Chereads / Unstoppable:Series / Chapter 5 - Chapter 4:The Toughest Wood

Chapter 5 - Chapter 4:The Toughest Wood

MAAGA palang ay sinimulan na ni Kwame ang pagbubuhat ng mga balde sa kanyang balikat at madali na lamang sa kanya iyon.Pinag-aralan niya rin ang shadow fight sa lugar ng kabundukan at ipinamalas ang kanyang kakayahan sa kanyang tagapagturo at nag-alok ng duelo.

"Ihanda ang iyong katawan!"sigaw ni Ginoong Romeo habang magkatapat silang dalawa.

Huminga ng malalim si Kwame at umistilo para sa gagawing pag-atake.Hawak niya ang matalas at mahabang espada at napalingon pa siya dito.

Natandaan niya ang sinabi ni Ginoong Romeo tungkol sa hawak-hawak niyang espada.Ang sword na makakapatay sa mga demon.

"Ang Nichirin Blade"natandaan ni Kwame ang sinabi ni Ginoong Romeo. "Ang espesyal na espada na isa sa mga kahinaan ng mga Demons.Gawa ito sa Scarlet Crimson Iron Sand at Scarlet Crimson Ore na parehas na matatagpuan sa napaka taas na bundok ng Sunlight Mountain na palaging nasisikatan ng araw kada taon.Makukuha lang ito ng isang Demon slayer kapag nakapasa siya sa Final selection at kung anong makukuha niyang ore ay gagawing espada nito ng isang swordsmith na mahigit sampu hanggang labing limang araw"

Hinawakan ni Kwame ng mabuti ang espada matapos alalahanin ang lahat ng sinabi ng ginoo at inayos ang tindig ng katawan.Humangin ng malakas sa gitna ng katahimikan at nabalot ng tensyon ang buong paligid.

Sa hindi kalayuang lugar ay nakamasid si Wint sa dalawa habang nakaupo ito sa sanga ng puno.May dala pa itong mansanas na kinakain na para bang nasasayahan sa kanyang panonood.

"Handa....."

Parehas na naglaho sa kinatatayuan ang dalawa dahil sa mabilis nilang kilos.Ang hangin ay lumakas na halos masira ang mga dahon sa puno at maririnig ang malakas na kislap ng kidlat sa dalawang nagd-duelo.

"Thunder Breathing,First Form:Thunder Clap And Flash!"A laud voice from Kwame and he dashed to his trainer but he got missed.

"Breath Of Thunder,Third Form:Thunder Swarm"ang atake na binigay ni Ginoong Romeo at mabilis na iniwasan iyon ni Kwame.

"Thunder Breathing,Fourth Form:Distant Thunder"Kwames sword release a multiple ranged thunder.

"Thunder Breathing,Second Form:Rice Spirit!"A technique from Mister Romeo to defend the fourth form of Kwame.

Tumakbo ng mabilis si Kwame paikot sa paligid nj Ginoo ng Romeo at nakamasid lang ito sa susunod niyang gagawin.Sa isang kislap mata ay naglaho ng mabilis ang binata na siyang kinagulat ng kanyang trainer.Napalingon sa buong paligid si Ginoong Romeo at inistilo ng depensa ang kanyang espada.

Padausdos ang paa ni Kwame nang lumitaw sa harapan ni Ginoong Romeo na ikinabigla nito.

"Breath Of Thunder,Fifth Form:Heat Lightning!!"A single,focused slashed attack by Kwame and he wounded the arms of his trainer.

Tumalsik sa malaking puno si Ginoong Romeo at nabitawan ang kanyang espada.Nawala ang kidlat sa katawan ni Kwame at mabilis na nilapitan ang ginoo na puno ng pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ginoong Romeo!!!"sigaw ni Kwame at lumuhod para maabot ng kanyang mga kamah ang katawan ng matanda.

Paupong isinandal nito sa puno si Ginoong Romeo at napalingon siya sa nagdudugong braso nito.Hinubad niya ang kanyang makapal na damit a ipinantapal ito sa sugat ng ginoo.

"Huwag mo akong alalahanin Kwame.Kaya kong pigilan ang pagdudugo nito"Tinanggal ni Ginoong Romeo ang makapal na damit na nakatali sa kanyang braso at paulit-ulit na huminga ng malalim.

Nanlaki ang mata ni Kwame nang makitang tumigil sa pagdugo ang sugat ni Ginoong Romeo at todo mangha siya rito.Iginawad ng binata ang kanyang kamay at inalalayan ang kanyang trainer na tumayo.

Napangiti si Ginoong Romeo kay Kwame at tinapik ang ulo nito.Napangisi si Kwame dahil sa ginagawa ng kanyang trainer.Alam niya na nalulugod ito dahil natutuhan na niya kung paano gumamit ng Nichirin Blade at Breathing.

"Ngayon ay talagang masasabi kong gumaling ka na talaga ijo.Kaya ngayon ay tutungo na tayo sa huli mong pagsubok na ibigay ko sayo para makatawid sa Final Selection"Biglang sumeryoso ang mukha ng ginoo at naglakad sa kanang gawi.

Sinundan lang ito ni Kwame at naglibot-libot s'ya sa buong paligid at pinagmasdan niya ang mga nagsisiliparang ibon na humuhuni pa na parang isang musika.

Napatigil sj Kwame sa paglalakad nang bumangga siya sa likuran ni Ginoong Romeo dahil tumigil ito sa paglalakad.Napaatras ang binata ng isang hakbang dahil sa nakita niya.

Isang malaki at makapal na tabla ang bumungad sa kanyang harapan at ang tangkad nito ay kasing tangkad ng isang kubo.Wala siyang alam sa susunod niyang pagsubok,ngunit kung ito ang huli niyang pagsasanay ay kailangan niyang ibigay ang lahat ng makakaya niya.

"Ang punong iyan ay tinatawag kong Unbreakable.Mula ito sa pinaka matayog,matibay at walang kupas na puno na matatagpuan sa pinaka mataas na bundok dito sa Baguio"pagpapaliwanag ng ginoo.

Humarap si Ginoong Romeo at tinitigan ang mga mata ni Kwame.Tinapik niya ang kaliwang balikat ni Kwame at tumango.

"Ngayon,kailangan mong masira ang tablang iyan para payagan kitang makapunta sa Final Selection.Gawin mo ang makakaya mo para sa kinabukasan ng mga tao na normal na nabubuhay dito sa mundo.Inaasahan kong masisira mo ang tablang 'yan sa lalong madaling panahon"

Naglaho sa mga mata ni Kwame ang kanyang guro at natulala siya sa sinabi nito.Sino nga 'bang tao ang makakahiwa ng isang malaking kahoy na napaka kapal at napaka tibay.Nag-aalangan ang binata at nagsisimula na siyang mamawis kahit na napaka lamig ng panahon.

Naglakad siya papalapit dito at hinawakan ang tabla.Napaka kinis nito at napaka tibay nga ng pagkakagawa nito.

Nag-aalangan ang binata kung magagawa ba niyang mahiwa ang isang napaka laking tabla.Isang tabla na kahit sino ay walang nakakasira pa nito.

His eyes widened when he saw Yves' smiley face in his mind.He hold his sword and take a deep breath.

"Para sa kaibigan ko!"Sigaw nito at malakas na iniwasiwas ang espada sa malaking tabla.

Ganun na lamang ang kanyang pagkagulat nang wala manlang makikitang hiwa kahit na maliit na gasgas sa tabla.Totoo ang sinabi ni Ginoong Romeo.Isa itong matayog,matibay at walang kupas na kahoy.

Paulit-ulit na pinaghahampas ni Kwame ang kanyang espada sa malaking tabla at hindi pa rin niya magawa itong mahiwa.Nagamit na rin niya ang lahat ng form ng Thunder Breathing mula una hanggang pang anim na form ay walang tumalab sa napaka tibay na tabla.

Inabot na siya ng gabi ngunit hindi parin siya tumitigil sa kanyang ginagawa.Sugatan na ang kanyang palad at ramdam niya ang hapdi nito ngunit hindi niya iyon inalala dahil sa mithiing maibalik si Yves sa totoong pagkatao nito.

Dahil sa pagod ay nabitawan niya ang kanyang espada at bumagsak sa lupa.Pinagmasdan niya ang bilugang buwan na nagbibigay liwanag sa buong kadiliman.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil sa pagod.Paulit-ulit ang paghinga niya ng malalim at nanginginig na ang buong katawan niya.

"Hello Master"

Habang nakapikit ay isang boses ng isang bata ang kanyang naririnig.Paulit-ulit ito sa pagsasalita ng 'Master' ngunit hindi niya kayang maidilat ang mga mata niya.

Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata.Isang batang lalaki na maisusukat mo ang edad sa labing limang edad.Kwame looked the salamander eye color of this child and he didn't know why did he smile when he see the cute face of this young human.

"Mukhang pago kana Master"Lumuhod ang batang ito at kumuha ng isang bamboo at itinapat ang maliit na butas nito sa nakaawang ba bibig ni Kwame.

Isang tubig ang dumaloy sa bunganga ni Kwame at nilagok iyon.Isinara ng bata ang kanyang bamboo at itinago sa maliit na bag nitong kulay itim sa kanyang baiwang at inalalayan si Kwame na makatayo.

"S-Salamat"hinihingal paring sabi ni Kwame.

"Walang anuman Master"masayang sabi nito.

Napalingon si Kwame sa kaluban ng espada nito na kulay orange at napaangat ito sa mala apoy na buhok nito.

"I-Isa kang demon slayer?"pagkabiglang tanong ni Kwame.

"Opo, Master.Isa akong Pillar,kahit hindi ka maniwala ayos lang"At tumawa ito at halos mawala na ang mata nito dahil sa pagka chinito nito. "Ako si Joriz Del Fuego,isang Fire Breathing user at isa sa mga tagapagtanggol at tagapagbantay niyo Master"saad pa nito.

"Hindi ko akalaing sa ganyang edad ay isa kang Pillar"manghang sabi ni Kwame.

"Labing limang taon naman na ako.Isa na akong teenager noh"

Napalingon ang batang nagngangalang Joriz at napailing na lamang siya ng ulo.

"May hinahanap ka ba?"tanong ni Kwame.

"Hinahanap ko kasi si Wint kasi kinuha niya yung alaga kong fox na si Yordle.Nagtatago siya sa akin ngayon dahil takot siya sa akin.Sa oras na mahanap ko ang pangit na 'yun malilintikan talaga siya sa akin.Susunugin ko ang buhok niya!"inis na sabi ni Joriz.

Napakamot na lamang si Kwame ng ulo dahil sa sinabi ng maliit na binatang ito.Lumingon si Joriz sa kanya at ngumiti ulit.

"Sige na po Master.Inaasahan kong mahihiwa mo ang malaking tabla na iyan ah.Basta tandaan mo.Sa oras na hihiwain mo ang tablang iyan ay magpakawala ka ng malakas na pwersa sa iyong braso at dibdib na nanggagaling sa iyong baga.Tips lang iyan sa'yo"At mabilis natumakbo ito paalis sa lugar ni Kwame.

Napaisip si Kwame sinabi ni Joriz.Magpakawala ng malaka sna pwersa sa braso at dibdib na nanggagaling sa sariling baga.Iyon ang itinanim niya sa kanyang isipan.

"Hindi man sa ngayon,hindi man bukas at sa mga susunod na araw at linggo.Balang araw ay mahihiwa ko rin ang malaking tablang ito"

_____________________________________

NAKAUPO sa malaking boulder na katabi ng isang falls si Wint habang hinihimas ang balahibo ng alagang fox ni Joriz.Natutulog ng mahimbing ang fox at nakangiti lang si Wint dahil nasisiyahan siya sa paghimas dito.

"Sinisigurado kong hindi ako mahahanap dito ni Joriz.Kapag nasalala ko ang mukha niya natatakot ako sa mata niya.Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko ninakaw itong fox niya—"

"IBALIK MK SAKIN SI YORDLE!!!!!!"

Napaangat ng ulo si Wint sa kanyang itaas at nakita ang galit na galit na mukha ni Joriz at nakataas ang dalawang kamay nito na may hawak na espada.Agad siyang umiwas sa atake at ang boulder na kanyang inuupuan kanina ay nahati sa dalawa at ang mga tubig na nanggagaling sa falls ay malakas na nagsitalsikan.

"J-Joriz p-paano mong nalaman na nandito ako—"

"ARRGHHHH!"

Nag-apoy ang sword ni Joriz at binalak na atakihin si Wint na hawak-hawak parin ang alaga nito.Agad ulit na nakaiwas si Wint at halos madulas pa siya nang may lumot ang pinaglapagan niya.

"MAG-UNOS DILI KA NGA JORIZ—AHHHH!!"

Napayuko si Wint nang atakihin nanaman siya ni Joriz at mabilis na palundag na tumakbo at itinuntong ang mga paa sa isang sanga ng maliit na puno.

"HINDI KITA TITIGILAN HANGGANG HINDI MO BINABALIK SA AKIN SI YORDLE!!"

"SA SOBRANG GALIT MO BAKA SI YORDLE ANG MATAMAAN MO!"

"Breath Of Flame,First Form:Unknown Fire"Lumabas ang apoy sa espada ni Joriz at mabilis na palapit na umatake kay Wint.

"AHHHHHHHH!"sigaw ni Wint.

_____________________________________

*After Three Months*

Nakatayo si Kwame sa tapat ng malaking tabla at ang buong katawan niya ay nasisikatan ng araw.He keep focusing to his abdominal muscle and take a style and form an attack.

Nakatitig siya sa sentro ng kanyang atakihing parte ng kahoy at sinimulan niyang bumuntong hininga.

Tatlong buwan na ang nakakalipas nang mag-umpisa siyang pagsanayin ang paghiwa sa malaking kawayan.Nagtitiwala siya sa sarili niya na magagawa na niyang sirain ang malaking tabla na magdadala sa kanya sa Final Selection.

Sa gitna ng katahimikan ay lumabas ang kidlat sa espada nito nang bahagya niya itong hinila at hindi pa ito tuluyang naaalis sa kaluban nito.Kumalat ang kidlat sa kanyang katawan at humangin ng malakas.

Tumakbo siya ng mabilis papalapit sa tabla at ang kanyang kinatatayuan kanina ay halos masira ang lupa dahil sa pwersa ng kanyang mga paa.

"Magpakawala ng malakas na pwersa sa iyong braso at dibdib na nanggagaling sa iyong baga"bulong niya sa kanyang sarili.

A vertical slashed from the Thunder Blade gives a powerful attack.Nang ipatama niya ang kanyang patalim sa tabla ay isang malakas na kulog ang umalingawngaw sa buong lugar ng bundok.Sa pagkakataong iyon ay nahati sa dalawa ang malaking tabla na siyang ipinagkagulat ng binata.

Hingal na hingal si Kwame dahil sa ginawa niya.Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang mahiwa ang napaka laking tabla.

"Nagawa ko...N-Nagawa ko...NAGAWA KO!!!"

Binitawan niya ang kanyang espada at nagtataling sa saya.Ilang sandali ay pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa kasiyahan.

"Dahil d'yan ay papayagan na kitang pumuntang Final Selection"

Napalingon si Kwame sa pinanggalingan ng boses at nakita si Ginoong Romeo na nakatayo 'di kalayuan sa kanya.Tumakbo siya dito papalapit at mahigpit na niyakap ang matanda.Nagulat si Romeo dahil sa pagkayakap ni Kwameat napangiti siya sa binata.

"Hindi ko alam kung gaano ka kalakas Kwame.Nang marinig ko ang malakas na kulog na nanggaling sa'yo ay kinatindig iyon ng aking balahibo"Iyon na lamang ang nasabi ni Ginoong Romeo sa kanyang isipan.