
Marzia Santa Cruz is just a typical loner girl. Hindi makausap, madalas lutang at antukin sa eskwelahan. Typical top 1 sa klase at wala na siyang ibang hangad kundi ang makataas at matupad ang pangarap ng mga magulang niya para sa kanya. Dahil sa tingin niya, ito na lang ang tangi niyang paraan upang bumawi sa lahat-lahat.
She was once a very happy girl. An innocent child and a kind loving daughter. Ma'y kilala ba kayong kaklase niyo na palagi niyong nakikitang lutang at maya-maya'y nakatitig na lang sa kawalan? Tahimik? At palaging seryoso sa buhay?
Do you ever wondered why they act like that? Naniniwala ba kayo na ang lahat ng tao ay ma'y rason kung bakit nagiging 'ano' sila sa mundong ito? Kung bakit seryoso 'yung iba at hindi man lang ngumingiti ni minsan, 'yung iba nagiging bully, bitch, at masamang tao?
Lahat ng tao ma'y rason kung sino at ano sila ngayon sa mundong tinatayuan natin. At ang kwento ng ating bida ay ma'y malaking rason kung sino at ano siya ngayon. Kung pa'no siya binago ng nakaraan niya at kung paano siya maglalakbay sa hinaharap habang pasan-pasan ang nakaraan.
Walang mali na dalhin ang nakaraan sa hinaharap. Ang mali ay 'yung ibaon mo ito sa sarili mo habang tumutungo ka sa panibagong yugto ng path mo sa buhay. We have different paths in life, at 'yung iba ay naliligaw. But do you believe that everyone is given a chance to change for the better?
Pero iba ang deal natin sa loner na si Marzia. Dala-dala niya nga ang nakaraan niya habang naglalakbay sa hinaharap, ngunit labis niyo na itong nakalimutan. Nakalimutan niya na nga for the better and best pero mismong siya ay pilit niya pa ring hinahanap at binabalik-balikan ang nakaraan.
O, 'di ba? Mismong tayo na rin minsan ang nagdadala sa'tin sa bagay na alam nating ikakasakit natin. Pero pa'no nga ba niya napapanatiling nasa isip ang nakaraan niya? Ano nga bang paraan ang ginawa niya upang hindi makalimot? Ano nga bang paraan ang ginawa niya bilang Photoshopper?
At paano kung ang hinahanap-hanap niya palang salarin sa napakalupit na miserable niyang buhay ay nasa tabi-tabi lang? Magagawa kaya niya itong harapin at bumawi sa kanya? After all, for her, revenge is the best key to ease the pain.
Lubos namang magbabago ang buhay niya nang dumating ang dalawang lalaki---isang typical vlogger at typical jock. Well, hindi sila basta-bastang lalaki. Sila na siguro ang ma'y hawak ng susi upang makawala na ang dating inosente na batang babae mula sa kadiliman na ngayon ay lubos na naghihirap dahil sa nakaraan.